You are on page 1of 5

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

AKADEMIKONG PAGSULAT

Handout 3

ABSTRAK

Ang pananaliksik-papel na ito ay naglalayon na maipakita ang impresyon ng mga estudyante ng unang
taon ng College of Nursing ng UST sa mga taong nagpi-PDA (Public Displays of Affection) sa loob ng
paaralan. Ito ay sa dahilang nais ng grupo na maipahatid sa mga mambabasa kung ano ang tumatakbo sa
isipan ng ibang tao sa PDA. Sa ganitong paraan ay mabigyan ng karampatang aksyon ang mga problema
sa PDA. Upang makalap ang mga kinakailangang impormasyon, ang grupo ay nagsagawa ng sarbey sa
mga estudyante sa unang taon ng UST College of Nursing. Mula dito, nahinuha ng grupo na hindi
maganda ang tingin ng mga nasabing respondente sa mga taong nagpi-PDA. Ngunit, karamihan sa kanila
ay walang reaksyon sa pagbibigay ng parusa sa mga ito.

1. Tungkol saan ang pag-aaral ayon sa binasang abstrak?

2. Ano ang layunin ng abstrak na ito?

3. Ano-anong bahagi ang makikita mo rito?

4. Ano ang kalakasan at kahinaan ng abstrak na ito?

Digong binati si Trump

MANILA, Philippines – Nagpaabot na ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay US president-elect


Donald Trump matapos manalo ito sa US presidential elections laban kay Democratic party candidate
Hillary Clinton.

“President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to Mr. Donald Trump on his
recent electoral victory as President of the United States of America. The United States presidential
elections is a testament to the enduring traditions of its democratic system and the American way of
life. The two-party system gives American voters freedom of choice based on party platforms, not just
on personalities,” pahayag ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na kasama ni Pangulong
Duterte sa biyahe sa Thailand at Malaysia.

Hangad anya ni Duterte ang tagumpay ni Trump sa kanyang pamumuno sa Estados Unidos.
Umaasa rin ito na magkaroon ng magandang relasyon ang US at Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ng
bagong halal na Pangulo.

Magugunita na inilarawan ni Duterte si Trump sa interview niya kamakailan sa Al-Jazeera television na


isang ‘good presidential candidate’.

1. Anong uri ng akademikong sulatin ito?

2. Ano ang paksa ng sulatin?

3. Ano ang layunin nito?

4. Ano ang mga detalyeng inilahad tungkol sa paksa?

IBA’T IBANG URI NG AKADEMIKONG SULATIN

A. ABSTRAK

• Ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. •
Naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.

• Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang
elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Lahat ng mga detalye o o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin
, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pagaaral o sulatin

2. Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng
deyalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito

3. Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat
nito

4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag
ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa ang
pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na ginawa.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Basahing Mabuti at pagaralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak

2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksyon, kaugnay na literature, metodolohiya, resulta at konklusyon.

3. Buoin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat
ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito s kabuoan ng mga papel

4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang
kinakailangan.

5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat
isama rito.

6. Isulat ang pinal na sipi nito.

B. SINOPSIS/BUOD • Ay isang uri ng lagom nakalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong

naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan

• Ay maaaring buoin ng isa o higit o maging ng ilang pangungusap lamang.

• Sa pagbuo ng sinopsis, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG SINOPSIS

1.Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.

2.Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi.

3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga
gampanin at mga suliraning kanilang hinaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga

pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit
pang talata.

5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.

6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng
akda.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINOPSIS, BUOD

1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unwaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o
paksa ng diwa nito.

2. Suriin at hanapin ang panginahin at di pangunahing kaisipan.

3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.

4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang isinusulat

5. Ihanay ang ideya ayon sa orihinal.

6. Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan

ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.

C. BIONOTE

• Ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.

Ayon kay Duenas at Suanz (2012), ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalamanng buod ng kanyang
academic career na madalas ay makikita sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites
atbp.

MGA BAGAY NA DAPAT ISAALNG-ALANG SA PAGSULAT NG BIONOTE

1.Sikaping nakasulat lamang ito ng maikli.

2.Magsimula sa pagbanggit ng personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.


3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang papagkakasulat nito.

4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang mabilis na maunawaan.

5. Basahing ulit at muling isulat ang pinal na sipi ng inyong bionote. Maaaring

ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.

You might also like