You are on page 1of 6

Filipino 11

Ikatlong Markahang Pagsusulit

Pangalan:_______________________________________ Marka:___________________________
Taon/Seksyon:__________________________________ Petsa:____________________________

I.Pagpipili
Direksyon: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag at itiman ang katumbas ng letra ng iyong
saot sa sagutang papel.

1. Anong uri ng teksto na nagbibigay ng mga impormasyong nakapapapalawak ng kaalaman at


nagbibigay liwanag sa mga paksang inilahad upang mapawi nang lubos ang pag-aalinlangan?
A.argumentatibo B. deskriptibo C. impormatibo D. naratibo
2. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng tekstong impormatibo?
A. Ang atlas ay naglalaman ng mga mapa.
B. Pareho lang ang gamit ng diksyonaryo at thesaurus.
C. Ang almanac ay naglalaman ng mga tala patungkol sa nagdaan at kasalukuyang panahon.
D. Ang thesaurus ay sangguniang babasahin na naglalaman ng kasingkahulugan ng isang
salita.
3. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagbibigay ng tiyak na impormasyon?
A. Nagdidilim ang kalangitan, marahil ay uulan.
B. Hindi lahat ng umuurong sa labanan ay matatawag na duwag.
C. Maayos magdala ng damit si Tina kaya maraming humahanga sa kaniya.
D. Ang pahayagan ay isang babasahing naglalaman ng napapanahong impormasyon.
4. May malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa? Aling teksto ang may
layuning ito?
A. perweysib B. deskriptibo C. impormatibo D. naratibo
5. Anong teksto ang kailangang may kredibilidad upang maging kapani-paniwala sa nais hikayatin?
A. perweysib B. deskriptibo C. impormatibo D. naratibo
6. Ano ang layunin ng tekstong deskriptibo?
A . magpaliwanag at magbigay ng impormasyon
B. maglarawan ng isang bagay,tao,lugar, karanasa,sitwasyon atbp.
C. magkumbinsi ng mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu
D. magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
7. Anong pamamaraan ng narasyon na nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong simula?
A. reverse chronology b. foreshadowing c. in medias res d. plot twist
8. Anong pamamaraan ng narasyon na tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng
isang
kuwento?
A. reverse chronology b. foreshadowing c. in medias res d. plot twist
9. Anong uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na
paksa
o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan, kaugnay na mga literature at
pag-aaral,
ebidensyang kasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik?
A. prosidyural B. argumentatibo c. persuweysib d. naratib
10. Bakit kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon?
A. upang makapagbigay ng mahusay na argumento
B. upang maipakita ang husay sa larangan ng pananaliksik
C. upang maipakita ang dedikasyon sa larangan ng pagsusuri
D. upang mapatunayang ang pananaliksik ay mahalaga sa pag-aaral
11. Aso ang gusto kung alagaan. Ito kasi ay maaari kong maging kaibigan. Ano ang tinutukoy sa salitang
ito?
A. alagaan B. aso C. gusto D. kaibigan
12. Anong cohesive device ang makikita sa bilang 11?
A. Anapora B. katapora C.diapora D. kantapora
Paano Magiging Ligtas sa Paggamit ng Internet?
Ang world wide web ay isang mayamang sanggunian ng kaalaman ngunit may mga panganib
din sa paggamit nito. Ang gabay na ito ay magbibigay sa iyo ng mga kaalaman at babala upang
maging ligtas habang tinatamasa ang mga kapakinabangan ng Internet.Sundin ang sumusunod
na mga hakbang kung paano ka magiging ligtas sa paggamit ng Internet, kung Windows ang
operating system ng iyong kompyuter.

