You are on page 1of 4

Global Warming sa Pilipinas

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung akoy bibigyan ng
pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu
tungkol sa ating kapaligiran.

Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng
ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi
lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong daigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging
dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming.
Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang
patuloy na paglala nito.
Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels
na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere.

At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na suns
rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung itoy direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari
sa kasalukuyang panahon.

Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang ang mga mabubuting sinag
lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan
ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming.
Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at
magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting
pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunog ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman
ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira ng ating
kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang
sitwasyon.
Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki
ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag na sana tayong
dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran.
Ang sanaysay ay isang uri ng akdang nasa anyo ng tuluyan.Karaniwang paksa ng mga
sanaysay ay tungkol mga kaisipan at mga bagay na maaaring kapulutan ng mga impormasyon na
makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw.

Mga tanong:

1. Ano paksa ng binasang sanaysay?


2. Batay sa sanaysay, ano ang global warming?
3. Magbigay ng dahilan ng sanhi ng global warming.
4. Batay sa akda, ano posibleng dulot ng global warming sa ozone layer kapag hindi ito
mabibigyan ng solusyon?
5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong para hindi lumala ang global warming?
Global Warming sa Pilipinas

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung akoy bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang
una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran.

Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa
buong sa daigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming.

Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmosphere at ang patuloy na paglala nito.

Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng
ating atmosphere.

At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na suns rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung itoy
direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon.

Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng
makakaya, ang mga sanhi ng global warming.

Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga
gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunog ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya
kung hindi natin maaagapan ang pagkasira ng ating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang
sitwasyon.

Kailangan lamang na magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng
mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag na sana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran. 2011 Sanaysay sa
Filipino.

You might also like