You are on page 1of 54

IKAAPAT NA MARKAHAN

Unang Linggo

Asignatura: Agham 3 Nilaang Oras ng Pagkatuto: 40 minuto

Ginamit na Wika: Mother Tongue (5 sesyon)

I. Layunin:
1. Mamasid at makabuo ng mga tanong tungkol sa kapaligiran sa bahay, paaralan, pamayanan,
at lokalidad (bayan, lungsod, lalawigan)
2. Mauri ang malinis at maruming kapaligiran
3. Mapahalagahan ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran sa pamamagitan ng paggawa ng
slogan

II. Nilalaman at Kagamitan


A. Paksa
Ang Kapaligiran
- Tao
- Hayop
- Halaman
- Lawa, ilog, sapa, burol at bundok

1. Pagmamasid at pagbuo ng mga tungkol sa kapaligiran sa bahay, paaralan, pamayanan, at


lokalidad ( bayan, lungsod, lalawigan)
2. Pag- uuri ng malinis at maruming kapaligiran
3. Pagpapahalaga sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran sa pamamagitan ng paggawa ng
slogan

C. Konsepto:
1. Ang mga puno at iba pang halaman ay nagpapaganda sa ating kapaligiran.
2. Ang kapaligiran ay maaring malinis o marumi.
3. Ang ligtas at malinis na kapaligiran ay malayo sa sakit n dulot ng mga basura at mga insektong
nagdadala ng sakito karamdaman
4. Pagdura, maling pagamit ng palikuran at pagtatapon ng basura at pagkakalat ang
nagpaparumi sa ating kapaligiran. Tumitira sa maruming kapaligiran ang mga mapanganib na
hayop tulad ng daga, langaw, lamok,at ipis.

D. Paproseso sa Kasanayan
pagmamasid, paglalarawan, pag- uuri

E. Sanggunian
Growing with Science and Health 3, pp.75-77
Science ang Health for Better Life 3,pp. 25-26
Exploring and Protecting Our World 3, pp. 37-40
Science Spectrum 3, 73-76
K to 12 Curriculum Guide Science 3, p.15

F. Kagamitan:
letter cut- outs (KAPALIGIRAN)
tsart ng tula
tsart ng pangkatang Gawain
G. Pagpapahalaga
Kalinisan/ Kooperasyon
Pagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran

III. Instruksyonal na Pamamaraan

UNANG ARAW

A. Pagganyak
1. Ibigay ang mga titik sa bawat pangkat. Hayaang buuin ang salitang KAPALIGIRAN.
2. Babasa tayo ng tulang pinamagatang “Ang KALIKASAN”

B. Pagbasa ng Tula
1. Babasahin ng guro ang tula sa klase.
2. Tumawag ng 2hanggang 5 bata na bibigkas ng tula.
3. Bawat pangkat ay bibigkas ng tula.

Ang Kalikasan
ni Amelia Bester
Isinalin sa Tagalog ni Nieves Figueroa

Ang mga bituin, nagniningning sa kalangitan ng gabi


Ang buwan, nakatirik ng maliwanag at mataas
Ang araw, nagliliwanag sa kalangitan sa umaga
Ang mga ibon, tunay na mataas lumipad

Ang mga kalat, nagliliparan sa malamig na simoy ng hangin


Kaya paktago lang sana ang inyong mga kalat
Panatilihing malinis at luntian ang kagubatan
Nang walang polusyong makikita at malalanghap

Mataas na damo, matinik na luntian


Kapag humahangin ito’y nakikita,
Sa bundok ang puno’y uugo’y at daho’y malalagas

C. Talakayan
` 1. Ano- ano ang mga bagay na makikita sa kalangitan?
2. Nasaan ang mga ibon?
3. Ano ang sumasayaw sa malamig na simoy hangin?
4. Ano ang dapat gawin sa mga ito?
5. Ano ang dapat gawin sa kagubatan? Bakit?
6. Sa tulang binasa, ano – ano ang mga magagandang bagay ang makikita?
7. Ano ang dapat nating gawin sa mga basura? Sa mga puno sa kagubatan? Bakit?
8. Anong uri ng kapaligiran ang inilalarawan sa tula?
9. Anong uri ng kapaligiran ang gusto mo? Bakit?

D. Mungkahing Gawain
1. Hatiin sa 4 na pangkat ang klase.
2. Iguhit kapaligirangang nais mo?
3. Ipakita at ilarawan ang ginawa.

IKALAWANG ARAW
A. Balik- aral
Anong uri ng kapaligiran ang nais mong tirahan?

B. Paglalahad/ Talakayan
1. Hatiin sa 5 pangkat ang klase.
2. Bawat pangkat at bibigyan ng ¼ manila paper na may kasamang larawan.
3. Sagutin ang bawat tanong.
4. Ibigay ang pamantayan sa pangkatang Gawain
5. Ibigay ang kagamitan sa bawat pangkat.
6. Suriin ang mga larawan. Hayaang makabuo ng limang tanong sa bawat larawan ang mga bata.

Pangkat I Pangkat II

Larawan ng kapaligiran sa Larawan ng kapaligiran sa


tahanan paaralan

Pangkat III Pangkat IV

Larawan ng kapaligiran sa Larawan ng kapaligiran sa


pamayanan lungsod

Pangkat V

Larawan ng kapaligiran sa
probinsya

7. Pagbabalita ng bawat pangkat/ pagpapakita ng ginawa


8. Ano- ano ang mga nabuong katanungan tungkol sa mga larawan?

C. Talakayan
1. Hayaang dumalaoy ang talakayan ng mga bata sa mga tanong tungkol sa larawan.
a. Ano- anong kapaligiran ang nakita ninyo sa larawan?
b. Paano nagkakatulad ang mga ito?
c. Paano naman nagkakaiba- iba ang mga ito?
2. Sa iyong palagay, sa anong kapaligiran nababagay ang mga tao?
3. Anong uri ng kapaligiran meron sa inyong lugar?
4. Paano makakamit ang kapaligiran na nais natin?

D. Paglalahat
1. Anong uri ng kapaligiran mayroon tayo?

2. Paano tayo magkakaroon ng malinis at magandang kapaligiran?

E. Paglalapat

Sumulat ng limang salitang naglalarawan sa inyong pamayanan?

IKATLONG ARAW

A. Balik- aral
Ano ang bumubuo sa kapaligiran?

B. Paglalahad/ Pagtatalakay
Magpakita ng dalawang magkatulad na larawan. Hanapin ang naiiba sa larawan.

(Larawan ng malinis na pamayanan) (Katulad na larawan sa kabila


ngunit may mga bahaging
nagpaparumi sa larawan ng
pamayanan)

1. Magkakatulad ba ang mga bagay sa larawan?


2. Ano ang masasabi ninyo sa kapaligiran sa unang larawan?
3. Ano naman ang masasabi ninyo sa ikalawang larawan?
4. Anong lugar ang pipiliin mo ang unang larawan ba o ang ikalawang larawan? Bakit?

C. Pangkatang Gawain
1. Hatiin sa dalawang pangkat ang klase.
2. Ibigay ang pamantayan sa paggawa ng pangkatang Gawain.
3. Ibigay ang Gawain sa bawat pangkat (nakasulat sa manila paper)

Pangkat I- Bigyan ng mga larawan.

Panuto: Paghiwa-hiwalayin ang mga larawan ayon sa malusog at di-malusog na kapaligiran. Idikit sa
kanang bahagi.

Malusog na Kapaligiran Di- malusog na Kapaligiran

Pangkat II

Panuto: Alin sa mga sumusunod ang nagpapalinis o nagpaparumi sa ating kapaligiran. Isulat sa tamang
hanay.
pagkakalat tubig na hindi dumadaloy
tamang pangongolekta ng basura mga langaw at lamok
halamang namumulaklak sariwang hangin
maling pagtatapon ng basura ligtas sa mabahong amoy
mga puno maling paggamit ng palikuran

Malinis na Kapaligiran Maruming Kapaligiran

4. Pangkatang pag-uulat

D. Talakayan
1. Kailan natin sinasabing malusog ang kapaligiran? Kailan naman hindi malusog?
2. Ano- ano ang mga epekto ng malusog o di- malusog na kapaligiran?
3. Bakit mahalaga sa atin ang malusog at malinis na kapaligiran?
4. Paano natin magagawang malusog at malinis ang ating lugar?

E. Paglalahat
1. Paano natin inuuri ang kapaligiran?
2. Ano- ano ang nagpapalusog o di- nagpapalusog sa kapaligiran?

F. Paglalapat
Alamin kung ano ang nagpapalusog o di- nagpapalusog sa kapaligiran sa paaralan. Imungkahi ang
mga paraan upang maging malusog ito.

Malusog/malinis na mga bagay Di- malusog/ di-malinis na mga Ano ang maaari nating gawin
sa ating paaralan bagay sa ating paaralan upang maging malusog/malinis
ang kapaligiran sa ating paaralan

G. Paalaala
Magdala ng short bond paper, lapis at krayola ang bawat mag-aaral.

IKAAPAT NA ARAW

1. Balik- aral
Ano ang nagpapalinis/nagpapalusog sa ating kapaligiran? Pumili ng isang dahon at ilagay
ito sa halman sa kanang bahagi.

plastic malinis na tubig basura sariwang hangin


pagdura mga puno masamang
amoy

ligtas sa compost pit


mababangis/
mapanganib
na hayop

B. Paglalahad/ Pagtatalakay

1. Ano ang mga gawain na nagpapalusog/nagpapalinis sa kapaligiran?di- nagpapalusog?


2. Ano- ano ang mga epekto ng malinis na paligid? Ano- ano naman ang epekto ng maruming
paligid?

C. Isahang Gawain
1. Kuhanin ang bond paper, lapis at krayola.
2. Ibigay ang mga pamantayan sa isahang gawain?
3. Sumulat ng slogan kung paano mapahahalagan ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran?
4. Pagbabalita- Tumawag ng tatlo hanggang limang bata na magsasabi ng:
a. tungkol sa slogan na kanilang ginawa.
b. iulat sa harap ng klase.

D. Pagtalakay
1. Ano ang masasabi mo sa Gawain?
2. Paano ka nakagawa ng slogan?
3. Paano mo gagamitin ang slogan na iyong ginawa?

E. Paglalapat
Hayaan ang mga mag- aaral na idisplay ang kanilang slogan sa loob o sa labas ng kanilang
sild- aralan.

IKALIMANG ARAW

IV. Pagtataya
A. Ang nasa ibaba ay paglalarawan ng iba’t ibang lugar. Isulat ang H kung ang kapaligiran
ay malusog/malinis at NH kung hindi.
_______ 1. Napapaligiran ang bahay ng mga bakod. Maraming mga puno sa gilid ng daan. Malinis ang
mga kalye. Walang basurang nakakalat.
_______ 2. Dikit- dikit. May mga basura sa gilid ng daan. May tambak ng basura sa mga kanto.
_______ 3. Malawak na lugar. Nagtatapon ng basura ang mga tao. Maraming langaw at lamok. Maraming
mga aso at mga pusa na nagkakalat.
_______ 4. Ang lugar ay nasa may bundok. May mga puno. May mga halamang namumulaklak. May
mga gulay na nakatanim sa bakuran. Ang kalye ay malinis.
_______ 5. Malapit sa sapa ang bahay. Malinis ang tubig na dumadaloy dito. Mga punong nagbibigay
lilim sa bahay. May takip ang mga basurahan.
B. Lagyan ng tsek (/) ang makikita sa malinis na lugar at ekis (X) ang hindi.

____ kakahuyan
____ halamang namumulaklak
____ malawak na lugar na napapaligiran ng luntiang mga damo.
____ kanal na barado ng basura
____ maduming kanal
____ mga lamok at langaw
____ kanal na may takip
____ usok galing sa mga pabrika
____ palaruan
____ parke
____ mga hayop na gala
____ basurahan na may takip
____ malamig na hangin
____ basurang nagkalat
____ malinis na tubig
____ malayo sa basura

C. Piliin ang titik ng tamang sagot


1. Nakatira sa malinis na kapaligiran si Timmy.
a. Magkakasakit siya.
b. Magiging madungis siya.
c. Lalaking malakas at malusog siya.

2. Nakita mo ang iyong kapitbahay na nagtatapon ng basura sa harapan ninyo. Ano ang gagawin mo?
a. Sisigawan ko siya.
b. Hindi ko siya iintindihin.
c. Ituturo ko sa kanya ang tamang paraan pagtatapon ng basura.

3. Nakikiusap sa mga mamamayan ang kapitanng barangay na makilahok sa kampanya para sa kampanya
upang magkaroon “Malinis at Luntian” barangay.
a. Makikilahok ako sa aking pamilya sa kampanya.
b. Magkukunwari akong may sakit para hind makadalo ang aking pamilya.
c. Yayakagin ko ang aking mga magulang na mag “swimming”.

4. Isang batang madungis si Jeff na nakatira malapit sa inyo. Mahilig siyang dumura kahit saan.
a. Malayo sa “bacteria” ang paligid.
b. Babaho ang paligid.
c. Lilinis ang paligid.
5. Ano ang mangyayari kung marumi ang lugar na tinitirahan ng mga bata?
a. Mabilis silang lalaki.
b. Hihinto ang kanilang paglaki.
c. Maapektuhan ang kanilang paglaki.

IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikalawang Linggo

Asignatura: Agham 3 Nilaang Oras ng Pagkatuto: 40 minuto


Ginamit na Wika: Mother Tongue (5 sesyon)

I. Layunin:
1. Mailarawan ang mga anyong lupa at anyong tubig sa pamayanan
2. Mapahalagahan ang kagandahan ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig
3. Masabi ang mga paraan ng pangangalaga ng mga anyong lupa at anyong tubig

II. Nilalaman at Kagamitan


A. Paksa
Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

B. Konsepto
Ang Kapaligiran: Tao,mga hayop,halaman,lawa,ilog,batis,burol at mga bundok

C. Pagproseso sa Kasanayan:
pagmamasid, pagkilala, paglalarawan,paghinuha

D. Pagpapahalaga
Pagmamahal at pag- aalaga sa mga kasapi ng pamilya

E. Sanggunian
K to 12 Curriculum guide in Science p.15
Science and Health for the New Millennuim 3, pp. 209-214; 237
www.volcanowallpapers.com
www.livefortheoutdoors.com

F. Kagamitan
Larawan, cartolina, modelling clay

III. Instruksyonal na Pamamaraan

UNANG ARAW

A. Pagganyak
1. Naranasan na ba ninyong pumunta sa bundok (ilog, talon)?
2. Ano ang ginawa ninyo sa inyong pagpunta sa bundok? Ilog? talon?
3. Bakit kayo pumunta doon?

