You are on page 1of 8

A DETAILED LESSON PLAN IN SCIENCE 3

I. LAYUNIN
a. Naihahambing ang mga bagay na may buhay at walang buhay;
b. Napapahalagahan ang mga bagay na may buhay at walang buhay na bigay ng Maykapal; at
c. Naisasagawa ang mga Gawain tungkol sa mga bagay na may buhay at walang buhay nang masigla.
II. PAKSA
a. Topiko: Mga bagay na may buhay at walang buhay
b. Materials: Laptop, TV, Tarpapel/Bond paper
c. SLM, Youtube, Google
III. PAMAMARAAN

Teacher’s Activity Student’s Activity


Panimulang gawain
Bago tayo mag simula, magdasal muna tayo.
Magdasal tayo. Magdadasal

Magandang umaga mga bata?


Magandang umaga din po Ma’am at sa inyong lahat mga
kamag aral.

Bago tayo umupo, pulutin muna natin ang anumang kalat sa


ilalim ng upuan at lamesa at itapon sa tamang tapunan.

Meron bang absent?

Wala Ma’am.
Very Good.

Bago tayo magpatuloy sa susunod na aralin, atin munang


balikan ang ating napag aralan noong nakaraan.

Sabihin ang TAMA kung ito ay wastong paraan ng


paggamit ng kuryente o ng iba pang de-kuryenteng
kagamitan at MALI kung hindi.

SAGOT.

MALI
MALI
MALI
MALI
TAMA

Mahusay!
Gagawin ang Good Job clap.
“Ituro ang Good Job clap”

Bago tayo magpatuloy, bigyan muna natin ng ngalan ang


mga nakikita natin sa larawan. Isa-isang bumunot sa kahon
at idikit ito sa larawan kung ano man ang mabubunot na
ngalan sa kahon. Yes Ma’am!

Note:Enhance literacy by introducing collective nouns


Use clear and coherent sentences employing appropriate
grammatical
structures: Kinds of Nouns – Mass Nouns and Count
Nouns, Possessive Nouns, Collective nouns EN4G-Id-33
(Gagawin ng mga bata)

Ididikit ng mga bata ang mga ngalan ng mga nasa


larawan.

(Bubunot isa isa ang mga piling mag aaral at ididikit sa


larawan ang mga ngalan)

Very job!

Handa na ba kayong matuto?

Ano ang napapansin nyo sa larawan?

Yes Hanna!

Iba’t ibang uri ng hayop


Tubig
Punong kahoy
Araw
Mga bata
Very Good!

Ang mga nasa larawan babalikan natin mamaya.

Paglalahad
Ang ating mapag aaralan sa linggong ito ay tungkol sa ating
kapaligiran at ang kahalagahan ng mga ito.

Ang ating paksa sa araw na ito ay ang mga bagay na buhay


at walang buhay.

At gagabayan naman tayo ng mga layuning sumusunod:


a. Naihahambing ang mga bagay na may buhay at
walang buhay;
b. Napapahalagahan ang mga bagay na may buhay at
walang buhay na bigay ng Maykapal; at
c. Naisasagawa ang mga Gawain tungkol sa mga
bagay na may buhay at walang buhay nang masigla.

Tumingin nga kayo sa paligid? Ano ang nakikita nyo?


Ma’am mga bata.
Yes Justine.

Yes. Ano pa?

Cluie? Ma’am Classroom po.

Yes. Malamang na nakikita nyo ay gaya ng mga nasa


larawan maliban sa mga hayop na wala dto sa ating paligid.

Pagtalakay
Ano ang KAPALIGIRAN?

Paano nga ba natin matutukoy ang mga bagay na may


buhay at walang buhay?

Ating alamin!

Katangian ng mga bagay na may buhay


1. May kakayahang lumalaki sa sukat at sa
timbang.
2. May kakayahang gumawa ng sarili.
3. Ang bagay na may buhay ay humihinga.
4. Ang may buhay ay gumagalaw upang
manatiling may enerhiya o lakas.
5. Kakayahang ilabas ang dumi sa kanilang
katawan.
6. Kakayahang tumugon (respond) sa pagbabago
sa kapaligiran.

Katangian ng mga bagay na walang buhay


1. Walang kakayahang lumalaki sa sukat at sa
timbang
2. Walang kakayahang gumawa ng sarili.
3. Ang bagay na walang buhay ay hindi
humihinga.
4. Ang walang buhay ay hindi gumagalaw upang
manatiling may enerhiya o lakas.
5. Ang walang buhay ay walang kakayahang
ilabas ang dumi sa kanilang katawan.
6. Walang kakayahang tumugon (respond) sa
pagbabago sa kapaligiran.

