You are on page 1of 30

INTRODUKSIYON

SA

PANANALIKSIK
KAHULUGAN/KATUTURAN

Ayon kay Aquino (1974) ang


pananaliksik ay maingat at sistema-
tikong paghahanap ng kaukulang
impormasyon o datos sa tiyak na
paksang pag-aaralan.
KAHULUGAN/KATUTURAN

Sina Treece at Treece (1977) ay


nagbigay ng puna na ang
pananaliksik ay isang pagtatangkang
makahanap ng mga solusyon sa
mga suliranin. Ito ay tinipong datos
sa kontroladong sitwasyon para sa
pagpapaliwanag at pagbibigay ng
prediksyon.
KAHULUGAN/KATUTURAN
Sina Atienza at iba pa (1996) ng
Unibersidad ng Pilipinas ay bumuo ng
isang praktikal na depinisyon ng
pananaliksik. Ayon sa kanila, ang
pananaliksik ay ang maingat,
sistematiko, mapanuri at kritikal na
pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa
isang bagay, konsepto, kagawian,
problema, isyu o aspekto ng kultura at
lipunan.
TUNGKULIN
AT
RESPONSIBILIDAD
NG
ISANG
MANANALIKSIK
KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK

1Ang isang mananaliksik ay


masigasig.

Napakaraming impormasyong
makukuha sa gagawing pananaliksik
subalit kailangang pagtiyagaan at
pagsikapang makuha ang mga aklat,
dyornal, magasin, tesis at disertasyon
na makakatulong sa paksang pag-
aaralan.
KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK

2. Ang mananaliksik ay masinop.

Pagkatapos na makuha ang lahat


ng impormasyong kailangan sa
gagawing pananaliksik, sikaping
maging maayos at organisdo ang
pagtatala ng mga impormasyon.
KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK

3. Ang mananaliksk ay masistema.

Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng


manunulat kung nakaprograma ang
lahat ng gagawin niya sa pananaliksik.
KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK

3. Ang mananaliksik ay
mapamaraan.

Kailangang marunong dumiskarte


sa sarili ang mananaliksik. Kung hindi
niya mahanap ang impormasyon,
kailangang gumawa siya ng paraan
para mahanap o makuha ito.
KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK

4. Ang mananaliksik ay magaling


magsiyasat.

Ang mga impormasyong nakuha ay


tinitimbang na mabuti kung
nararapat
o di-nararapat isama.
KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK
5. Ang mananaliksik ay may
pananagutan.
Ang mga awtoridad o eksperto at
ang mga manunulat na ginamit sa
pananaliksik ay dapat kinikilala.
Mahalagang maisulat ang mga
pangalan ng mga taong ito upang hindi
maparatangan ng pangongopya sa
isinulat ng ibang tao.
INTRODUKSYON
SA
PANANALIKSIK
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
1Pagpili ng tamang paksa

Dito ay isinasaalang-alang ang interes


ng mananaliksik. Sinusuri kung ang
paksang napili ay napapanahon,
makabuluhan at kailangan ng
mananaliksik nito o higit ng malaking
kliyente- ang lipunan o ang bansa sa
kabuuan.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
1.Pagbuo ng Pahayag ng Tesis

Ito ang pahayag na magsasaad ng


posisyong sasagutin o patutunayan ng
bubuoing pananaliksik.

Halimbawa:
Mga Salik na Nakaaapekto sa
Pagpili ng mga Mag-aaral sa mga
Babasahin sa Wattpad
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
1.Paghahanda ng Pansamantalang
Bibliyograpiya

Dito ay masusing hinahanap ng


mananaliksik ang pagpili ng aklat,
magasin, jornal at iba pang
mapagkukunan ng datos. Maari ding
makakuha ng mga datos mula sa
internet subalit, marami rin ang
kaduda-duda at minsay walang
katotohanan.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
3. Paghahanda ng Pansamantalang
Bibliyograpiya (3 x 5 na index card)

