You are on page 1of 15

MONOLOGO

Ang Buhay ng Isang Mag-aaral


Magsisimula ako sa pamamagitan ng mga tanong… Sa tingin niyo, ano kaya ang naging buhay ng
mga mag-aaral sa taong 2012? Madali ba o mahirap ang buhay nila? Nakaktulog pa ba ang mga
mag-aaral noon? Ano nga ba ang buhay nila sa panahong iyon?

Iyan ang kwento na ibabatid ko sa mga mambabasa ngayon. Ang kwento ng isang mag-aaral - ang
mga nangyayari sa buhay ng isang estudyante. Ang buhay ko.

Sa tuwing umagang may pasok, nagigising ako nang alas-sinko. Pagkatapos nito ay magmamadali
akong maghilamos, mag-ayos, at maligo. Bakit? Ang school bus ay nakakarating sa bahay
apatnapung minuto pagkatapos akong magising. Hay nako, ito nanaman. Nandiyan nanaman ang
school bus, hindi pa ako tapos ilagay ang sapatos ko. Hindi pa nga akong nakakain ng almusal.
Ang gagawin ko? Aalis ng bahay, na may dalang almusal. Kinakain ko sa school bus. Wala pa
namang masyadong tao sa bus sa panahong iyon eh, eh de gagawin ko ang gusto ko at kakainin
ko ang aking pagkain :))

Pagkatapos kong kainin ang almusal ko, tutulog ako sa school bus. Bakit? Kasi naman, sa gabi
bago ang araw na iyon, nakatulog nanaman ako nang malapit na alas-dose. Sa sobrang daming
takdang-aralin na dapat tapusin, halos wala na akong tulog minsan. Kung kaya't, natutulog na
lang ako sa school bus kung kailan kaya…at kung hindi maingay ang mga busmates ko.

Nang makarating ako sa paaralan, parang ang haba-haba pa nang oras. Minsa'y gusto ko nang
mag-simula para makatapos nang maigi. Minsa'y gusto ko nang mag-simula dahil ayoko nang
hintayin ang pagsusulit na mangyayari. Pero minsan, gusto ko nang mag-simula na tayo kaagad
kasi gusto ko ang mga aralin na gagawin namin. Minsan din, so sobrang kabilisan ng oras, hindi
ko aakalaing tapos na pala ang araw. Kung susulatin ko pa ang mga dinaramdam ko araw-araw
sa paaralan, baka maging sobrang mahaba pa ang aking sasabihin XD

Madaming emosyon ang nararamdaman ko sa paaralan. Natatakot at nasasaya, natutuwa at


nalulungkot. Talagang kakaiba ang pwedeng mangyari sa loob ng paaralan. Pero kahit ano ang
mangyayari, nakakatulong pa rin ito sa kabutihan ng isang tao. Paano? Sa pamamagitan ng mga
araling itinatalakay, nalalaman natin ang mga pwedeng mangyari sa ating mundo. Sa
pamamagitan ng pag-aaral, nahahanda tayo sa mga iba’t ibang aspeto ng buhay. Kaso nga lang,
minsa’y parang walang kwenta ang mga inaaral natin. Pero kahit ganyan, nakakatulong pa rin ito
para makakaroon tayo ng kamalayan sa ating mundo at sa mga nangyayari rito.

Sa tingin ko, Masaya rin ang pag-aaral dahil sa mga kaibigan at kaklase na nandiyan para sa akin.
Gusto ko talagang makasama sila dahil kahit anong mangyayari, lagi silang handang makatulong
sa akin. Lagi nilang nagpapatuwa ako. Lagi silang nakaktulong sa king maging mas mabuting tao.
At ang pinakamahalaga, lagi silang nandiyan para maging isang kaibigang pwede kong kausapin.
Kahit na mahirap manatiling gising hanggang sa sobrang gabi na, ginagawa ko pa rin ito para
matapos ang mga takdang-aralin. Dahil sa susunod na araw, makikita ko uli ang mga
kaibigan,kaklase, at mga guro ko. At dahil sa pagiging isang mabuting mag-aaral, nagiging mas
Masaya pa ang magulang ko sa akin (:

