You are on page 1of 31

2

Health
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Wastong Gawi sa Kalusugan
ng Pamilya
Health – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Wastong Gawi sa Kalusugan ng Pamilya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo Sa Pagsusulat Ng Modyul

Manunulat: Armilyn A. Dela Cruz


Marvin R. Leaňo
Editor: Ramon J. De Leon, PhD
Tagasuri: Charina S. Sogue
Engelbert B. Agunday, EdD
Tagaguhit: Jacqueline H. Abesamis
Marvin R. Leaňo
Tagalapat: Armilyn A. Dela Cruz
Marvin R. Leaňo
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Priscilla D. Sanchez, PhD
Ever M. Samson
Josephine S. Tabangay

Inilimbag sa Rebublika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Health
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Wastong Gawi sa Kalusugan
ng Pamilya
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang


makapagpapakita ng wastong asal at gawi ng pamilya
sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan. (H2FH-IIIcd-12)

1
Subukin

Panuto: Isulat kung tama o mali ang mga gawaing


pampamilya na nakasaad sa bawat pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Ako ay hindi naghuhugas ng kamay bago kumain.
2. Malinis ang kinakain at iniinom ng aming pamilya.
3. Nag-eehersisyo kaming magkakapatid.
4. Lagi kaming pinasasalubungan ni tatay ng
maraming tsokolate.
5. Ang aming pamilya ay mayroong sapat na oras sa
pagtulog.

2
Aralin
Wastong Gawi sa
1 Kalusugan ng Pamilya
Upang makaiwas sa anumang suliraning
pangkalusugan sanhi ng hindi mabubuting asal at gawi
ng pamilya na nakaaapekto sa isipan at pisikal na
pangangatawan at maging bilang isang mabuting
mag-aaral, kinakailangang matuto kung paano ito
maipahahayag ng maayos. Basahin at subukin ang mga
gawaing nakapaloob sa araling ito.

Balikan

Panuto: Sumulat ng bilang 1-5 at piliin sa ibaba ang


naglalarawan ng pangkalusugang gawain ng pamilya.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
a. paliligo araw-araw
b. regular na pagsisipilyo ng ngipin
c. madalas na pagkain ng matatamis tulad ng kendi
d. kumain kahit hindi naghuhugas ng kamay
e. pagkain ng prutas at gulay
f. madalas na pagkain ng burger at pag-inom ng
softdrink
g. paggawa ng gawaing bahay
h. pagkonsulta sa doctor
i. pagtulog ng hindi naglilinis ng katawan

3
Tuklasin
Panuto: Basahin ang tula. Sagutin ang mga sumusunod
na tanong tungkol dito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Tabs at Yats
ni Armilyn A. Dela Cruz

Patrick Ericson
Panganay sa magkapatid, Patrick ang pangalan ko
Maagang gumigising upang mag ehersisyo
Paborito kong kainin ay mga gulay at prutas
Aking sinisigurado, pagtulog ko ay walong oras.

Ako naman si Ericson, bunsong naturingan


Hindi nag-eehersisyo, kaya’t payat ang katawan
Natutuwa ako kapag karne ang aming ulam
Online games sa gabi, ito ang aking libangan.

Dahil sa magkaibang katangian, kami ay binansagan


Akong si Patrick ay “Tabs”, dahil sa matabang katawan
Akong si Ericson ay payat, tinawag namang “Yats”
Kaya sa aming nayon, kilala kaming sina “Tabs at Yats.”.

4
1. Paano nagkaroon ng malusog na pangangatawan
si Patrick?
a. Naglalaro ng online games bago matulog sa gabi.
b. Paborito niyang ulam ay karne at hindi kumakain
ng gulay.
c. Nag-eehersisyo, kumakain ng gulay at prutas, at
natutulog ng walong oras.
d. Tamad mag-ehersisyo at laging nakahiga.
2. Sino sa dalawang magkapatid ang nagpakita ng
wastong asal at gawi sa pagkakaroon ng mabuting
kalusugan?
a. Ericson
b. Patrick
c. Sina Patrick at Ericson
d. Wala sa nabanggit

Suriin

Bakit mahalaga ang wastong asal at gawi ng


pamilya sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan?