Pangalan ng Awtor
Pamagat ng kanyang isinulat
Impormasyon ukol sa pagkakalathala
Mga naglimbag
Lugar at taon ng pagkakalimbag
Pamagat ng aklat
Ilang mahahalagang tala ukol sa
nilalaman
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
4. Paghahanda ng Tentatibong
Balangkas

Itoy nagbibigay direksyon sa


pagsasaayos ng iyong mga ideya at
pagtukoy kung ano-anong materyal
ang kailangang hanapin. Maaring
gamitin ang iyong inihandang card
ng
bibliyograpiya upang maging gabay
sa
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
4. Paghahanda ng Tentatibong
Balangkas

I.Introduksiyon
a. Pahayag ng Tesis
b. Mga Dahilan/Sanhi ng Pag-
aaral
c. Kahalagahan ng Papel/Bakit ito
ang napiling paksa
d. Uri ng pagdulog na gagamitin
i. lahat ng mahahalagang
4. Paghahanda ng Tentatibong
Balangkas
II. Katawan
a. Paglalahad ng argumento upang
suportahan ang inyong papel
b. Rule of 3
i. tatlong argumento, bawat
argumento ay may tatlong
sanggunian bilang suporta
ii. mula sa malakas na
argumento hanggang sa
pinakamalakas na
argumento
4. Paghahanda ng Tentatibong
Balangkas

III. Kongklusyon
a. Buod ng mga argumento
b. Paglalahad ng tindig
c. Pagpapaliwanag kung bakit ito
ang nabuong kongklusyon
i. Sikapin ang kaisahan ng
bawat
pangungusap/ideya.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking

Balikan ang inihandang tentatibong


balangkas at card ng bibliyograpiya
at
tukuyin kung alin sa mga ito ang
kakailanganin sa iyong sulatin.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking


Tiyak na paksang hango sa Pangalan ng Awtor
Iyong balangkas Pamagat ng aklat
Pahina

Isulat dito ang iyong tal.

5 x 8
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

6. Paghahanda ng Iwinastong
Balangkas o Final Paper

Suriing mabuti ang inihandang


tentatibong balangkas upang matiyak
kung may mga bagay pa na kailangang
ayusin o baguhin.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft


Mula sa mga iwinastong balangkas
at
mga card ng tal ay maari ka ng
magsimulang sumulat ng iyong
borador.

I. Introduksiyon
II. Katawan
III. Kongklusyon
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
8. Pagwawasto at Pagrerebisa ng
Borador

I-proofread o basahing mabuti at


iwasto ang mga bagay na kailangang
iwasto sa iyong borador.
a. pagkakabuo ng mga
pangungusap,
baybay, bantas, wastong gamit,
pamamaraan ng pagsulat at
talababa o footnote.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

Pagsulat ng Bibliyograpiya

Pangkat-pangkatin ang ginamit na


sanggunian. Pagsama-samahin ang mga
aklat, pahayagan at website atbp.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Pagsulat ng Bibliyograpiya
Gamitin ang (American Psychological
Association) APA

Para sa mga Aklat


Apelido ng Awtor, Pangalan ng Awtor.
(Taon ng Paglilimbag). Pamagat.
Lungsod ng Tagapaglimbag:
Tagapaglimbag.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Pagsulat ng Bibliyograpiya

Para sa mga Artikulo sa Pahayagan


o Magasin

Apelido ng Awtor, Pangalan ng Awtor.


(Taon ng Paglilimbag) Pamagat ng
Artikulo. Pamagat ng pahayagan o
magasin, Paglilimbag #. (Isyu #), pahina
#.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Pagsulat ng Bibliyograpiya

Para sa Kagamitang Mula sa Internet

Awtor. (Petsa ng Publikasyon)


Pamagat ng Artikulo o Dokumento.
Pamagat ng Publikasyon. Petsa kung
kailan sinipi o ginamit mula sa buong web
address sa http://.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
9. Pagsulat ng Pinal na Sulating
Pananaliksik

Pagkatapos pagdaanan at isagawa


nang mabuti ang naunang walong
hakbang, ngayon nakatitiyak ka na ng
isang mainam na sulating pananaliksik. I-
type na ito gamit ang pormat na ibinigay
ng guro.

You might also like