Unang hakbang. Tiyakin na updated ang iyong antivirus software.Kung hindi ka tiyak
kung may antivirus na ang iyong kompyuter, subuking hanapin sa Internet kung ano ang
antivirus at kung paano makakukuha nito.
Ikalawang hakbang. Tingnan kung ang firewall ng Windows ay nakabukas. Kung
gumagamit ka ng Windows 7, ang paglabas ng icon ng isang maliit na watawat sa ibabang
kanang bahagi ng screen ay hudyat sa iyo na may problema sa sistema. Pindutin ang watawat
na ito upang buksan ang Action Center.Dito makikita kung ang Windows ay gumagana nang
maayos.
Ikatlong hakbang. Kung gumamit ka naman ng mas mababang bersyon ng Windows, ang
larawan na tila isang pulang shield o panangga ang lalabas kung hindi nakabukas ang firewall.
Pindutin mo ito upang makita ang iba’t ibang pagpipilian kung paanong aayusin ang paggana
ng kompyuter.

13. Aling uri ng tekto ang nasa itaas?


A. impormatibo B. persuweysib C. deskriptibo D. prosidyural
14. Ano kaya ang layunin ng teksto?
A. Magpaliwanag at magbigay ng mga impormasyon.
B. Magsalayasay ng isang tiyak na pangyayari totoo man o hindi.
C. Maglarawan ng isang bagay,tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.
D. Makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao upang tagumpay
na tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas, episyente at angkop na paraan.
15. Bakit mahalaga sa pag-aaral at pagtatrabaho ang pag-unawa sa tekstong nakalahad?
A. upang maisakatuparan ang mas mataas na antas ng mga gawain
B. upang hindi masira agad ang mga gamit sa anumang virus
C. upang hindi ka maperwesyo kung sakaling kailanganin mo na ang mga dokumento
D. upang panatilihin ang kaligtasan sa kompanyang pinagtatrabahuhan at kung paanong
pagaganahin ang isang kasangkapan at pagpapanatili nang maayos na pagsasagawa ng
operasyon sa pamamagitan ng mga protokol.
16. Sa tingin mo ba ay makakatulong sa iyo ang binasang teksto?
A. Oo, dahil nagbibigay ito ng hakbang kung paano maisagawa ang gawain.
B. Oo , dahil nagbibigay ito ng gabay at babala upang maging ligtas habang tinatamasa ang
kapakinabangan ng Internet.
C. Hindi, dahil mga salitang teknikal ang ginamit sa paglalahad ng impormasyon.
D. Hindi, dahil mga salitang teknikal ang ginamit upang maisagawa ang mga tiyak na bagay.
17. Sa susunod na paggamit mo ng Internet sa anomang paraan, tingin mo ba ay susundin mo ang mga
gabay na tinutukoy sa seleksyon?
A. Oo, dahil nakatutulong ito na maging ligtas ang aming kompyuter sa mga virus.
B. Oo, dahil madali itong isagawa at nauunawaan ko ang mga hakbang na nakalahad.
C. Hindi, dahil mayroon namang antivirus ang aming kompyuter.
D. Hindi, dahil mahirap isagawa ang nakalahad na hakbang.

“ Sana All Digital Cable TV ”


Ang FOREVER DIGITAL CABLE SYSTEM ay nagbebenta ng Sana All Digital
Cable. Kung nais nyo ang mas MALINAW, MATIBAY AT HIGH QUALITY na
DIGITAL CABLE TV…
Wala ng iba. Hanapin lang FOREVER DIGITAL CABLE SYSTEM. Ito ay
matatagpuan sa PAMANSALAN ECO-TECH HIGH SCHOOL COOPERATIVE,
BRGY. PAMANSALAN, DIPOLOG CITY.
Nagkakabit rin ng CCTV Camera upang proteksyon sa mga kawatan sa inyong
bahay. HIGH QUALITY WITH HIGH QUALITY INSTALLER…
Bakit ka magtitiis manood sa malabong resepsyon sa telebisyon kung may SANA
ALL na AFFORDABLE pa.
Affordable at madami pang mapapanuoran na channel.
SANA ALL 100% DIGITAL. 100% CLEAR.

