You are on page 1of 3

PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

Panimula: Ang pagbabalangkas ay ang Sistema ng isang maayos na paghahati-hati ng mga kaisipan ayon sa tataluntuning
lohikal na pagkakasunod-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsulat. Mahalagang bahagi lamang ang nakapaloob dito
upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang pananaliksik. Nakatutulong ito sa
paglilimita sa paksang isusulat, sa mga dapat at hindi dapat tandaan.

Tentatibong Pagbabalangkas

 karaniwan itong binubuo ng tatlong-pahinang papel na naglalaman ng mga plano at tunguhin ukol sa pananaliksik ng
isang tiyak na paksa

 ito rin ang pinakakalansay ng sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang porma ng isang katha.

 Ang tentatibong balangkas ay marapat na magkaroon ng mga sumusunod ng bahagi

Rasyunal – siyentipiko at malinaw na paglalahad ng batayang saligan kung bakit kailangang pag-aralan ang nasabing
paksa. binibigynag linaw nito ang tanong na: Ano ang saysay ng pag-aaral at pananaliksik.

Pangkalahatang Layunin – ang malawak at pambungad na paglalatag ng nais na tunguhin ng pag-aaral kaugnay ng
rasyunal na pananaliksik. nagbibigay kasagutan ito sa tanong na: Ano ang mayroon sa pananaliksik na ito?

Mga Tiyak na Layunin – dito iniisa-isa ang mga tiyak at iba’t ibang aspeto ng dahilan sa pag-aaral ng paksa ng
pananaliksik. maaring mayroong tatlo o higit pangn layunin ang isang pag-aaral, Nagbibigay linaw ito sa tanong na: Ano
ano ang gustong matuklasan ng pag-aaral na ito?

Mga Suliranin sa Pag-aaral – makikita sa bahaging ito ang mga batayang suliranin, isyu, mga pangyayari, haka-haka at
kaslukuyang kalagayan ng paksa na siyang nagbibigay paliwanag upang ito ay bigyan ng pansin at pagtuunan ng
pananaliksik. nagpapaliwanag ito sa tanong na: Ano ang mga isyu at suliraning lulutasin ng pananaliksik na ito?

Mga Haypotesis – Ang pinakalohikal o pinakamatuwiranng mga palagay ukol sa isyu na inilalagay sa unang bahagi ng
pananaliksik nang sa huli ay mapatunayan, mapatibay, msusugan o mapasubalian. Sinasagot nito ang tanong na: Ano
ano ang mga maktuwirang pagpapalagay ng mananaliksik ukol sa kanyang paksa.

Uri ng Balangkas

Pamaksang Balangkas (Topic outline) – ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o
pahayag. Madalas ginagamitan ito ng mga pangngalang –diwa(gumagamit ng panlaping makangalan na –pag.

Pangungusap na Balangkas (sentence outline) – binubuo ito ng mga buong pangungusap na naglalaman ng
pangungunahing ideya at maynor na ideya.

Patalatang Balangkas (paragraph outline) – Binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga
talata ng sulatin.

Mga dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Balangkas

 Suriin ang pagkakaayos ng mga ideya sa binasang teksto. Ito ba ay nasa ayos kronolohikal, mula sa simple patungo sa
kumplikadong mga ideya, sanhi at bunga atmalawak na paksa tungo sa tiyka na paksa.
 Pag-aralan kung ano ano ang mahalaga o pangunahing ideya at ang mga pantulong na ideya.

 Tiyakin kung anong uri ng balangkas ang angkop na gamitin sa paksa.

 gumamit ng wastong bantas

 Tandaan na ang balangkas ay maaaring baguhin o palitan kung kinakailangan.

Pagbuo ng Konseptuwal at Teyoritikal na Balangkas

 konseptuwal, batayan mula sa sarili ng mananaliksik at maaring ilahad upang makita ang kaugnayan sa teorya ng iba
pang mananaliksik.

Teyoritikal, ang mga konseptong nabasa sa mga literatura na maaring gabay at mailapat sa isinasagawang pag-aaral.

 konsepto, ideyang binuo mula sa mga pinagsama-samang naobserbahang katangian

 konseptuwal na balangkas, naman ay ang pangkalahatang paglalawaran na nagpapakita ng mga ugnayan ng mg


konseptong aaralin.

Paradaym ng Pag-aaral

Ang teyoretikal at konseptuwal na mga balangkas ay susundan ng pagpapakilala sa prosesong pagdadaanan ng saliksik
upang ganap na mabuo. ito ay mailalarawan sa pamamagitan ng bubuoing paradaym/paradigma

Halimbawa: Teyoritikal na Balangkas


Ang Balangkas teyoritikal na makikita sa itaas na nakabatay sa teoryang ipinakilala ni E. Thorndike, isinaalang-alang ng
mananaliksik ang teorya ni thorndike na nauugnay sa kanyang isinagawang pag-aaral na pinamagatang “ Paggamit ng
iba’t ibang estratehiya sa Pagbasa upang mapaunlad ang Lebel ng Komprehensyon ng mag-aaral sa ikapitong taon.

Halimbawa: Konseptuwal na Balangkas

Makikita sa pigurang ito konsepto kung ano ang pamamaraan kung paano palalakasin at patataasin ang lebel ng interes
ng mga mag-aaral sa pagbasa.

You might also like