B. Pagganyak na Tanong
Sa kwentong ating mapapakinggan, ating alamin kung saan pumunta ang mga magkakapatid at
bakit sila pumunta doon?

C. Bahagihan ng Kwento/ Paglalahad ng Kwento

Ang Pag- Akyat


Mae R. Ayao
Isinalin sa Tagalog ni Maricel P. Fainsan

Sina Lito, Andy at Edgar ay magkakapatid. Nakatira sila sa mababa at patag na lupa na tinatawag
na kapatagan.

Isang araw,nagplano silang umakyat sa Bundok ng Isarog.

Kinabukasan, na araw,dahil maganda ang panahon itinuloy nila ang kanilang plano.Lahat sila ay
may dalang backpack na may lamang de lata, lente o flashlight,first aid kit,labis na damit,tent, at iba
pang gamit sa pag- akyat ng bundok.
` Nang nasa paanan na sila ng bundok may nakilala silang lalake.”Saan po naman makikita ang
pinakamagandang tanawin ng bundok na ito”?tanong ni Andy

“ito’y nasa itaas ng bundok,”sagot ng lalake.

Nasa kalagitnaan na sila ng tuktok ng bundok subalit madilim na.


“Nakakita ako nga talampas sa banda doon”, wika ni Edgar. Patag ang lupa kaya maaari tayong
magpahinga.

Itinayo ni Lito ang tent,samantalang nagsindi naman ng apoy sina Andy at Edgar upang uminit at
lumiwanag ang paligid.Hindi nagtagal at sila’y nakatulog na.

Umaga ng sumunod na araw, inayos na nila ang kanilang mga gamit at sila’y nagpatuloy sa
paglalakbay pataas ng bundok. Habang umaakyat sila sa mahangin at mabatong kalsada nakilala nila ang
matandang lalaki na taga pangalaga ng kagubatan.

“Alam nyo po ba ang madali at maikling daan patungo sa tuktok ng bundok?tanong ni Andy.
“OO” sagot ng matandang lalaki. “Pero,pinapayuhan ko kayong bumaba na sapagkat may
paparating na bagyo.

Nalungkot ang tatlong magkakapatid sa ibinalita ng matandang lalaki.

Nabigo man, nagpasalamat pa rin sila at nagmamadaling bumababa ng bundok.

“Doon kayo dumaan sa maikling daan, nasa kaliwa nyo”.sigaw ng matandang lalaki.

Sinunod nila ang direksyon. Ito’y ibang daan pababa. Habang naglalakbay sila pababa ng bundok
nakarinig sila ng malakas na agos ng tubig.

“Tingnan nyo,talon!” sigaw n Edgar. Sa kanyang pagkabigla dali- dali siyang lumusong sa tubig at
binasa ang kanyang sarili sa tubig na dumadaloy mula sa tuktok ng bundok.

Ang tubig na dumadaloy pababa ng batis ay pumupunta sa ilog na nagtatapos sa dagat.

Maya-maya, tinungo na nila ang daan pababa hanggang nakarating sila sa kanilang bahay ng
ligtas at payapa.

D. Talakayan
1. Saan nagpunta ang tatlong magkakapatid?
2. Bakit sila nagpunta doon?
3. Saan nakatira ang magkakapatid? Paano mo ilalarawan ang kanilang tirahan?
4. Saan sila namalagi sa unang gabi nila sa bundok?Ilarawan ang talampas.
5. Ano ang nakita ni Edgar habang bumababa sila sa bundok.Ipaliwanag ito.
6. Ilarawan ang ilog na nakita nila.
7. Paano kaya makatutulong ang magkakapatid sa pagpapanatili ng kagandahan ng bundok?
8. Ano ang maaari nating gawin upang mapanatiling maganda ang ating mga bundok,ilog, at mga
dagat?

E. Mungkahing Gawain
Gumawa ng slogan tungkol sa pangangalaga ng ating mga anyong lupa at tubig.

IKALAWANG ARAW

A. Balik- aral
1. Saan nakatira sina Lito, Andy at Edgar?
2. Saan sila nagpunta?
3. Saan sila tumigil at nagpahinga sa kanilang pag- akyat?

B. Paglalahad
1. Ngayon, pag- aaralan natin ang iba-ibang anyong lupa.
2. Tingnan ang mga larawan sa ibaba.
3. Ano anong anyong lupa ang mga ito?
4. Hayaang basahin ng mga bata ang mga pangalan ng bawat anyong lupa.

C. Pagsasagawa ng Gawain
1. Magbibigay gay ang guro ng anim na piraso ng papel sa mga piling bata na naglalarawan ng
bawat anyong lupa.
2. Isaisa.Ang batang may hawak ng papel ay tatayo sa unahan. Babasahin ng mga bata ang
paglalarawan ng mga anyong lupa at ididikit ito ng batang may hawak ng papel sa katabi o ilalim
ng larawan hanggang maipakita ng anim na bata ang papel at maidikit sa angkop na larawan.
3. Babasahin muli ng mga bata ang paglalarawan ng bawat anyong lupa.

Ito ay patag na lupa sa itaas ng burol o


bundok.

Ito ang pinakamataas na anyong lupa

Ito ay patag na lupa sa pagitan ng mga


bundok o burol.

Ito ay bundok na pumuputok.

Ito ay anyong lupa na mas mababa


kaysa bundok.

Ito ay patag na lupa.

D. Pagproseso ng Konseptong Kasanayan


1. Ano- ano ang mga anyong lupa na makikita sa kapaligiran?
2. Ano ang bundok? ang bulkan?ang burol? ang kapatagan? ang lambak? ang kapatagan?

E. Paalaala
Magdala ng modelling clay at 1/8 illustration board

IKATLONG ARAW

A. Balik- aral
Ano ang bundok? ang bulkan?ang burol? ang talampas? ang kapatagan? ang lambak?
B. Paglalahad/ Pagganyak
1. Nanonood ba kayo ng “Pinoy Henyo” sa telebisyon?
2. Ngayon, malalaro tayo ng “Pinoy Henyo”.

C. Pagsasagawa ng Gawain
1. Ang mga bata ay maglalaro ng “Pinoy Henyo” na laro
2. Hahanap ang mag aaral ng kanyang kapartner
3. Magtatanong ang isang bata, sasagot naman ang isa.
4. Kukuha ng salita ang isang bata (anyong lupa) at ang kanyang kapartner ang huhula gamit ang
kahulugan ng mga anyong lupa.
5. Ang bawat pares ay bibigyan ng isang minuto para hulaan ang salita.
6. Magtatanong ang batang huhula ng salita/ samantalang ang kapartner
ng “Oo o Hindi”
7. Ang makakuha ng tamang sagot sa may pinaka maikling minuto ang siyang panalo.

D. Gawain sa Sining

1. Ipalabas sa mga bata na ilabas ang kanilang modelling clay, illustration board, pangkulay, at
iba png kagamitan.
2. Hayaan ang mga bata na pumili ng mga anyong lupa na gusto nilang ilarawan gamit ang kanilang
modelling clay. ( Sa mga batang walang dalang kagamitan ay maaring gumamit ng papel para
iguhit ang mga anyong lupa.
3. Hayaan isulat ang kahulugan ng mga anyong lupa na iginuhit.

E. Konseptong Kasanayan

1. Ano ang inyong iginuhit? Ipakita at basahin ang kahulugan ng inyong iginuhit.

IKAAPAT NA ARAW

A. Balik- aral

Pagbabalik tanaw sa kwento, ano ang nakita nina Edgar pababa ng bundok?

B. Paglalahad/Pagganyak

1. Noong nakaraang bakasyon, ano ano ang mga ginawa ninyo na inyong lubos na nagustuhan?
2. Bakit nagustuhan ninyong maligo sa ilog?dagat?
3. Ngayon, pag- aaralan natin ang iba- ibang anyong tubig.

C. Pagproseso ng Gawain

Pagtapatin ang larawan sa kanilang pangalan.


1. Ang guro ay maghahanda ng dalawang mahiwagang kahon. Naglalaman ng mga larawan ng
anyong tubig at ang isang kahon ay naglalaman ng mga pangalan ng mga ito.
2. Tumawag ng pitong bata na kukuha ng larawan sa mahiwagang kahon B. Hayaang itapat ang
larawan sa kani- kanilang pangalan. Kapag nakita na nila ang tamang kapares ididikit ito sa
pisara.
3. Hayaan ang mga mag- aaral na tignang mabuti ang larawan at basahin ang pangalan ng mga
anyong tubig.
D. Pangkatang Gawain

Paggawa ng “ Web Map”


1. Hatiin ang klase sa pitong pangkat.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng larawan ng mga anyong tubig, isulat sa ¼ na manila paper
3. Kapag natapos na nila ang kanilang gawain, ididikit sa pisara ng lider ng pangkat ang kanilang
ginawa.
4. Tutulungan ng guro ang bawat pangkat upang makabuo ng maayos na kahulugan ng mga anyong
tubig na kanilang ipinakita.

Halimbawa: Pangkat 1

Pinaka malaking
Tubig alat
anyong tubig

Karagatan
¾ ng mundo ay Naglalayag
pinalilibutan ang mga
nito malalaking
barko dito
Ang karagatan ang pinakamalawak na tubig alat na pumapalibot sa mundo, kung saan ang mga
malalaking barko ay nakakapaglayag dito.

E. Konseptong Kasanayan

1. Ano- ano ang iba pang mga anyong tubig sa mundo?

2. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa mga karagatan?dagat? ilog? lawa? sapa? talon? bukal?

IKALIMANG LINGGO

A. Balik- aral

Ilan ang mga anyong tubig na ating napag- aralan kahapon? Ano- ano ang mga ito? Ipaliwanag
ang bawat isa.

B. Gawain

1. Ang klase ay maglalaro ng larong repolyo.

2. Bumuo ng malaking bilog.

3. Magpapakita ang guro ng malaking repolyo na gawa sa manila paper.

4. Ang bawat isang dahon ay may nakasulat .


Hal. Ilarawan ang ilog. Ang susunod na dahon naman ay may, ilarawan ang lawa. Sumunod na
dahon ay pwedeng ilarawan ang bulkan, atp.
5. Kasabaya ng musika ang repolyo ay ipapasa ng pabilog. Kapag tumigil ang musika, ang batang
may hawak ng repolyo ay kukuha ng isang dahon at sasagutin ang nakasulat dito. Gagawin ito
hanggang maubos ang mga dahon ng repolyo.

C. Paghahanda

Ngayon, titingnan natin kung may natutuhan kayo o wala sa isang lingo nating paksa. Kumuha ng
lapis o bolpen at mga karamitan sa pagguhit.

D. Pagtataya

Isula ang Tama, kung tama ang sinasabi sa pangungusap. Hindi kung mali.
_____ 1. Ang talampas ay patag na lupa sa itaas ng burol o bundok.
_____ 2. Ang lambak ay mababa at patag na lupa kung saan maraming bahay ang nakatayo dito.
_____ 3. Ang bulkan ay bundok na pumuputok.
_____ 4. Ang kapatagan ay mababang lupa sa pagitan ng dalawang bundok.
_____ 5. Ang burol pinaka mataas na anyong lupa.

Pagtapatin ang hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa notebook.

Hanay A Hanay B
_____ 1. Ilog a. tubig alat na mas maliit kaysa karagatan
_____ 2. Dagat b. anyong tubig na napapaligiran ng anyong lupa
_____ 3. Lawa c. malaking sapa na dumadaloy
_____ 4. Sapa d. anyong tubig na dumadaloy mula sa bundok
_____ 5. Talon e. Anyong tubig na mas maliit kaysa ilog
d. maliit na sapa na galing sa ilalim ng lupa

Iguhit at kulayan sa kahon ang anyong tubig na iyong naiss. Pangalanan at ilarawan ito. (5 puntos)

Pangalan ng anyong tubig

Paglalarawan:

_______________________________________

_______________________________________

_______________________________________
Sumulat ng talata kung saan gusto mong manirahan.

______________________________________

______________________________________

______________________________________

IKAAPAT NA MARKAHAN

Ikatlong Linggo
(Gamit ang Kahulugan at Tamang Modelo)

Asignatura: Agham 3 Nilaang Oras ng Pagkatuto: 40 minuto

Ginamit na Wika: Mother Tongue (5 sesyon)

I. Layunin
1. Makilala ang mga tungkulin ng tao, hayop, halaman, lawa, ilog, dagat, burol, at bundok sa
kapaligiran
2. Masabi ang kahalagahan ng mga tao, hayop, halaman, lawa, ilog, dagat, at bundok sa
kapaligiran
3. Makagawa ng mga paalaala/ alituntunin upang mapangalagaan ang kapaligiran

II. Nilalaman at Kagamitan


A. Paksa
1. Pagkilala sa mga tungkulin ng tao, hayop, halaman, lawa, ilog, dagat, burol, at bundok sa
kapaligiran
2. Pagsabi sa kahalagahan ng mga tao, hayop, halaman, lawa, ilog, dagat, burol, at bundok sa
kapaligiran
3. Paggawa ng mga paalaala upang pangalagaan ang kapaligiran

B. Konsepto
Kahalagahan ng mga tao, hayop, halaman, lawa, ilog, dagat, burol, bundok sa kapaligiran

C. Pagproseso sa Kasanayan
Pagmamasid, pagkilala, pagsusuri, paghinuha, at kaugnayan

D. Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide Grade 3 p.15

E. Kagamitan
Unang araw – Manila paper
Pananda
Ikalawang araw- Manila paper
Pananda
Ikatlong araw- Larawan ng mga anyong tubig
Manila paper
Marker

Ikaapat na araw- Larawan ng mga anyong lupa


Manila paper
Pananda
Ikalimang araw- Larawan ng mga bundok, tao, hayop, halaman, lawa, ilog, dagat at burol
Pandikit
Manila paper
Gunting

F. Pagpapahalaga
Pangangalaga sa kapaligiran

II. Instruksyonal na Pamamaraan

UNANG ARAW

A. Pagganyak
1. Sino ang madalas magluto ng inyong pagkain?
2. Sino ang madalas maghugas ng pinagkainan ninyo?
3. Lahat ba ng miyembro ng pamilya ay may tungkuling ginagampanan?
4. Ano- ano ang kanilang tungkulin?
5. Bakit nila ginagampanan ang kanilang tungkulin?
6. Mayroon din ba tayong tungkulin sa ating kapaligiran?