18. Anong uri ng teksto ang nasa itaas?


A. deskriptibo B. persuweysib C. impormatibo D. naratibo
19. Alin sa sumusunod ang layunin ng nakalahad sa itaas?
A. Nagmayabang na nakahihigit sila sa iba.
B. Ipagbigay-alam na mas mabuti ang kanilang produkto
C. Nakahigit ang kanilang digital cable lalong-lalo sa nayon.
D. Nanghihikayat ng customer na tangkilikin ang kanilang produkto.
20. Bakit kaya bibilhin ng mga taga-Pamansalan at ng mga karatig na lugar ang produkto?
A. Para magiging “in” sa larangan ng makabagong teknolohiya.
B. Mababa ang halaga ng produkto ng kanilang kompanya.
C. Mahangin sa bukid kaya pabago-bago ang direksyon ng antenna.
D. Malinaw at matibay at maganda ang kalidad ng naturang produkto.
21. Alin sa sitwasyon sa ibaba ang hindi gumagamit ng panghihikayat?
a. Ang pagbasa ng isang librong agham.
b. Ang pagtatalumpati ng isang aktibista sa rally.
c. Ang paghiling sa guro ng dagdag na puntos sa pagsusulit.
d. Ang patalastas ng isang librong agham
22. Alin sa sumusunod ang HINDI kababasahan ng nakalahad sa kahon?
A. pahayagan B. magasin C. internet D. atlas
23. Bakit kaya ang pananaliksik ang isa sa mahahalagang bahagi sa pagsulat ng tekstong impormatibo?
A. upang maging malinaw at organisado ang daloy ng mga imprmasyong isusulat?
B. upang higit na kapaki-pakinabang sa mga mambabasa ang mga impormasyong isusulat
C. upang masigurong pawang mapakatiwalaan at totoong impormasyon lamang ang isusulat
D. upang magkaroon ng marami at malawak na impormasyon ang paksang tatalakayin sa
tekstong isusulat

24. Ang mahaba niyang buhok, mabining paglakad at mahusay na pagsagot ang nagdala kay Pia
Wurzbach sa tagumpay. Anong uring paglalarawan ang makikita dito.
A. suhetibo B. obhetibo C. ekslusibo D. progresibo
25. Anong cohesive device ang makikita sa pangungusap sa bilang 24?
A. anaporik B. kataporik C. diaporik D. kanaporik
26. Ano ang nagpapatunay nito?
A. Nauna ang panghalip kaysa pangngalan.
B. Nauna ang pangngalan kaysa panghalip.
C. Nauna ang pang-uri kaysa pangngalan.
D. Nauna ang pangngalan kaysa pang-uri.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may malalang suliranin sa korupsiyon. Ayon
sa pag-aaral ng World Bank noong 2008, pinakamalala ang korupsyon sa Pilipinas sa
Silangang Asya at siyang kinakikitaan din ng pinakamabigat na implementasyon ng
mga reporma. Ikatlo ang Pilipinas sa 180 na bansang kalahok sa may pinakamalalang
korupsyon sa buong mundo, ayon sa 2009 Corruption Perception Index .

27. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang na porma ng korupsyon sa bansa?


A. panunuhol B. pangingikil C. nepotismo D. pagbayad ng tax
28. Pag laganap ang korupsyon, ano ang nawawala?
A. tiwala B. pera C. kagamitan D. paninindigan
29. Pang-ilan ang bansa sa pinakamalalang korupsyon sa buong mundo?
A. una B. ikalawa C. ikatlo D.ikaapat

“ Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nanggagaling sa


ilalim ng lupa. Madalas, ito ay sanhi ng paggalaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng
mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksyon mula
sa kanyang pinanggalingan, ang pokus sa anyo ng mga seimikong alon.”

