You are on page 1of 3

Semi Detailed Lesson Plan in EPP

Learning Area: Agriculture


Quarter: Fourth Quarter
Grade Level: Four
Section/Time: Grade V Love (2:30-3:30)

I. Standards:
Learning Target/s:

A. Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang
pagkakakitaang Gawain
B. Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental, para sa pamilya at sa pamayanan
C. Nagagamit ang teknolohiya/Internet sa pagsagawa ng survey at iba pang pananaliksik ng wasto at makabagong
pamamaraan ng pagpapatubo ng halamang ornamental

II. Focus/Topic: Pagtatanim ng halamang ornamental


Materials/Resources: Papel de manila, Picture

III. Disposition Setting:


A. Prayer
“Bago tayo magsimula sa ating aralin magsitayo muna tayo para sa isang munting panalangin

B. Checking of Attendance

C. Review
Bago tayo tumungo sa ating aralin ngayong umaga ay atin munang balikan ang tinalakay natin nang mga
nagdaang araw.

IV. Lesson Proper:


A. Motivation
Gagawa ng listahan tungkul sa kagandahan ng halamang ornamental. Nakahanda ang isang kahon na kung saan
nakalagay ang mga salita sa ibaba at pabubunutin ang magaaral at bigyang kahulugan ang nabunot. Gawaing grupo

A. pagkakakitaan
B. nagbibigay ng sariwang hangin
C. umusugpo sa maruming hangin o polusyon
D. nagpapaganda ng kapaligiran o kalikasan

B. Delivery
1. Introduction
Pagpapaliwanag sa kapakinabangan ng halamang ornamental ayon sa ibabahagi ng mga mag aaral.

1. Napagkakakitaan – maaring maibenta ang mga halamang ornamental na hindi naitanim o magpunla o magtanim sa
paso sa mga itim na plastic bag o lata ng mga halamang ornamental na puwedeng ibenta. Ito ay nagiging pera para
panustos sa pang araw araw na gastusin.

2. Nagbibigay ng sariwang hangin – may mga matataas at mayabong na halamang ornamental gaya ng kalachuchi,
ilang–ilang, pine tree, at marami pang iba na maaring itanim sa gilid ng kalsada, kanto ng isang lugar pwedeng
masilungan ng mga tao. Bukod dito sinasala pa ng mga puno ito ang maruming hangin sanhi ng usok ng tambutso,
pagsusunog at napapalitan ng malinos na oksiheno (oxygen) na siya nating nilalanghap.

3. Naiiwasan ang polusyon–sa gamit ng mga halaman/punong ornamental, nakakaiwas sa polusyon ang pamayanan sa
maruruming hangin na nagmumula sa mga usok ng sasakyan, sinunug na basura, masasamang amoy na kung saan
nalilinis ng ating nilalanghap.
4. Nagpapaganda ng kapaligiran– sa pamamagitan ng pagtatanim ng halamang ornamental sa paligid ng tahanan, parke,
hotel, mall, at iba pang lugar na nakakatawag pansin sa mga taong dumaraan, lalo na’t kung itoy namumulaklak at
mahalimuyak.

2. Presentation

Ang mga halamang ornamental at lahat ng klase ng halaman ay isang biyayaa satin na dapat natin pangalagaan at paka
ingatan, sa kadahilanan na ito ay isa lamang sa mga nakakatulong satin sa paghahanap buhay at sa kalusugan na rin.

Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay isang patunay na nagbibigay kapakinabangan sa ating pamilya at pamayanan
para sa kabuhayan.

3. Delivery Assessment

Isulat ang salitang TAMA kung ito ay tama at salitang MALI kung mali ang pangungusap na nabanggit.

1. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay isa lamang sagabal sa mga tao?


2. Maaring ipagbili ang halamang ornamental na nakatanim sa lata o plastic?
3. Nagbibigay kalungkutan ang halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?
4. Ang halamang ornamental ay isa sa sumusugpo sa polusyon sa kapaligiran?
5. Nagiging isang hanap buhay ng mga tao ang halamang ornamental?

E. Evaluation

Isulat ang salitang TAMA kung ito ay tama at salitang MALI kung mali ang pangungusap na nabanggit.

1. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay isa lamang sagabal sa mga tao?


2. Maaring ipagbili ang halamang ornamental na nakatanim sa lata o plastic?
3. Nagbibigay kalungkutan ang halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?
4. Ang halamang ornamental ay isa sa sumusugpo sa polusyon sa kapaligiran?
5. Nagiging isang hanap buhay ng mga tao ang halamang ornamental?

F. Assignment

Gumawa ng malikhaing journal na kung saan nagsasalaysay kung paanu nakakatulong ng halamang ornamental sa iyong
pamilya sa araw araw, maaring maglagay ng larawan o drawing upang mas maipakita ang pag ka malikhain.

VI. Reference/s

Prepared by:

Mr. Lendyl Bryan E. Ocampo


EPP V Teacher

You might also like