You are on page 1of 26

WEEK 019

PAGSULAT
NG
PINAL NA DRAFT
Sa pananaliksik, nabibigay ng kalutasan ang mga suliraning sa pag-aaral. Nagiging
makabuluhan ang bawat larangan kung ito ay may mga pananaliksik na isinagawa
sapagkat ito ang nakapagdudulot ng pagbabago, at pag-unlad sa anumang larangan.
kaugnay nito isang mahalagang gawain ang pagbuo ng pinal na burador tungkulin ito
ng isang mananaliksik upang hindi man maging perpekto ang pananaliksik ay
nalimitahan naman ang mga pagkakamali lalo na sa paggamit ng gramatika.
1. Paglalapat ng Rebisyon –kailangan maging masunurin sa inilapat na mungkahi
ng editor o konsultang kaugnay sa mga dapat baguhin o palitan sa naunang burador.

2. Peer editing at Proofreading –tinatawag itong peer editing kung saan mas
marami ang maaring magmungkahi at makapuna ng mali.

3. Paglalapat ng kaukulang format – May mga kaukulang format na sinusunod sa


isang pananaliksik.
FONT

Ang isang inilalamang na feature ng kompyuter sa


makinilya ay ang bersatiliti ng font nito. Ngunit sa pagsulat
ng pamanahong papel gamit ang kompyuter, kailangang
pumili ng simpleng tipo ng font tulad ng Times new Roman o
Arial, Ito ang karaniwang ginagamit sa Formal na pagsulat.
FONT

• Iwasang gumamit ng maarteng tipo ng pagsulat, sapagkat ang Pananaliksik ay isang


uri ng pormal na sulatin

• Iwasan din ang paggamit ng malalaking tipo at maliit na tipo ng letra

• pinakaideyal na ang sukat na labindalawa (12) ang sukat ng font


FONT
• Ang paghahaylayt o bold facing naman ng font ay kailangang gamitin
lamang kung kailan kailangan.

Ang bilang ng kabanata, titles at subtitles ay kailangang ibold.


Gayundin sa pamagat ng iba pang bahagi o pahina .

Ang italic font naman ay kailangang gamitin sa mga


dayuhang salitang binabaybay sa orihinal na ispeling at
ginamit sabstityut sa panipi (“ “).
CAPITALIZATION, ABBREVIATION, AT PAGSULAT NG BILANG

Ang tuntunin ng gramatika sa paggamit ng malaking titik ay kailangang


istriktong masunod sa pagsulat ng pananaliksik tulad sa simula ng mga
pangungusap,- pangalang pantangi, mga dinaglat na titulo, mga titulong
pantawag tulad ng Mang, Aling, Padre at iba pa.
CAPITALIZATION, ABBREVIATION, AT PAGSULAT NG BILANG

• Iwasang gumamit ng mga salitang pinaikli na karaniwang ginagamit sa


pakikipag-usap gamit ang text messaging, Tandaan na ang inyong sinusulat ay
pormal na sulatin

Ang buong bilang naman ay kailangang baybayin, sinusundan lamang ito


ng simbulong numerikal sa loob ng parentesis, halimbawa:
- Labinlima (15), anim na raan at dalawampu’t isa (621), siyamnapung porsyento (90%).
Tandaan na kapag ang bilang ay 1-9 lamang ito ay binabaybay nang pabilang.
Capitalization, Abbreviation, at Pagsulat ng Bilang

Ang mga salita ay kailangang isulat nang buo hangga’t maaari.


Ang maaari lamang daglatin ay mga titulo tulad ng G., Gng., Bb., Dr.,
Prof., Rev., Kgg., PhD., Jr., ;

mga karaniwan nang akronim tulad ng USA, UNESCO, YMCA; at mga


salitang panukat tulad ng cm., mm., ft., lbs.; mga pormyula tulad ng h2O, Fe.
Capitalization, Abbreviation, at Pagsulat ng Bilang

Ngunit ang petsa, taon bilang ng kalye, serial at mga bilang na may
praksyon o puntos- desimal ay maaarin nang isulat sa simbulo,

halimbawa:

September 3, 1983, 73 Daang Sto. Domingo,


Bolyum 10, 3 ¼ ,
89.23.
PAPEL, COMPUTER, AT PRINTER

• Ang sukat ng papel ay 8 ½ x 11 o ang kinasanayan nating tawaging short bond paper.

• Ang computer at printer ay pangunahing pangangailangan sa pagbuo ng papel-


pananaliksik. Makatutulong ito upang maging madali ang pagbuo ng pinal na draft.
MARGIN, SPACING AT CENTERING

• Ang tamang margin ay isa at kalahating pulgada (1 and ½ inch) sa kaliwa at isang
pulgada sa kanan, sa itaas, at sa ibaba.

• Doble ang pagitan o space na dapat gamitin sa bawat linya sa loob ng mga talataan,
maliban sa tuntunin ng pagsipi sa isang buong talataan o mahabang quoted material.

