You are on page 1of 5

Tunay na ang wikang Filipino ay may taglay na malalim, malawak at natatanging kaalaman at

karunungan. Mula rito, kung mahusay nating magagamit ang wikang Filipino sa ating buhay at iba-iba
pang mga aspeto nito ay masasabi ngang magbubunga ito ng kaunlaran. Ang wikang ito na mahiwaga na
nagpababatid ng mga kaalaman ay lalong mabisang maikakasangkapan sa ating pambansang kaunlaran
kung ito'y lubos at puspusang pinapairal sa iba't-ibang larangan, disiplina at sa mga kapuluan ng
Pilipinas.

Ang ating wikang Pambansa ang nagdudulot ng pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa ng mga tao sa
bansa at isa itong mahalagang salik sa ating pambansang pagkakakilanlan. Ang masusing paraan upang
itaguyod ito ay nananatiling isang pangunahing hamon, 'di lamang sa mga sektor at sa mga grupong
naglalayon sa pagpapayabong ng wikang Filipino kundi sa buong bansa at sa lahat ng mga tao rito. Dahil
sa tayo ang gumagamit, tayo ang lumilikha at tumatanggap kung gayon ay tayo rin mismo ang
nakikinabang kung kaya't mas mabuti kung hahangarin natin ang higit na ikayayaman ng karunungang
nakapaloob sa wika nating pambansa. Isa sa mga problema ang tila mas pagtangkilik sa wikang Ingles
kaysa sarili nating wika, Filipino. Mas gusto pang gamitin ang wikang Ingles sapagkat ito ang kinikilalang
wikang pandaigdig at ugnay na rin dito ang maraming kapuluan ng Pilipinas, maraming katutubong wika
ang nagpapatid sa tuluyan at ganap na pagkakaisa ng bansa bagaman mayroon namang wikang
pambansa sa kabila nito'y mas umiigting ang pagtangkilik sa mga wikang panrehiyon at wikang
pandaigdig marahil mas madali ang komunikasyon at transaksyon sa pamamagitan ng mga wikang ito.

Ayon kay Gat. Jose Rizal, "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at
malansang isda.'' Kung susuriing mabuti, nais lamang ipabatid ng pahayag na ito ukol sa ating sariling
wika ay ang hindi pagmahal at ang pagtalikod dito ay ang salik na magpapakilala sa tao bilang taksil sa
bansa. Kaya't layon naman ng mga salitang ito na buksan ang kaisipan ng mga tao kung paano tatanawin
ang sariling wika, kung paano ito ituturing.

Isipin na lamang natin ang kahalagahan ng wika sa ating buhay, sa ating kapwa, sa bansa at buong
daigdig. Tanungin din natin ang ating sarili na paano na lang kung wala ni isang wika. Paano makikipag-
ugnayan ang tao sa kaniyang kapwa? Paano ilalahad ang saloobin at kaisipan ng isa? Hindi ba't mahirap
bigyan ng nararapat na paliwanag kung paano na lamang ang buhay ng tao kung walang wika? Ngunit
ang kaisipan natin ay maglalaro sa sagot na kung walang wika, maaring wala tayo ngayon sa mund0ng
ating ginagalawan sapagkat posibleng maging bunga na nga ito ng kawalan ng komunikasyon sa pagitan
ng mga tao. Mula rito, mauunawaan natin kung gaano kahalaga ang wika, ang pangkalahatang dulot at
ambag nito sa mga tao. At kung naunawaan natin ito ng mabuti ay maiisip natin na dapat umaksyon at
makibahagi ang bawat isa upang lalong umunlad ang wikang Filipino, mas maging mabisa pa ang
paggamit dito, mas yumaman pa ang karunungang taglay nito at mas makilala ng tao sa Pilipinas at
lalung-lalo na sa buong daigdig. Dagdag pa rito ay ang ating kamangmangan, na tinanggal ng
karunungang taglay ng wika. Kung walang wika, walang sagot sa ating kamangmangan. Itong wikang
Filipino, wikang pambansa ang tatanglaw sa tao sa mundong magulo, para hindi na mangamba pa,
upang hindi na matakot pa.
Filipino, wika ng Pilipinas, wika ng karunungan. Ang nagsusulong sa pagbabago at pag-uunlad sa
lipunan at sa bayan. Ang instrumento ng ating pakikipagtalastasan at ang nagdudulot ng mabuting
pakikipag-ugnayan, ito na rin nga ang magbubunga ng pambansang pagkakaisa na daan sa kaunlaran.