~Charmagne Chandrah G. Adonis IV - 6 CN 2

HINAGPIS NG ISANG KAPATID


Magandang araw po sa inyong lahat. Ito po pala ang bahay namin. Dito ko madalas gawin ang
mga bagay na hilig ko. Tulad ng magbasketbol. Makijaming kasama ang mga barkda ko. Ang totoo
niyan, dito na rin ang tambayan namin. Hindi ako madalas gumala dahil dito lang talaga ako sa
bahay. Pagkatapos ng klase, dito na ang diretso ko. Kaya sabi nila, napakamasunurin ko raw na
anak. Pero akala niyo ba, yun lang?
Hindi.
Oo, matatawag nga itong bahay, pero hindi ‘to matatawag na isang tahanan. Wala palagi
ang aking ina. Laging lumalabas para magtrabaho. Ang aking ama naman, nasa Taiwan. Isa siyang
OFW. Sabi ko nga kay mama, bakit kelangan pa niyang magtrabaho eh nagtatrabaho naman na
si papa sa abroad. Pero ang sabi lang niya, “anak para sa inyo ‘to. Para sa inyo ni baby.” Yun
lamang ang kanyang naging tugon.
Ah, nabanggit ko. Oo, may kapatid ako. Si Junior. Siya nalang lagi ang bida. Lagi na lang
sasabihin sa’kin ni mama, “alagaan mo si juior ah” “Umuwi ka nang maaga” “Pakainin mo si
Junior”. Lagi nalang si junior.
Lagi ko nalang problema si junior. Kahit pag gumagawa ako ng assignment at gumawa siya
ng ingay, lagi nalang akong agrabyado. Hindi ko na natatapos ang mga takdang aralin. Lalo na
kapag wala si mama. Pati pag walang trabaho si mama, wala pa rin siya rito. Kasi lagi nalang
niyang inaasikaso si Junior. Para ngang wala ako rito eh. Si Junior ang may bagong damit. Siya ang
inaalagaan. Lagi na lang si Junior. Siya na lahat. Siya ang paborito ni mama. Siya naman ang
problema ko. Inisip ko nga, sana ‘di na siya dumating sa buhay ko.
Isang araw, nawala ang problema. Magkakasama kami ng aking mga barkada ditto sa
bahay. Ang saya namin. Sa aming katuwaan, narinig namin ng aking mga kasama ang iyak ni
junior. Napakalakas nito. Mas malakas kaysa sa normal na iyak ng isang tatlong taong gulang na
sanggol.
“Tignan mo muna yang kapatid mo.”
“ayoko, tatahan rin yan mamaya.”
“Istorbo naman oh.”
Maya-maya pa ay nawala na ang matinis na iyak.
“salamat at tumigil”,
Natahimik lamang ang aking mga kaibigan. Nagtinginan sila sa akin. Binalot ng kaba ang
aking pagkatao. Kabang hindi ko maintindihan. Hanggang nagwika ang aking kaibigan.
“tigan mo na si Junior.baka nagugutom na yun.”.
Nang biglang bumukas ang pintuan ng aming bahay. Si mama iyon. Lihim akong
nagpasalamat dahil siya na ang bahala kay junior at wala nang mang-iistorbo sa’min ng mga
katropa ko.
Dumeretso si mama sa silid kung san naroroon si junior. Bigla nalang humiyaw.
“Junior ko!!!!” daing ni mama. Nagulat kaming lahat sa kanyang sigaw. Mas lumakas ang
aking kaba. Anong nangyari kay junior?
Mabilis kong tinungo ang silid. Doon, naratnan ko si mama, umiiyak. Karga karga niya si
Junior. Duguan ang ulo. “Bakit mo pinabayaan ang kapatid mo. Bakit? Bakit mo ginawa ‘to?”
Hindi ako makapagsalita. Binalot ang aking pagkatao ng galit. Galit sa aking sarili. “Bakit ko
nagawa iyon sa aking kapatid? Kasalanan ko ‘to… kasalanan ko ang bagay na ito. Kung hindi ko
siya pinabayaan, hindi sana’y buhay pa ang aking kapatid magpahanggang ngayon. Kasalanan ko
ito. Bakit? Bakit ko nagawa ito sa aking kapatid?
Mula non, nagsimula nang maging matamlay ang aking ina. Hindi man ako ang sinisisi niya
sa nangyari, palagi ko paring sinisisi ang aking sarili. Ako. Ako. Ako ang dahilan ng pagkasira ng
pamilyang ito. Pano ko nga ba maibabalik ang pamilyang ako ang nagging dahilan ng pagkasira
nito.
Ngayon, pinapangako kong hindi ko na gagawin sa bago kong kapatid ang ginawa k okay
Junior. Pinapangako kong aalagaan at poprotektahan ko siya sa kahit na anong panganib. Hindi
na mauulit pa ang nangyari kay junior.
TULA

Lumipad at Mangarap

Daan tungo sa tagumpay ay lubhang matarik


At marami ang sa iyo ay pilit na hahatak
Huwag mawalan ng pag-asa, huwag iiyak
Mahal mo sa buhay pataas ika’y itutulak

Linangin mo ang taglay na kakayanan


Gaya ng mamahaling bato at hiyas
Na kailangang kiskisin para kuminang
Di magtatagal at ikaw ay papaitaas

Huwag sumuko, huwag itigil ang laban


Tagumpay ay halos abot mo na
Pumailanglang, panatilihin ang Lipad

Sabi nga nila tiyaga ang kailangan


Haluhan mo ng sipag at dalangin
Mga pagdududa ay dapat lupigin
Makakamit ang magandang hangarin

May mga panahong walang kasing hirap


Pero sino ang nagsabing ang buhay ay madali?
Pintuan ay bukas, maging maagap
Dahil sa kabila nito’y kaligayahang di malilip

Huwag sumuko, huwag itigil ang laban


Tagumpay ay halos abot mo na
Pumailanglang, panatilihin ang Lipad

Kapag ang iyong mga pangarap ay napakasamay na


Huwag kailanman kalimutang lumingon
Ikaw naman ang sa iba ay luminga
Tulangan mo ang iba sa kanilang pagbangon