• Ang quoted material ay isinusulat nang may tig-iisa lamang na pagitan ang bawat linya
at nakapasok sa magkabilang panig, higit sa itinakdang margin sa karaniwang
talataan.
BILANG NG PAHINA

• Ang bilang ng pahina ay kailangang ilagay sa itaas sa gawing kanan

• Ang pahina ay nagsisimula sa kabanata 1 hanggang sa huling pahina nito


4. Paglalahat – Mahalaga ang ginagampanang
papel ng mga burador sa isang papel
pananaliksik. Ginagamit ang peer editing at
proofreading sa pagpapaunlad ng isang materyal
pananaliksik sapagkat mas maraming mata at isip
ang nakasusuri sa materyal.
PAGSULAT NG PANANALIKSIK GAMIT ANG BAGONG PORMAT
INTRODUKSYON, METODOLOHIYA RESULTA AT DISKUSYON (IMRD)

1. Pamagat na Pahina – Sa panihang ito, matatagpuan


ang pamagat ng pananaliksik, sabjek na kinabibilangan,
pangalan ng may-akda, petsa kung kailan ito isinagawa,
ang lugar at pangalan ng institusyong kinabibilangan ng
pag-aaral. Inverted pyramid ang pagkakasulat ng pamagat.
PAGSULAT NG PANANALIKSIK GAMIT ANG BAGONG PORMAT
INTRODUKSYON, METODOLOHIYA RESULTA AT DISKUSYON (IMRD)

2. Abstrak – Sa bahaging ito nakalahad ang pinakabuod


ng pag-aaral, katulad ng pahina ng pamagat nakasulat ang
pangalan ng may-akda ng pananaliksik, ang petsa kung
kailan isinasagawa at natapos, pangalan at lugar ng
institusyon.
PAGSULAT NG PANANALIKSIK GAMIT ANG BAGONG PORMAT
INTRODUKSYON, METODOLOHIYA RESULTA AT DISKUSYON (IMRD)

3. Introduksyon – Sa bahaging ito ay tinatalakay ang


kaligiran ng pananaliksik, kauganay na literatura, layunin
ng pananaliksik, paglalahad ng suliranin at research gap.
PAGSULAT NG PANANALIKSIK GAMIT ANG BAGONG PORMAT
INTRODUKSYON, METODOLOHIYA RESULTA AT DISKUSYON (IMRD)

4. Metodolohiya – Tinatalakay ang kabanatang ito ang


pamamaraang ginamit ng mananaliksik at mga hakbang
sa ginamit sa isinagawanng pag-aaral, bahagi nito ang ang
mga:
 Disenyo ng Pag-aaral

a.) Qualitative – Malalim na palarawang pagtalakay sa mga sagot mula sa mga


kalahok ng pag-aaral sa pamamagitan ng panayam at pagmamasid.

b.) Quantitative – pagsagot sa pamamagitan ng bilang at pigura na tinuos gamit ang


statistics.
 Mga kalahok ng Pananaliksik

a.) Lugar at dahilan


b.) mga taong sangkot
c.) Mga respondent – survey at interview
d.) Mga kalahok – qualitative o experinmental
e.) Subjects – case study
f.) Sampling Technique
 Instrumento ng Pananaliksik

a.) Pagbuo ng Instrumento


b.) Pagwawasto at balidasyon (tatlong eksperto)
c.) Rebisyon ayon sa resulta ng pagwawasto at balidasyon
d.) Pagsubok na instrumento (10 indibidwal)
e.) Rebisyon batay sa resulta ng pagsubok
 Paraan ng Pangangalap ng Datos

a.) instrumentong gagamitin sa pananaliksik


b.) pamamahagi ng instrumento
c.) Paraan ng pagsagot ng mga kalahok sa ginamit na instrument
PAGSULAT NG PANANALIKSIK GAMIT ANG BAGONG PORMAT
INTRODUKSYON, METODOLOHIYA RESULTA AT DISKUSYON (IMRD)

5. Resulta – Inilalahad dito ang naging bunga ng mga isinagawang pagsusuri at pag-
aaral mula sa naging kabuuang proseso ng pagkalap ng datos at ang impormasyon.

a.) Tabular na presentasyon ng mga natuklasan at pagpapaliwanag


tungkol dito (quantitative)
b.)Presentasyon ng mga papaksa o mga kategorya (qualitative)
PAGSULAT NG PANANALIKSIK GAMIT ANG BAGONG PORMAT
INTRODUKSYON, METODOLOHIYA RESULTA AT DISKUSYON (IMRD)

6. Diskusyon – Inilalarawan ang kinalabasan ng sarbey o panayam o ng ano mang


pamamaraang ginamit sa pananaliskik, kasabay nito inilalarawan ang resulta at
binibigayang ng paliwanag na may pinag-uugnayang mga teorya ay iba pang litaratura.
• Konklusyon - Tintalakay dito ang huling bahagi ng mga resulta at
ang pinal na halaga ng pananaliksik, ang mga implikasyon at
kabuluhan nito.
• Rekomendasyon – nabubuo ito batay sa mga nailatag na
konklusyon, kasama na rin dito ang mga mungkahing solusyon para
sa suliraning tukoy o natuklasan sa pananaliksik.
Maraming Salamat po!
Hanggang sa muli!

You might also like