Palawigin at pagyamanin pa ang wikang Filipino, ibabad ang sarili sa wikang ito. Tumanggap pa tayo
ng wika, makinig, sumangguni at magtanong upang lumawak ang sariling kaalaman. Lumikha tayo ng
wika, magsulat, magpahayag at magpaliwanag upang humusay sa paggamit ng wika at makatulong sa
bansa sa pagpapalaganap ng kaalaman. Pairalin ang wikang Filipino sa lahat ng larangan at disiplina,
institusyon at sistema. Palaging gamitin upang makilala pa, palaging ikasangkapan para lumawig pa.
Kung ang salita na mula sa wikang banyaga ay walang katumbas na salita sa ating sariling wika ay
tumbasan nang umunlad pa. Sa lahat ng gawain, komunikasyon at transaksyong pambansa ay itatag
natin ang wikang Filipino nang lalo pang magamit. Mas tangkilikin at gamitin kaysa wikang banyaga.
Makibahagi tayo sa layuning pagpapaunlad, manaliksik pa sa wikang Filipino upang palaganapin ang
karunungan at ibahagi ang hiwaga nitong kaalaman. Magbigay pugay tayo sa mga taong naunang
nagbahagi sa higit na ikauunlad ng wika.

Samakatuwid, napakahalaga ng wikang pambansa sapagkat ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang
nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan
ng mga mamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito
ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga
tao sa labas ng bansa. Wika ang ating tubig na papawi sa uhaw nating kaalaman, ang tinapay na bubusog
sa ating pag-iisip at karunungan, ang ilaw na magbibigay liwanag sa kadiliman, ang paliwanag sa
kabagabagan, ang sagot sa maraming katanungan, ang sandata ng ating katalinuhan, ang kalasag ng
katuwiran at ang lunas sa ating kamangmangan. Wikang Filipino ang kaluluwa ng Pilipinas, ang
karunungan nito ang susi sa pambansang pag-unlad sa iba't-ibang aspeto para sa iisang minitmithing
tagumpay.

Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at bawat isla ay may sariling dayalekto o wika. Dahil sa
pagkakaiba ng linggwaheng gamit, kadalas'y hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Sa ganitong dahilan,
napagkasunduan na at idineklara ang Wikang Pilipino bilang isang wikang pagkakakilanlan o wikang
pambansa.

           Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ang wikang
ito "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon,
at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo.  Dahil dito, may iisang pambansang wikang kinikilala at ginagamit bilang pambansang
kasangkapan sa pagkakaunawaan ang bawat Pilipino.  Mas nabigkis ang bawat isa dahil sa mabisang
komunikasyon at walang hadlang sa pagkakaintindihan. Mas malinaw na transaksyon sa kalakalan sa
pagitan ng isa't-isa. Mas mainam ang pakikipagpalitan ng ideya o pakikipagpalitan ng suhestyon para sa
makabagong pamamaraan kung ang dalawang panig o higit pa ay nagkakainitindihan at
nagkakaunawaan. Mas mahusay kung ang palitang ito ay walang hadlang lalong-lalo na sa wikang gamit.
Mas mapadali ang bawat trabaho o gawain kung ang wikang gamit ay iisa.  Ang kaunlaran at pag-usbong
ng pamumuhay ay magandang dulot ng pagkakaunawaan.  Kaya naman magtulungan at paunlarin ang
wi.kang Filipino upang bayan natin ay may pag-unlad.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/209707#readmore

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at


nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang lalong maitindihan ang mga dahilan kung bakit Filipino ang
napiling wikang pambansa, malamaman ang mga katangian ng wikang Filipino at ang pinagkaiba nito sa
ibang mga diyalekto, at matukoy ang kaugnayan at kahalagahan ng wikang ito sa pagpapaunlad ng ating
ekonomiya.