Ngayon na nasa rurok ka na ng tagumpay


Kayakap ang pantasyang iyong pinangarap
Manatili ka sanang sa lupa nakatapak
Patungo sa Tuktok

Kayraming lubak, alon ay malakas


Tatagaan ang loob, sa daa’y maraming ahas
Maraming kasama ngnit ikaw ay mag-isa
Pagtaas ng tubig sa sapa, sa’yo ay walang kakarga

Natural lang ang umiyak at magpapadayak


Pag-abot sa tuktok ay hindi basta at payak
Minsan pa nga sa’yo ay maraming tatapak
Pero ang payo ko sa’yo, sumayaw at pumalakpak

Hindi ka baliw sa iyong gagawin


Ipakita ang galing at taas ng mithiin
Daan naman talaga minsa’y mahirap tahiin
Ngunit kapag umayaw, ika’y palpak na tatawagin

Matapos ang hirap, asahan mo ang sarap


Damhin ang lasap ng natupad na pangarap
Bawat pawis at dugo, kapalit ay karanasan at kamalayan
Na sa iyo ngayon ay magsisilbing kayamanan

TALUMPATI

Ating Abutin Ang Ating Pangarap

Ikaw may pangarap ka ba? Pangarap mo bang yumaman, maging sikat na artista,
magaling na negosyante, makapagtayo ng sariling eskwelahan, propesyunal sa napiling
kasanayan o kaya’y maging bayani ng bayan? Maging sino ka man, bata man o matanda,
may pera o wala may pangarap at ito’y iyong karapatan na TUPARIN, ABUTIN,
MAKAMTAN AT MAKUHA. Ito ang mga salitang gusto kong ITATAK, IDIKIT, ISAMA AT AT
ITANIM sa inyong kaisipan at kalooban kapag naiiisip ninyo ang inyong pangarap. “Libre”
ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay mayroon nito, samakatuwid lahat ay maaring
umunlad.

Ako, nuong bata pa ako pangarap kong matutong magbisikleta. Kaya araw-araw akong
nakadungaw sa bintana sa bintana na aming bahay nag-aabang na namimisikleta; Pinag-
aralan ko kung paano sila nakakabalanse at sinubukan kong gamitin ang luma naming
bisikleta na mataas ng bahagya sa akin. Takot, pagod at hirap ang dinanas ko preo nasa
kalagitnaan na ako kaya hindi na ako maaaring sumuko. Paisaa-iasang metro ay
nakakatibay na ko hanggang sa natuto na ako. Ayos! Nakakatawa ba? Marahil. Ito ay isang
auekdota na aking iingatan na hanggang ngayong ay nagpapalakas ng aking loob.

Ang pangarap ay parang mga binhi na itinatanim sa matatabang lipa. Pinag-uukulan ng


panahon, lakas at alaga nang sa gayon ay lumaking matatag na kahit gaano kalakas ang
bagyo di matutumba at sandigan ng lahat. Ganoon talaga. Walamg taong nagtanim na
umasa na kinabukasan ay puno na. Wala rin naming Nagtanim ng ubas ng lumakit
bumunga ay mangga. Anu nga ang iyong tinanim mabuti o masama.Makakatuong ba o
makakasira. Simulan natin sa mabuting adhikain at sundan natin ng gawa.Huwag tayong
tumigil hangga’t di nating natutupad ang ating pangarap.Lahat ng nangangarap ay may
kapasidad na tuparin ang kanilang pangarap. IKAW, AKO, SIYA, TAYO! ay mga tao ibig
sabihn may pangarap at ‘pag may pangarap may potensyal na makamtam ito. Simulan na
natin, hindi bukas,makalawa, o sa bagong taon kung hindi NGAYON! Tara na!

Pangarap

Ang pangarap ay hindi nakukuha agad-agad. Ito ay nagsisimula sa isang pagpaplano tungkol sa
mga bagay na gusto nating mangyari sa ating buhay. Ang plano na minsa’y nanggagaling sa
pagkakaroon ng inspirasyon mula sa ibang tao upang pagtibayin ang inyong paniniwala na balang
araw ay matutupad lahat ng inyong panaginip.

Hindi madaling abutin ang mga pangarap. Marami kang pagdadaanan at marami kang pagsubok
na haharapin. Diyan masusukat ang iyong katatagan at pagtitibayin ang inyong pananampalataya.
Madali lang mangarap. Isip at imahinasyon ang ginagamit para makita natin kung anong mga
posibleng mangyari bukas, sa isang linggo, sa isang buwan o sa isang taon. Lahat ng kagustuhan
natin ay lumalabas at yun ang nagiging dahilan upang maka buo ng isang pangarap.

Walang sumusuko sa mga taong nangangarap. Kahit gaano kahirap abutin basta gusto mong
maisakatuparan ang lahat, gagawin mo ang sinisigaw ng iyong puso’t isipan. Kung pursigido kang
abutin lahat lahat, pwes kumilos ka. Walang mangyayari sa taong tamad. Ang buhay ay maikli
lang at ang layunin nating lahat ay maisakatuparan ang lahat ng ating plano sa ating buhay. Kung
papaano mo aabutin, diskarte mo na lang.

