You are on page 1of 31

MATHEMATICS

JOHNNY P. ESTABILLO
QUARTER 1

AGRIKULTURA
AGRIKULTURA 4
Aralin 1

Pakinabang sa Pagtatanim
ng Halamang Ornamental
EPP4AG-0a-2
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Pamantayang Pamantayan sa Pamantayan sa


Pangnilalaman Pagganap Pagkatuto

Naipamamalas ang Naisasagawa ang Natatalakay ang


pang-unawa sa pagtatanim, pag-aani, pakinabang sa
kaalaman at at pagsasapamilihan pagtatanim ng
kasanayan sa ng halamang halamang ornamental,
pagtatanim ng ornamental sa para sa pamilya at sa
halamang ornamental masistemang pamayanan
bilang isang gawaing pamamaraan
pagkakakitaan.
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Panimulang Pagtatasa

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. May mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng halamang ornamental
gaya ng mga sumusunod. Alin ang hindi kabilang sa grupo?
a. napagkakakitaan
b. nagpapaganda ng kapaligiran
c. nagbibigay ng liwanag
d. naglilinis ng maruming hangin
2. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang
ornamental sa pamilya at pamayanan?
a. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan.
b. Nagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.
c. Nagpapaunlad ng pamayanan
d. Lahat ng mga sagot sa itaas
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Pagganyak

Word Relay

Bumunot ng isang papel na may nakasulat na salita o mga salita.


Bigyan ng kasagutan ang mabubunot.

Handa na ba ang lahat?


Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Paglalahad

1. Magpangkat kayo sa apat at pumili ng lider.


2. Bubunot ng papel mula sa kahon ang lider.
3.Humanap ng isang lugar sa loob ng silid at pag-usap ang
paksang nabunot.
4. Isulat muna sa kwaderno ang natalakay.
5. Kapag nabuo na ang kahulugan ng paksa, ito ay isusulat sa
manila paper saka iuulat ng lider.
6. Mayroon kayong sampung (10) minuto upang matapos ang
pagsasanay.
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Pagpapalalim ng Kaalaman

Mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang


ornamental
1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha
– Kumakapit ang mga ugat ng mga punong ornamental sa
lupang taniman kaya nakakaiwas sa landslide o pagguho ng lupa
2. Naiiwasan ang polusyon
– Nililinis ang hangin ng mga halaman at punong ornamental
kung kayat nakakaiwas sa polusyon ang pamayanan.
3. Nagbibigay lilim at sariwang hangin
– Sinasala ng mga halaman at punong ornamental ang
maruruming hangin at napapalitan ng malinis na oksihena na
siya nating nilalanghap.
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Pagpapalalim ng Kaalaman

Mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang


ornamental
4. Napagkakakitaan
- Maaaring ibenta ang mga halamang ornamental na naitanim.
Maaari ding magtanim sa paso, itim na plastik o sa lata para
maibenta.
5. Nagpapaganda ng kapaligiran
- Gumaganda ang kapaligiran kung maraming halamang
ornamental ang nakatanim lalo na ang mga ito ay namumulaklak
at humahalimuyak.
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Pagsasanib

Ang mga halaman ay bahagi ng ating


kalikasang kaloob ng Maykapal. Dapat natin itong
mahalin, alagaan, pahalagahan at pagyamanin.
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Paglalahat

Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay


isang kawili-wili at nakalilibang na gawain.
Maraming kapakinabangan ang nakukuha rito
na makatutulong sa pamilya at pamayanan.
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Pagtataya

Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na tanong.


Tama
____ 1. Ang pagtatanim ng mga ng mga halamang ornamental ay
nakatutulong sa pagbibigay ng malinis na hangin.
Mali
____ 2. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti sa
pamilya at sa ibang tao sa pamayanan.
Tama
____ 3. Maaaring ibenta ang mga itinanim na halamang ornamental.
Tama
____ 4. Nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya at pamayanan ang
pagtatanim ng mga halamang ornamental.
Tama
____ 5. Ang mga punong ornamental ay nakatutulong upang maiwasan ang
pagguho ng lupa.
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

Pagpapayaman
ng Gawain

Gumawa ng album sa kapakinabangan na makukuha ng


pamilya at pamayanan sa pagtatanim ng halamang ornamental
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental

You might also like