You are on page 1of 2

POSISYONG PAPEL

IBALIK MULI ANG PARUSANG KAMATAYAN SA ATING BANSA

Matagal na ang debate tungkol sa pagpapatupad ng Parusang kamatayan o Death Penalty hindi lamang sa
ating bansa kundi sa buong mundo. Ito ang isyung pinagtatalunan hindi lamang ng mambabatas pati na
mga pangkaraniwang mamamayan.

Ano nga ba ang parusang kamatayan? Nararapat ba itong ipatulad muli? Sa United States, kapag ikaw ay
nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay maari kang maparusahan ng kamatayan kung ito'y
mapapatunayan, pati na rin sa mga bansang nagpapatupad nito. Ang parusang kamatayan ang
pinakamabigat na hatol kung saan ang gobyerno ang may hawak ng iyong buhay ngunit ito'y
nakadepende sa kasalanang iyong nagawa o bigat. Ayon pa kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang muling
pagpapatupad ng parusang kamatayan ay hindi pananakot sa mga krimenal kundi pambayad sa kanilang
kasalanan. Samantalang may mga opisyal ng gobyerno rin na hindi sang-ayon dito, tulad ni Chito Gascon
pinuno ng CHR, sapagkat ang paniniwala niya kung ipapatupad ang parusang kamatayan ay wala na
silang pangalawang pagkakataon upang magsimula ulit.

Sa kabila nito nangingibabaw pa rin sa iba ang pagpapatupad dito. Sa duma-daming mga kriminal, rapist,
drug , traffickers , mga magnanakaw , mga teroristang walang takot na pumapatay at gumagawa ng lagim
, kidnappers, at carjackers , at ang riding in-tandern kung saan walang awang pumapatay; Sa kasamaang
palad ang kadalasang sangkot dito ay mga pulis.

Ang halimbawa nito mula sa Pang-Masa ang karumal-dumal na pagpatay sa 75-anyos na ina ng aktres na
si Cherry Pie Picache. Hindi lamang ito ang naganap na krimen sa bansa dahil napakarami pang iba.
Nakikita at naririnig natin sa mga pahayagan araw-araw na kung minsan pa'y sa ating mismong lugar
nagaganap. Isninulong ni Sen. Sotto ang pagbabalik ng Death Penalty, ayon sa kanya palubha ng palubha
ang mga krimen sa bansa kaya nararapat lamang na ito’y ibalik ang bitay.

Sa aking palagay ay karapat dapat lamang na ipatupad muli Ang batas sapagkat ito ay matuturing na
gamot upang mabawasan Ang mga krimen na lumalaganap sa ating bansa at dapat managot ang may Sala
sa kanyang kasalanan, dahil marami sa ating ang pinagwawalang bahala ang mga batas na meron tayo
dahil makukulong Lang sila ng dalawa o tatlong taon. Sa batas din na ito ay maiibsan Ang pagiging
abusado ng mga dayuhan sa ating bansa sapagkat mahahatulan na sila ng kaparusahang kamatayan kapag
gumawa sila ng hindi naayon sa ating batas. Maiibsan nadin ang krimen sapagkat magsisilbi itong takot
sa mga Tao sa lipunan.
Mula sa mga opiniyon at pahayagan ng mambabatas at ibang opisyal ng gobyerno pati na rin ng
pangkaraniwang mamamayan na pagtitimbang natin ito kung alin ang mabigat at nakabubuti. Sa
pagpapatupad nito maaaring ang kinabukasan ng mga sumusunod na henerasyon ay maisalba mula sa
hindi kanais-nais na nangyayari sa ating lipunan. Pati na rin sa pagkakaroon ng patas na batas sa mga
ibang bansa. Dahil kung naririnig ninyo maraming Pilipino na ang naparusahan at nabitay sa mga
dayuhang bansa subalit ang iba'y nanaaakusahan lamang. At ito'y napakasakit pakinggan. Kaya kung ito'y
maipapatupad sa ating bansa kung sinuman ang makagagawa ng krimen maging pinoy, dayuhan o toresta
ay mapaparusahan ng parusang kamatayan, dahil ang batas ay walang kinikilingan at walang
pinoprotektahan dapat lahat ay patas. Upang pagkakaisa ay makamit.

Kaya’t ibalik ang Death Penalty sa ating bansa upang mabawasan ang krimen na nagaganap sa ating
bansa.

You might also like