Ang pangarap ay kaakibat ng hiling. Ito ay sinasama natin sa ating panalangin. Kung positibo kang
mag-isip, alam mo at panatag ka sa sarili mong matutupad lahat ng pangarap mo sa tamang
panahon. Kumilos ka lang at wag susuko. Wag kalimutan magbalik tanaw sa mga taong naging
susi para makahakbang ka sa hagdan ng iyong pangarap. Ang mga oportunidad na dumarating sa
inyo ay wag talikuran. Kunin niyo ito! Malay niyo ito ang maging susi para mas mapalapit ka sa
pag-abot mo ng pangarap. Manatiling positibo. Unahan mo ng magagandang pangitain ang mga
bagay na gusto mo pa lang mangyari.
Alam nating mahirap ang pagdadaanan natin bago natin maabot ang ating mga pangarap. Pero
hindi dahilan yun para pangunahan tayo ng takot, pagsuko, at kawalan ng tiwala sa sarili. Sarili
mo lang ang kalaban mo kaibigan. Kung magpapatalo ka sa negatibong takbo ng isip mo, sigurado
akong walang mangyayari sa pangarap mo.

Pag nangarap ka ngayon, hindi yan matutupad kinabukasan. Ang pangarap ay natutupad paunti-
unti depende sa sitwasyong inyong tinatahak. Depende sa diskarteng ginagawa mo at depende
rin ito sa iyong pagsisikap. Sa dami ng ating pangarap, hindi yan inaabot ng sabay-sabay. Isa-isa
lang, mahina ang kalaban. Halimbawa na lang ako. Marami talaga akong pangarap. Sa dami ng
pangarap ko, isa pa lang ang natutupad. Pero hindi biro ang pinagdaanan ko para lang abutin yun.
Nadadagdagan ang pangarap ko habang may natutupad at napapatunayan ako. Libre lang naman
mangarap hindi ba?

Wag kayong magpadala sa mga negatibong sinasabi ng mga tao sa paligid niyo. Sabihin man
nilang imposible ang mga pangarap niyo, nasa sa inyo yan kung magpapa apekto kayo at susuko
o magbibingi-bingihan na lang at magpapatuloy. Kung ako ang nasa sitwasyon ninyo, tatakpan ko
na lang ang tenga ko at magpapatuloy. Walang kwentang makinig sa mga negatibong sinasabi ng
iba. Gawin mo na lang insipirasyon ang mga sinasabi nila at gawing bala para magtagumpay sa
huli. Makita niyo na lang, nganga sila pag nasa tuktok ka na.

Kung naabot niyo na ang pangarap niyo, wag masyadong mayabang. Pag yan gumuho, ikaw ang
pagtatawanan. Matuto lumingon sa nakaraan o sa pinang galingan. Kung hindi dahil sa mga
nakaraan, wala ka sa iyong kinalalagyan.

O ano kangitian, nakaka relate ka? Kung oo, mabuti naman. Mag-isip ka. Abutin mo ang dapat
abutin. Gawin mo ang mga dapat gawin. Pero tandaan, kapag gumuguho ang pangarap, hindi
solusyon ang pagsuko. Kung gusto mo, unti-unti mong itayo ulit. Matagal pero nakasisiguro kang
matutupad ang lahat ayon sa iyong kagustuhan.

Magkaroon ng mabuting puso, lahat ay darating sayo sa tamang panahon.

DEKLAMASYON

ANG PAGMAMAHAL NG ISANG INA

Malaki ang pagkamuhi ko sa aking kinalakihang lugar. Liblib kasi at malayo sa kabihasnan,
tanging kuliglig lamang ang aking naririnig pag gabi. Nasa gitna kami ng kagubatan. Kasama
kong naninirahan dito ang aking ina, sa katotohanan lamang katulad ng aking pagkamuhi sa
lugar na ito, namumuhi din ako sa aking ina. Dahil sa itsura nyang parang halimaw, sunog ang
kalahati ng mukha at talaga naman nakakatakot. Ang bawat batang kanyang masalubong ay
sumisigaw ng mayroong halimaw. Yan din ang malaking dahilan kung bakit ayaw ko sa lugar na
ito.
Sabi ng aking ina, ako na lang daw ang kanyang kamag-anak na natitira. Hindi na daw nya kilala
kung sino pa ang mga kamag-anak . Si murang isip ko noon, siguro iniwan na talaga kami ng
mga kamag-anak ni ina dahil sa itsura nya. Ayaw masabi na may kamag-anak silang halimaw
kaya ganon. Dito umusbong ang aking unti unting pagkamuhi sa kanya. Sya ang nagdadala ng
malas sa akin.

Pangongolekta ng basura ang hanapbuhay ng aking ina bukod pa sa pagtatanim ng iba't ibang
gulay. S'yang mag isa ang nagtatrabaho para sa amin. Ganon pa man, sinikap nyang ako ay
mapag-aral. Noong una, inihahatid pa nya ko sa gate ng eskwelahan bago dumeretso sa
tambakan ng basura. Wala pa sa isip ko noon ang pagkamuhi sa kanya. Hindi ko alintana kung
may makakita sa akin na kasama ko sya. Pero habang tumatagal, iba't iba ang aking naririnig na
kwento ng aking mga kaklase sa akin. Kesyo anak daw ako ng halimaw, may lahi daw kaming
halimaw. Dahil don, umpisa noon hindi na ko nagpahatid sa kanya sa eskwela. Sinabihan ko din
ang aking ina na wag na wag pupunta sa aming paaralan.

