You are on page 1of 1

TEKSTONG IMPORMATIBO

 Isang uri ng babasahing di piksyon.


 Isiinusulat ito sa layuning m,akapaghatid ng impormasyon sa mga mambabasa.
 Maaaring mabasa sa mga magasin, batayang aklat. ,ga aklat sanggunian at iba pa.
 Iba-iba ang paraan ng pagkakasulat depende sa nilalaman
 Maaaring nasa wikang madaling unawain o teknikal na wika
 May kasamang biswal na representasyon tulad ng grap o talahanayan.

ILAN SA MGA HALIMBAWA NG MGA SULATIN O AKDANG PAMPANITIKAN NA NAGLALAMAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO
 Mga sangguniang aklat tulad ng ensayklopedya, almanac, batayang aklat at dyornal
 Ulat
 Pananaliksik
 Komentaryo
 Polyeto o brochure
 Suring-papel
 Sanaysay
 Mungkahing proyekto
 Balita

MGA ELEMENT NG TEKSTONG IMPORMATIBO


 Pag-unawa sa kayarian ng katha o kung paaano nakaayos ang mga impormasyon
 Pagkilala ng pagkakaiba ng opinyon at katotohanan
 Kasanayan sa pagbibigay ng interpretasyon ng mapa, tsart, grap at iba pang grapikong representasyon ng mga impormasyon.

HULWARAN NG ORGANISASYON NG TEKSTONG IMPORMATIBO


 Kahulugan/pagbibigay katuturan/depinisyon
 Pag-iisa-isa
 Pagsusuri
 Paghahambing at pagkokontras
 Sanhi at bunga
 Suliranin at solusyon
 Pagsunod-sunod

GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG IMPORAMATIBO

1. LAYUNIN NG MAY AKDA


 Ano ang hangarin ng may-akda sa kanyang isinulat?
 Malinaw bang naipakita sa teksto ang layunin ng m,ay-akda na makapagpaliwanag ,magbigay ng imporamsyon?
 Anong impormasyon ang nais ipaalam ng may-akda sa mambabasa?

2. MGA PANGUNAHIN AT SUPORTANG IDEYA


 Tungkol saan ang teksto?
 Ano-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?
 Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya?

3. HULAWARANG ORGANISASYON
 Paano inilahad ng mga suportang ideya?
 Ano ang hulwaran ng organisasyon na ginagamit sa paglalahad ng mga detalye?
 Maaayos bang naihanay at naorganisa ang mga ideya gamit ang mga hulwarang organisasyon sa pagbasa?

4. TALASALITAAN
 Gumagamit ban g mga salita o terminolohiya na di-karaniwang ginagamit sa normal na pakikipag-usap at ginagamit lamang sa mga
teknikal na usapin? Ano-ano ito?
 Matapos mabasa ang teksto, naibigay ba nito ang kahuliugan ng mga ginagamit na di-kilalang salita o terminolhiya?
 Ano-anong impormasyon kaugnay ng mga terminolohiyang ito ang tinatalakay sa teksto?
5. KREDIBILIDAD NG MGA IMPORMASYONG NAKASAAD SA TEKSTO
 Bagong kaalaman o impormasyon ba ang ibinahagi ng teksto?
 Kung oo, sapat ba ang mga suportang detalye na tumatalakas sa bagong kaalamang ito?
 Nabanggit bas a teksto ang mga pinagkuhana ng ideya o impormasyon?
 Mula ba sa kilala at mapagkakatiwalaang material ang mga nakasaad na impormasyon?
 Kaya bang mapatunayan kung gaaano katotoo ang impormasyonng nakasaad sda teksto?

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG AKDANG IMPORMATIBO


1. KAHUSAYAN SA PAGGAMIT NG WIKA –Tumutukoy sa kakayahang makapili ng mga salitang madaling intindihin upang
malinawan ng mga mambabasa ang paksang inilalahad.
2. KAKAYAHANG MAKAPAGPALAWAK NG KAISIPAN – Nararapat na makapagbigay ng halimbawa, magpakita ng ugnayang
sanhi at bunga, makapaghambing sa ibang konsepto, makapagpakita ng maayos na organisasyon ng ideya mula sa
pinakamalawak hanggang sa pinakamaliit na detalye.
3. KAKAYAHANG MAPALALIM ANG KAISIPAN NG PAKSA - Dito sinisiyasat ang kaliit-liitang detaltye at ipinapaliwana ang
kaugnayan nito sa paksa.

You might also like