Ibig sabihin, ang taglay na katangian ng mga bagay na may


buhay o organism sa kapaligiran ay hindi taglay ng mga
bagay na walang buhay. Ngunit dito nakasalalay ang
pananatili ng buhay ng mga organismo.

Tulad ng tubig, ito ay walang kulay, lasa at tiyak na hugis at


sukat, ngunit pag walang tubig hindi mabubuhay ang mga
tao at iba pang may buhay na organism. Dahil halos tubig
ang bumubuo ng likido sa ating katawan.

Tulad din ng lupa, ito ang taniman ng mga halaman na


gumagawa ng pagkain para sa ibang organismo.

Ang bato, ito ay hindi lumalaki, humihinga, kumakain at


gumagalaw. Ito ay walang buhay.

Note: Integrates a lesson in MAPEH specifically in


health.
explains the importance of proper hygiene and building
up one's body H3DD-IIh-7
Ang corona virus ay nabubuhay na organismo kapag ito ay
nakakapit sa organism na may buhay. Subalit, kapag wala
na itong kinakapitan nawawalan narin ito ng buhay.

Para maiwasan ang Covid 19 virus ano ang dapat gawin? Maging malinis sa katawan Ma’am.

Yes Gil.

Opo. Tama.

Para maiwasan ang covid at anu mang sakit, ugaliin ang


pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at sa sarili.
SIguraduhin din ang tama at masustansyang pagkain.
Lalong lalo sa mga protocol natin.

Note: Integrates a lesson in values about taking care of


environment
Nakapagpapakita ng tapat na pagsunod sa mga batas
pambansa at pandaigdigan tungkol sa pangangalaga sa
kapaligiran EsP6PPP- IIIf–37
Mga bata may kahalagahan ang bawat bagay sa kapaligiran
may buhay man o walang buhay. Kaya dapat natin itong
alagaan at protektahan ang mga ito. Tayong mga tao ay may Magtanim ng maraming punong kahoy.
malaking responsibilidad sa ating kalikasan dahil tayo ang
lubos na nakikinabang sa mga ito. Tayo rin ang may
kakayahang mapagyaman ang mga ito.
Wag mag tapon ng basura kung saan saan lalo na sa mga
Paano nating mapananatiling malinis ang hangin sa ating kanal.
kapaligiran?

Very Good!
Paano naman natin mapapanatiling malinis ang ating Para po malinis ang ating iinumin at hangin sa ating
katubigan? kapaligiran. Maaalagaan din natin ang ating kapaligiran.

Yes! Absolutely right!

Bakit kelangan nating alagaan ang mga ito?

Opo, Tama lahat ng inyong sagot mga bata. Lalong lalo na,
ang pagaalaga ng ating kapaligiran, may buhay man o
walang buhay ay nagpapakita nang pagpapahalaga sa buhay
na bigay sa atin ng ating Maykapal.
Ipinapakita natin na mahal natin ang ating buhay kaya
pinapanatili natin na malinis na hangis, malinis na tubig at
sariwang pagkain ang binibigay natin sa ating katawan. Ito
ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pasasalamat sa
Maykapal sa buhay na bigay nya sa atin.

Paglalahat
Sa pamamagitan ng Venn Diagram, ating balikan ang
pagkakaiba ng katangian ng bagay na may buhay at walang
buhay at ang pagkakapareho ng mga ito.

(Tatawag ng bata at ididikit sa larawan sa harapan sa hanay


kung saan nabibilang ang mga katangiang mababanggit)

VENN DIAGRAM

(Ang mga bata ang magdidikit at sasagot kung saang


hanay nabibilang ang mga sumusunod na katangian.

Pagtataya
Gawain 1
Panuto: Piliin ang ngalan ng bagay sa loob ng kahon. Isulat
ang sagot sa talahanayan sa inyong sagutang papel.

Saan napapabilang ang mga bagay sa paligid.


Alin sa mga sumusunod sa larawan sa kapaligiran ang may
buhay?
Alin sa mga bagay sa kapaligiran ang wlang buhay?

Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga sumusunod at lagyan ng Check
kung ito ay may buhay at ekis naman kung ito ay walang
buhay. Ilagay ito sa inyong papel.

(Sagot ng mga bata)

IV. TAKDANG ARALING


Panuto: Pumili ng isa na angkop sa inyong kasanayan.
a. Gumuhit ng mga bagay na may buhay at walang buhay na nakikita sa inyong paligid. Gawin ito sa isang
bond paper.
b. Bumuo ng tula tungkol sa kahalagahan ng mga bagay na may buhay at walang buhay. Isulat ito sa isang
bond paper.
c. Magpakita ng isang maikling dula na tumatalakay sa pangangalaga ng mga bagay na may buhay at walang
buhay. I-video ang sarili at ipadala sa guro.

Prepared by:

FEBY C. BUGAOISAN
Applicant

You might also like