B. Pagpapayaman ng talastasan

1. Gawain
a. Hatiin sa apat na pangkat ang klase.
b. Talakayin ang mga tungkulin ng mga tao sa kapaligiran.
c. Bawat tungkulin ay nakasulat sa strip ng manila paper. Isang tungkulin- isang paraan.
d. Pagkalipas ng 5 minuto, ipakita sa klase ang kanilang ginawa.

2. Talakayan
a. Anong tungkulin ng mga tao ang nilahad na magkakatulad?
b. Anong masasabi ninyo sa mga tungkulin inilahad? Tungkulin ba ito ng mga tao?
c. Ano ang iba pang tungkulin ng mga tao sa kapaligiran?
d. Dapat ba itong gampanan ng iilang tao lamang? Bakit?

Konseptong kasanayan:
Ano ang kahalagahan ng mga tungkulin sa ating kapaligiran?

C. Paglalapat
1. Hatiin sa apat ang klase.
2. Talakayin ang tungkulin ng mga tao at ang kanilang kahalagahan sa mga sumusunod:
Pangkat I- halaman
Pangkat II- hayop
Pangkat III- bundok/ bulkan
Pangkat IV- dagat
Pangkat V- ilog
3. Pagkalipas ng 5 minuto, ilalahad sa klase ng bawat lider ang kanilang ginawa.

D. Gawaing pagpapayaman
Bilang isang bata, ano ang maitutulong mo sa ating kapaligiran?

IKALAWANG ARAW

A. Balik- aral
Ano ang kahalagahan ng mga tao sa ating kapaligiran?

B. Gawain
1. Hatiin sa limang pangkat ang klase.
2. Talakayin ang mga halamang makikita sa kapaligiran
Pangkat I- puno (hindi namumunga)
Pangkat II- gulay
Pangkat III- halamang namumulaklak
Pangkat IV- Halamang namumunga
Pangkat V- damo
3. Isulat ang pangalan at kahalagahan ng mga halaman sa kapaligiran.
4. Pagkalipas ng 10 minuto, ilahad ang ginawa sa klase.

C. Pagtalakay
1. Ano ang magkakatulad sa inyong mga sagot?
2. May pagkakatulad ba ang tungkulin ng mga halaman?
3. Mahalaga ba ang halaman sa ating kapaligiran? Bakit?
4. Sa palagay mo, ano ang mangyayari kung hindi nilikha ang mga halaman?
5. Bilang isang bata, ano ang maitutulong mo sa pangangalaga sa mga halaman?

Konseptong kasanayan:
Ano ang kahalagahan ng mga halaman sa kapaligiran?

D. Paglalapat
Gumawa ng collage na nagpapakita ng kahalagahan ng halaman sa kapaligiran.

E. Gawaing pagpapayaman
1. Gumawa ng 5 alituntuning dapat sundin sa pangangalaga ng mga halaman sa paaralan.
2. Gumawa ng poster tungkol sa 5 alituntunin.
3. Idikit sa isang lugar sa paaralan.
(Siguraduhing my pahintulot ng punong guro)

IKATLONG ARAW

A. Balik- aral
1. Ano ang kahalagahan ng mga halaman sa kapaligiran?
2. Ibahagi sa klase ang collage.

B. Pagganyak
1.Isa- isang ipakita ang mga larawan.
a. ilog
b. lawa
c. dagat
d.talon
e. sapa
2. Itanong:
a. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan?
b. Ano ang tawag dito?
c. Ano ang maaring nating gawin dito?
3. Mahalaga ba ang anyong tubig sa kapaligiran?
4. Ano ang kanilang kahalagahan?

C. Gawaing pagpapayaman
1. Hatiin sa 5 pangkat ang klase.
2. Bigyan ang bawat pangkat ng mga larawan ng anyong tubig na ginamit sa pagganyak.
3. Talakayin ang tungkulin ng anyong tubig sa kapaligiran.
4. Pagkalipas ng 5 minuto, bawat pangkat ay maglalahad ng kanilang ginawa sa klase.
5. Pagtatalakay:
a. Ano ang magkakatulad sa inyong mga sagot?
b. May pagkakatulad ba ang tungkulin ng mga anyong tubig sa kapaligiran?
c. Mahalaga ba ang mga anyong tubig sa kapaligiran?
d. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung hindi nilikha ang mga anyong tubig?
e. Bilang isang bata, ano ang maitutulong mo sa pangangalaga sa mga anyong tubig?

Konseptong kasanayan:
Ano ang kahalagahan ng mga anyong tubig sa kapaligiran?

D. Paglalapat
Gumawa ng 5 alituntuning dapat sundin sa pangangalaga ng anyong tubig.

E. Pagsasagawa ng Gawain
Gumawa ng poster ng limang alituntunin.

IKAAPAT NA ARAW

A. Balik- aral
Ano ang kahalagahan ng anyong tubig sa kapaligiran?

B. Pagganyak
1. Bigyan ang bawat pangkat ng jigsaw puzzle n may 10 bahagi. (ginupit ng iba’t ibang hugis at
laki)
2. Buuin ang Jigsaw Puzzle at sabihin ang pangalan nito.
3.Itanong:
a. Anong anyong lupa ang nabuo sa inyong puzzle?
Pangkat I- bundok
Pangkat II- burol
Pangkat III- kapatagan
b. Kapakipakinabang ba ang mga anyong lupa sa kapaligiran?

C. Gawaing pagpapayaman
1. Talakayin ang tungkulin ng anyong lupa sa kanilang jigsaw puzzle.
2. Pagkalipas ng 5 minuto, ilahad sa klase ng bawat pangkat ang kanilang ginawa.
3. Talakayan:
a. Ano ang magkakatulad sa inyong mga sagot?
b. Magkakatulad ba ang tungkulin ng mga anyong lupa sa kapaligiran?
c. Mahalaga ba mga anyong lupa sa kapaligiran?
d. Ano sa palagay mo ang mangyayari kung hindi nilikha ang mga anyong lupa?
e. Bilang isang bata, ano ang magagawa mo upang mapangalagaan ang mga anyong
lupa?

Konseptong kasanayan:
Ano ang kahalagahan ng mga anyong lupa sa kapaligiran?

F. Paglalapat
Gumawa ng 5 alituntuning dapat sundin sa pangangalaga n gating mga anyong lupa.

G. Mungkahing Gawain
1. Sa inyong palagay, mayroon bang tungkulin ang mga burol,talampas, bulkan sa kapaligiran?

H. Mga Dapat Dalahin Bukas


Magasin, pahayagan, pandikit at gunting

IKALIMANG ARAW

A. Balik- aral
Itanong:
Ano ang kahalagahan ng mga anyong lupa sa kapaligiran?
1. anyong tubig
2. tao
3. halaman
4. hayop

B. Panimmulang Gawain
Bumuo ng isang malaking bilog. Itala at lagyan ng tag ang mga tungkulin sa bawat
miyembro ng klase. Hal. tao, hayop, halaman, lawa, ilog, bundok, atp., Pag- ugnayin ang kanilang
mga braso pabilog.
1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa bilog?Matibay ba ito?
2. Ano ang mangyayari kung natanggal ang isa?Ano kaya ang mangyayari?
3. Paano kung alisin ang isa?Ano ang mangyayari?
4. Sabihin: Ang bawat isa ay may mahalagang ginagampanan sa ating kalikasan. Kung ang isa ay
hindi makakagampan ng maayos, ang lahat ay magiging mahina.

C. Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Gawain.


1. Pag- aralan ang tungkulin na ibinigay ng guro.
2. Ihanda ang mga kagamitan.
3. Gumawa ng collage tungkol sa kapaligiran at mga bahagi nito (budok, burol, tao...) na
bumubuo sa kalikasan.
4. Isulat ang kahalagahan ng mga tao, hayop, halaman, bundok, burol, dagat at ilog.
5. Gawin ito sa loob ng 10 minuto. Panatilitihin ang kalinisan ng inyong lugar.

D. Paano ito huhusgahan?


1. Isa sa bawat pangkat ay gaganap n hurado. Huhusgahan nila ng ginawa, kalinisan ng lugar at
pagkakaisa sa paggawa habang nagpapakita ng kanilang ginawa.
2. Turuan ang hurado kung paano magmarka. Gumamit ng stars sa pagmamarka. Limang stars
para may pinaka mataas na marka. Iguhit ito gamit ang markahang papel

Markahang Papel
Bilang Kalinisan Kabuuan Pagpapakita Pagiging Kalinisan Pagkakaisa Kabuuan Pwesto
ng ng ng malikhain bilang
pangkat ginawa collage ng stars
Bilang ng hurado __ : __________________________________________
Pangalan at Lagda

Ang guro ang magbubuod kung sino ang nanalo.

Buod ng mga Marka


Bilang ng HI H2 H3 H4 H5 KABUUANG Pwesto
pangkat BITUIN

__________________________________________
Pangalan at Lagda ng Guro

IKAAPAT NA MARKAHAN

Ikaapat na Linggo

Asignatura: Agham 3 Nilaang Oras ng Pagkatuto: 40 minuto

Ginamit na Wika: Mother Tongue (5 sesyon)

I. Layunin
1. Mailarawan ang mga uri ng panahon
2. Mailarawan ang pagbabago ng panahon sa loob ng isang linggo
3. Maitala ang panahon sa araw- araw
4. Mapahalagahan ang kahalagahan ng pag iipon o pag-iimpok

II. Nilalaman at Kagamitan


A. Paksa
1. Paglalarawan ng panahon ngayon
2. Paglalarawan ng pagbabago ng panahon sa loob ng isang lingo
3. Pagtatala ng panahon ngayon
4. Pagpapahalaga sa kahalagahan ng pag iipon o pag-iimpok

B. Pagproseso ng Konsepto:
1. Ang kalagayan ng kalangitan ay nagbibigay ng tanda kung anong uri ng panahon ngayon
2. ayon sa kalagayan ng kalangitan, ang panahon ay maaring maaraw, maulap, maulan at
mahangin.
3. Isinasaalang alang natin ang kalagayan ng araw, kalagayan ng mga ulap, bilis ng hangin, at
lamig ng hangin sa paglalarawan sa panahon.

C. Pagproseso ng Kasanayan
pagmamasid, paghihinuha, paghahambing,

D. Kagamitan:
Larawan ng iba’t ibang uri ng panahon
Larawan ng iba’t ibang kalagayan ng kalangitan
Malaking kandila, posporo, tissue paper, wax paper

E. Kagamitan:
K to 12 Curriculum guide in Science 3 p.15
Growing with Science and Health III pp. 206- 208
Story: The Ant and the Grasshopper”
Adopted: English for You and Me 3 pp. 27- 28

F. Pagpapahalaga
Kalahalagan ng pag-iipon.

UNANG ARAW

A. Pakikinig ng Kwento
1. Pagsasakilos ng natutuhang kaalaman/ Pagganyak
a. Paano pinaghahandaan ng inyong mga magulang ang nalalapit na masamang panahon?
b. Nag- iipon ba ng mga pagkain ang inyong mga magulang bilang paghahanda sa tag- ulan?
c. Bakit kailangan nilang mag ipon ng mga pagkain?
2. Pagpapayaman layunin sa pagbabasa.
a. Sabihin, mapapakinggan ninyo ngayon ang kwento, “ Ang Langgam at ang Tipaklong”
b. Itanong: Ano ang ginawa ng langgam bago dumating ang tag-ulan?
3. Basahin ang kwento sa klase, tumigil ng 2-3 beses at itanong: Ano sa palagay ninyo ang
susunod na mangyayari? Ang Langgam at Ang Tipaklong
Basahin angIsang maaraw
kwento na iba’t
na may panahon,
ibangang mga langgam ay abala sa paghahakot ng pagkain. Nag-
boses.
iipon sila ng mga pagkain sa kanilang tirahan. Nag- iipon sila ng sapat na pagkain para sa
pagdating ng tag-ulan. Nakita sila n tipaklong.

Kaibigan Langgam, bakit abalang abala ka? “Tumigil ka muna sandal at atyo ay
maglaro”. ang sabi ni Tipaklong. Tayo’y magsayaw ng magsayaw habang mainit ang araw.

“Salamat na lamang kaibigang Tipaklong, kailangan nating mag- ipon ng pagkain para
sa pagdating ng tag- ulan ay handa tayo.” sabi ng langgam.

“Bakit ka mag-aalala sa pagdating ng tag- ulan? Marami naman tayong pagkain


ngayon.” sagot ni Tipaklong.

Naiwan si Langgam at patuloy siya sa paggwa, samantalang ang tipaklong ay patuloy


sa paglalaro sa damuhan.

At dumating na ang tag-ulan. Walang makitang pagkain ang tipaklong, gutom na


gutom na siya. Mamamatay na siya sa gutom. Samantalang ang langgam naman ay nasa
kanyang tirahan. May sapat silang na pagkain.

Binisita ng gutom na tipaklong ang bahay ni Langgam. “ kaibigang Langgam, tulungan


mo naman ako. Gutom na gutom na ako. Kailangan ko ng pagkain.Pahingi naman kahit
kaunting pagkain”.

“Pasensya na kaibigang Tipaklong. Hindi kita mabibigyan ng pagkain. Ang pagkain


naming ay sapat lamang sa amin.” Paliwanag ng langgam. “ Sinabihan ka naming na mag- ipon
ng pagkain para sa tag- ula subalit hindi ka nakinig. Nagyon, sumayaw ka at magsaya sa ulan.”
B. Pagtatalakay

1. Ano ang ginawa ni Langgam bago ang tag-ulan?


2. Sino ang katulong ni Langgam sa paghahanap ng pagkain?
3. Bakit abala ang mga manggagawang langgam?
4. Habang abala ang langgam, ano ang ginagawa ni Tipaklong?
5. Sumali ba si Langgam sa naiisip ni Tipaklong?
6. Kung ikaw si Lannggam, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
7. Tama ba si Tipaklong sa kanyang ginawa? Bakit?
8. Anong nangyari kay Tipaklong?
9. Anong ginawa niya?
10. Binigyan ba siya ng pagkain ni Langgam? Bakit?
11. Kung ikaw si Langgam, gagawin mo ba ang ginawa niya? Bakit?
12. Kung ikaw si Tipaklong, anong gagawin mong paghahanda para sa nalalapit na tag- ulan?
13. Bakit mahalaga ang paghahanda bago magtag- ulan?

