You are on page 1of 10

Department of Education

NATIONAL CAPITAL REGION

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
AGRIKULTURA

Ika-apat na Baitang

PAMANTAYAN NG PAGKATUTO:
1.1 Naisasagawa ang mga kasanayan sa pagtatanim ng
halamang ornamental bilang isang pagkakakitaang Gawain
EPP4AG-Oa-1
2.1 Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang
ornamental, para sa pamilya at sa pamayanan
EPP4AG-Oa-2

1
PAANO GAMITIN ANG SLeM
Bago simulan ang SLeM, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong
gagawing pag-aaral gamit ang SLeM na ito. Basahin ang mga
simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit
nito.
Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
SLeM.

Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa


inyong kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.

Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa SLeM.

Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga


kasagutan.

Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang


malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong
malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-
araw-araw na gawain.

Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang SLeM.

2
KASANAYAN SA PAGTATANIM NG HALAMANG
ORNAMENTAL BILANG ISANG PAGKAKAKITAANG GAWAIN

Inaasahan
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. maisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng
halamang ornamental bilang pagkakakitaang gawain
2. matatalakay ang pakinabang sa pagtatanimng halamang ornamental
para sa pamilya at sa pamayanan

Unang Pagsubok
Panuto: Basahain at unawain. Isulat sa patlang ang salitang
TAMA kung ang pangungusap ay wasto ang diwa at MALI kung ang
pangungusap ay di wasto ang diwa.
_____1. Ang pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halamang ornamental ay
maaring itanim kahit saan lugar.
_____2. Sa pagbebenta ng halamang ornamental ay hindi dapat alamin
ang gusto ng mga namimili.
_____3. Ang landscape gardening ay nakakatulong sa pagpapaganda ng
paligid.
_____4. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay kailangang
isaalang-alang ang panahon.
_____5. Ang paghahanda ng mga kagamitan at kasangkapang gagamitin
sa pagtatanim ay nagpapadali sa gawain.
_____6. Upang maiwasan ang pagguho ng lupa makakatulong ang
pagtanim ng halamang ornamental.
_____7. Ang halamang ornamental ay nagbibigay lilim at oxygen na
kailangan ng tao.
_____8. Ang halamang ornamental ay maari lamang itanim sa malalaking
lugar.
_____9. Maaring magtanim ng halamang ornamental sa mga itatapon
nang lalagyan.
_____10. Ang halamang ornamental ay palamuti o pandekorasyon
na nagmumula sa mga patapong basura.

3
Balik-Tanaw

Panuto: Ayusin ang pagkasunod-sunod ng paghugas ng mga


pinagkainan at kasangkapan sa kusina.Isulat ang bilang isa (1) hangang
lima (5) sa patlang.
_____a. mga plato, platito, tasa, at mangkok o chinaware.
_____b. mga kubyertos o silverware.
_____c. mga baso o glassware.
_____d. palayok, kaldero, kawali, at iba pa.
_____e. sandok at siyansi.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ano ang halamang ornamental?


Ang halamang ornamental ay mga tanim na halaman na nagpapaganda o
pandekorasyon sa tahanan at mga pampublikong lugar gaya ng parke,
paaralan, sa tabi kalye, sa pamilihan at gusali.
Uri ng Halamang Ornamental na makikita sa iba’t-ibang lugar
1. Halamang namumulaklak
2. Halamang di-namumulaklak
3. Halamang baging
4. Halamang palumpong
5. Halamang medisinal

Mga uri ng Halamang Ornamental na maaaring pagkakitaan ng pamilya


sa pagtatanim at pag-aalaga
1. Namumulaklak

Gumamela Sunflower Cosmos

4
2. Hindi namumulaklak

San Francisco Fortune Plant Palmera


Cactus

Mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga


halamang ornamental:

