You are on page 1of 20

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 10:


Pagbibigay ng Angkop na
Pamagat sa Kuwento
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 10: Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Katherine Y. Villagonzalo
Editor: Ramon S. Gravino, Jr., Maylen F. Sardido, Gemma M. Gutierrez
Tagasuri:
Tagawasto: Gemma G. Daño, Merla S.Silva
Tagaguhit: Greco N. Dasmariñas, Geoffrey S. Andrade
Tagalapat: Lee Wilson C. Precellas, Demosthenes O. Cajes, Jay Mark M. Alocelja,
Marife M. Bohol
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe
Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug
Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun
Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines
Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XI
Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 10:
Pagbibigay ng Angkop na
Pamagat sa Kuwento
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Kumusta? Maligayang pagdating sa panibagong modyul.
Nasubukan mo na bang hulaan ang pamagat ng kuwento?
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang
mahasa ang iyong kakayahan tungkol dito. Kailangan mo
lamang na basahin ang mga kuwento upang maibigay ang
angkop na pamagat nito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang
teksto (F3PB-IIIf-8).

Subukin
Basahin mo ang mga talata at pagkatapos ibigay ang
angkop na pamagat nito. Isulat sa papel ang titik ng iyong sagot.

1. Dali-daling naghanda si Jose upang pumasok sa paaralan.


Pagdating sa paaralan, agad siyang naglinis ng kanilang
silid-aralan. Hindi nagtagal ay dumating si Bb. Barro na
nakangiti sa kaniya. “Magandang umaga po!”, magalang
na bati niya.
a. Ang Aking Silid b. Ang Aking Guro
c. Ang Batang Mabait
2. Masama ang panahon kaya walang pasok. Naisip ng
magkapatid na sina Samuel at Lita na tumulong na lang sa
kanilang Ina sa mga gawaing-bahay. Natuwa ang kanilang
mga magulang. Kinabukasan, dinagdagan ng kanilang
Ama ang baon nila.
a. Walang Pasok
b. Mga Gawaing Bahay
c. Ang Magkapatid na Matulungin

1
3. Dumaan sa parke si Roberto malapit sa kanilang bahay.
Nagandahan siya sa mga bulaklak na rosas na itinanim
doon. Ito kasi ang paboritong bulaklak ng kaniyang Nanay.
Pag-uwi niya sa bahay ay naisipan niyang magtanim ng
rosas upang matuwa ang kaniyang Ina.

a. Ang Tanim sa Parke


b. Magtanim ng Rosas
c. Ang Paboritong Bulaklak ni Nanay

4. Isang hapon, namasyal sa Botanical Garden ang mga


mag-aaral sa Ikatlong Baitang. Dito makikita ang iba’t ibang
uri ng halaman na maaaring magamit sa kanilang pag-aaral.
Pagod man sila sa pamamasyal, bakas pa rin sa kanilang
mukha ang tuwa dahil sa napakagandang karanasan.

a. Mga Uri ng Halaman


b. Ang Mag-aaral sa Baitang Tatlo
c. Ang Pamamasyal sa Botanical Garden

5. Ang Barangay San Roque ay mapayapang lugar. Walang


nagaganap na kaguluhan dito. Lahat ng naninirahan sa
lugar na ito ay pawang magkakakilala at magkakasundo.
Napakasarap manirahan dito.

a. Ang Barangay San Roque


b. Naninirahan sa San Roque
c. Mapayapang Lugar ng San Roque

2
Aralin

1 Ang Aking Komunidad

Balikan

Basahin mo ang teksto at sagutin ang mga tanong. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

Hindi nag-aral ng kaniyang leksiyon si Anna. Kinabukasan


ay nagkaroon sila ng pagsusulit. Nahirapan siyang sagutin ang
mga tanong. Dahil dito, mababa ang nakuha niyang marka.
Nalungkot si Anna sa nangyari.