C. Gawain
Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Hayaang iguhit ng mga mag-aaral ang panahon sa kwento.
Pagkalipas ng limang minuto, ilahad ang ginawa ng bawat pangkat.

D. Pagproseso ng Gawain
Iproseso ng guro ang ginawa ng bawat pangkat.
1. Anong uri ng pahanon ang ipinakita sa kwento?
2. Ano ang tag-ulan? Ilarawan ito.
3. Ano ang tag- araw? Ilarawan ito?

E. Mungkahing Gawain
Hayaan ang mag- aaral na gumawa ng pagmamasid sa araw na ito (Lunes). Gamitin ang tsart na
katulad ng nasa ibaba.

Pagmamasid sa Panahon
Lunes Martes Miyerkules Huwebes
Air (mainit/ malamig)
Hangin (mabagal, katamtaman,
mabilis)
Kalagayan ng Kalangitan/ Mga ulap
(tingnan ang mga kulay, hugis, taas
at bigat)
Uri ng Panahon

IKALAWANG ARAW

A. Balik- aral/ Pagganyak


1. Ano ano ang mga uri ng pahanon sa kwento?
2. anong uri ng panahon kahapon? Bakit?
B. Paglalahad
( Maghahanda ang guro ng larawan ng iba’t ibang panahon)
1. Hatiin sa apat na pangkat ang klase.
Bigyan ang bawat pangkat ng larawan. Hayaang talakayin ng mag- aaral ang kanilang namasid sa
larawan.

(Tandaan: Ang lawaran ay dapat malinaw upang makilalang mabuti ang mga uri ng panahon. Kalagayan
ng mga ulap, kalagayan ng araw, ulan, hangin, at iba pang salik na nakakaapekto sa uri ng panahon.)

C. Pagproseso ng Gawain

1. Maliwanag ba ang kalangitan?


2. Maliwanag ba ang sikat ng araw? Nakatago ba ang araw?
3. Umuulan ba?
4. Gumagalaw ba ang mga dahon ng puno?
5. Malakas o mahina ba ang hangin?
6. Nakakakita ka ba ng mga ulap?
7. Ano ang kulay ng ulap? Ito ba ay medyo maitim o maliwanag?
8. Marami bang maitim na ulap?
9. Mataas o mababa ba ang mga ulap?
10. Ilarawan ang mga hugis/ maumbok o parang bulak?
11. Mababa, maitim at makapal ba ang ulap?
12. Ang ulap ba ay kulay puti,may manipis na balahibo?
13. Parang papel na nakalutang ba ang ulap?

D. Pagtatalay
1. Ano ano ang uri ng panahon?
2. Ano ang napansin ninyo sa kalangitan sa iba’t ibang uri ng panahon?
3. Anong palatandaan na mainit/ maulan/ mahangin/ maulap/ ang araw?
4. Ano ang pagkakaiba ng tag- ulan at tag-araw?
5. Ano ang pagkakaiba ng mainit at mahangin na panahon?
6. Ano ang pagkakaiba ng maulan at maulap na panahon?
7. Ano ang pagkakaiba ng maulap at mahangin na panahon?

E. Pangkatang Gawain
1. Hatiin sa apat na pangkat ang klase.
2. Gawin ang mga sumusunod:
a. Lumabas sa silid aralan.
b. Magmasid sa kalagayan ng panahon sa labas.
c. Iguhit ang uri ng panahon na mayroon tayo ngayon ayon sa iyong pagmamasid.
3. Ilahad ng bawat pangkat ang kanilang ginawa.
F. Konseptong Kasanayan
1. Ilarawan ang panahon ngayon?
2. Anong palatandaan ang nagsasabi ng uri ng panahon ngayon? Ano ang bumubuo sa
panahon?
3. Ano ang dapat nating isaalang alang sa pag alam sa uri o kalagayan ng panahon?

G. Mungkahing Gawain
Itala ang inyong namasid gamit ang inyong tsart kahapon.

Pagmamasid sa Panahon
Lunes Martes Miyerkules Huwebes
Hangin (mainit/ malamig)
Hangin (mabagal, katamtaman,
mabilis)
Kalagayan ng Kalangitan/ Mga ulap
(tingnan ang mga kulay, hugis, taas
at bigat)
Uri ng Panahon

H. Mga bagay na dapat dalahin:


Maghahanda ng mga sumusunod:
malaking kandila
posporo
tissue paper/ wax paper

IKATLONG ARAW

A. Balik- aral
1. Anong uri ng pahanon kahapon?
2. Ano ang panahon ngayon?
3. Anong palatandaan ang nagsasabi ng uring panahon ngayon?

B. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng iba’t ibang kalagayan ng kalangitan.

maliwanag medyo maulap maulap makulimlim

1. Nakakita na ba kayo ng ganitong uri ng ulap? Kailan?


2. Paano nagkakaiba ang mga ito?
3. Anong bahagi ng kalangitan ang natakpan ng ulap?
4. Paano mo masasabi na nakakaapekto ang ulap sa panahon. Ibigay ang iyong hinuha.
a. Magpakita ng prediksyong tsart.

Tsart ng hinuha
Ideya ng bata Aktual
b. Isulat ang sagot sa tsart ng hinuha.
c. Sabihin: Tingnan natin kung tama ang inyong mga sagot.
Tingnan natin sa inyong ginawa.
d. Tumawag ng bata na gagawa ng gawain sa unahan.

C. Patnubay na Tanong

Papel ng Gawain

Pamagat ng Gawain: Iba’t ibang kalagayan ng kalangitan na


nakakaapekto sa Panahon

Paunang Salita: Palagi nating isinasama ang kondisyon ng mga


ulap sa paglalarawan ng panahon.

Ano ang kailangang malaman: Pagkatapos ng


gawain,mailalarawan ng mag- aaral na ang uri ng kalagayan ng
kalangitan ay nakakaapekto sa panahon.

Ano ang kailangan mo:


malaking kandila
posporo
tissue paper/wax paper

Ano ang dapat gawin:


1. Sindihan ang kandila. ( Ang kandila ang magsisilbing araw)
2. Ilagay ang iyong kamay malapit sa ilaw. Anong pakiramdam ninyo?
3. Maglagay ng tissue paper na kasing habba ng braso ninyo sa pagitan
ng inyong kamay at kandila. Anong pakiramdam ninyo?
4. Alisin ang tissue paper. Ano ang pakiramdam ng iyong kamay?

D. Talakayin ang mgatanong

1. Sabihin: Ang kandila ang masisilbing araw. Ang inyong kamay ang magsisilbing ikaw at ang
tissue paper ay ang ulap. Ilagay ang inyong hamay malapit sa ilaw.
2. Itanong: Ano ang iyong naramdaman nang ilagay mo ang kamay ninyo malapit sa ilaw?
( Tumawag ng mga batang nais sumagot)
3. Sabihin: Kumuha ng tissue na kasing haba ng braso ninyo at gusutin ito. Ilagay ang tissue paper
sa pagitan ng inyong kamay at kandila.
4. Itanong: ano ang naramdaman ninyo ng ilagay ang ginusot na tissue paper sa pagitan ng
kamay ninyo at ng kandila.
5. Sabihin. alisin ang tissue paper.
6. Itanong: Anong naramdaman ninyo ng alisin ang tissue paper?
7. Ano ang natutuhan ninyo sa gawain?
E. Konseptong Kasanayan
1. Ilarawan ang iyong naramdaman ng may tissue paper at walang tissue paper ang inyong
kamay.
2. Sa iyong palagay, nakakaapekto ba talaga ang ulap sa panahon?
3. Paano natin mahuhulaan ang panahon?
4. Kailan natin sinasabbi na ang kalangitan ay maaliwalas/ medyo maulap//kulimlim
5. Bakit lumalamig ang hangin sa ating paligid?
6. Anong nagyayari sa lamig ng hangin kapag kumilos ang hangin at lumabas ang araw?

( Bumalik sa Tsart ng Hinuha)

F. Malayang Pagsasanay
Ilarawan ang kalagayan ng kalangitan/kalagayan ng ulap sa iba’t ibang uri ng panahon.Ilarawan
at isulat ang inyong sagot.
a. Mainit o maaliwalas c. Maulap
b. Maulan d. Mahangin

Itala ng mga mag- aaral ang kanilang obserbasyon sa panahon ngayon


(Miyerkkules)gamit ang inyong tsart na ginamit nang nakaraang araw.

Pagmamasid sa Panahon
Lunes Martes Miyerkules Huwebes
Hangin (mainit/ malamig)
Hangin (mabagal, katamtaman,
mabilis)
Kalagayan ng Kalangitan/ Mga ulap
(tingnan ang mga kulay, hugis, taas
at bigat)
Uri ng Panahon

IKAAPAT NA ARAW
A. Balik- aral
1. Ano ang uri panahon noong Lunes?/ Martes?/ kahapon?/
2. Anong mga palatandaan ang nagsasabi ng uri ng panahon? Ano ang dapat nating isaalang
alang sa pagsasabi ng uri ng panahon?

B. Paglalahad
( Maglahad ang guro ng tsart ng buong linggo
Sabihin: Ito ang kundisyon ng panahon sa loob ng isang linggo)
Obserbasyon ng Kundisyon
Lunes Martes Miyerkules Huwebes
Hangin (mainit/
malamig)
Hangin (mabagal,
katamtaman, mabilis)
Kalagayan ng
Kalangitan/ Mga ulap
(tingnan ang mga
kulay, hugis, taas at
bigat)
Uri ng Panahon

1. Anong uri panahon mayroon tayo mula Lunes hanggang Miyerkules?


2. Anong uri ng panahon meron tayo ngayon?
3. Paano mo nasabi na tag- init/ mahangin/ maulap/ tag- ulan ang panahon?
4. Ano ang masasabi mo sa panahon noong Lunes hanggang ngayon?
5. Paghambingin ang panahhon nang unang araw at ikatlong araw/ ikalawang araw at ikaapat na
araw atp.
6. Parepareho ba ang panahon? Bakit?

C. Konseptong Kasanayan
1. Anong masasabi mo sa panahon sa loob ng isang lingo?
2. Nagbabago ba ang kundisyon ng kalangitan?
3. Nagbabago ba ang panahon?
4. Nagbabago ba ang panahon araw araw?Ipaliwanag.

D. Malayang Pagsasanay
Gumuhit ng uri ng panahon sa tsart base sa mga gawaing ginawa ni Ricky sa loon ng isang lingo.

Araw Gawain
Si Ricky at ang kanyang kaibigan ay naglaro ng basketbol sa
Lunes labas ng bahay.
Si Ricky ay nagpunta sa labas suot ang kanyang kapote at bota.
Martes
Si Ricky ay buong araw na tumigil sa “aircon” na kwarto at
Miyerkules kumain ng “ice cream.”
Si Ricky ay nagpalipad ng saranggola kasama ang kanyang
Huwebes kaibigan.
Biyernes Si Rickky ay naglangoy kasama ang kanyan pamilya.

Araw Uri ng Panahon


Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes

( Pumili ng limang batang nais maglalahad ng kanilang ginawa sa harap ng klase.


Hayaang ilarawan ng bawat isa ang pagbabagong naganap sa panahon sa loob ng isang linggo.

IKALIMANG ARAW
IV. Pagtataya/Ebalwasyon

Panuto: Isulat ang uri ng panahon sa bawat sitwasyon


____ 1. Hindi Makita ang araw at maraming maiitim na ulap, ang ulan ay hind bumagsak.
____ 2. Sumikat ang araw at ang hangin ay bahagyang naihip.
____ 3. Maraming maiitim na ulap at ang ulan ay bumabagsak.
____ 4. Maitim ang ulam, malakas ang hangin, at bumabagsak ang ulan.
____ 5. Sumikat ang araw at ang ulap ay bahagyang maitim. Malakas ang ihip ng hangin.

Panuto: Iguhit o ilarawann ang kalagayan ng kalangitan sa iba’t ibang panahon.


a. Tag- init c. Mahangin
b. Tag- ulan d. Maulap

Panuto: Punan ng laman ang patlang sa ilalim upang makumpleto ang pangungusap. Piliin ang
sagot sa mga salita sa loob ng kahon.

bahaghari panahon kundisyon ng ulap

maulap uulan uri ng ulap

hangin uri ng panahon

_____ ay kundisyon ng paligid sa isang lugar at oras. Ang kundisyon ng


_____ ay isa sa mga salik na nakaaapekto sa panahon.

Kapag naglalarawan ng panahon palagi nating isinasaalang alang ang kalagayan ng araw, _____, ang bilis
at lamig ng hangin. Mainit, maulan, mahangin, at maulap ay mga _____. Kapag ang araw ay hindi
sumikat, maitim ang ulap. Ito ay _____.

IKAAPAT NA MARKAHAN

Ikalimang Linggo
(Gamit ang Kahulugan at Tamang Modelo)

Asignatura: Agham 3 Nilaang Oras ng Pagkatuto: 40 minuto

Ginamit na Wika: Mother Tongue (5 sesyon)

I. Layunin
1. Masabi kung paano nakaaapekto ang uri ng panahon sa mga gawain sa pamayanan
2. Makapagsadula kung paano nakaapekto ang panahon sa mga gawain sa pamayanan

3. Matanggap na ang panahon ay may kinalaman sa pang araw araw na gawain

II. Nilalaman at Gawain


A. Paksa
1. Pagsabi kung paano ang iba’t ibang uri panahon ay nakakaapekto sa mga Gawain sa
pamayanan.
2. Pagsasadula kung paano nakakaapekto ang pagpapalit ng panagon sa mga Gawain sa
pamayanan.
3. Pagtanggap na ang panahon ay may kinalaman sa pang araw- araw na gawain.

B. Nilalaman
Epekto ng papalit palit na panahon sa mga gawain sa pamayanan.

C. Konsepto
Tayong lahat ay naapektuhan ng panahon. Ang kaalaman sa panahon ay makatutulong
sa pagpaplano n gating mga gawain. Ang mga gawain ay natatapos depende sa uri ng panahon.
May mga gawain na magandang gawin kapag mainit o mahangin. Kung umulan o may bagyo, ang
mga gawain ay ipinagpapaliban o ginagawa sa loob ng tahanan.