30. Alin sa sumusunod ang layunin ng tekstong nakalahad?


A. magsasalaysay tungkol sa paglabas ng enerhiya
B. magbibigay ng impormasyon at instruksyon pag may lindol
C. magpapaliwanag at magbibigay ng impormasyon tungkol sa lindol
D. maglalarawan tungkol sa paggalaw ng fault sa ibabaw sa ibabaw na bahagi ng mundo
31. Ano ang nais ipagbigay-alam ng akda tungkol sa lindol?
A. epekto ng lindol B. sanhi ng lindol C. seismikong alon d. paggalaw ng fault
32. Ano ang tinutukoy sa salitang ito?
A. sanhi B. enerhiya C. bahagi ng mundo. D. seismikong alon
33. Anong cohesive device ang makikita sa pangungusap?
A. anaporik B. kataporik C. diaporik D. kanaporik
34. Ano ang nagpapatunay nito?
A. Nauna ang panghalip kaysa pangngalan.
B. Nauna ang pangngalan kaysa panghalip.
C. Nauna ang pang-uri kaysa pangngalan.
D. Nauna ang pangngalan kaysa pang-uri.
35. Paano mo maipamamalas ang lubusang pag-unawa sa tekstong binasa?
A. sa pamamagitan ng pagbabasa ng dalawang beses
B. sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming beses
C. sa pamamagitan ng pagbabasa ng mahahalagang detalye
D. sa pamamagitan ng pagtatala ng mahalagang detalye mula sa teksto.
36. Ang nakalahad sa itaas ay bunga ng pananaliksik, kung ikaw ang magsasaliksik, ano ang layunin mo
sa pagsasagawa nito?
A. upang maging malinaw at organisado ang daloy ng mga impormasyong isusulat
B. upang masigurong pawang mapagkakatiwalaan at totoo ang impormasyon
C. upang maging higit na kapaki-pakinabang sa mga mambabasa ang mga impormasyon
D. upang magkaroon ng marami at malawak na impormasyon ang paksang tatalakayin
37.Kung ikaw ang susulat ng akda, paano maiiwasang hindi mabibigo sa pagbabasa o pakikinig ang isang
tao dahil sa hindi mabuting wakas?
A. Maligoy ang pagwawakas ng akda.
B. Ang pagwawakas ay nagpapaliwanag.
C. Ang wakas ay maikli lamang.
D. Ang wakas ay kawili-wili.

` Dumarating tayo sa punto na minsan ay nais nating sumuko. Nawawalan tayo ng pag-asa
para magpatuloy sa landas na pinili nating tahakin. Ngunit, minsan ay naiisip din natin na
pagsubok lamang ang lahat ng ito. Isang patunay na tayo ay buhay na buhay at may malakas na
pangangatawan para bumangon at lumaban sa hamon ng buhay.

38. Ano ang ginawa mo kapag nawalan kayo ng pag-asa para labanan ang mga unos sa buhay?
A. patuloy na mananalig sa sarili
B. manalangin na mapagtagumpayan ang mga ito
C. patuloy na buhay kahit ano man ang mangyari
D. patuloy na kumapit sa patalim para malutas ito
39. Ano ang pinaghuhugutan mo ng lakas sa ganoong sitwasyon?
A. mga mahal sa buhay C. positibong pananaw at layunin
B. tibay ng loob D. pananalig at pananampalataya
38. Bakit kailangan nating bumangon at lumaban sa mga hamon sa buhay?
A. Ipakita ang ating kalakasan at mapagtagumpayan ito.
B. Ipakita sa lahat na hindi tayo basta-bastang sumuko
C. Iisipin natin na lahat tayo ay may mga pasanin sa buhay.
D. Walang ibinigay sa atin ang Panginoon na hindi natin makakaya.
39. Ano ang nagiging dulot nito sa ating buhay?
A. tiwala sa sarili B. tiwala sa kapwa C. matatag na pananaw D.matatag sa buhay

Nagsusuklay ako noon sa loob ng aking silid. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa
lamang noon. Narinig kong kumatok si Itay sa pinto ng aking kwarto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya,
sinabi niyang kailangan daw naming mag-usap at nakiusap siyang papasukin ko siya.May pag-aalangang
binuksan ko ang pinto at siya’y kagyat na pumasok sa aking silid.Laking gulat ko nang ipinid niya at susian
ang pinto. Kumabog ang aking dibdib. Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabilis na hinawakan ni Itay ang aking
mga kamay. Hinaplo-haplos niya ang aking buhok at ang aking mukha. Pinaraanan niya ang kanyang mga
daliri sa aking kilay, sa aking pisngi at sa aking mga labi. Napasigaw ako.

