You are on page 1of 19

Pinagyamang Pluma

“Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Pahina 108-120
Ano ang PAKSA?
- ito ang pangkalahatan o
sentral na ideyang tinalakay sa
isang sulating pananaliksik.
INTERESADO KA O GUSTO MO ANG
PAKSANG PIPILIIN
- paksang marami ka nang alam
- paksang gusto mo pang higit na
makilala o malaman
- paksang napananahon
May mga kabutihan ang pagpili ng
paksang may malawak ka nang kaalaman
sapagkat batid mo na kung saan ka
kukuha ng mga gamit na kakailanganin
mo sa pagbuo nito tulad ng mga aklat,
datos, o mga taong eksperto sa nasabing
paksa bago pa man simulan ang
pananaliksik.
Madalas, may mga tao kang higit na
gusto pang makilala o mga bagay na
hindi gaanong alam at gustong-gusto
mo sanang higit pang malaman o
makilala.
Maraming kabutihang maidudulot ang
pagpili ng mga paksang napapanahon.
Magiging makabuluhan ang anumang
magiging resulta ng iyong pananaliksik
sapagkat magagamit ito ng nakararami
dahil angkop o tumutugma ito sa
kasalukuyang pangangailangan.
MAHALAGANG MAGING BAGO O
NAIIBA(UNIQUE) AT HINDI KAPAREHO NG
MAPIPILING PAKSA NG KAIBIGAN MO.
- maging kapakipakinabang ang bagong
paksang matuklasan
- maiiwasan ang pagkukumpara
- walang kakumpetensiya sa
pangangalap ng datos at pag-iinterbyu
MAY MAGPAKUKUNAN NG SAPAT AT
MALAWAK NA IMPORMASYON
- tiyaking may resources(tao o bagay)
ay nariyan at maaring magamit sa oras o
panahong kakailanganin para sa gawain
MAARING MATAPOS SA TAKDANG
PANAHONG NAKALAAN
- alamin ang haba ng panahong
nakalaan para sa kabuuan ng gawain at
saka ito hati-hatiin sa bawat bahagi upang
magtagumpay
1. Alamin kung ano ang inaasahan o
layunin ng susulatin
Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong
paksa ay mahalagang malaman mo muna ang
layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik
para maihanay o maiugnay mo sa mga
layuning ito ang iyong mga gagawin.
Ang layunin ng gawaing ito ay maipamalas o
ang kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa
kaalaman sa oryentasyon, layunin gamit, metodo, at
etika ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagbuo ng
sulating pananaliksik patungkol sa mga paksang
napapanahong magagamit ng mga guro at
administrador ng paaralan sa pagpaplano at
pagpapabuti ng mga programa at serbisyo ng
paaralan para sa mga mag-aaral.
2. Pagtatala ng mga posibleng maging
paksang pwedeng pagpilian ng mga
mag-aaral.
May mga gurong nagbibigay ng mga
paksang maaaring pagpilian ng mga
mag-aaral. Ang mga paksang ito ay
nakaugnay sa mgal layunin.
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wili
gawin o saliksikin para sa iyon?
Bakit ka interesado rito?
Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag
naihanap ko ng kasagutan?
Alin ang alam na alam ko na? Alin gusto mo
pang lalong makilala o mapalawak ang
kaalaman?
3. Pagsusuri sa mga itinalayang ideya
Alin ang maaaring mahirap ihanap ng
kagamitang pagkukunan ng impormasyon?
Alin ang masyadong malawak at mahirap
igawan ng pananaliksik?
Alin naman ang masyadong makipot o maliit
ang sakop?
Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin
mong tapusin sa itinakdang panahon?
4. Pagbuo ng Tentatibong Paksa
Mula sa mga sagot mo sa mga tanong
na ito ay matutukoy mo kung alin sa mga
nakatala sa iyong papel ang maaari mong
ipursige bilang paksa ng iyong sulating
pananaliksik. Lagyan ng tsek ( /) ang mga
ito gamit ang mga naunang tanong bilang
gabay. Magdesisyon ka at itanong sa
4. Pagbuo ng Tentatibong Paksa
Alin kaaya sa mga ito ang pinakagusto
ko o pinakamalapit sa aking puso,
pinakamadali kong maihahanap ng
kasagutan, pinakamadalilng maiuugnay saa
layunin, at tiyak na matatapos ko sa
limitadong oras na ibinigay sa akin para
tapusin ang gawain?
Base sa sagot na ibibigay mo sa tanong na ito ay mapipili mo na ang iyong
tentatibong paksa.
5. Paglilimita ng Paksa
Maaaring sa una’y malawak ang paksang
mabubuo mo kaya’t kakailanganin mong limitahan
ito upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong
pananaliksik. Tandaang hindi dapat maging
masyadong malawak o masaklaw ang paksa na sa
dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay
hindi na matatapos sa takdang panahon at hindi
maihahanap ng angkop na kasagutan.
5. Paglilimita ng Paksa
-Malawak o Pangkalahatang Paksa:
Labis at Madalas na Pagpupuyat sa mga Mag-aaral
-Nilimitahang Paksa:
Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga
Mag-aaral at ang Epekto nito sa kanilang Gawaing Pang-
akademiko
-Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga
Mag-aaral sa Ikasampung Baytang ng Heneral Gregorio del
Pilar High School at ang Epekto nito sa kanilang Gawaing
Pang-akademiko
5. Paglilimita ng Paksa
-Malawak o Pangkalahatang Paksa:
Persipsiyon sa mga taong may tattoo sa katawan
-Nilimitahang Paksa:
Persipsiyon ng kabataan sa mga taong may tattoo sa
katawan
-Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
Persipsiyon ng kabataang nasa edad 13-19 sa mga taong
may tattoo sa katawan

You might also like