You are on page 1of 1

Ang Aking Talambuhay

Sino ba ako?saan ako nagmula?Ano pag-uugali ang meron ako?Anu-ano


bang kakayahan ang taglay at talino ang kaya kung ibahagi sa iba?Ano adhikain ko
sa buhay?paano ako magiging kapaki-pakinabang?

Ako si Hannah Beatrice Paral Reginaldo ipinanganak noong ika-tatlumpo ng


Nobyembre Taong dalawang libo apat na kasalukuyan na naninirahan sa Brgy.
Zone 3 Bagong Sirang Pili Camarines Sur,ako ay labing-apat sa taong gulang at
nasa Ikawalong baitang sa Paaralan ng Camarines Science Oriented High School
sa New San Roque Pili Camarines Sur.Ang aking mga magulang ay sina Ginoong
Janiffer P. Reginaldo ang trabaho niya ay isang Drayber ng amimg dyip at ang
aking inang Si Ginang Erlinda P. Reginaldo isang naming guro sa paaralan ng Sta,
Cruz Elementary School sa libmanan. Bilang isang anak tungkulin ko ay ang
pagtulong sa aking mga magulang,pagiging masunurin,kalingain ang aking mga
magulang,maging mabait at parating makinig sa payo ng aking mga magulang
dahil alam nila kung ano ang mamakabubuti at ikakasama ko .Bilang isang mag-
aaral kailangan kung mag-aral ng mabuti upang masuklian ko ang ilang taong
sakripisyo at paghihirap ng aking mga magulang.Bilang isang bahagi naman ng
aming komunidad tungkulin kong maging huwaran, magpakita ng kagandahang
asal sa mga taong nakakasalamuha at mga lider ng barangay tumulong kung may
mga programang makakatulong sa barangay upang maisaayos ito.Tungkulin ko
rin ang pahalagahan ang mga kaibigan kong sumusuporta at parating nandiyan
para sa akin.Naniniwala ako sa diyos na lumikha sa akin pinapahalagahan ko rin
ang mga kakayahang inihahandog niya gaya ng kumanta at sumayaw pati ang
angking katalinuhan niyang inihandog sa akin sisikapin kong Ito ay paunlarin ng sa
gayun ay maging maganda inspirasyon pa ako at maibahagi pa sa iba kung ano
ang meron ako.Nais ko rin ang pakapag tapos ng pag-aaral at maging isang
huwarang guro balang araw.At gusto ko na sa ating sariling bansa tuparin lahat
ng aking pangarap ng kasama ang aking mga magulang.Gusto na dito sa ating
bansa maglingkod upang sa ganun ay marami akong matulungan na kapwa ko
mamayang Pilipino upang makatulong na mapaunlad ang Ekonomiya.

You might also like