D. Proseso sa kasanayan
Pagmamasid, paghihinuha, pagsasagawa

E. Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide Grade 3 p.15
Science and Health Series 3
Cyber Science 3

F. Kagamitan

UNANG ARAW:
TULA:
ANG PANAHON AT AKO
Tula ni: AMARA ALMAYDA

IKALAWANG ARAW:
Larawan ng pamilya at pamayanan na gumagawa ng gawain sa ibat’ ibang uri ng panahon.
Obserbahan ang tsart
Panahon Gawain ng mga Tao

IKATLONG ARAW:
Larawan ng pamilya at pamayanan gumagawa sa ibat ibang uri ng panahon
Kartolina, krayola, pandikit lapis, pentel pen

IKAAPAT NA ARAW
Papel ng gawain
GAWAIN 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit nakikinig muna ang mga mangingisda sa ulat panaho bago sila pumalaot?
2. Bakit sinusubaybayan ng mga piloto lagay ng ang panahon bago sila maglakbay?
3. Bakit ninyo inaalam ang lagay na panahon bago kayo pumasok?

G. Pagpapahalaga
Ilagay sa isip ng mga bata ang kahalagahan ng panahong kanilang nararanasan at pagtanggap sa
pagbabago nito.

III. Instruksyonal na Pamamaraan

UNANG ARAW

A. Paunang Gawain
1. Ano ang madalas ninyong ginawa kung maulan? may bagyo? mahangin? maiinit?
2. Anong uri ng panahon mas nagugustuhan mo para sa pagsasagawa ng mga gawain? Bakit?

B. Pagbabahagi ng guro ng tula


1. Sabihin sa mag- aaral na makinig sa babasahing tula.
2. Basahin ang pamagat ng tula.
3. Basahin ang tula sa mag- aaral.
4. Sabihin sa klase na basahin ang tula.
5. Tumawag ng isa o dalawang bata na nais magbasa ng tula sa klase.
6. Basahing muli ng klase ang tula.

Ang Panahon at Ako!


Ni: Amara Almayda
Isinalin sa Tagalog ni Maricel

Bagyo at ulan ay hindi ko gusto,


nagpapalungkot at nagpapasama sa aking
pakiramdam
Pagka’t ito’y hadlang sa tulad ko na gustong
matuto

Mahangin na araw ay mas mainam,


Saranggola’y mapapalipad, sa burol ay tumakbo
pataas at pababa

Sa tag araw kaligayaha’y nag- uumapaw ,


Magtampisaw sa dagat maglaro ng bola,
Minamahal na kaibigan aking kasama.

Mga tao sa paligid siguradong sang –ayon,


Kung ano ang magagawa ng magandang panahon.
Labahin natutuyo pati tulay at bahay natatayo
Napupuntahan lugar na di nararating
at higit sa lahat
Tayong dalawa ay naglalakad ng magkasama na
walang pangamba sa panahon na di kaaya- aya.
C. Talakayan
1. Sa anong panahon, malungkot ang sumulat ng tula? Bakit?
2. Aling araw ang maaliwalas? Ano ang nagpapaaliwalas dito?
3. Bakit ang ,maaraw na panahon ang nagpapasaya sa sumulat ng tula?
4. Ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa uri ng panahon Bakit?
5. Ano- ano ang iba’t ibang uri ng panahon ang nabanggit sa tula?
6. Ano- ano ang mga gawain nabanggit sa tula? Sa anong uri ng panahon mas magandang gawin
ang mga ito?
7. May alam ba kayong iba pang gawain na ginagawa sa mga sumusunod na uir ng panahon?
a. mainit
b. maulan
c. bagyo
d. mahangin

8. Maari bang gawin sa lahat ng uri panahon ang mga gawaing nabanggit? Bakit o Bakit hindi?
9. Ayon sa talakayan, ano ang masasabi ninyo sa mga gawaing ginagawa ng mga tao sa
pamayanan?

D. Konseptong Kasanayan
Anong masasabi ninyo sa tulang natutuhan?
(posibleng sagot:
Ang mga gawain ng mga tao ay nakasalalay sa kung anong uri ng panahon ang
nararanasan.)

E. Paalaala
Magdala ng mga sumusunod na kagamitan:
Larawan ng pamilya o pamayanan na gumagawa sa tamang kalagayan ng panahon.

IKALAWANG ARAW

A. Balik- aral
Magbalik tanaw sa mga detalye ng tula
1. Ano ang masasabi ng ibang tao tungkol sa panahon?
2. Ano- ano ang iba’t ibang uri ng panahon ang nabanggit sa tula kahapon?
3. Ano- ano ang iba’t ibang gawaing binanggit sa tula? Kailan magandang gawin ang mga ito?
4. Ang lahat ng mga gawaing binanggit ay maari bang gawin sa lahat ng uri ng panahon?

B. Paglalahad
1. Ano ang masasabi ninyo sa mga gawaing ginagawa ng mga tao?
2. May epekto ba ang panahon sa mga pang araw- araw na gawain?

C. Pangkatang Gawain
Gawain
1. Ano ang dapat gamitin?
(Larawan ng gawain ng pamilya o pamayanan.)
2. ano ang dapat gawin?
Obserbahan ang gawaing ginagawa ng pamilya at pamayanan sa larawan.

Itala ang inyong obserbasyon.


Panahon Ginagawa ng mga Tao

Iproseso pagkatapos ng pag-uulat ng pangkat.

D. Talakayan
1. Anong panahon ang ipinakita sa larawan?
2. Ilarawan ang mga iba’t ibang uri ng panahon?
3. Anong mga gawain ang ginagawa ng mga tao ayon sa uri ng panahon?
4. Nakaapekto ba ang panahon sa gawain na ginawa ng mga tao? Paano?
5. Ayon sa gawain, sabihin kung paano nakaapekto ang panahon sa gawain ng mga tao.

E. Mungkahing Gawain
Gumupit ng mga gawain kapag umuulan, may bagyo at mainit ang panahon. Idikit ito sa
papel. Sumulat ng tungkol sa mga larawang ito .

IKATLONG ARAW

1. Balik- aral
Alamin ang mga gawain na ginagawa sa iba’t ibang uri ng panahon.
Sabihin kung paano nakaapekto ang panahon sa mga gawain at pagkilos ng mga tao.

2. Paglalahad/ Pagtalakay
a. Magpakita ng larawan at itanong:
1. Ano ang mali sa larawang ipinakita?
( larawan ng batang lalaki na naka “jacket” sa mainit na panahon at lawaran ng batang
babae na nakasando sa araw na maulan.)
b. Magpakita ng iba pang larawan ng indibidwal, pamilya, kasapi ng pamayanan na gumagawa ng
kanilang gawain habang mainit, maulan o may bagyo.
c. Talakayin kung paano nakakaapekto ang panahon sa mga tao.

3. Patnubay na Gawain
a. Hatiin sa apat ang klase.
b. Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper, kartolina, pentel pen at krayola,
c. Gawin ng mga mag- aaral ang gawain.

Hamon sa pagkamalikhaiin
1. Gumuhit ng gawaing maaring gawin kapag mainit ang panahon
2. Gumuhit ng kasuotan na maaaring isuot kapag malamig ang panahon.
3. Gumuhit ng pagkain inyong madalas kainin kapag mainit ang panahon.

d. (Pagproseso ng ginawa ng mga mag- aaral.)

D. Talakayan ang mga ginawa


a. Ayon sa inyong ginawa, ano ang nagagawa ng panahon sa mga tao?
b. Ano- ano ang maaring gawin kapag maganda ang panahon?
c. Ano ang hindi maaaring gawin kapag masama ang panahon? Bakit?
d. Anong mga gawain ang maaring gawin kapag masama ang panahon.
e. Ano ang inyong masasabi ninyo sa pagkain at kasuotan ng mga tao kapag malamig o mainit
ang panahon?
f. Bakit mahalaga na may kaalaman tungkol sa mga uri ng panahon sa araw araw?

5. Mungkahing Gawain
Panuto: Isulat kung anong uri ng panahon ang inilalarawan ng mga gawain.
____ 1. Maglagay ng tuwalya sa inyong bag. Magagamit itong pampunas sa pawis.
____ 2. Pag-inom ng maraming tubig at “juice”. Ito’y magpapaginhawa sa iyo.
____ 3.Pagsuot ng makapal na damit. Ito’y magpapainit sa iyong pakiramdam.
____ 4. Magpiknik kasama ng iyong mga kaibigan.
____ 5. Pagsisimula ng pagtatanim ng palay ng mga magsasaka.
____6. Hindi itinuloy ng kapitan ang kanilang paglalayag.

6. Paalaala
Magdala ang guro ng malaking larawan ng pamilya na masayang naliligo sa dagat.

IKAAPAT NA ARAW

A. Balik- aral
1. Ano ang nagagawa ng panahon sa mga tao?
2. Ano ang iba pang gawain na maaring gawin kapag maganda ang panahon?
3. Anong gawain ang hindi maaring gawin kapag masama ang panahon?
4. Anong gawain ang maaring gawin kapag masama ang panahon?
5. Ano ang inyong masasabi sa mga pagkain at kasuotan kung mainit o malamig ang panahon?
6. Bakit mahalaga na may kaalaman tayo tungkol sa panahon sa araw- araw?

B. Tingnan ang ginawa ng mga bata sa “Mungkahing Gawain”

C. Paglalahad
1. Magpakita ng larawan ng pamilyang nasa dagat.
2. Itanong angmga ito:
a. Nais mo ba itong gawin kapag mainit ang panahon?
b. Nais mo ba itong gawin kapag malamig o umuulan?
c. Alin sa mga uri ng panahon magandang gumawa? Bakit?

D. Pagpapayamang Gawain
1. Ibigay ang mga sumusunod na gawain:
Gawain I
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
a. Bakit nakikinig sa ulat panahon ang mga mangingisda bago sila pumalaot?
b. Bakit inaalam ng mga piloto ang panahon bago sila magpalipad ng eroplano?
c. Bakit ninyo inaalam ang panahon bago umalis ng bahay?

Pagproseso sa gawain: pagkatapos ng paglalahad ng mga pangkat

Gawain II
a. Hatiin sa apat ang klase.
b. Bigyan ang bawat grupo ng gawain. Isadula ang sitwasyon nagpapakita kung paano
nakaaapekto ang panahon sa gawain ng mga tao.

Pagproseso ng gawain: pagkatapos ng paglalahad ng bawat pangkat.

E. Pagtatalakay ng natutuhan
a. May pagkakaiba ba sa mga gawaing ginagawa kapag mainit ang panahon sa gawaing ginagawa
kapag maulan ang panahon?
b. Anong gawain ang ginagawa kapag mainit ang panahon? Maulan ang panahon?
c. May pagkakaiba bas a mga gawaing ginagawa kapag umuulan sa gawaing ginagawa kapag
bumabagyo?
d. Anong gawain ang ginagawa kapag maulan? may bagyo?
e. Paano nagkaiba ang mga gawaing ginagawa natin kapag mainit ang panahon sa gawaing
ginagawa kapag maulan o may bagyo?
f. Bakit kailangan nating malaman ang uri ng panahon na nararanasan natin araw- araw?

IKALIMANG ARAW

IV. Pagtataya
a. Ang nasa ibaba ay mga gawain ng mga tao. Lagyan ng (/) kapag ang ginagawa nang tag – araw
at ekis (x) kapag ginagawa ng tag- ulan.

_____ 1. Magbisikleta ____ 11. makinig ng ulat panahon


_____ 2. Manood ng telebisyon ____ 12. Mgatayo ng bahay
_____ 3. Kamping ____ 13. Manatili sa loob ng bahay
_____ 4. Magbungkal ng bukid ____ 14. Magdilig ng halaman
_____ 5. Magpalipad ng saranggola ____ 15. Magtanim ng palay
_____ 6. Maglaro ng taguan
_____ 7. Gumawa ng kalsada
_____ 8. maglaba
_____ 9. Magpatuyo ng palay
_____ 10. Magpunta sa dagat

b. Gumawa ng poster kung paano nakaaapekto ang panahon sa gawain ng mga tao.

Rubrics:
PAMANTAYAN PUNTOS
Pinaka Mahusay: gawaing natamo ang lahat sa mga
sumusunod:
a. Pagpapakita ng konsepto
b. Kaayusan
c. Pagkakatugma at pagkakaugnay sa paksa
d. Malikhain/ Paglalahad
e. Malinis na paggawa
Mas Mahusay: gawaing natamo ang dalawa sa mga
sumusunod:
a. Pagpapakita ng konsepto
b. Kaayusan
c. Pagkakatugma at pagkakaugnay sa paksa
d. Malikhain/ Paglalahad
e. Malinis na paggawa
Mahusay: gawaing natamo ang isa sa mga sumusunod:
a. Pagpapakita ng konsepto
b. Kaayusan
c. Pagkakatugma at pagkakaugnay sa paksa
d. Malikhain/ Paglalahad
e. Malinis na paggawa
Kailangan ng pag- unlad: gawaing walang natamo sa mga
sumusunod:
a. Pagpapakita ng konsepto
b. Kaayusan
c. Pagkakatugma at pagkakaugnay sa paksa
d. Malikhain/ Paglalahad
e. Malinis na paggawa
Ikaapat na Markahan
Ikaanim na Linggo

Asignatura: Agham Nilaang Oras ng Pagkatuto: 40


minuto
Baitang: 3 (5 sesyon)
Wikang Panturo: Mother Tongue

I.Layunin

1.1 Matukoy ang mga gawaing pangkaligtasan sa iba’t ibang taya ng


panahon
1.2 Maipakita ang mga gawaing pangkaligtasan sa iba’t ibang taya ng
panahon
1.3 Matuklasan ang kahalagahan ng mga gawaing pangkaligtasan sa iba’t
ibang taya ng panahon

II. Paksang Aralin


A. Kasanayan
Pagtukoy sa mga gawaing pangkaligtasan sa iba’t ibang taya ng
panahon
Pagpapakita ng mga gawaing pangkaligtasan sa iba’t ibang taya ng
panahon
Pagtuklas ng kahalagahan ng mga gawaing pangkaligtasan sa iba’t
ibang taya ng panahon

B. Nilalaman
Gawaing pangkaligtasan sa Iba’t ibang Taya ng Panahon

C. Konsepto sa Agham
Ang mga gawaing pangkaligtasan ay dapat mabigyang pansin sa
iba’t ibang taya ng panahon.

D. Mga Proseso sa Agham


Pagmamasid
Pagbibigay Hinuha
Pagsasagawa

E. Sanggunian
K to 12 Curriculum Grade 3
Growing with Science and Health Textbook Grade 3

F. Kagamitan
Unang Araw:
Kwento: Isang Araw sa Dalampasigan
By: Amara Almayda
Isinalin sa Tagalog ni: Mophel D. Endozo

Ikalawang Araw: larawang nagpapakita ng masamang taya ng panahon


(tag- ulan/bagyo) pentel pen, manila paper tape
Ikatlong Araw: Activity sheet, pentel pen, manila paper, tape
Pagpapahalaga: Kahandaan sa iba’t ibang taya ng panahon

III. Gawain sa Pagkatuto


Unang Araw
A. Panimulang gawain
1. Ipapakita ng guro ang larawan ng isang pamilyang nasa
dalampasigan na may na pakainit na panahon.
Pagtatanong ng guro:
Ano ang napansin ninyong kakaiba sa larawan?
1.1 Sa inyong palagay, ano ang maaaring mangyari sa mga
tao sa larawan kung sila ay mananatiling matagal sa
ganitong uri ng panahon?
1.2 Mayroon ba silang magagawa upang maiwasan ang
masamang epektong dulot ng ganitong panahon? Paano?
1.3 Tutuklasin natin kung ang inyong mga nabanggit ay
katulad ng sa kwentong aking babasahin.

