You are on page 1of 5

Kasamaang naidudulot ng basura

ni LUIS MARASIGAN

HABANG dumarami ang tao at lumalaki ang pangangailangan ng pagkain,

dumarami rin ang basura at dumi na itinatapon ng bawat pamilya. Dahil sa

may kakulangan sa pondo, pananalapi o di-mabisang pamamaraan, hindi

lahat ng mga basura at dumi ay nakokolekta at nadadala sa hantungang

tambakan nito. Nagiging sanhi ito ng mga problema sa kalusugan at

kapaligiran.

Basurang pinabayaan

Ang mga basura, lalo na ang dumi ng tao at iba pang lusaw (liquid wastes) at

buo (solid wastes) na galling sa mga bahay at barangay na hindi wastong

pinamamahalaan ay isang malubhang panganib sa kalusugan at naghahatid

ng mga sakit na nakahahawa. Ang mga basurang pinababayaang

nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw, lamok, ipis, mga daga at iba

pang mga hayop na nagkakalat ng mga sakit. Pangkaraniwan na ang mga

basang basura at dumi ang nabubulok at nagbibigay ng mabahong amoy.

Nagiging daan ito sa maruming kapaligiran at sa pagdami ng problema sa

kalusugan. Ang mga plastic na basura ay isa pang sanhi ng masamang

kalusugan.

Nanganganib dahil sa wala o kulang na pamamahala sa pagtatapon ng mga

basura ang mga bata sa komunidad, mga basurero at mga nagtatrabaho sa


mga plantang nagbibigay ng nakalalasong mga bagay o sangkap.

Nanganganib din ang mga taong malapit na naninirahan sa pinagtatapunan ng

mga basura, at mga taong ang pinagkukunan ng tubig ay marumi dahil

malapit sa tambakan ng basura at ang mga may butas na tubo ng tubig.

Garbage exposure

Ang organic domestic waste ay nagdadala ng malubhang pagbabanta,

yamang ang mga ito ay nag-fe-ferment (kumakatas nang maasim) na

lumilikha ng tamang kondisyon upang mamalagi at dumami ang mga

mikrobyo. Ang tuwirang paghipo o paghawak ng solid waste ay maaaring

magdala ng iba't ibang uri ng nakahahawa at walang lunas na sakit sa mga

basurero at mga taong ang pamumulot ng basura ang naging hanapbuhay.

Ang paghawak, pagkakalantad o exposure sa mapanganib na basura, tulad

ng mga chemicals, ay makasasama sa kalusugan ng tao, lalo na sa mga

batang madaling dapuan ng sakit. Ang tuwirang paghawak o paghipo ay

maaaring magdala ng sakit sa pamamagitan ng chemical exposure.

Ang basura mula sa agrikultura at industriya ay maaari ring maging dahilan

ng mga panganib sa kalusugan. Ang magkasamang pagtatapon ng

mapanganib na basura mula sa industriya at mula sa mga tahanan ay

magiging sanhi ng pagkalantad ng mga tao sa panganib na dulot ng chemical

at radioactive materials.
Ang pinabayaang basura ay pumipigil din sa pagdaloy ng tubig, at kinauuwian

sa mabahong tubig na nagiging lugar ng pagdami ng mga sakit. Ang

pagtapon ng basura malapit sa pinagkukunan ng tubig, tulad ng Balara at

mga dam ay nagpaparumi rin sa tubig na naroon at sa mga bukal sa ilalim ng

lupa. Ang tuwirang pagtatapon ng basurang hindi inaalis ang nakalalasong

chemicals sa mga ilog, dagat at lawa ay hahantong sa pagtitipon ng mga

nakalalasong materyal sa food chains sa pamamagitan ng mga halaman at

hayop na umiinom o kumakain doon.

Nangangailangan ng espesyal na pagpansin ang pagtatapon ng mga basura

mula sa mga ospital, yamang maaari itong lumikha ng panganib sa

kalusugan. Pangakaraniwang nanggagaling ang mga basurang ito sa ospital,

health care centers, medical laboratories at research centers, tulad ng mga

karayom ng heringgilya, bandages, plasters, pamahid at iba pang uri, ay

itinatapon kasama ang karaniwang basura. Ang mga tambakan ng basura at

mga waste treatment plants, ay isa pang nagdudulot ng panganib sa

kalusugan ng mga nakatira sa paligid.

Ang mga plantang nagsusunog ng mga basura hanggang maging abo ang

mga ito na umaandar nang hindi wasto ay nagiging dahilan ng polusyon sa

hangin. Ang mga tambakan naman ng basura, tulad ng Smokey Mountain at

Payatas, na wala o maling plano at hindi wastong pamamalakad, ay nagiging

kaakit-akit sa lahat ng uri ng hayop at kulisap na nagkakalat ng sakit. Ang

tamang lugar ng mga tambakan ng basura ay nasa ligtas na layo sa mga

pinaninirahan ng tao, at may proteksyon upang walang tumagas sa malapit


na mga bukal ng tubig.

Ang pag-re-recycle din ay maaaring maging sanhi ng panganib sa kalusugan,

kung hindi mag-iingat. Ang mga basurero at mga taong namumulot sa

tambakan ng basura para i-recycle ay maaaring masugatan at tuwirang

madikit sa mga bagay na may nakahahawang mikrobyo.

Mga sakit

May mga chemical na kung itatapon na lamang nang basta na at hindi inaalis

ang mga sangkap na nakasasama sa kalusugan at kapaligiran, tulad ng

asoge, cyanide, atbp., ay maaaring makalason. Ang paglalantad o exposure

sa mga ito ay magdudulot ng sakit o kamatayan. Maraming pananaliksik ang

nagpapatibay na ang mga taong na-expose sa hazardous wastes ay

nagkakasakit ng cancer.

Mga panganib

Impeksiyon. Maaaring magkaimpeksiyon ang balat o dugo mula sa tuwirang

paghawak, paghipo o pagdikit sa basura, at mula sa sugat na may

impeksiyon. Maaari ring magkaroon ng impeksiyon ang mga mata at

paghinga galing sa alikabok, lalo na sa landfill operations. Ang mga kagat ng

kulisap at hayop na nanginginain ng mga basura ay nagdadala ng iba't ibang

sakit; mga langaw na nabubuhay sa pagkain ng basura ay nagdudulot ng

impeksiyon sa bituka.
Sakit na walang lunas. Ang mga nagtatrabaho sa mga incinerator o plantang

You might also like