Umuulan noon, hindi ko akalaing makikita ko sa labas ng paaralan ang aking ina na may dalang
payong. Iiwas sana ko sa kanya subalit ako'y kanyang tinawag at dinig na dinig ng aking mga
kaklase ang kanyang boses. Nagtakbuhan sila ng makalapit sya sa akin. "Anak ng halimaw, anak
ng halimaw" ang boses ng ibang bata na na hindi umaalis sa aking tenga. Dali dali akong
nagtatakbo pauwi, hindi ko pinansin si ina. Hinayaan ko ng mabasa ako ng ulan kesa makasabay
sya pag-uwi.

"Inay, bakit ba ganyan ang itsura nyo? bakit ba kayo mukhang halimaw? bakit hindi na lang
kayo mamatay." Aking nasabi sa kanya, dala na din ng pagkapahiya sa aking mga kaklse kaya
lumabas ito sa akin.

Pinili ni ina na manahimik. Noong gabing iyon, lumabas ako ng kwarto upang kumuha ng tubig.
Sa sulok ng mesa nakaupo sya't tahimik na umiiyak. Nakikita ko pa ang mga luhang dumadaloy
sa kanyang sunog na mukha. Alam kong nasaktan ko sya sa aking mga sinabi, may kirot sa aking
puso ang makita syang ganon. Noon din, ipinangako ko sa sarili kong hindi ako magiging tulad
nya.

Nag-aral akong mabuti, nagkamit ng karangalan sa pagtatapos sa mataas na paaralan. Umalis


ako sa aming bahay ng walang paalam at nakipagsapalaran sa ibang lugar. Malaki ang naging
epekto sa akin ng aking ina, iyon ang aking naging kasangkapan upang pagbutihin ang trabaho
sa umaga at pag-aaral sa gabi . Mahabang panahon ang lumpias hangang sa dumating ang
panahong ako ay nagtagumpay at naging isang Arkitekto. Nakabili ako ng magarang bahay sa
isang subdivision, nakabili ng magarang sasakyan at nagkaasawa at nagkaron ng isang anak.

Hindi ko inaasahan ang pagkakataon, kakagaling lang namin magsimba ng aking pamilya..
Naglalaro ang aking anak sa hindi kalayuan sa amin habang kausap ko ang ibang kakilala nang
narinig kong sumigaw ang aking anak at tatakbong lumapit sa akin. May halimaw daw na
lumapit sa kanya. Agad kong nilapitan ang sinasabi ng aking anak, nabigla ako sa aking paglapit.
Ang halimaw na sinasabi ay ang babaeng matagal ko ng hindi nakikita.

"Bakit ka nandito? Wag na wag kang lalapit sa anak ko, Hindi mo ba alam na tinatakot mo sya?,
umalis ka dito, don ka nababagay sa gitna ng gubat?"

"Pasensya na amang, nagbabakasali lang po kasi ako na makita ko dito ang nawawala kong
anak, umalis po ako sa gubat para lang sya ay aking makita."

"Ano, sa tingin mo ba ay magpapakita pa ang anak mo sa itsura mong yan?"

"Pasensya na po"

Ang usapan namin ng babaeng iyon. Laking pasasalamat ko at ako ay hindi nya nakilala. Ibinaon
ko na sa limot ang lahat ng aking pinagdaanan. Ayaw ko ng iyon ay balikan pa.

Isang taon din ang lumipas matapos ang insidenteng iyon. Nakatanggap ako ng proyekto na
malapit sa paaralan na dati kong pinasukan noon. Tila nanadya ang pagkakataon, ayaw ko
sanang tanggapin pero gusto ko din makita ang aking mga naging kaklase at ipamukha sa kanila
kung sino ang kinukutya nila noon.

Malapit ng matapos ang proyekto ng isang aksidente ang nangyari, hindi sinasadyang matrasan
ang isang mixer truck ang patas ng hallowblocks na malapit sa akin. nagbagsakan ang
hollowblocks sa akin at hindi ko na namalayan ang mga pangyayari.

Nagising ako na maliwanag ang kapaligiran, bumungad sa akin ang mukha ng aking asawa.

"Anong nangyari sa akin hon?"

"Hon, mabuti at nagising ka na, salamat sa Diyos. Tatlong araw ka ng walang malay. Nagkaron
ng aksidente sa site, nabagsakan ka ng hollowblocks na malapit sayong kinatatayuan."

"Natatandaan ko na ang lahat, salamat sa Diyos at ako'y ligtas."