1. Ano ang pangunahing ideya ng teksto?


a. Nalungkot si Anna sa nangyari.
b. Hindi nag-aral sa kaniyang leksiyon si Anna.
c. Kinabukasan ay nagkaroon sila ng pagsusulit.

2. Ano ang detalyeng hindi sumusuporta sa


pangunahing ideya? Hindi nag-aral ng kaniyang leksiyon si
Anna.
a. Nahirapan siyang sagutin ang mga tanong.
b. Dahil dito, mababa ang nakuha niyang marka.

3. Ano kaya ang maaaring mangyari kung nakapag-aral ng


leksiyon si Anna?
a. Mababa ang makukuha niyang marka.
b. Mahihirapan siyang sagutin ang mga tanong.
c. Mataas ang makukuha niyang marka sa pagsusulit.

3
Tuklasin
Pansinin ang mga larawan sa loob ng kahon. Piliin ang angkop
na pamagat nito. Isulat sa papel ang sagot.
1.
a. Ang Sirang Gusali
b. Sa Gusali ng Bayan
c. Ang Lumang Gusali

2.
a. Sa Bukirin
b. Ang Hinog na Mangga
c. Ang Punong Hitik sa Bunga

3.
a. Ang Komunidad
b. Sa Maruming Paligid
c. Nagkakaisang Komunidad

Sa pagbibigay-pamagat ng tekstong binasa kailangang


alamin mo muna ang paksang-diwa at paksang pangungusap.
Ito ang magbibigay sa iyo ng ideya sa pagpili ng pamagat.
Ang pangunahing diwa ay ang pinakabuod ng mga
pangyayari sa talata o kuwento.
Ang unang salita ng pamagat ay sinisimulan sa malaking titik
maging ang mahahalagang salita nito.

4
Suriin
Basahin at piliin ang angkop na pamagat ng mga piling
kuwento. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Tag-init noon, nagbakasyon ang pamilya ni G. Ruelo.


Walang naiwan sa kanilang bahay upang mag-alaga ng
mga halaman. Nang umuwi na sila, agad na pinuntahan ni
Aling Nata ang mga halaman. Nalungkot siya dahil nalanta
na ang mga ito.
a. Ang Pamilya ni Aling Nata
b. Ang Bakasyon ng mag-anak
c. Ang mga Halaman ni Aling Nata

2. Nagtulong-tulong ang magkakapitbahay sa kalye Tinikling


sa pag-apula ng malaking apoy. Binuhusan nila ito ng
balde-baldeng tubig habang hindi pa dumarating ang trak
ng bombero. Samantala, ang iba naman ay buong tapang
na inilikas ang mga batang nasa loob ng nasusunog
na bahay.
a. Ang Sunog sa Kalye
b. Ang Trak ng Bombero
c. Ang Magkakapitbahay na Nagtutulungan

3. Mahilig maglaro ng saranggola sina Berto at Berta.


Pinapalipad nila ito tuwing bakasyon dahil madalas ay
malakas ang ihip ng hangin. Kahit mainit ang sikat ng araw
ay tuwang-tuwa ang magkapatid sa pagpapalipad nito.
a. Ang Magkapatid
b. Tuwing Bakasyon
c. Ang Saranggola ng Magkapatid

4. Ang niyog ay tinaguriang puno ng buhay. Mahalaga at


nagagamit ang lahat ng parte ng punong ito. Ang dahon
ay ginagawang bubungan at ginagamit naman sa

5
paggawa ng bahay ang puno nito. Samantala ang bunga
ay para sa pagkain.
a. Parte ng Niyog
b. Masarap ang Niyog
c. Niyog, Puno ng Buhay

5. Nakakita si Carmen ng pitaka na may lamang pera sa


upuan na malapit sa kaniya. Hindi niya alam kung sino ang
nagmamay-ari nito. Naisip niyang ibigay ito sa kaniyang
guro upang mahanap ang may-ari ng pitaka. Natuwa ang
guro sa kaniyang ginawa.
a. Ang Pitaka
b. Ang Kaniyang Guro
c. Ang Batang Matapat

Pagyamanin

Gawain A
Basahin ang talata at ibigay ang angkop na pamagat.
Isulat ang titik ng sagot sa iyong kuwaderno.