B. Sabayang Pagbasa
Pagbabahagi ng guro ng kwento gamit ang reading plan.
1.1. Gaganyakin ng guro ang mga mag-aaral na magsalaysay
ng kanilang karanasan kaugnay sa teksto.
1.2. Babasahin ng guro ang teksto sa mga mag-aaral.
1.3. Babasahin ng guro ang isang bahagi ng teksto kasama ang
isa o dalawang mag-aaral.
1.4. Babasahin ng isa o dalawang mag-aaral na nagprisinta ang
teksto.
1.5. Babasahing muli ng guro ang teksto sa mga mag-aaral.

Isang Araw sa Dalampasigan


Isang araw na may napakainit na panahon at napakataas
ang sikat ng araw, ang pamilya Villarica ay nagpunta sa dalampasigan.
Ipagdiriwang nila ang ikawalong kaarawan ni Tessie bilang pangako ng
kanyang ama.
Mahiilig si Tessie na lumangoy. Ikinatutuwa din niya ang
paglalaro sa tabi ng dalampasigan.
Pinaalalahanan siya ng kanyang nanay, “ Tessie
siguraduhin mo na maglagay ng sunblock sa buong katawan bago ka
maglaro at lumangoy sa dalampasigan . Ito ay makakatulong para
hindi masunog ang iyong balat dala ng matinding sikat ng araw.”
“Napakatindi ng sikat ng araw , at hindi maganda na manatiling
matagal sa arawan.”dagdag pa ng kanyang ina.
“Opo nanay, tapos ko na po iyong gawin. Itinuro po iyon sa
amin ng aming guro na na maglagay ng sunblock sa katawan at
iwasang magbabad sa arawan.” sabi ni Tessie.
Lumangoy, naglaro at nagpakasaya si Tessie ng araw na
iyon kasama ang kanyang pamilya at kaibigan. Natuwa siya dahil
naipagdiwang niya ang kanyang kaarawan sa dalampasigan.

C. Pagtalakay
1. Ano ang masasabi ninyo sa taya ng panahon ng magpunta sa
dalampasigan sina Tessie at ng kanyang pamilya?
2. Sino sino ang nagpunta sa dalampasigan?
3. Ano ang pinakagusto o kinahihiligang gawain ni Tessie?
4. Ano ang paalala ng kanyang nanay bago siya lumangoy at
maglaro sa dalampasigan?
5. Ginawa ba ni Tessie ang dapat niyang gawin bago lumangoy?
Bakit?
6. Kung ikaw si Tessie, gagawin mo ba ang ginawa niya? Bakit?
7. Tama ba na magkaroon tayo ng kaalaman sa mga
pangkaligtasang gawain sa iba’t ibang taya ng panahon? Bakit?
8. Sa paano pang paraan maipapakita ang pangagalaga sa sarili
sa iba’t ibang taya ng panahon?

D. Pagbuo ng Konsepto
Ano ang maibibigay ninyong hinuha tungkol sa tekstong
inyong nabasa?
( Posibleng Sagot:
Nararapat na tayo ay may kaalaman sa mga
pangkaligtasang gawain sa iba’t ibang taya ng panahon
upang mapangalaagan ang ating sarili sa masamang
epekto dulot nito.)

E. Paalala
Ang bawat pangkat ang magdadala ng mga sumusunod na
kagamitan:
Larawan ng masamang taya ng panahon (tag-ulan/bagyo)
Pentel pen, manila paper tape.

IKALAWANG ARAW
A. Balik-aral
Balikan ang mga pangyayari sa kwento.
a. Sa tinalakay nating kuwento kahapon, ano ang ginawa ni
Tessie para maprotektahan ang kanyang sarili sa mainit na
panahon?
b. Sa paano pang paraan mapoprotektahan ang ating sarili sa
matinding sikat ng araw o masamang panahon?
B. Paglalahad
Pagpapakita ng guro ng larawan na nagpapakita ng
masamang panahon.
Ano ang masasabi ninyo sa larawan? Ano sa palagay ninyo
ang mangyayari?
Ano ang inyong gagawin kung masama ang panahon?
C. Pangkatang Gawain
Pagbibigay ng Tuntunin sa Paggawa
Hahatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral.
Pagsasagawa ng gawain.
Pangkat 1 – Ibigay ang dapat gawin kapag malakas ang
ulan.
Pangkat 2 - Ibigay ang dapat gawin kapag mainit ang
panahon.
Pangkat 3 - Ibigay ang dapat gawin kapag malakas ang
hangin sa paligid.

(Sasagutin ng mga mag-aaral ang gawain gamit ang


graphic organizer)

Pangkatang Paglalahad ng Ginawa


Pagproseso sa Ginawa
D. Pagtalakay
1. Anong uri ng panahon ang ipinakita sa larawan?
2. Ilarawan ang panahon.
3. Anong gawaing pangkaligtasan ang maaaring gawain sa iba’t
ibang taya ng panahon?
4. Ano pa ang ibang gawaing pangkaligtasan ang maaring
isagawa kapag masama ang panahon?
E. Pagpapayamang Gawain
Gumupit ng larawan na nagpapakita ng iba’t ibang taya ng
panahon. Magtala ng 5 gawaing pangkaligtasan na dapat
gawin sa iba’t ibang taya ng panahon.

IKATLONG ARAW

A. Balik- aral
Pagbabalik-aral sa nakaraang aralin.
Ano ang dapat nating gawin para maging ligtas sa panahon ng
bagyo?
Ano ano ang mga gawaing pangkaligtasan na dapat isagawa?
B. Paglalahad
Pakikinig sa isang ulat panahon na nagsasabi tungkol sa
paparating na bagyo.
C. Pinatnubayang Gawain
Hahatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral.
Hahayaan ng guro na isagawa ng mga mag-aaral ang
pagsasadula ng mga gawain.
Pangkat 1- Isadula ang dapat gawin bago bumagyo.
Pangkat 2- Isadula ang dapat gawin habang may bagyo.
Pangkat 3 - Isadula ang dapat gawin pagkatapos ng bagyo.

Pagpapakita at pagproseso ng ginawa

Rubriks
5 – Ang lahat ay nakiisa at nagpamalas na mga kahusayan.
4-3 – Ang ilan ay nakiisa at nagpamalas na mga kahusayan.
2 – Kakaunti ang nakiisa at nagsagawa ng gawain.
1-0 Hindi nakiisa at gumawa ng gawain

D. Pagtalakay
Mula sa gawaing ginawa, ano ang maaaring gawin bago
bumagyo, habang may bagyo, at pagkatapos ng bagyo?
Bakit mahalaga na may kaalaman sa mga gawaing
pangkaligtasan bago bumagyo, habang may bagyo at
pagkatapos ng bagyo?

E. Pagsasagawa ng Gawain
Panuto: Iguhit ang kung ang ipinapahayag ng pangungusap
ay nagsasaad ng gawaing pangkaligtasan bago bumagyo,
habang may bagyo o pagkatapos ng bagyo o masamang
panahon at ekis kung hindi.

_____1. Manatili sa tahanan at manuod ng balita sa telebisyon.


_____2. Pumunta sa paaralan.
_____3. Lumabas ng bahay at maglaro sa baha kasama ng mga
kaibigan.
_____4. Maghanda ng ilang kagamitan gaya ng damit, gamot at
pagkain.
_____5. Makinig sa balita tungkol sa pinakanapapanahong
kaganapan tungkol sa bagyo.
F. Kasunduan
Itala ang mga dapat gawin bago bumagyo, habang may bagyo at
pagkatapos ng bagyo. Isulat ang inyong sagot gamit ang tsart.

Bago Bumagyo Habang May Pagkatapos ng


Bagyo Bagyo

IKAAPAT NA ARAW

A. Balik-aral
Ano ano ang dapat gawin bago bumagyo, habang may bagyo at
pagkatapos ng bagyo?
B. Paglalahad
Magpapakita ang guro ng larawan ng pamilyang nakakaranas ng
iba’t ibang taya ng panahon ( tag-init, tag-ulan at panahon ng
bagyo)
Paghambingin ang gagawin ng bawat pamilya upang mapanatili
ang kanilang kaligtasan sa anumang panahon.
C. Pagpapaunlad ng Gawain
Hahatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat.
Pangkat 1- Pagbuo ng jigzaw puzzle para mabuo ang larawan.
Pangkat 2 – Pagtatala ng mga gawaing pangkaligtasan habang
may bagyo.
Pangkat 3 – Pagbuo ng awit/tula tungkol sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng kaalaman sa gawaing
pagkaligtasan
Pagpapakita at pagproseso ng ginawa
D. Pagtalakay
1. Ano anong panahon ang nabuo at ipinakita sa ipinagawang
gawain?
2. Ano ano ang mga gawaing pangkaligtasan habang may
bagyo?
3. Ano ang maaring maging dulot sa tao ng iba’t ibang taya ng
panahon?
4. Ano ano ang maaring gawin ng mga tao upang makaiwas sila
sa masamang epekto dulot ng masamang panahon?
5. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol
sa panahon?
6. Bakit mahalaga na may sapat na kaalaman sa mga gawaing
pangkaligtasan?

IKALIMANG ARAW

A. Pagtataya

I. Isulat ang BB kung ito ay gawaing pangkaligtasan na dapat


gawin bago ang bumagyo , HB kung habang may bagyo at PB
kung pagkatapos ng bagyo.
________1. Putulin ang mga sanga ng puno sa paligid sa inyong
bahay
na maaaring makasira dito.
________2. Magtago o mag-imbak ng mga pagkain na maaaring
magtagal ng ilang araw gaya ng bigas, de lata at iba
pa.
________3. Palaging makinig sa pinakabagong balita tungkol sa
bagyo.
________4. Gumamit ng anumang sapin sa paa upang makaiwas sa
mga bagay na maaaring makasugat/makasakit sa paa.
________5. Huwag umalis sa evacuation center hanggang walang
hudyat na bumalik sa tahanan.
________6. Umalis sa inyong tahanan kung hindi na ligtas na manatili
dito.
________7. Iwasan ang mga bumabagsak na kawad ng kuryente.
________8. Magipon ng sapat na tubig na inumin at para sa iba’t
ibang
gamit nito.
________9. Iwasang lumakad o maglaro sa baha dahil ito ay maaaring
magdulot ng sakit.
________10. Palagiang maghanda ng lente, baterya at iba pang
maaring gamiting ilaw.
________11. Kung ikaw ay nasa labas ng bahay, umiwas sa kawad at
poste ng kuryente.
________12. Maghanda ng bag na may lamang damit para handa sa
paglikas tungo sa evauation center.
________13. Maghanda ng radyo at mga baterya para mapakinggan
ang taya ng panahon.

II. Isulat ang MP kung maganda o mainit na panahon at MSP


kung
masamang panahon.
________14. Gumamit ng payong kung matindi ang sikat ng araw.
________15. Magdala ng kapote o payong.
________16. Manatili sa loob ng tahanan.
________17. Manood o makinig ng pinakabagong balita tungkol sa
taya
o lagay ng panahon.
________18. Gumamit ng sunblock lotion.
________19. Maging handa kung kailangang lumikas.
________20. Iwasang maglaro ng matagal sa ilalim ng init ng araw.
Gumuhit ng larawan ng nagpapakita ng sitwasyon ng isang lugar na
dinaanan ng bagyo.

Rubriks:
Kriterya Puntos
Pinakamahusay kung saan ang 4
ginawa ay nakamit lahat ang mga
sumusunod:
a. Konsepto ng pagguhit
b. Pagkakasunod sunod
c. Kaugnay sa Paksa
d. Malikhaing pagkakagawa
e. Malinis na pagkakagawa
Mas mahusay na kung saan ang 3
ginawa ay nakamit ang dalawa sa
mga sumusunod:
a. Konsepto ng pagguhit
b. Pagkakasunod sunod
c. Kaugnay sa Paksa
d. Malikhaing pagkakagawa
e. Malinis na pagkakagawa
Mahusay na kung saan ang 2
ginawa ay nakamit ang isa sa
mga sumusunod:
a. Konsepto ng pagguhit
b. Pagkakasunod sunod
c. Kaugnay sa Paksa
d. Malikhaing pagkakagawa
e. Malinis na pagkakagawa
Nangangailangan ng 1
karagdagang pagbabago na kung
saan ang ginawa ay walang
nakamit sa mga sumusunod:
a. Konsepto ng pagguhit
b. Pagkakasunod sunod
c. Kaugnay sa Paksa
d. Malikhaing pagkakagawa
e. Malinis na pagkakagawa

Ikaapat na Markahan
Ikapitong Linggo

Asignatura: Agham Nilaang Oras ng Pagkatuto: 40


minuto
Baitang: 3
Wikang Panturo: Mother Tongue

I.Layunin

1.1Mailarawan ang mga natural/likas na bagay na nakikita sa kalangitan


tuwing umaga at gabi
1.2 Masabi na may mga planeta at iba pang bagay na umiikot sa araw
1.3 Maibigay kung paanong ang mga natural/likas na bagay ay
nakakaapekto sa pang araw araw na gawain

II. Paksang Aralin


G. Kasanayan
Paglalarawan sa mga natural/likas na bagay na nakikita sa kalangitan
tuwing umaga at gabi
Pagsasabi na may mga planeta at iba pang bagay na umiikot sa araw
Pagbibigay kung paanong ang mga natural/likas na bagay ay
nakakaapekto sa pang araw araw na gawain

H. Nilalaman
Mga Natural/Likas na bagay na nakikita
tuwing umaga
tuwing gabi

I. Konsepto sa Agham
1. Ang araw ay isang natural/ likas na bagay na nakikita sa kalangitan
tuwing umaga. Ito ay isang napakainit na bilog na gases.
2. Ang buwan at mga bituin ay mga natural/likas na bagay na nakikita
sa kalangitan tuwing gabi. Ang buwan ay kumukuha ng liwanag sa
araw.
3. Ang mga bituin ay madaling makita sa gabi dahil madilim ang
paligid.
4. Ang mga bituin ay isa ring mainit na likas na bagay ngunit hindi
natin ito maramdaman dahil napakalayo nito sa atin . Ang mga bituin
ay nagkakaiba sa mga kulay at laki.
5. Ang araw ang sentro ng solar system. Ang mundo ay isa sa bahagi
ng solar system.
6. Ang mga planeta ay umiikot sa araw.
7. Ang liwanag at init na ibinibigay ng araw ay nakakaapekto sa pang-
araw araw na gawain ng mga tao.
8. May mga gawain na pinakamagandang isagawa kung tag-init at iba
pang gawain kung tag-ulan.