"May nagligtas sayo Hon, utang natin sa kanya ang iyong buhay. Bago pa man bumagsak sayo
ng mga bagay na yun, isang matandang babae ang mabilis na tumakbo papalapit sayo at
yumakap. Sa kanya lahat tumama ang mga hollowblocks bago pa sayo. Nakakaawa ang
matandang babae, kahit na ganon pa ang kanyang itsura, may dakila syang puso para iyon ay
gawin"

"Nasaan ang matandang nagligtas sa akin"

"Namatay din sya noong araw na yun Hon. Pagdating ko dito, ipinagtanong ko kung saan sya
nakatira. Pero ang sabi sa akin, ayaw daw ng kaibigan nyang ipaalam pa sa lahat lalo na sayo
ang pangyayari."
"Anong pangalan ng babaeng yun Hon?" Kinakabahan kong tanong sa aking asawa.

"HIndi ko alam pero Halimaw ang bansag sa kanya ng marami"

Bigla ang pamamanhid ng aking katawan sa aking narinig. Bigla ang lakas ng tibok ng aking puso
na para akong aatakehin. HIndi ko alam ang aking sasabihin, sari saring damdamin ang aking
nararamdaman. HIndi ako makapaniwala sa aking narinig. Lumuha ang aking mata ng hindi ko
namamalayan.

Noong araw ding iyon, Ipasya kong puntahan ang aming tahanan noon. Tinahak kong muli ang
landas pabalik sa aking nakaraan hanggang sa marating ko ang munting kubo na iyon. May
kurot sa puso kong tinitigan ang kabuuan ng bahay. Ito ang aking naging tahanan, dito sa bahay
na ito nabuo ang aking mga pangarap. Ito ang aking tinakasan. Isang matandang babae ang
lumabas mula sa loob ng bahay, pero hindi ko sya kilala.

"Magandang hapon po amang, tila po yata kayo ay naliligaw"? ang tanong sakin ng matandang
babae

"Ah eh manang, kayo po ba ang nakatira sa bahay na ito, ayon po sa aking narinig eh may
isang..."

"Halimaw ba ang narinig mo sa kwentuhan sa bayan? Hindi na ko magtataka, pero kung sya nga
po ang inyong tinutukoy, wala na po ang aking kaibigan, pumanaw na po sya may talong araw
na ang nakakaraan. Kung hindi po ako nagkakamali, ikaw ang lalaking kanyang iniligtas, ikaw
ang lalaking matagal na nyang hinihintay."

Tahimik lang ako tumungo tanda ng aking pagsang-ayon. Niyaya ako ng matandang babae sa
likod bahay kung saan naroroon ang kanyang libingan. Isang puntod na may maliit na krus ang
aking nakita. Nag-alay ako ng isang maikling panalangin sa kanya. Habang nakatitig ako sa
puntod na iyon ay nagkwento ang matandang babae.

"Alam mo amang, namatay syang ang tawag sa kanya ng mga tao ay halimaw. Pero hindi, ang
kanyang damdamin at puso, daig pa sa kagandahan ang pinakamagandang Dyosa na iyong
kilala. Matagal ko na sya kilala. Matalik kaming magkaibigan, Maliliit pa lang kami, kami na ang
laging magkasama. Umalis kami sa aming lugar dahil na din sa kahirapan. Naghanap kami ng
trabaho sa bayan ng lugar na ito hanggang sa matanggap kami bilang kasambahay ng isang
mayamang pamilya. Matagal kaming nagsilbi sa aming amo. Araw ng linggo noon, araw iyon ng
aming pahinga bilang kasambahay ng pagpasyahan naming kami ay mamasyal at noong hapon
ng paguwi nadatnan naming nasusunog ang bahay ng aming amo. Sa kabila ng malakas na
apoy, lakas loob syang sumugod sa loob ng bahay upang iligtas ang aming amo. Wala akong
nagawa para sya ay pigilan. Wala na kong pag asa na may mabuhuhay pa sa sunog na iyon. Pero
lumabas sya na dala ang isang bata, iyon ang anak ng aming amo. Walang pinsala ni isa sa bata
pero ang aking kaibigan, sunog na sunog ang kalahating bahagi ng mukha. Iyon ang dahilan
kung bakit sunog ang kanyang mukha, at tinatawag syang halimaw."

"Hindi sya nagiisa dito amang. Wala kaming ibang kilalang kamag-anak ng aming
pinaglilingkuran.Kinupkop namin ang bata, at noon habang sya ay nagpapagaling ng kanyang
mga sugat, ipinasya kong maghanap ng trabaho. Natanggap ako bilang isang kasambahay muli
sa bayan na iyon. Matagal tagal din ako hindi nakauwi sa kanilang dalawa. Noong pag uwi ko,
wala na ko nadatnan sa aming inuupahan. Napakadakila ng puso nya, isang sulat ang iniwan nya
sa akin. Ayaw nyang maging pabigat sila sa akin noon, umalis sya kasama ng bata. Matagal ko
syang hinanap, nangangamba ako para sa kanila dahil na din sa kanyang itsura, panigurado
kasing pandidirihan sya ng ibang makakakita sa kanya. Dito pala sya nagtago sa liblib na lugar na
ito."

Mahabang pananahimik ang sa amin ay namagitan, hindi ko namalayan na unti unting dumaloy
ang luha sa aking mga mata.

