You are on page 1of 26

Paggamit ng

Pang-abay
Piliin ang angkop na pamagat ng
kuwento.
Si Edwin ay isang malusog na bata. Lagi siyang
kumakain ng gulay at prutas. Mahilig siyang uminom ng
gatas pagkagising at bago matulog. Nakaugalian na rin
niya ang pag-eehersisyo araw-araw.
a. Kaugalian ni Edwin
b. Ang Batang Malusog
c. Ang Pagkain ni Edwin
-Ang aralin na ito ay
dinisenyo upang tulungan
kang magamit nang wasto
ang pang-abay.
Basahin ang kuwento.
Ang Aming Pamilya
Isinulat ni: Jonabeth M. Banggay
Tuwing umaga, ang bawat miyembro ng aming
pamilya ay may kaniya - kaniyang gawain. Si
Tatay ay maagang nagpapakain ng mga alagang
hayop sa likuran ng bahay, habang si Nanay ay
abalang nagluluto ng aming agahan.
Matiyagang nagdidilig ng mga halaman si
Kuya samantalang
masiglang naglilinis ng bahay si Ate. Ako
naman ay maingat na nagliligpit ng aming
higaan.
Sadyang kay inam pagmasdan kung
nagtutulungan sa mga gawain ang bawat isa.
Bukod dito, madaling matapos ang mga
gawaing bahay.
Sagutin mo ang mga tanong.
1. Ano ang paksa ng kuwentong binasa?
2. Ano ang ginagawa ni Ate sa kanilang bahay?
3. Paano isinasagawa ni tatay ang kilos sa pagpapakain
ng alagang hayop?
4. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?
5. Ano-ano ang salitang kilos na ginamit sa teksto?
Paano ito inilarawan?
Pagtalakay sa Aralin
Magiging epektibo at malinaw ang iyong
pagpapahayag kung mailalarawan mo nang maayos ang
mga kilos o gawi na nais mong ipabatid.
Ang salitang maaga, abala, matiyaga, masigla at
maingat sa binasang
kuwento ay mga salitang naglalarawan ng kilos na
tinatawag na pang-abay.
Ang nagpapakain, nagluluto, nagdidilig,
naglilinis, nagliligpit ay mga
salitang kilos o gawi. Ang tawag natin dito ay
pandiwa.
Ang pang-abay ay tawag sa mga salitang
naglalarawan ng
isang kilos o gawi na sumasagot sa gabay na
tanong na paano.
Halimbawa
Kopyahin ang mga pangungusap sa inyong papel at
piliin sa kahon ang tamang sagot.

mahusay

Taimtim
mataas

Maingat

Maingat
Piliin ang tamang pangungusap na may angkop na pang-
abay batay sa isinasaad ng larawan.
Punan ng angkop na salitang naglalarawan sa bawat
kahon batay sa kilos na ipinapakita.
Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang
mabuo ang ipinahahayag nitong diwa.

Natutunan ko sa modyul na ito na ang


___________ ay salitang
naglalarawan ng isang ______ at
______ na may gabay na tanong na
_____________.
Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na
pang-abay sa pangungusap.
1. (Maingat, Malawak, Malamig)
_________
maingat na umakyat ang mga tao sa
matarik na bundok.
2. Ang mga bata ay
(matipid, masayang, maliwanag)
__________
masayang nageehersisyo.
3. Tumakbo nang (mabilis, masipag,
mahiyain) ________
mabilis ang atleta.

4. (Mabilis, Malikot,Malapad)
________
mabilis na nagtatanim ang mga
manggagawa.
5. Kumain si Fauna nang (mapait, maasim,
matamis) _______ na ampalaya.
mapait
Suriin ang mga larawan. Batay dito, bumuo ng mga
pangungusap na may pang-abay.

You might also like