You are on page 1of 7

Marco, Millicent M.

Pampropesyunal na
Filipino
BSBA-MM B322 September 24, 2021

Communication -19: Kalagayan ng Komunikasyon Sa Gitna ng Pandemya

Ang SARS-CoV-2 o mas kilala sa katawagang COVID-19, ay isang uri ng sakit na

tumatama hanggang sa kasulukuyan sa maraming bansa at nagkaroon ng malaking epekto sa

pang araw-araw na pamumuhay ng tao. Ayon sa kasalukuyang datos ng Department of Health

(DOH), mahigit kumulang dalawang milyon at apat na libo na ang kaso ng COVID-19 sa bansa,

at apatnapu’t dalawang milyong Pilipino pa lamang ang nababakunahan [ CITATION Dep211 \l

13321 ]. Sa nagdaan na isang taon, maraming binago ang pandemya hinggil sa pamumuhay ng

tao. Maraming negosyo ang nagsara at umusbong, nililimitahan ang malakihang pagsasalo-salo,

at kinakailangan magsuot palagi ng pantakip sa mukha o ‘face mask’ upang maiwasan ang

pagkalat ng virus. Hindi naging madali ang ganitong pamumuhay sa simula, ngunit natututo na

ang mga Pilipino na i-ayon ang ganitong panuntunan sa kanilang buhay. Gayunpaman, marami

pa rin ang mga problema na umusbong buhat ng kasalukuyang pandemya, at isa sa mga ito ang

pagkakaroon ng kahirapan sa pakikipag-komunikasyon. Ang komunikasyon ay isang malaking

bahagi ng ating buhay, at ito ang paraan natin upang makapagpahayag ng mga ideya, saloobin at

impormasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng mga salita at simbolo [ CITATION Lit09 \l 13321 ].

Ang layunin nito ay upang makagpag-buo ng makahulugang interaksyon, at naging malaking

balakid ang pandemya sa ilang mga kadahilanan patungkol sa komunikasyon. Sa papel na ito,
tatalakayin ang mga mahahalagang elemento na nakakaapekto sa komunikasyon sa gitna ng

pandemya. Higit sa lahat, ang layunin ng papel na ito ay makapagbigay ng masusing pagtalakay

sa nasabing paksa sa pamamagitan ng mga nakalap na datos at panayam upang bumuo ng

konklusyong may ambag sa larangan ng akademikong displina.

Mayroong dalawang uri ng komunikasyon; ang berbal at di-berbal na komunikasyon. Ang

berbal na uri ng komunikasyon ay tumutukoy sa pagbibigay ng ideya o impormasyon sa

pamamaraang pasalita. Samantalang ang di-berbal na komunikasyon ay tumutukoy sa paggamit

ng mga kilos, ekspresyon ng mukha, postura, tinginan sa mata, at layo o lapit ng isang tao sa

kanyang kinakausap [ CITATION Gir09 \l 13321 ]. Ang di-berbal na komunikasyon ang

pinakanaapektuhan sa panahon ngayon ng pandemya. Ibinahagi ni Jones (2020) na ang mga

elemento na nakapaloob sa di-berbal na komunikasyon ay mahalaga sa pagbuo ng relasyon natin

sa ating kapwa. Idinagdag rin niya na naka-ugat na sa tao na mas pinaniniwalaan natin ang di-

berbal kahit hindi man ito tugma sa kahalo nitong berbal na komunikasyon sapagkat, kadalasan,

mas pinagkakatiwalaan natin ang kilos kaysa sa salita [ CITATION Jon20 \l 13321 ]. Mahahalaga

ang mga elemento ng di-berbal na komunikasyon upang makapagbigay ng kumpletong mensahe,

subalit ito ay naging mahirap buhat ng pandemya. Maraming ipinalit na kilos ang umusbong sa

ganitong sitwasyon; ang pakikipagkamay ay napalitan ng pagbangga ng siko (elbow bump) sa

siko ng kinakausap upang malimitahan ang mga hindi kinakailangang paghawak sa kamay. Ang

