You are on page 1of 2

Pagtapon ng basura ay iwasan upang pagbaha ay malutasan

Jenan Jamel started this petition to Filipino People

Tapon dito, tapon duon. Ano ang dulot nito? Pagbaha.

Isa sa pangunahing dahilan ng pagbaha ay ang hindi wastong pagtapon ng basura sa tamang lagayan
nito. Sa kawalan ng respeto ng kahit isa man lang na nilalang, maaaring malaki ang maging epekto nito
sa karamihan. Ang pakalat kalat na basura sa isang tabi ay isang problema, ngunit ang dulot nitong
pagbaha ay mas malaking problema sa ating lipunan.

Karaniwang makikita sa ating paligid ang mga nagkalat na basura. Basurang dulot ay sakit na kadalasa'y
bata ang tinatamaan at basurang nagiging dahilan ng isang pagbaha na daan-daang pamilya ang
naaapektuhan. Ngunit, sino nga ba ang may kagagawan nito kung hindi tayo man din? At sino ang
makakasulosyon nito kung hindi tayo man ding mamamayan ng Pilipinas?

Ang pagtapon ng basura'y iwasan. Sa halip ay gawin natin itong dahilan upang tayo ay magkaroon ng
disiplina hindi man lang sa ating sarili maging sa ating kapaligiran. Ang wastong pagtapon nito sa tamang
lagayan ay isa ng malaking kalutasan. Maraming paraan ang dapat gawin upang masolusyonan ang
problemang ito; ang Reduce, Reuse at Recycle.

Reduce. Magbawas ng mga bagay na hindi nagagamit at nakakasira sa ating lipunan. Halimbawa: Plastik
na bumabara sa mga kanal.

Reuse. Mga bagay na mapapakinabangan pa ay huwag itapon kung pwede pang gamitin. Halimbawa
nito ay ang mga bote.

Recycle. Mga bagay na ginagamit muli. Halimbawa: Plastic bottle o mga gulong.
Ang pagbaha ay maaagapan kung tayo'y magkakaisa. Magtulungan tayo upang ang bawat isa'y
magkaroon ng isang kaginhawaan at masayang pamumuhay.

You might also like