You are on page 1of 7

Adriel Dofel M.

Fronda
BEED 3-2

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan II


(Nailalarawan ang likas na yaman at pangunahing produkto ng komunidad)

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng 50-minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nailalarawan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng likas yaman,
b. nailalarawan ng mga mag-aaral ang likas na yaman, at
c. mailalarawan ng mga mag-aaral ang pangunahing produkto ng komunidad.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Nailalarawan ang likas na yaman at pangunahing produkto ng komunidad.


b. Kagamitan: Litrato at lapis.
c. Sanggunian:

III. Pamamaraan sa Pagtuturo

Gawain ng guro Gawain ng mga mag-aaral


A. Paghahanda

1. Pagsasagawa ng Pang-araw-araw
na Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Pag-awit
d. Pagtatala ng mga Pumasok at Lumiban
sa Klase

2. Pagsasanay
Mayroon akong mga plaskards at inyong
tutukuyin kung ano ang mga ito. Opo.

Ito po ay mga likas na yaman.

Magaling! Natukoy ninyo nang tama ang Bibigyan ng bawat mag-aaral ang kanilang
mga nasa litrato. sarili ng “Hep, Hep, Hooray!” na palakpak.

Bigyan ang bawat isa ng “Hep, Hep,


Hooray!” na palakpak.

3. Pagbabalik aral

Maaari mo bang ibahagi sa klase ang ating


nakaraang aralin, Aeron?
Nailalarawan ang likas na yaman at
pangunahing produkto ng komunidad.
Tama.

4. Pagganyak

Ikonekta ang mga tuldok

Buuin ito gamit ang lapis at inyong


kulayan.
Bubuuin ng mga studyante at kanilang
kukulayan.
Anong larawan ang inyong nabuo? Saan
ito matatagpuan? Anyong tubig o anyong
lupa?
Ang larawan po na aming na buo ay isda. Ito
po ay matatagpuan sa sa tubig tulad ng dagat
at ito po ay anyong tubig.
Magaling.
B. Panlinang na Gawain

1. Panimula

Ang ating aralin ngayon ay nailalarawan


ang likas na yaman at pangunahing
produkto ng komunidad.

Pakiulit nga an gating aralin ngayon, Maria

An gating aralin ngayon ay nailalarawan ang


likas na yaman at pangunahing produkto ng
Mahusay. komunidad.

2. Talakayan

Ang likas na yaman ay mga bagay na


nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa,
kabundukan, kagubatan, karagatan, mga
ilog at lawa maging ang mga deposito ng
mineral. Ang mga ito ay tinatawag na
kayamanang mana ng bansa.

Dalawa sa ating likas na yaman ay


makikita sa mga anyong lupa at anyong
tubig. Ang mga bagay na nakukuha sa mga
anyong lupa ay tinatawag na yamang lupa.
Ang mga bagay naman na nakukuha sa
mga anyong tubig ay tinatawag na yamang
tubig.

Ano ang kahulugan ng likas na yaman,


Vince?
Ang likas na yaman ay mga bagay galing sa
kalikasan tulad ng lupa, dagat, kabundukan at
kagubatan.
Magaling!

Ano ang tawag sa mga bagay na nakukuha


sa mga anyong lupa at anyong tubig,
Daniel?
Yamang lupa at yamang tubig po.
Mahusay.

C. Paglalahat

Bakit mahalaga ang likas na yaman at


pangunahing produkto ng komunidad,
Jona?
Mahalaga ito dahil dito nakasalalay ang lahat
ng pinanggagalingan ng ating makakain, mga
kahoy na ginagamit natin sa pagtatayo ng
mga bahay at dito rin kinukuha ng iba nating
mamamayan ang kanilang pangkabuhayan.
Tama.

Paano mo pinahahalagahan at
pinangangalagaan ang mga anyong tubig at
anyong lupa sa inyong komunidad,
Stephanie? Sa pamamagitan po ng di pag tapun ng
basura at sahalip linisin po ito at maging
modelo ka sa kapwa mo na maging malinis
sa kapaligiran.
Magaling.

Palaging niyong tandaan na sagana sa


yamang lupa at yamang tubig ang bawat
komunidad may ibat ibang anyong lupa at
anyong tubig na pinagkukuhanang yaman
ng bawat komunidad.

IV. Pagtataya
Isulat ang YL kung yamang lupa at YT kung yamang tubig.
_____ 1. Perlas
_____ 2. Mais
_____ 3. Tahong
_____ 4. Hipon
_____ 5. Rambutan

V. Takdang-Aralin
Gumuhit sa kuwaderno ng 2 yamang lupa at 2 yamang tubig.

Anu-ano ang mga yamang nakukuha sa anyong lupa at anyong tubig. Punan ang tsart.

Yamang nakukuha sa anyong Yamang nakukuha sa anyong


lupa tubig
Inihanda ni:
ADRIEL DOFEL M. FRONDA
BEED 3-2

You might also like