1. Si Kim ay mahilig kumain ng tsokolate at kendi. Palagi siyang


pinaaalalahanan ng kaniyang ina sa kahalagahan ng
pagsisipilyo ng ngipin ngunit hindi niya ito pinakikinggan.
Isang araw, umiyak siya dahil sa sobrang sakit ng kaniyang
ngipin. Mula noon ay lagi na siyang nagsisipilyo
matapos kumain.

a. Ang Batang si Kim


b. Ang Tsokolate ni Kim
c. Ang Kahalagahan ng Pagsisipilyo

6
2. Maraming tradisyon at kaugalian tayong mga Pilipino na
dapat pagyamanin. Ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong
Taon ay ilan lamang sa mga nakaugalian natin. Samantala,
naging tradisyon naman natin ang paggamit ng mga
paputok upang salubungin ito. Talagang napakasaya nito.

a. Ang Mga Pagdiriwang


b. Tuwing Pasko at Bagong Taon
c. Ang Tradisyon at Kaugalian ng Pilipino

3. Kilala ang kawayan bilang materyal sa paggawa ng mga


upuan, mesa, pambakod, at maging sa paggawa ng
bahay. Ito ay tumataas at kadalasan ay tumutubo malapit
sa ilog. Talagang malaki ang maitutulong ng kawayan sa
ating buhay.

a. Ang Kawayan
b. Halamang Tumataas
c. Ang Gamit ng Kawayan

Gawain B
Piliin ang angkop na pamagat ng larawan. Isulat sa
papel ang titik ng tamang sagot.

a. Ang Masayang Pamilya


b. Ang Pagkain ng Pamilya
c. Pamilyang Sama-samang Kumakain

7
Isaisip

Punan ang patlang upang mabuo ang konsepto sa


pagbibigay ng pamagat sa binasang teksto. Isulat ang iyong
sagot sa kuwaderno.

Sa pagbibigay-pamagat ng tekstong binasa


kailangang alamin mo muna ang _________________at
____________ ng tekstong binasa. Ito ang magbibigay sa
iyo ng ideya sa pagpili ng pamagat.
Ang pangunahing diwa ay ang pinakabuod ng mga
pangyayari sa talata o kuwento.
Ang unang salita ng pamagat ay sinisimulan sa
malaking titik maging ang mahahalagang salita nito.

8
Isagawa

Piliin mo ang angkop na pamagat ng mga pangyayari sa


ibaba. Isulat sa kuwaderno ang titik ng iyong sagot.

1. Isang gabi, gumawa ng kard ang magkapatid na Lando at


Lara para sa kaarawan ng kanilang Ina. Bumili sila ng regalo
at bulaklak. Hindi nila ipinaalam sa kanilang Ina ang
kanilang ginawa dahil gusto nila itong sorpresahin.

a. Ang Sorpresa
b. Ang Kard para sa Ina
c. Ang Pagbili ng Regalo

2. Matiyagang pinupulot ni Nick ang mga plastik na bote ng


tubig. Iniipon niya ang mga ito upang maibenta sa junk shop
tuwing araw ng Sabado. Kahanga-hanga ang ginawa ni
Nick dahil nakatutulong na siya sa paglilinis sa kapaligiran at
nagkakapera pa siya.

a. Ang Pera sa Plastik


b. Ang Plastik sa Kantina
c. Ang Matiyagang si Nick

3. Maamo ang alagang aso ni Mina. Puti ang kaniyang


balahibo. Malambing ito at laging nakikipaglaro tuwing
magkasama sila. Masaya itong kasama.