"Alam mo amang, tinuring nyang parang tunay na anak ang bata. Pinag-aral nya hanggang sa
abot ng kanyang makakaya. Palagi nya itong pinuntahan sa eskwela pag oras ng uwian,
sinusundan nya hangang sa paguwi upang masiguro lamang ang kaligtasan ng itinuturing na
anak. Pero umalis ang batang iyon. Matagal nya din hinanap ang bata, walang araw na hindi nya
naisip ito.Hangang kanya muling makita, natuwa sya sapagkat malaki na ang ipinagbago ng
kanyang itinuring na anak. Isa ng mayaman at matagumpay sa buhay. Natutuwa rin sya
sapagkat nakita nya ang kanyang apo. May pamilya na pala ang kanyang itinuring na anak.
Bumalik sya dito sa gubat na masaya. Noong panahong iyon, natagpuan ko na din sya dito."

Lumuluha ang matanda habang nagkukwento sa akin. Para namang nagsisikip ang aking dibdib
sa aking naririnig.

"Sinubukan ko syang pakiusapan upang sumama sa akin at ng sya ay maipagamot. Noong mga
panahong iyon kasi, malala na din ang kanyang kalagayan dahil sa sakit. Pero mariin ang
kanyang pagtanggi. Ayaw nyang lisanin ang lugar na ito sapagkat alam daw nyang magbabalik
ang kanyang anak. Alam mo amang, sobrang mahal na mahal nya ang tinuring na anak. Kahit
hindi nya ito kadugo, pagmamahal pa ng isang tunay na ina ang kanyang ipinakita. Sa kabila ng
kanyang itsura, kahit na sya's ituring na halimaw ng marami, hindi sya sumuko mabuhay lamang
ang anak. Namulot ng basura, inalipusta ng mga tao, lahat ng panganib kanya ng sinuong para
lamang sa pagmamahal nya sa kanyang anak."

"At noon nga, noong nabalitaan nyang nandito ang kanyang anak, araw araw syang
nagpupunpunta sa pagawaang iyon. Nakatanaw sa malayo, nakita ko sa kanya ang tunay na
kasiyahan. Saksi ako sa pagmamahal na walang katulad, sa pagmamahal ng isang halimaw na
tinatawag ng marami, na iniaalay ang sariling buhay para lang sa kaligtasan ng nakalimot nyang
anak. Amang, sinasabi ko ang lahat ng ito upang kahit paano ay maging malinis ang kanyang
pagkatao sa iyong isip at damdamin. Batid ko ang pagkamuhi mo sa iyong nakaraan. Linisin mo
na ang iyong puso, matagal ka na nyang pinatawad amang. "
Luhaan akong nakayuko matapos kong marinig lahat ng kwento tungkol sa aking Ina. Hindi ko
alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya. Ako pala ang dahilan kung bakit sunog at
mukha syang halimaw. Ako ang dahilan kung bakit nagtitiis sya sa dusa na ako pala ang may
gawa. At ako din ang dahilan ng kanyang pagpanaw. Ngayon ako naliwanagan, na walang ibang
halimaw sa aming dalawa kundi ako. Ako na walang inisip kundi ang kamuhian sya. Ako ang
halimaw na pumatay sa kanya. Umalis ang matanda, Hinayaan nya kong mapagisa sa harap ng
puntod na iyon. Sa puntod na aking ina, sa puntod ng isang taong sa akin ay labis na nagmahal.
Isang taong itinuring ko noon na halimaw, halimaw na may busilak na puso at napakadakilang
damdamin.
BATANG LANSANGAN

Paikot-ikot sa lansangan. Palimos-limos sa tabi-tabi. Pabitin-bitin sa mga jip. Kadalasan, may dala
akong tambol na lata sa aking kamay na puno ng grasa, si Inay naman, hawak ang dalawa kong
batang kapatid ay namimigay ng sobreng kung papalarin ay magbibigay kalansing sa aming
buhay. Limos na dapat ay sa aming pangkain sana mapupunta, ngunit sa halip ay sa kamay ng
mga sindakatong humahawak sa amin mapupunta. Kung minsan pa ay swerteng pagkain ang
aming matatanggap kapalit ng mga kantang di niyo man maintindihan, nilalaman nito ang aming
tinig-damdamin. Iyan po ang suma-total ng aming buhay. Eto na ang nakagisnan namin. Iyan na
din ang nakagisnan ng mga matang nakakakita sa amin. Ngunit sa kabila po niyan, gusto po
naming gumanda ang aming pamumuhay. Minsan makaranas ng kaalwanan kahit sa loob lamang
ng isang araw.

Ito po ay isang samo, ito ang aking samo.

Tanda ko pa noon, unang tapak ko pa lamang noon sa loob ng isang lungsod. Di ko na maalala
saang lungsod ako unang tumapak pero hanggang ngayon dama ko pa din ang saya na
naramdaman ko noon. Umaga noon. Maraming tao. Buhay na buhay ang paligid. Andiyan ang
mga sasakyan, gumagawa ng musika. Ingay ito sa karamihan pero musika itong nakapupukaw sa
pandinig ko. Bata pa ako noon. Sabi Ina at Ama, sa lungsod na aming pupuntahan, maraming
pangarap ang nabibigyang katuparan. At kung papalarin, pangarap ko din ay matutupad.
Pangarap ko noon? Noon may ngiti kong masasabi na gusto ko talaga maging Pulis o kahit
Sundalo. Maalin doon basta ba makakatulong ako sa mga nangangailangan. Simple lang diba?
Pero para sa akin, hindi, para sa amin, mabigat ang dating niyan.