J. Mga Proseso sa Agham


Pagmamasid
Paglalarawan
Pagtalaakay/Pagsasabi
Pagbibigay Hinuha

K. Sanggunian
Science and Health for Better Life 3, pp. 158-171
Science Spectrum 3, pp. 257-269
Growing with Science and Health 3, pp. 229-241
Exploring and Protecting our World 3, pp. 330-347
K to 12 Curriculum Grade 3, p.15
Growing with Science and Health Textbook Grade 3
www.indiana.edu
www.hotliquidmagma.com
www.boskowan.com
www.muezart.com

L. Kagamitan
Tsart ng kwento
Tsart ng solar system, puzzle, fishbone organizer, maliit na
lalagyan, butil ng palay, katamtamang laki ng bato

Pagpapahalaga: Pagbibigay halaga sa mga natural/likas na bagay


tuwing umaga at gabi

III. Gawain sa Pagkatuto


Unang Araw
F. Panimulang gawain
1. Pagganyak
Ano ang nakikita ninyo sa kalangitan tuwing umaga? tuwing
gabi?
2. Paglalahad
Makikinig kayo ng sulat na babasahin mula sa diary tungkol sa
araw at buwan. Aalamin ninyo kung ano ano ang nakikita sa
kalangitan tuwing umaga at gabi.
G. Sabayang Pagbasa
Ibabahagi ang sulat gamit ang banghay sa pagbasa.
1. Ilahad ang diary sa klase.
2. Babasahin ng isa o dalawang mag-aaral ang isang bahagi ng
diary.
3. Hayaang ang mga babae o mga lalaki ang magbasa ng diary.
4. Babasahing muli ang diary sa klase.

Mayo 17
Mahal kong Diary,
Sumali ako at ang aking mga kaibigan sa isang mahabang
paglalakad simula sa aming paaralan hanggang sa malapit na burol.
Ang aming mga dinaanan papunta sa pinakamataas na bahagi ng burol
ay talagang makahabol hininga. Ang mga tanawin sa kabundukan,
palayan, liko-likong ilog at bako bakong daan ang nagpakumpleto ng
aking araw. Nagustuhan namin ang mga tanawin dahil ito ay
napakaganda at napakaliwanag ng araw. Ang asul na kalangitan na
may kasamang puting ulap at ang matinding sikat ng araw ay
nakadagdag ng katuwaan sa aming mga puso. Nakakapagod man
ngunit ang saya naming naramdaman nang marating namin ang
tuktok ng burol ito ay hindi mababayaran ng anumang bagay.
Inantay namin gumabi upang makita ang mga bituin sa
kalangitan. Inilatag namin ang aming mga dalang higaan at
nakahigang pinagmasdan ang kalangitan. Makalipas ang ilang sandal
nakita namin ang paglabas ng buwan. Parang napakalapit ng buwan
kung titingnan. Nakita din namin ang mga bituin sa kalangitan.
May isang bituin na sadyang nagniningning. Sinabi ng aming
lider na iyon daw ang planetang Venus. Nakakapanghinayang lang at
nakalimutan kong dalhin ang aking teleskopyo. Nabigla ang lahat ng
may bumagsak na kometa. Nagtaka kami kung saan ito napunta.
Nagpalipas kami ng gabi sa tuktok ng maliit na burol. Kinaumagahan
ay naglakad na kami pababa. Ito ay isa sa pinakamagandang
karanasang hindi ko makakalimutan.

Nagmamahal,

Gaby

H. Pagtalakay
1. Anong gawain ang sinalihan ni Gaby at ng kanyang mga
kaibigan?
2. Ano ang mga nakita nila sa kapaligiran at kalangitan ng
maaliwalas na araw na iyon?
3. Ano ang kanilang nakita sa kalangitan ng gumabi na?
4. Ano ang naramdaman ni Gaby sa mga bagay na kanyang nakita
sa paligid?
5. Gusto ninyo ba na magkaroon ng karanasan na katulad ng kay
Gaby at ng kanyang mga kaibigan? Bakit?
6. Sa paanong paraan ninyo maipapakita ang pagpapahalaga sa
mga natural/likas na bagay sa iyong kapaligiran?

I. Dapat Gawin
Iguhit ang mga nakita ni Gaby sa kalangitan tuwing umaga at
gabi.

IKALAWANG ARAW
F. Balik-aral
Ipakita sa inyong kaklase ang inyong iginuhit at ilarawan ang
mga nakita ni Gaby sa kalangitan noong umaga at gabi.

G. Pangkatang Gawain
1. Hatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat at ihanda sila
sa pagmamasid sa labas ng silid-aralan. Bigyan ang bawat
pangkat ng observation kard para sa pagsulatan ng kanilang
mga namamasid.
2. Sabihin: Pagmasdan ang kalangitan. Itala ang mga bagay na
inyong nakikita sa kalangitan sa umaga. Ilarawan ang bawat
isa. Tandaan na hindi magandang tumingin ng direkta sa
araw.

Bagay na nakikita sa Paglalarawan


Kalangitan

3. Hayaang ilahad ng bawat pangkat ang kanilang ginawa.

H. Pagtalakay
1. Ano ang masasabi mo sa nakaraang gawain?
2. Ano ang mga pangkaraniwang bagay ang mga nakikita mo sa
kalangitan tuwing umaga. Magkakapareho ba ang inyong
pagsasalarawan sa mga ito?
3. Paano nakaepekto ang mga natural/likas na bagay na ating
nakita tuwing umaga sa atin?
I. Pagbuo ng Konsepto
Ano ano ang mga natural/likas na bagay na nakikita sa kalangitan
tuwing umaga at gabi?
Paano ninyo ito mailalarawan?

J. Paglalapat/Pagtataya
Lagyan ng tsek / sa ilalim ng salitang Tama kung sumasang ayon sa
ipinapahayag ng pangungusap at x sa salitang Mali kung hindi
sumasang ayon.

TAMA
MALI
1. Ang araw ay isang manit na bilog na gases. _______ _______
2. Ang araw ay nagbibigay ng init at
liwanag. _______ _______
3. Ang araw ang sentro ng universe. _______ _______
4. Ang araw ay minsan lang sumikat. _______ _______
5. Ang mga bituin ay nakikita din tuwing
umaga. _______ _______
6. Ang buwan ay nakikita din kung
umaga. _______ _______
7. Nahaharangan ng ulap ang sinag ng
araw. _______ _______
8. Ang mga ulap ay maaring puti o gray. _______ _______
9. Ang kalangitan ay palaging kulay asul. _______ _______
10. Ang kalagayan ng kalangitan ay
nakakaapekto sa gawain ng mga tao. _______ _______

K. Kasunduan
Kopyahin ang observation tsart na ginamit sa aralin. Kasama ang
iyong magulang o kapatid obserbahan o pagmasdan ang
kalangitan sa gabi. Itala ang mga obserbasyon sa tsart.

IKATLONG ARAW

G. Balik- aral
Paano ninyo mailalarawan ang panahon ngayon? Ano ang mga
natural/likas na bagay na inyong nakikita sa kalangitan?

H. Pangkatang gawain
Kukuhanin ng mga bata ang kanilang kasagutan na nasa
observation tsart. Hahatiin sila sa apat na pangkat at ibubuod
ang
mga kinalabasan ng kanilang oberbasyon.
Pagpapakita ng bawat pangkat ng kanilang ginawa.

I. Pagtalakay
1. Sino ang tumulong sa inyo upang masagutan ang observation
tsart?
2. Ano ang kalagayan ng kalangitan ng kayo ay magmasid kagabi?
3. Ano ang pangkaraniwang obserbasyon na inyong namasid sa
natural/likas na bagay na nakikita tuwing umaga at gabi? May
iba pa ba kayong obserbasyon?
4. Sa paanong paraan nakakaapekto ang kalagayang ng kalangitan
sa mga gawain ng tao tuwing gabi?
5. Maliban sa inyong mga nakita sa kalangitan, mayroon pa kayang
iba pang bagay na makikita sa kalangitan? Ano kaya ang mga
ito?

(Pagpapakita ng guro ng iba’t ibang larawan ng heavenly bodies


gaya ng asteroids, planetoids, comets at meteors at magbibigay
ng paglalarawan dito.)

Ang asteroids at planetoids


ay mga piraso ng mga bato
na natatagpuan sa pagitan
ng orbit ng Jupiter at Mars.
Ito ay umiikot din sa araw.
Ang kometa ay heavenly
bodies na kakikitaan ng
animo’y may ulo at buntot.
Ito ay binubuo ng gases at
dust.

Ang meteor ay tinatawag


din shooting star o
bulalakaw. Ito ay bahagi ng
bato na sumasama sa
kalawakan.

Kayo ba ay nakakita na ng mga ganitong bagay? Ano ang inyong


mga ginawa?

J. Pagproseso ng Konsepto
1. Ano anong mga natural/likas na bagay ang makikita sa
kalawakan tuwing umaga at gabi? Ilarawan ito.
2. Paanong ang mga natural/likas na bagay na ito ay nakakaapekto
sa ating pang araw-araw na gawain?.

K. Dapat Gawin
Isaayos ang mga titik upang makabuo ng bagong salita at iugnay
ito sa kanyang kahulugan.

1. oonm ________ a. ito ay binubuo ng dust at gases.


2. oerstme ________ b. kumukuha ng liwanag sa araw.
3. mtscoe ________ c. tinatawag na shooting star o bulalakaw
4. atrs ________ d. ito ay bahagi ng bato na sumasama sa
kalawakan
5. teasriods ________ e. maaaring may iba’t ibang kulay at laki

L. Kasunduan
Magdala ng mga sumusunod na kagamitan:
Maliit na lalagyan, butil ng palay at katamtamang laki ng bato

IKAAPAT NA ARAW

E. Balik-aral
Anong natural/likas na bagay ang nakikita sa kalangitan tuwing
gabi?
F. Pangkatang Gawain
1. Hayaang tukuyin ng mga mag-aaral ang dala nilang kagamitan.
2. Ano ano ang mga tuntuning dapat sundin sa pagsasagawa ng
pangkatang gawain?
3. Hatiin ang mga mag-aaral sa 3 pangkat.
4. Ang bawat pangkat ay gagamit ng maliit na lalagyan na may
lamang kalahating tubig.
5. Ilagay ang bato sa gita ng lalagyan.
6. Ilagay ang butil ng palay sa tubig.
7. Gamit ang iyong hintuturo, paikutin ang tubig ng pabilog
hanggang sa ang butil ng palay ay gumalaw nang paikot.
G. Pagtalakay
1. Ano ang nasa sentro o gitna ng lalagyan? Ano ang isinisimbolo
nito?
2. Paano gumalaw ang mga butil ng palay? Ano ang ipinapakita
nito?
H. Gawain/Pagtalakay
1. Magpakita ng larawan ng solar system.

2. Ano nasa sentro ng solar system?


3. Ano ang mga gumagalaw paikot sa solar system?
4. Paano gumagalaw o umiikot ang planeta sa araw?
5. Ano ang planeta? Maibibigay mo ba ang pangalan ng bawat isa?
6. Ituro ang mga planeta sa larawan ng solar system. Saan makikita
ang ating mundo?
7. Ano pang ibang bagay ang umiikot sa araw

I. Pagbuo ng Konspeto
1. Ano ang masasabi ninyo sa solar system? Ano ang sentro ng
solar system? Ano ano ang umiikot sa araw?

J. Paglalapat
Hayaang maglaro ang mga bata. Tumawag ng mga bata na
magsisilbing araw, mga planeta at iba pang bagay na umiikot sa
araw. Magpatugtog ng isang awitin habang gumagalaw ang mga
bata gaya ng paggalaw ng mga bagay sa solar system. Sa oras
na sabihin ng guro ang pangalan ng planeta ang batang
nagsisilbing planeta ay tatalon. Hayaang maisagawa ito ng lahat
ng mga bata.

IKALIMANG ARAW

Pagtataya
A. Punan ang mga kahon ng tamang salita upang mabuo ang
ipinapahayag ng mga pangungusap.
1. Ang araw at ang iba pang bagay na umiikot sa kalawakan ang
siyang bumubuo sa system.

2. Ang ang ikatlong planeta mula sa araw.


3. Ang ang sentro ng solar system.

4. Ang bawat planeta ay umiikot sa kanyang paikot sa


araw.

5. ang pinakamalapit na planeta sa araw.

B. Piliin ang titik ng tamang sagot.


6. Ano ang naibibigay ng araw sa mga tao?
a. liwanag b. apoy c. anino
7. Alin ang nagbibigay ng init?
a. araw b. buwan c. bituin
8. Bakit ang araw ay parang umiikot sa kalangitan?
a. Dahil bilog ang araw.
b. Dahil sinusundan ng araw ang buwan.
c. Dahil ang mundo ay palagin umiikot.
9. May bituin na kulay dalandan, ang iba ay puti at mayroon din pula.
Ano ang ipinakikita nito tungkol sa bituin?
a. Ang mga bituin ay maliliit.
b. Ang mga bituin ay may iba’t ibang kulay.
c. Ang mga bituin ay nakikita tuwing gabi.
10. May mga bituin na malaki, ang iba ay maliit. Anong katangian ng
bituin ang ipinapakita nito?
a. Ang mga bituin ay may iba’t ibang pangalan.
b. Ang mga bituin ay may iba’t ibang laki.
c. Ang mga bituin ay may iba’t ibang kulay.
11. Saang direksyon sumisikat ang araw?
a. kanluran b. silangan c. hilaga
12. Saan kumukuha ng liwanag ang buwan?
a. mula sa bituin b. mula sa mundo c. mula sa araw
13. Ano ang sentro ng solar system?
a. araw b. bituin c. buwan
14. Ang araw ay nakakapagbigay ng init at liwanag dahil ito ay
binubuo ng _________.
a. tubig b. mainit na gas c. burning fuel
15. Kung walang araw, ang mundo ay magiging napakalamig at
__________.
a. napakaliwanag b. napakainit c. napakadilim
16. Anong iba pang bagay ang umiikot sa araw?
a. mga planeta b. mga bituin c. UFO
17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang mundo ay
umiikot sa araw?
a. Nararamdaman natin na ang mundo ay gumagalaw.
b. Nakikita natin ang pagsikat ng araw.
c. Nakikita natin ang araw sa iba’t ibang posisyon tuwing
umaga.