Pag-lalahad ng Suliranin

Saan nga ba nagmula ang wika ng Pilipinas?

Ayon kay Paul Morrow, Maraming lahi ang nagdala ng kani-kanilang salita sa Pilipinas noong unang
panahon, ngunit ang mga wikang dinatnan nila sa Pilipinas ay taal na Filipino.

Rekomendasyon

Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-
ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung
ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Matapos ang masusing pagkalap ng mga
kailangang datos nabuo ng mananaliksik ang mga rekomendasyong ito.

sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya, mas magiging madali para sa mga
mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa
loob ng ating ekonomiya.

Ayon sa Wave Theory

Ang mga ninuno ng lahing Filipino ay dumayo sa Pilipinas nang ilang ulit o waves ng pandarayuhan sa
pamamagitan ng mga tulay na lupa na nalantad dahil mas mababaw ang mga dagat noong panahon ng
kalamigang pandaigdig (Ice Age). Nanggaling daw sila sa Indonesia, Malaysia at iba pang lugar. Libu-
libong taon daw ang pagitan ng bawat panahon ng pandarayuhan. Diumano’y ito raw ang sanhi kung
bakit may mga Ita, Ifugaw at modernong Filipino sa Pilipinas. Subalit ngayon ay hindi na tinatanggap ang
teoryang ito.

Narito ang mga katanungan na dapat masagot ng papel na ito,

1. Saan nagmula ang wikang Filipino na ginagamit natin sa ngayon?

2. Paano nakakatulong ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?

3. Paano ang naging proseso ng pagpili sa opisyal na wika sa ating bansa?

Paano nakakatulong ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-unlad ng Ekonomiya?

Ang wika ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya sa isang bansa. Ito ay
isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng bawat tao sa isang ekonomiya. Kung wala
nito, makakaroon ng hindi pagkakaunawaan at maaring humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng
isang bansa.

Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936, sinabi
niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado
ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”

Paano ang naging proseso ng pagpili ng ating wika?

Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong 7 Hunyo 1940 na kumikilala
sa Pambansang Wikang Filipino [Filipino National Language] bilang isa sa mga opisyal na wika ng
Pilipinas pagsapit ng 4 Hulyo 1946.

Konklusyon

Dapat nating bigyang halaga ang ating sariling wika, lalo na sa paggamit nito sa iba’t ibang sektor ng
lipunan gaya nalang ng ating ekonomiya. Mas magiging mabilis at maayos ang pag-aangat ng estado ng
lipunan dito sa bansa kung iisa lamang ang wika at lahat ay magkakaroon ng pagkakaintindihan sa lahat
ng kanilang gagawin. Hindi magiging mahirap ang pag-aangat ng estado ng ekonomiya kung gagamitin
natin ang wikang Filipino kagaya ng ginawa ng ibang bansa na ginamit lamang ang sarili nilang upang
maging isang maunlad na bansa.


Una

Nararapat lamang na mas gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng transaksyon na gagawin dito sa ating
bansa upang mas mapadali at magkaroon ng pagkakaintindihan ang lahat ng mga tao.

Pangalawa

Gawing midyum ng pananalita ang wikang Filipino sa lahat ng aspeto ng lipunan.

Pangatlo

Linangin pa ang paggamit ng wikang Filipino upang mas maitaas ang kalidad ng pagsasalita nito.

You might also like