Nakatira pa kami noon sa aming munting probinsya. Tahanan namin doon ay isang barong-
barong. Tagpi-tagping tabla at pira-pirasong kahoy ang aming dingding. Mga lumang sako naman
ang bumubuo sa aming bubong. Masaya kami doon kahit payak ang aming pamumuhay.
Nagiisang anak pa lang ako noon kaya naitatawid pa ni Ama at Inay ang aming pamilya.
Karpentero ang aking ama, at ang aking Ina naman ay tumatanggap ng mga labahin. Minsan
nakaluwag luwag ang aming pamilya. Nakabili ang aking ama ng ilang pirasong pawid. Napalitan
niya ang mga sakong binutas na ng panahon. Tuwang-tuwa ako noon. Sa aking munting isip,
nakita kong umuunlad kahit hirap ang aming pamilya.
Habang minamasdan ko ang aking ama, tinanong niya ako kung ano ang aking pangarap. Sinabi
ko ang aking pangarap, nakangiti ako noon. Sinabi ko din kung bakit iyon ang aking pinapangarap.
Nagpalitan kami ng aming mga iniisip. Natuwa ako ng marinig ko noon na ang pangarap niya
noong bata pa siya ay katulad din ng sa akin. Nung maging binata naman siya ay nagbago ang
pangarap na ito. Unang antas lamang ng Elementarya ang natapos ng aking ama. Pati ang ina ko
ay ganun din. Kaya ang pangarap niya noong binata pa siya ay ang makatulong kahit mumunti
lang sa kanyang Ama at Ina. Nang dumating naman siya sa edad ng pagaasawa, nagbago na
naman ang kaniyang pangarap. Isang pamilyang kumpleto, sama-sama at buklod-buklod sa loob
ng isang lugar na matatawag niyang tahanan ang kaniyang naging pangarap. Napagtanto kong
hindi nangyari ang kaniyang unang pangarap. Naging balisa ako ngunit kinimkim ko ang aking
nararamdaman.

Tama. Yan nga ang ala-alang tanda ko pa rin hanggang sa ngayon. Maging pulis. Tumulong. Isang
tunay na pamilya. Pinangarap yan ng aking ama. Ngunit ako na ngayon ang nagpapatuloy ng
pangarap na yan. Mula ng mawala ang aking ama, tinanggap ko na sa aking sarili na hindi na
mawawala ang hirap sa aming buhay. Minsan lang namin nadama ang kaginhawaan. Ginhawa
nga bang matatawag yun? Tinanggap ko ang katotohanang yan. Nakalimutan ko ang aking unang
pangarap.

Malalalim na Salitang Filipino


Malalalim na Salitang Filipino

A
adhika nais o gusto
agam agam-pangamba
agamahan relihiyon
agapayang kabit koneksiyong paralel
agapayang salikop sirket na paralel

B
bagwis pakpak
bahagdan porsyento
bahagimbilang praksyon (fraction)
bahagimbilang (hatimbilang) praksiyon
balamban membrano

D
dagap kabuoan
dagibalniing liboy kulot na elektromagnetiko
dagikapnayan elektrokemistri
dagilap radyoaktibidad
dagindas elektroda
G
gaso gaslaw; harot
gilis hipotenusa
ginapas inani
gipalpal punong-puno
gitisig lakas na sentripetal

H
habyog torka
hagibis belodidad
hagway proporsiyon
hambinging bigat espesipikong bigat
handulong daluhong; sugod

K
kaalkahan alkalinidad
kaasdan akididad
kabatas tagapagpatupad ng batas
kabisa andar
kabtol lipat
kabuuran nukleo, nukleyus

L
lahatan pangkalahatang kimika
laksa libo
laktod maikling paligid
lalik torno
lanyos lambing
lapang piraso; hati
lapya plano

M
magpahingalay magpahinga
mahumaling magkagusto
makabuntala asteroyd
malabuntala planetoyd
malasaluyan semikonduktor
mamangha magtaka
N
naapuhap nahanap
nabuslot nahulog sa butas
nag-aalimpuyo nangangalit
nag-aalimpuyo nangangalit
nagahis natalo
nag-apuhap nag-isip, naghanap
naghamok naglaban
P
pag-inog ebolusyon (siklo ng buhay)
pagniniig interaksyon
palaasalan etnika
palabaybayan ortograpya
paladutaan heolohiya
palamara masama
palapusuan kardiolohiya
R
rabaw balat (ibabaw)
ragandang darang
ramilyete pumpon ng bulaklak
refran kasabihan; salawikain
rueda gulong

S
sabansain nasyunalista
sagadsad dausdos; tuloy-tuloy
sakwil resistansiya
salanggapang walanghiya
salapsap pagbalat ng prutas gamit ang kutsilyo
saliding saloy alternatibang kasalukuyan
saligwil transistor
T
tablay elektrikong singil
taborete upuan
tadlong perpendikular
tagil, tagilo piramide, piramid
takap hamon
talaksan papeles
talinghaga misteryo

You might also like