18. Ang solar system ay tinatawag ding ____________.


a. Pamilya ng araw b. pamilya ng bituin c. pamilya ng
buwan
19. Ang _________ ang pangatlong planeta mula sa araw at kung
saan tao ay maaaring mabuhay.
a. Mercury b. Venus c. Earth/Mundo
20. Ang _________ ang planetang pinakamalapit sa araw.
a. Mercury b. Venus c. Earth/Mundo
C. Gumuhit ng larawan/modelo ng solar system. Pangalanan ito.

Ikaapat na Markahan
Ikawalong Linggo

Asignatura: Agham Nilaang Oras ng Pagkatuto: 40


minuto
Baitang: 3
Wikang Panturo: Mother Tongue

I.Layunin

1.1 Matukoy ang masamang epekto ng liwanag at init ng araw sa tao,


hayop at halaman.
1.2 Maisagawa ang mga ligtas na pamamaraan upang maiwasan ang
masamang epekto ng liwanag at init ng araw sa pamamagitan ng
pagsasadula
1.3 Mabigyang halaga ang ibinibigay na liwanag at init ng araw at
maproptektahan ang sarili sa masasamang epekto nito

II. Paksang Aralin


M. Kasanayan
Pagtukoy ng masamang epekto ng liwanag at init ng araw sa tao,
hayop at halaman.
Pagsagawa ng mga ligtas na pamamaraan upang maiwasan ang
masamang epekto ng liwanag at init ng araw sa pamamagitan ng
pagsasadula
Pagbibigay halaga sa ibinibigay na liwanag at init ng araw at
maproptektahan ang sarili sa masasamang epekto nito

N. Nilalaman
Ligtas na Pamamaraan upang maiwasan ang masamang epekto
na ibinibigay ng liwanag at init ng araw sa tao, hayop at halaman.

O. Konsepto sa Agham
Ang init at liwanag ng araw ay nakakatulong sa mga tao, hayop at
halaman ngunit kung magbibigay ito ng napakatinding init
masamang epekto na ang maibibigay nito sa mga tao, hayop at
halaman.
P. Mga Proseso sa Agham
Paglalarawan
Pagbibigay Hinuha
Pag eeksperimento

Q. Sanggunian
K to 12 Curriculum Guide Grade 3
Science Links 2 Work text in Science and Health for Grade Two
pp. 331-335

R. Kagamitan
5 markers
20 strips of Manila paper
Pagpapahalaga: Pangangalaga at Pagpapayaman sa Nilikha ng Diyos

III. Gawain sa Pagkatuto


Unang Araw
J. Panimulang gawain
3. Pagganyak
Ano kaya ang posibleng manyari kung palaging napakatindi ng
sikat ng araw at hindi na ito lumulubog sa kanluran?
4. Paglalahad
Makikinig kayo ng isang ulat panahon. Aalamin ninyo kung ano
ano ang masamang epekto na ibinibigay na init at liwanag ng
araw sa tao, hayop at halaman.
K. Pagbabahagi ng Ulat Panahon
Ibabahagi ang ulat panahon gamit ang banghay sa pagbasa.
5. Ilahad ang ulat panahon sa klase.
6. Babasahin ng isa o dalawang mag-aaral ang isang bahagi ng
ulat panahon.
7. Hayaang ang babae o lalaki ang magbasa ng ulat panahon.
8. Basahing muli ang ulat panahon sa klase.

Sa sandaling ito ay mapapakinggan natin ang ulat panahon ni


Doris Bigornia ang Mutya ng masa mula sa Tuguegarao City.
“Yes Ted, Maraming salamat . Ngayong nga po ay nararanasan
ng mga mamamayan dito Tuguegaro City ang napakatinding init
ng panahon. Ayon sa mga mamamayan mag dadalawang linggo
na nila itong nararanasan. Ang temperatura ng panahon sa
kanilang lugar ay kalimitang umaabot ng 32-34 digri
sentigrado. Ayon sa kanila ay naaapektuhan na ang kanilang
pang-araw araw na pamumuhay gayon din ang kanilang
kabuhayan. Sa tindi ng init ng panahon maraming tao ang
nagkakasakit. Ang kanilang mga alagang hayop ay patuloy na
nanghihina at ang iba ay namatay na. Ang kanilang mga tanim
ay mga nangamatay na din dahil sa tindi ng init ng panahon.
Ang lupa ay tuyong tuyo at nagkakabitak bitak na. Pinaplano na
ibang pamilya na manirahan sa ibang lugar. Ted , iyan ang iba’t
ibang hinaing ng mga taong aking nakapanayam. At mula dito
sa Tuguegarao City, Doris Bigornia nag uulat. Balik sayo Ted.

L. Pagtalakay
7. Ano ang pangunahing paksa na inyong narinig?
8. Ano ang masasabi mo sa ulat panahon na iyong
napakinggan/nabasa?
9. Sino/ano ang naapektuhan ng matinding sikat ng araw?
10. Ano ang masamang epekto nito sa tao, hayop at halaman?
11. Ano ang maaaring mangyari kung ang araw ay hindi na
lumulubog sa kanluran, kung ang palagi nating nararanasan ay
umaga?
12. Masasabi mo ba na masama lamang epekto ang
maibibigay ng liawanag at init ng araw?
13. Paano mo mapapangalagaan ang ating kapaligiran o ang
mga bagay na nilikha ng Diyos?

M. Dapat Gawin
Ibigay ang masamang epekto ng matinding init ng araw sa tao,
hayop at halaman. Sagutin ito gamit ang tsart.

Tao Hayop Halaman

IKALAWANG ARAW
L. Balik-aral
Ano ano ang masamang epekto ng matinding init ng araw sa tao,
hayop at halaman?
M. Pangkatang Gawain
4. Hatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat at gagawin ang
mga sumusunod na gawain:
Pangkat 1- Pagbuo ng jigsaw puzzle upang mabuo ang
larawan. Ipaliwang ang larawang nabuo.
Pangkat 2 – Pagguhit ng masamang epekto ng matinding init
ng
araw sa tao, hayop at halaman.
Pangkat 3 – Itala kung paano mabibigyang halaga ng mga tao
ang init at liwanag na ibinibigay ng araw.
Pangkat 4 – Pagsasadula ng masamang epekto ng matinding
init ng araw sa tao, hayop at halaman.
N. Pagtalakay
1. Ano ang masamang epekto ng matinding init at liwanang ng
araw sa tao?sa halaman? sa hayop?
2. Masasabi mo bang masamang epekto lamang ang ibinibigay ng
init at liwanag ng araw? Ipaliwanag.
3. Ano ano ang maganda at masamang epekto nito?
4. Ano ang masasabi mo sa init at liwanag na ibinibigay ng araw?
O. Pagbuo ng Konsepto
Ano ano ang masamang epekto ng matinding init at liwanag na
ibinibigay ng araw sa tao, hayop at halaman?

P. Paglalapat
Ano ang dapat mong gawin para sa lahat ng pagkakataon ay
magandang epekto ang ating makukuha sa init at liwanag na
ibinibigay ng araw?

Q. Dapat Gawin
Magsagawa ng isang pananaliksik sa pamamagitan ng
pakikipanayam o pagtatanong sa iba pang masamang epekto ng
matinding init at liwanag na ibinibigay ng araw.

IKATLONG ARAW

M. Balik- aral
Pag –usapan ang isinagawang pananaliksik ng mga mag-aaral.
N. Pangkatang gawain
Hahatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat.
Sasabihin ng guro:
Ang bawat isa sa inyo ay mabuti na magdala ng payong
kapag lumalabas ng bahay o silid-aralan. Mabuti na ibahagi ang
inyong payong sa kamag-aaral na wala.
Manatili sa inyong pangkat habang isinasagawa ang
gawain. Walang sinuman ang maaaring pumunta sa kung saan
saan.
Makinig sa mga tuntuning aking sasabihin at ibibigay.
Angmga mag-aaral ay lalabas ng silid-aralan.
Sasabihin ng guro:
Buksan ang inyong mga payong. Manatili sa lilim na
ibinibigay ng inyong payong. Makalipas ang limang minuto.
Tiklupin ang inyong payong at manatiling nakatayo sa ilalim ng
arawan. Makalipas ang 3 minuto damhin at hawakan ang itaas
na
bahagi ng inyong ulo.
Papasukin na ang mga mag-aaral sa loob ng silid.

O. Pagtalakay
1. Ano ang inyong naramdaman ng gumamit kayo ng payong?
2. Ano ang inyong naramdaan ng hindi na ninyo ginamit ang
payong?
3. Ano sa palagay ninyo ang mangyayari kung nanatili kayo ng mas
matagal sa ilalim ng arawan.
4. Ano ang masasabi ninyo sa pananatili ng matagal sa ilalim ng
arawan?
P. Paglalapat
Maganda ba sa ating katawan ang lumangoy habang
katanghaliang tapat? Bakit? Bakit hindi?
Q. Dapat Gawin
Ano ano ang inyong gagawin o ang mga ligtas na pamamaraan
upang maprotektahan ang inyong sarili sa masamang epekto ng
matinding init ng araw?

IKAAPAT NA ARAW

K. Balik-aral
Ano ang inyong masasabi sa masamang epekto ng matinding init
ng araw?
L. Pangkatang Gawain
Hahatiin ang mga mag-aaral sa limang pangkat.
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng enbelop na may nakalagay na
katanungan. Pag-isipan ang mga posibleng kasagutan sa mga
tanong. Isulat ang kasagutan sa papel.
Pangkat 1- Ano ang mabuting epekto ng init at liwanag ng araw?
Pangkat 2 – Ano ang masamang epekto ng matinding init at
liwanag ng araw sa tao?
Pangkat 3 – Ano ang masamang epekto ng matinding init at
liwanag ng araw sa hayop at halaman?
Pangkat 4 – Ano ang mga ligtas na pamamaraan para maiwasan
ang masamang epekto ng matinding init ng araw?
Pangkat 5 – Ano ang mga pamamaraan na makakapagpatigil ng
masamang epekto ng init ng araw?
Sa hudyat ng guro, ilalagay ng bawat pangkat ang kanilang
kasagutan sa envelop saka ipapasa ang enbelop sa ibang
pangkat.
Ang pangkat na tumanggap ng enbelop ang kasunod na
maglalagay ng kanilang kasagutan sa isang papel saka muling
ipapasa sa ibang pangkat sa hudyat ng guro.
Kapag ang orihinal na enbelop ay bumalik na sa pangkat,
kukuhanin nila ang mga papel at babasahin ang mga
kasagutan saka nila ibubuod ang kanilang mga kasagutan.
Isusulat ng bawat pangkat ang kanilang ibinuod sa manila paper
at ilalahad ito sa klase.
M. Pagtalakay
Pagtalakay sa mga ginawa ng bawat pangkat.
N. Paglalapat
Ang pagpapakita ng kanilang mga kasagutan ay sa malikhaing
pamamaraan.
Pangkat 1- Pag awit
Pangkat 2 – Patula
Pangkat 3 – Rap/chant
Pangkat 4 – Slogan
Pangkat 5 – Patalastas

IKALIMANG ARAW
A. Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang katangian ng araw?
a. malamig at mainit.
b. mainit at maliwanag.
c. puno ng ulap
d. binunuo ng mga bato at tubig.
2. Aling bahagi ng katawan ang pinakamadaling naaapektuhan
kung
matagal na mananatili sa ilalim ng arawan?
a. Tiyan
b. Puso
c. Balat
3.Aling pahayag ang nagsasaad na ang lupa ay lubos na
naapektuhan ng init ng araw? Ito ay _________.
a. mamasa masa.
b. tuyong tuyo at nagbibitak bitak.
c. mataba na maaaring mapagtamnan.
4. Ano ang mangyayari sa halaman kung napakatindi ng sikat ng
araw?
a. lalaking maganda.
b. mamamatay.
c. lalaking madami.
5. Ano ang mangyayari sa mga hayop kung makakaranas sila ng
napakainit ng panahon?
a. mamamatay.
b. lalaking malusog.
c. mabilis ang pglaki.

II. Isulat ang masayang mukha kung nagpapahayag ng pagiwas sa


masamang epekto ng init ng araw x kung hindi.
_________6. Paggamit ng payong sa paglabas ng bahay.
_________7. Paglalaro habang matindi ang sikat ng araw.
_________8. Gumamit ng sombrero bilang pananggal sa init ng
araw.
_________9. Paglalagay ng sunblock sa katawan.
_________10. Pumunta sa kung saan saan kahit napakainit ng
panahon.
III. Lagyan ng tsek kung ito ay nagpapahayag ng pagpapahalaga sa
sa mga bagay sa paligid at ekis kung hindi.
_________11. Pagtatanim ng mga halaman.
_________12. Pagsusunog ng mga basura.
_________13. Pagpatay sa mga hayop.
_________14. Pangangalaga sa mga likas na yaman.
_________15. Pagpaparami ng mga halaman at hayop.

IV. Isulat ang E linya kung nagpapahayg ng epekto ng init ng araw.


Isulat ang S kung nagpapahayag ng ligtas na pamamaraan sa
epekto ng init ng araw.

_______16. Si Jose ay may sunburn sa kanyang mukha at likod


_______17. Ang itinanim na halaman ni Maria ay nalanta dahil sa
matinding sikat ng araw.
_______18. Gumagamit si Ana ng payong saan man siya
magpunta.
_______19. Sa pag –aararo ng palayan gumagamit ng
mahahabang damit at sombrero si Mang Pedro.
_______20. Sa pagtitinda ng gulay si Aling Elsa ay gumagamit
ng pangtalukbong sa kanyang ulo.

Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng masamang epekto ng


matinding init ng araw.

You might also like