1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha - kumakapit ang mga


ugat ng mga punong ornamental sa lupang taniman kaya nakakaiwas
sa pagguho ng lupa. Ang mga punong ornamental ay nakatutulong din
sa pag-ingat sa pagbaha dahil sa tulong ng mga ugat nito.
2. Naiiwasan ang polusyon – sa gamit ng mga halaman/ punong
ornamentalnakakaiwas sa polusyon ang pamayanan sa maruruming
hangin na nagmumula sa mga usok ng sasakyan, sinigaang basura,
masasamang amoy na kung saan nalilinis ang hangin sa kapaligiran.
3. Nagbibigay lilim at sariwang hangin - mga matataas at mayayabong
na halamang ornamental: Kalachuchi, ilang-ilang, pine tree.
4. Napagkakakitaan-maaaring maibenta ang mga halamang ornamental
na hindi naitanim o magpunla o magtanim sa paso sa mga itim na
plastik bag o lata ng mga halamang ornamental na puwedeng ibenta.
Ito ay nagiging pera para panustos sa pang araw-araw na gastusin.
5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran-sa pamamagitan ng pagtatanim
ng mga halamang ornamental sa paligid ng tahanan, parke, hotel, mall,
at iba pang lugar, ito ay nakatatawag ng pansin sa mga dumadaan na
tao lalo na kung ang mga ito ay namumulaklak at mahalimuyak.

5
Paano mapagkakakitaan ang pagtatanim
ng Halaman Ornamental?
Ang pagsisimula ng isang nursery o hardin sa tahanan ay maaaring
maging isang mahusay na paraan upang gawing mapagkakakitaan ang
halamang maaring paramihin at ibenta. Sa panahong ito, maaari kang
magbenta online sa pamamagitan ng pag post ng iyong paninda sa social
media gamit ang platform o facebook upang mas mapabilis ang paglalako
nito sa publiko.
Ang mga punong halamang ornamental na matataas ay itinatanim sa
gilid, sa kanto, o sa gitna ng ibang mababang halaman. Halimbawa nito ay
Ilang–ilang, pine tree, cypress, red palm tree, fire tree, rubber plant, golden
shower tree.
Ang mga halamang ornamental na mabababa ay itinatanim sa mga
panabi o paligid ng tahanan, maaaring sa bakod, sa gilid ng daanan o
pathway halimbawa, tulip, bonsai, morning glory, at santan.
Nagbibigay ito ng maraming benepisyo sa kalusugan.
Ang paghahalaman ay maraming mga aktibidad na nagpapalakas ng
kalamnan at nagpapabuti ng tibok ng puso at sirkulasyon. Pagkawala ng
stress dahil sa sariwang hangin, sikat ng araw at isang pakiramdam ng
katuparan. Ang pag-aalaga ng hardin ay nagtataguyod ng mas mahusay na
pagtulog, na makakatulong na makontrol ang hormone at mabawasan ang
panganib para sa karamdaman at sakit - kasama na ang cancer.

Gawain
Gawain 1: Kilalanin Mo Ako!
Panuto: Suriin ang bawat halaman. Lagyan ng tsek (√) ang angkop na
uri nito.
Halamang Ornamental Namumulaklak Hindi namumulaklak
1. Dahlia
2. Espada
3. Kiapo

6
4. Cosmos
5. Jasmine
6. Ilan-ilang
7. Fortune Plant
8. Sabila
9. San Francisco
10.Palmera

Gawain 2: I-AYOS MO!


Panuto: Buuin ang ginulong letra upang makabuo ng salita o pangalan ng
lugar kung saan madalas nakikita ng mga halamang ornamental.
1. repak

2. yahab

3. nidhar
4.nalarapa
5. nasanlang

Tandaan
May mga iba’t ibang uri ng halamang ornamental tulad ng
namumulaklak, hindi namumulaklak, baging, palumpong, at
medisinal.
Sa pagpili ng mga halaman/punong ornamental na itatanim para sa
paggawa ng landscape gardening ay dapat isaalang-alang ang lahat ng
mga bagay na makatutulong sa ika-uunlad ng gagawing proyekto. Maging
mapanuri sa lahat ng mga bagay na dapat suriin nang sa ganun ang
kalalabasan ng iyong gagawin ay tiyak na magiging makabuluhan.
Maaari ring pagkakitaan ang pag-landscaping sa pamamagitan ng
kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental. Maaring
mapaganda ang isang lugar kagaya ng parke, mga malalaking hotel at iba
pang mga lugar o mga tao na gusto mapaganda ang paligid ng kanilang
tahanan. Binabayaran ang bawat gawaing ito.

