You are on page 1of 1

Subukin ang natutuhan.

1. Ipaliwanag ang katuturan, kalikasan, at kabuluhan ng mapanuring pagsulat sa akademiya.

 Ang mapanuring pagsulat sa akademiya ay isa sa mga nagbibigay ng disiplina at


kinakailangan ng isang mapanuring pag iisip upang lubusang maunawaan ng maayos at
maging epektibo sa mambabasa ang isang pahayag o ang nais ipahayag ng isang
manunulat.
2.Bumuo ng limang pangungusap na magsisilbing panimula ng isang mapanuring pagsulat.(Kahit
anong paksa)

 Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Kung ako’y bibigyan ng
pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin
ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ito ay upang mailahad ko ang mga bagay na
aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon. Patuloy na
nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi
lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang
sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global
warming.
3.Magbigay ng tatlong ideya o patunay na magbibigay suporta sa isunulat na panimula.

 Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga
mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.
 Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng
mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere.
 Unti unti ng nabubutas ang ating ozone layer, ang init na galing sa araw o itong
tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang
makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon.
4.Bumuo ng tatlo hanggang limang pangungusap na maaaring maging kongklusyon ng isinulat
sa bilang 2 at 3.
 Ang buong mundo ay patuloy na nagdaranas ng paghihirap dahil sa patuloy na
pagkasira ng ating ozone layer. Di lamang ang henerasyon ngayon ang maaapektuhan
kundi pati na din ang mga susunod na henerasyon. Kaya nararapat lamang na tayo ay
kumilos at magtulungan habang maaga pa upang mabigyan agad ng solusyon ang
umussbong na probleman ito.

You might also like