“Itay…huwag po! Huwag po! Ako’y inyong anak. Utang na loob, Itay!” Pagkalipas ng ilang
minuto ay biglang tumigil ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin at ganoon na lang ang aking
pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang mag-make-up si Itay.

Nang gabing iyon nagtapat si Itay sa akin. Bakla pala siya. Naisip ko rin na lalo akong gaganda
ngayon at matutuwa ang boyfriend.Masaya nang namuhay sila Badong .Magkakasundo sina Badong at ang
kanyang ama sa mga raket sa buhay.

40. Kung ikaw ang susuri sa akda, anong pamamaraan ng narasyon ang akda?
A. In medias res B. deus ex machina C .plot twist D. foreshadowing
41. Ano ang nararamdaman mo habang nagbabasa sa akda?
A. natuwa b. nalinlang c. nanghihinayang d. nalito
42. Mabilis na hinawakan ni Itay ang aking mga kamay. Hinaplos-haplos niya ang aking buhok at
ang aking mukha. Alin sa sumusunod ang cohesive device na makikita sa pangungusap?
A. aking - mukha C. buhok - aking
B. Itay -niya D. kamay - niya
43. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay sa sagot sa bilang 42?
A.Nauna ang panghalip kaysa pangngalan.
B.Nauna ang pangngalan kaysa panghalip.
C.Nauna ang pang-uri kaysa pangngalan.
D. Nauna ang pangngalan kaysa pang-uri.
44. Nang gabing iyon nagtapat si Itay sa akin. Bakla pala siya. Anong cohesive device ang makikita
sa pahayag?
A. anaporik B. kataporik C. diaporik D. kanaporik
45. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay sa sagot sa bilang 44?
A. Nauna ang panghalip kaysa pangngalan.
B. Nauna ang pangngalan kaysa panghalip.
C. Nauna ang pang-uri kaysa pangngalan.
D. Nauna ang pangngalan kaysa pang-uri.
46. Kung ikaw ay makisalamuha nina Badong at sa kanyang Itay, Paano mo sila pakitunguhan?
A. nang may pagmamaliit C. nang may paggalang
B. nang pag may paghihinayang D. nang may paglalambing

47.Maraming katulad ni Badong at ng Itay niya, paano sila tinatrato sa lipunan?


A. pinagsasamantalahan ng mga kalalakihan
B. pinagtawanan sa lipunang ginagalawan
C. mababa ang magtingin nila sa lipunan
D. pinagkatuwaan ng mamamayan
48 .Ang akda ba ay pumukaw sa iyong interes na tapusin itong basahin?
A. Oo, dahil gusto kong usisain ang ang pangyayari sa akda.
B. Oo, dahil nakakaaliw ang kuwento.
C. Hindi, dahil parang dinaya ang mga mambabasa sa may-ada.
D.Hindi, dahil parang hindi makatotohanan ang kuwento.
49. Siya ay mataba. Nais ni Bb. Kalusugan na mabawasan ang kanyang timbang. Ang salitang
siya sa pangungusap ay ____________
A. pangngalang B.panghalip C. pandiwa D. pang-abay
50. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay sa sagot sa bilang 49?
A. Nauna ang panghalip kaysa pangngalan.
B. Nauna ang pangngalan kaysa panghalip.
C. Nauna ang pang-uri kaysa pangngalan.
D.Nauna ang pangngalan kaysa pang-uri.

You might also like