7
Ang Pagtatanim ng halamang ornamental ay malaking
kapakinabangan sa pamilya at sa pamayanan. Ito ay nakapagpapaganda ng
ating kapaligiran, nakapagbibigay ng sariwang hangin, nakakapigil sa
pagguho ng lupa at pagbaha, nakaiiwas sa polusyon, nagbibigay ng
benepisyo sa kalusugan at nakapagbibigay ng hanapbuhay.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang
mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
nagpapaganda pagguho gawain
pagbaha polusyon kita

1. Ang halamang ornamental ay _______ sa kapaligiran.


2. Ang mga punong ornamental ay nakakatulong din sa pag iwas
sa _______ .
3. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nagbibigay ng
karagdagang ____.
4. Ang ugat ng halamang ornamental ay pumipigil sa _____ ng
lupa.
5. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakakaiwas sa
_____ na nagmumula sa usok ng sasakayan at sinigaang
basura.

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang
tamang sagot at isulat ang iyong sagot sa patlang sa unahan
ng bawat bilang.
______ 1. May mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng halamang
ornamental gaya ng mga sumusunod. Alin ang hindi kabilang sa
grupo?
A. napagkakakitaan C. nagbibigay ng liwanag
B. nagpapaganda ng kapaligiran D. naglilinis ng maruming hangin
8
______2. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng
halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?
A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan.
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya.
C. Nagpapaunlad ng pamayanan.
D. lahat ng mga sagot sa itaas.
______ 3. Paano makakatulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim
ng halamang ornamental?
A. Nililinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
B. Naiiwas nito na malanghap ng pamilya at pamayanan ang
maruming hangin sa kapaligiran.
C. Sinisira nito ang ozone layer
D. Nakakadagdag ng dumi sa hangin.
______4. Ito ay halamang mayayabong, makakapal ang tangkay at
ang mga bulaklak ay kumpol- kumpol.
A. halamang gamot C. halamang tubig
B. halamang palumpon D. halamang baging
______ 5. Ang isang batang naglalaan ng panahon sa paghahalaman ay
nagpapakita ng_________.
A. kasipagan C. pagkakaisa
B. katapatan D. pagkamaunawain
_______6. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay isang gawaing___.
A. mainam na libangan C. pang sarili
B. nakakapagod D. pang bata
_______7. Ano ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental sa
gilid ng kalsada o sa kanto ng isang lugar?
A. labasan B. bakod C. palamuti D. silungan
______ 8.Paano nakakapigil sa paguho ng lupa ang pagtatanim ng
halamang ornamental?
A. Nalalaglag ang mga dahon.
B. Ang mga ugat nito ay kumakapit sa lupang taniman.
C. Ang mga halamang ito ay dumadami sa lupang taniman.
D. Ang mga punong ornamental ay matataas at yumayabong.
____9. Sa isang selebrasyong tulad ng debut. Anong uri ng halamang
ornamental ang kailangan para maging makulay ang okasyon?

9
A. halamang baging C. halamang namumulaklak
B. halamang medisinal D. halamang palumpong
___10. Anong uri ng halamang ornamental ang may mahahaba at payat
na tangkay na pumupulupot at gumagapang sa lupa o umaakyat
sa pamamagitan ng pangkuyapit.
A.Halamang baging C. Halamang namumulaklak
B.Halamang di-namumulaklak D. Halamang palumpong

Sanggunian:
EPP IV kagamitan ng mag-aaral
EPP IV Patnubay ng guro
https://www.garciaweightloss.com/blog/10-benefits-gardening/
https://brainly.ph/question/647924
https://www.pexels.com/photo/food-nature-summer-bed-5327250/>> https://all-free-
download.com/free-photos/free-sunflower-images.html.>> https://www.shutterstock.com/image-
photo/beautiful-cosmos-flowers-blooming-396081967>> https://www.pexels.com/photo/photo-
of-garden-croton-plants-2678020/>> https://unsplash.com/photos/xrYzcMivDSY>>
https://www.carousell.ph/p/palmera-248529011/>> https://www.shutterstock.com/image-
photo/tip-leaves-oregano

Inihanda ni:

MANUNULAT: HENRY NORMAN B. TARAYA


Posisyon: Guro I
Paaralan: Paaralang Elementary ng Nemesio I.Yabut
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod: Makati City

TAGAGUHIT:
Posisyon:
Paaralan:
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod:

MGA TAGASURI NG WIKA:


EDITHA V. VILLAMOR, Master Teacher 1
Paaralan: Paaralang Elementary ng Fort Bonifacio
MELLANY R. ARANDIA, Master Teacher 1
Paaralan: Paaralang Elementary ng Comembo
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod: Makati City
DR. CELEDONIA T. TENEZA, EPS
SDO DepEd Makati

10

You might also like