a. Ang Puting Aso ni Mina


b. Ang Malambing na Aso
c. Ang Alagang Aso ni Mina

9
Tayahin

Piliin ang angkop na pamagat sa bawat sitwasyon na


ipinapakita ng larawan. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

1. Inutusan si Allan ng kaniyang Ina sa tindahan upang bumili


ng bigas. Pagkatapos bumili, buong pag-iingat niya itong
binuhat pauwi. Agad na nagsaing ang kaniyang Ina para sa
kanilang hapunan. Natuwa siya dahil masunurin ang
kaniyang anak.

a. Ang Hapunan
b. Si Allan at ang Bigas
c. Ang Batang Masunurin

10
Mas mabuti
kung masaya
ang mga bata sa
larawan.

2. Naglabasan na ang lahat ng mga bata upang bumili sa


kantina. Napansin ni Romeo na naiwan ang isa sa mga
kaklase niya. Niyaya niya si Liza sa kantina at binigyan ng
pagkain na binili niya.

a. Sina Romeo at Liza


b. Sa Paaralan ni Romeo
c. Ang Batang Mapagbigay

Mas mabuti kung


guguhit ng mas
angkop na
larawan batay sa
sitwasyon.

3. Nakalbo ang makapal na kabundukan. Nawalan ng tirahan


ang mga ibon dahil pinutol ng mga tao ang mga kahoy.
Naisip ng kabataan na magtanim ng mga puno. Dahil dito,
bumalik ang mga ibon sa kabundukan.

a. Ang mga Ibon


b. Ibon sa Kabundukan
c. Kabundukan Noon at Ngayon

11
4. Sabado ng umaga, maagang nagtanim ng mga gulay
si Bob sa bukirin. Lumipas ang ilang araw ay lumago at
namunga ang mga ito. Pinitas ni Bob ang mga gulay
at niluto ang mga ito.

a. Ang Tanim ni Bob


b. Ang Gulay na Malago
c. Ang Gulay sa Bukirin ni Bob

Mas mabuti kung


makikitang
masaya si Mila na
mag-aral.

5. Agad nagmano si Mila sa kaniyang ama’t ina pagdating sa


kanilang bahay galing sa paaralan. Matapos magbihis ay
dali-dali niyang inilabas sa bag ang mga kuwarderno upang
pag-aralan ang kaniyang leksiyon. Napakasipag mag-aral
ni Mila.
a. Sa Paaralan ni Mila
b. Ang Pag-aaral ni Mila
c. Ang Batang Masipag Mag-aral

12
Karagdagang Gawain

Piliin ang angkop na pamagat ng kuwento. Isulat ang titik ng


iyong sagot sa kuwaderno.

Si Edwin ay isang malusog na bata. Lagi siyang kumakain


ng gulay at prutas. Mahilig siyang uminom ng gatas
pagkagising at bago matulog. Nakaugalian na rin niya ang
pag-eehersisyo araw-araw.

a. Kaugalian ni Edwin
b. Ang Batang Malusog
c. Ang Pagkain ni Edwin

13
14
Karagdagang Gawain Tayahin Isagawa Isaisip
1. b 1. c 1. a paksang-diwa
2. c 2. c paksang
3. c 3. c pangungusap
4. c
5. c
Pagyamanin Suriin Tuklasin Balikan Subukin
A 1. c 1. a 1. b 1. c
2. c 2. c 2. a
1. c 2. c
3. c 3. c 3. c
2. c 3. c
4. c
3. c 4. c
5. c
5. c
B
1. c
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Alde, Amaflor, Lea Agustin, Aireen Ambat, Josenette Brana,
Florendana Cardinoza, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue,
et al. 2017. Batang Pinoy Ako 3 (Learner’s Guide Grade 3).
3rd ed. 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco
Avenue, Pasig City, Philippines 1600: Studio Graphics Corp.
Cardinoza, Florenda, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G.
Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo,
et al. 2015. Batang Pinoy Ako 3 (Teacher’s Guide Grade 3).
1st ed. 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco
Avenue, Pasig City, Philippines 1600: Rex Bookstore, Inc.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like