You are on page 1of 2

Pamumuhay sa Panahong Prehistoriko ng mga Sinaunang Pilipino

(Paleoletiko, Neolitiko at Metal)


PANAHONG PALEOLITIKO (Old Stone Age) PANAHONG NEOLITIKO (New Stone Age)
PANAHON NG METAL Unang Panahon ng Metal Maunlad na Panahong Metal
. Ang mga tao sa panahong ito ay nakagawa ng mga kagamitang gawa sa bato. Nabuhay sila sa
pangangaso at pangunguha ng halaman Pangkatan sila kung nanirahan sa isang pook hangga’t
may makuha silang pagkain. 50,000-10,000 B.C.E. [Before Common Era]
Noong 1935, natuklasan sa Cagayan ang kagamitang gawa sa bato. Mula 1962-1970, natuklasan ni
Robert Fox ang buto ng tao at hayop at kagamitang gawa sa bato sa Kuweba ng Tabon sa Palawan
Pagkalipas ng Panahon ng Yelo, uminit nang bahagya ang klima ng daigdig. Unti-unting naubos ang
malalaking hayop at napalitan ito ng maliliit na hayop. Natutunan ng sinaunang tao na mangisda at
kumain ng prutas at gulay. Dahil sa pagbabago sa klima, nagbago ang uri ng pamumuhay ng
sinaunang tao. Nagtanim sila ng halaman. Pinakinis nila ang kagamitang bato. Gumawa sila ng
kagamitang hugis palakol
Dahil sa malaking pagbabagong ito, tinawag itong Panahong Neolitiko
Panahon ito ng transisyon mula sa paggamit ng bato ang Panahon ng Metal. Ito ay bunsod ng
pagkakatuklas sa mga metal tulad ng tanso, tumbaga at ginto bilang material sa paggawa ng mga
kasangkapan, sandata at palamuti sa katawan. Nahahati ito sa dalawang panahon. 1. Unang
Panahon ng Metal 2. Maunlad na Panahong Metal
Tanso (pinaghalong lata at iba pang metal) ang unang ginamit na metal sa panahong ito. Nakatuklas
din ng iba’t ibang palamuti at disenyo tulad ng hikaw, kuwintas at at pulseras na tinawag na ling-ling-
o ng mga arkeologo
Naging pangunahing metal ang bakal sa paggawa ng mga kasangkapan. May mga kagamitang
bakal tulad ng mga kutsilyo at magarang sandata, espada, sibat at gulok na nahukay.

Ang Panahon ng Bato o Stone Age ay isang malawak na kapanahunang prehestoriko


(bago sumapit ang nasusulat na kasaysayan) kung kailan at saan gumagamit ang mga tao ng
mga bato para sa paggawa ng mga kagamitan o kasangkapan. Karamihan sa mga dalubhasa sa
paksang ito ang naghahati sa Panahon ng Bato sa tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato
(Paleolitiko), Panggitna o Gitnang Panahon ng Bato (Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato
(Neolitiko). Nagmula ang lithic o litiko mula sa salitang Griyego na nangangahulugang "ng bato" at
tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga kasangkapan at pagbubuo ng mga
sandata. Kahit magpahanggang-ngayon mayroon pa ring mga mamamayang namumuhay sa loob
ng kanilang kultura na may antas masasabing pagkakaroon pa rin ng "panahon ng bato". Ilan sa
mga halimbawa ang mga aborihines (aborigene) ng Australya at ang mga Taong-Palumpong
(Bushmen, mga "tao ng palumpong") ng Timog Aprika.

Sa arkeolohiya, ang Panahon ng Bakal ay ang yugto ng kaunlaran ng sinumang tao na


namamayani ang bakal sa pangunahing sangkap sa mga kagamitan at sandata. Kadalasang
sumasabay ang mga ganitong paghiram sa mga ibang pagbabago sa lipunan, kabilang ang mga
magkakaibang pagsasanay sa pagsasaka, mga paniniwalang pang-relihiyon.
Sa kasaysayan, pinakahuling prinsipal na panahon sa sistema ng tatlong-panahon para sa pag-uuri
ng mga lipunang bago ang kasaysayan, nauna ang Panahon ng Tanso. Nag-iiba ang petsa at
konteksto ng panahong ito, depende sa bansa o rehiyong pang-heograpiya.
Sa arkeolohiya, ang mesolitiko (Griyego: μεσος, mesos "gitna"; λιθος, lithos "bato") ay
ang kalinangan sa pagitan ng paleolitiko at neolitiko. Kadalasang ginagamit ang katagang
"Epipaleolitiko" sa mga lugar na labas ng hilagang Europa, ngunit ito ang naging ninais na
kasingkahulugan ng arkeologong Pranses hanggang sa dekada ng 1960
May mga iba't ibang maikling panahon sa iba't ibang bahagi ang Eurasya. Ito ay orihinal na
pagkatapos ng Pleistoseno, bago ang agrikultura materyal sa hilagang-kanluran ng Europa na
tinatayang sa pagitan ng 10,000 hanggang 5,000 BCE ("Before Common Era"), ngunit ang materyal
mula sa Levant (mga 20,000 hanggang 9,500 BCE) ay tinutukoy din bilang mesolitiko.

Ang prehistorikong tao ay ang mga taong namuhay bago ang nakasulat na kasaysayan. Maaaring
pinamuhayan na ng mga taong prehistoriko ang mundo ng mahigit sa 1,000,000 mga taon na ang
nakalilipas. Nagsimula lamang ang nakasulat na kasaysayan noong bandang 3,000 BK. Hindi pa
nakukumpleto ang salaysay hinggil sa prehistorikong mga tao dahil patuloy ang paghahanap at
pagtuklas ang mga siyentipiko ng bagong mga pahimatong.

Kabilang sa mga prehistorikong tao ang:


 Homo habilis ("taong nakakagawa ng mga bagay"), natuklasan ni Dr.Louis
S.B.Leakey noong 1964
 Zinjanthropus ("taong mula sa Silangang Aprika"), natuklasan ni Dr. Leakey noong
1959
 Australopithecus ("bakulaw ng timog"), natuklasan ni Dr. Raymond Dar noong 1925
 Homo erectus ("nakatindig na tao"), kabilang ang:

 Taong Java (Pithecanthropus erectus)


 Taong Peking (Pithecanthropus pekinensis)

You might also like