proksemiks o espasyo o distansya mula sa kausap ay nabago rin ng pandemya. Ang proksemiks

ay kadalasang nagpapakita ng relasyon ng tao sa kanyang kausap, maari rin itong magpakita ng

kinatatayuan ng isang tao sa kanyang buhay [CITATION Typ21 \l 13321 ], hindi na bago ang

pagkakaroon ng distansya ng tao mula sa kanyang kausap, ngunit sa konteksto ng pandemya,


naging mas mahirap na maipakita ang relasyon ng tao mula sa kanyang kinakausap. Ayon sa

isang propesor ng Kolehiyo ng Sining at Agham, Departamento ng Pag-aaral sa Komunikasyon

sa uinbersidad ng Alabama at Birmmingham na si Tim Levine, Ph. D., ang pinaka-mahirap na

balakid ngayong pandemya ang limitasyon ng personal na komunikasyon o face-to-face na

komunikasyon sa mga taong hindi natin kasama sa bahay [ CITATION Tau20 \l 13321 ] . Ang

isolasyon na ito ay mas lalo pang naging mahirap dahil sa paggamit ng face masks at face shield.

Mahalaga ang pageensayo ng kaligtasan sa kalusugan ngayong pandemya subalit nawawala ang

layunin ng mga ekspresyon ng mukha na siyang pangunahing naglalaro sa bahagi ng maayos na

komunikasyon (Mheidly et al., 2020). Ang resulta ng ganitong sitwasyon ay kadalasang nauuwi

sa hindi pagkakaroon ng malinaw na pag-unawa sa konteksto ng mensaheng binanggit ng

tagapagpadala. Nagagambala ng face mask ang pagkalap ng impormasyon ng tagapakinig dahil

hindi nito nakikita ang pang-ibaba at gitnang parte ng mukha ng tao na kinabibilangan ng ilong

at bibig na may malaking kontribusyon sa konteksto ng mensaheng ninanais iparating ng

tagapagsalita (Guarnera et al., 2015).

Hinulma ng makabagong teknolohiya ang komunikasyon na noon ay ginagamitan lamang ng

telepono, sulat, at iba pang mga midya. Napabilis at napadali rin ang komunikasyon dahil sa pag-

usbong ng mga makabagong kagamitan upang makapagparating ng mensahe sa paraan ng

paggamit ng social media tulad ng Facebook at Twitter. Upang magkaroon pa rin ng mabisang

komunikasyon sa gitna ng pandemya, naglipana ang paggamit ng mga video confering

applications tulad ng Zoom, Skype, at MS Teams. Naging mahalaga ang mga kagamitang ito

upang maging pamalit sa nakasanayang pisikal na komunikasyon. Ang Zoom noong disyembre

ng 2019 ay mayroon lamang sampung milyong app users at nadagdagan ito ng tatlong-daang

milyon sa loob lamang ng apat buwan noong Abril 2020 [ CITATION Eva20 \l 13321 ] . Naging
maganda ang datos ng mga video conference applications na ito sa gitna ng pandemya; ito ang

naging midyum nga mga nagtatrabaho at mga estudyante. Ngunit sa Pilipinas, simula nang

ipatupad ng gobyerno ang blended learning o ang paggamit ng teknolohiya at modyul sa pag-

aaral, marami pa ring mag-aaral ang hindi kayang makamtan ang pamantayang kinakailangang

kagamitan tulad ng telepono, laptop at higit sa lahat, ang kakayahang kumonekta sa internet

[ CITATION San20 \l 13321 ]. Sinolusyonan ng Dep-ed ang suliranin ng mga hindi naabutan ng

koneksyon ng internet sa bansa sa paraan ng pagbibigay ng Self-Learning Modules sa halos

dalawamput-anim na pilipinong mag-aaral sa ilalim ng Dep-Ed ngayong kurikulum [ CITATION

Dep212 \l 13321 ]. Sa korporasyong kaayusan naman, isinatupad ang iskeletal na pagtatrabaho

kung saan limitado lamang ang mga pisikal na pagpunta sa trabaho at halos lahat ng paraan ng

komunikasyon ay sa pamamagitan ng virtual na pagpupulong, ito lamang ay epektibo sa mga

lugar na naka-Ehanced Community Quarantine (ECQ) [ CITATION Civ20 \l 13321 ]. Ang mga

pagsasaayos na ito ay nagbunga ng mga prominenteng pagbabago sa komunikasyon. Ayon kina

Fosslien at Duffy (2020), nauso ang katawagang “Zoom Fatigue” o ang kaganapang kung saan

ang sobrang pagtitig sa ating mga device habang may birtuwal na pagpupulong ay nagreresulta

sa kapaguran. Noong wala pang pandemya, ang komunikasyon sa loob ng isang silid-aralan o

opisina ay hindi kinakailanganan na lahat ng nakikilahok ay nakatitig ng matagal sa isang tao

kahit hindi siya nagsasalita. Malaki ring abala ang mga ingay na naririnig sa pagpupulong dahil

nasa iba’t ibang lugar ang mga nakikilahok at wala sa iisang lugar. Bukod pa rito, kung hindi

naman kinakailangang nakabukas ang webcam at mikropono ng nakikidalo, mahirap na

makapagpokus sa nagsasalita at madaling mapaunlakan ang mga distraksyon sa paligid.

Makikita rin ang epekto ng pandemya sa kalusugang sektor ng bansa. Para sa mga frontliners,

mahalaga ang pagbibigay ng tamang impormasyon na may kaakibat na tamang damdamin sa


paraan ng paglalahad ngunit ang paglalahad ng kalagayan ng pasyente sa mga kamag-anak nito

ay kailanman hindi magiging madali. Ayon sa datos sa inilimbag na pag-aaral nina Marra et al.,

(2020) ang ilan sa mga kamag-anak na nakakatanggap ng balita hinggil sa kanilang mahal sa

buhay na may COVID-19, 57% rito ay maaaring magkaroon ng Traumatic Stress Symptoms

(PTSS), 80% naman ang maaaring makaranas ng pagkabalisa, at 70% naman ang maaaring

makaranas ng depresyon. Sinolusyonan ito sa paraan kung saan nababawasan ang mga di-berbal

na komunikasyon tulad ng tinginan sa mata o pag-hawak sa kamay upang makapagpakita ng

pakikiramay sa kamag-anak ng pasyente. Pinalitan ito ng tawag sa telepono, video call o

elektronikong sulat ang paraan ng komunikasyon at ginawang unang prayoridad ng mga

frontliners ang makatotohanan at tiyak na paglalahad ng kalagayan ng pasyente sa kamag-anak

na may halo pa rin na pakikiraramay sa pamamagitan ng tono ng boses at paghinto bawat salita.

Malayo pa ang hinaharap kung saan tuluyan na nating naiwaksi ang COVID-19, subalit sa

kasalukuyan ay maraming maaaring gawin upang magkaroon pa rin ng makabuluhang

komunikasyon sa ating kapwa. Mas kinakailangan na pagyabungin ang komunikasyon kahit

maraming balakid buhat ng pandemya sapagkat mawawalan ng saysay ang pagbubuo ng

relasyon kung walang komunikasyon. Maaari pa rin iensayo ang komunikasyon nang hindi

isinasaalang-alang ang mga protokol ng kaligtasan. Dumarami na ang mga nakakpagpabakuna

upang makamtan ang herd immunity, subalit hindi na nito maibabalik ang nakasanayang

kaugalian ng tao. Maraming pagbabago ang mananatili at may mga bagay rin na magiging

bahagi na lamang ng kasaysayan. Hindi pa ito ang huling pandemyang mararanasan ng

sangkatauhan, ngunit naging isang tanda ito na kayang malampasan ang pangyayaring ito sa

pamamagitan ng mga paraang kapaki-pakinabang. Komunikasyon ang dahilan ng pagyabong ng


sangkatauhan, at ang pandemya ang isa sa mga nagpatunay na may solusyon sa bawat suliraning

kinakaharap upang makabuo ng makabuluhang konesyon sa kapwa.

Talasanggunian
Civil Service Commission. (2020, May 7). Republic of the Philippines Civil Service
Communications. Retrieved from Republic of the Philippines Civil Service
Communications: https://contactcenterngbayan.gov.ph/276-csc-sets-multiple-alternative-
work-arrangements-for-gov-t-agencies
Department of Education. (2021, September 21). Republic of the Philippines Department of
Education. Retrieved from DepEd assures to provide quality self-learning modules for
School Year 2021-2022: https://www.deped.gov.ph/2021/09/20/deped-assures-to-
provide-quality-self-learning-modules-for-school-year-2021-2022/
Department Of Health. (2021, September 22). COVID-19 Tracker. Retrieved from Republic of
the Philippines Department of Health: https://doh.gov.ph/covid19tracker
Department of Health. (2021, September 22). Covid-19 Vaccination Dashboard. Retrieved from
Republic of the Philippines Department of Health: https://doh.gov.ph/vaccines
Evans, B. (2020, June 24). The Zoom Revolution: 10 Eye-Popping Stats from Tech’s New
Superstar. Retrieved from Cloudwars: https://cloudwars.co/covid-19/zoom-quarter-10-
eye-popping-stats-from-techs-new-superstar/
Fosslien, L., & Duffie, M. W. (2020, April 29). How to Combat Zoom Fatigue. Retrieved from
Harvard Business Review: https://hbr.org/2020/04/how-to-combat-zoom-fatigue
Giri, V. N. (2009). Nonverbal Communication Theories. In Encyclopedia of Communication
Theory (p. 267). SAGE Publications, Inc.
Guarnera, M., Hichy, Z., Cascio, M. I., & Carrubba, S. (2015). Facial Expressions and Ability to
Recognize Emotions From Eyes or Mouth in Children. Eur J Psychol,
10.5964/ejop.v11i2.890.
Littlejohn, S., & Foss, k. (2009). Definitions of Communication. In S. Littlejohn, & k. Foss,
Encyclopedia of Communication Theory (pp. 296-299). Thousand Oaks: SAGE
Publications, Inc.
Marra, A., Buonnano, P., Vargas, M., Iacovazzo, C., Ely, E. W., & Servillo, G. (2020, June 5).
How COVID-19 pandemic changed our communication with families: losing nonverbal
cues. Retrieved from Critical Care: https://doi.org/10.1186/s13054-020-03035-w
Mheidly, N., Fares, M. Y., Zalzale, H., & Fares, J. (2020). Effect of Face Masks on Interpersonal
Communication During the COVID-19 Pandemic. Frontiers Public Health.
Oputu, E. (2020, September 16). The coronavirus pandemic has made communication more
important than ever. Retrieved from Temple University News:
https://news.temple.edu/news/2020-09-16/coronavirus-pandemic-has-made-
communication-more-important-ever
Purwanto, B. (2018). Communication Science: The Role of Communication to ensure existence
of Humans. Asian Journal of Management Sciences and Education , 53.
Santos, A. P. (2020, October 6). Heinrich-Böll-Stiftung. Retrieved from In the Philippines,
distance learning reveals the digital divide:
https://eu.boell.org/en/2020/10/06/philippines-distance-learning-reveals-digital-divide
Social Science LibreTexts. (2021, january 4). Types of Nonverbal Communication. Retrieved
from Social Science LibreTexts:
https://socialsci.libretexts.org/Courses/De_Anza_College/COMM10%3A_Survey_of_Hu
man_Communication/04%3A_Nonverbal_Communication/4.02%3A_Types_of_Nonver
bal_Communication
Taunton, Y. (2020, September 8). UAB News. Retrieved from University of Alabama at
Birmmingham: https://www.uab.edu/news/research/item/11542-how-has-covid-19-
affected-the-way-we-communicate

You might also like