 Napananatili nito ang sigla at lakas ng katawan ng


pamilya.
 Nakatutulong upang maiwasan ang sakit ng bawat
miyembro ng pamilya.
 Napananatili nito ang talas ng ating memorya.
 Nagagawa natin ang ating nais gawin dahil sa
malakas na pangangatawan.

5
Pagyamanin
Gawain 1:
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ito ay iyong
ginagawa upang mapanatili ang kalusugan ng iyong
pangangatawan, at malungkot na mukha ☹ naman
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.

6
Gawain 2:
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang magiging bunga ng
mga kilos na isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. magigising nang maaga


B. papayat ang katawan at magiging sakitin
C. mawawala ang mga dumi na maaaring
magdulot ng mga sakit
D. maiiwasan ang pagkasira ng ngipin
E. lulusog at lalakas ang resistensya ng katawan
F. maiiwasan ang sakit tulad ng diarrhea

1. Natutulog nang maaga tuwing gabi.


2. Naghuhugas ng mga kamay bago at pagkatapos
kumain.
3. Nagsisipilyo ng mga ngipin tatlong beses sa isang
araw.
4. Kumakain ng prutas at gulay araw-araw.
5. Naglilinis ng paligid sa umaga at hapon.
Gawain 3:
Panuto: Gumuhit ng parisukat kung ang mga bagay
sa larawan ay kailangan ng isang pamilya upang
mapanatili ang mabuting kalusugan, bilog naman
kung hindi. Iguhit ang sagot sa sagutang papel.

1. 2.

7
3. 4.

` 5.

Gawain 4:
Panuto: Alamin kung sino o kung ano ang tinutukoy sa
Hanay A. Hanapin ang tamang sagot sa Hanay B. Isulat
ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. ginagamit sa paglilinis ng a. kutsara at tinidor
tahanan b. malinis na tubig at
2. kinokonsulta tungkol sa sabon
kalusugan c. nail cutter
d. walis tambo,
3. ginagamit kapag kumakain
basahan at
4. ginagamit sa paglilinis ng moppler
kuko
e. doctor
5. ginagamit sa paghuhugas f. gulay
ng kamay

8
Isaisip

Ano ang mga natutuhan mo sa modyul na ito? Alam


mo ba kung ano ang mga wastong asal at gawi ng
pamilya sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan? Laging
tandaan ang mga sumusunod:

 pagkakaroon ng sapat na oras ng pagtulog sa gabi


 pamalagiang paghuhugas ng kamay
 paglalaan ng oras sa pag-eehersisyo
 pagkakaroon ng regular na pagpapatingin sa doktor
 pagkain ng masusustansiyang pagkain tulad ng prutas
at gulay

Isagawa

Panuto: Isulat ang tama kung ito ay nagpapakita ng


wastong asal at gawi sa pagkakaroon ng mabuting
kalusugan, at mali naman kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. 2.

9
3. 4.

5.

Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot na nagpapakita
ng mabuting asal at gawi ng pamilya sa pagkakaroon ng
mabuting kalusugan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Isinusubo ng iyong kapatid ang kaniyang maduming


daliri.
a. Hahayaan ko na lamang siya upang hindi umiyak.
b. Huhugasan ko ang kaniyang mga kamay upang
hindi siya makakuha ng mikrobyo.
c. Papaluin ko siya at isusumbong kay nanay.
d. Wala sa nabanggit.

10
2. Mahilig kang kumain ng kendi at tsokolate. Ano ang
dapat mong gawin pagkatapos kumain?
a. Magsisipilyo kaagad ako ng ngipin upang hindi ito
mabulok.
b. Magmumumog lang ako ng tubig pagkatapos
kumain.
c. Matutulog na ako at hindi ako magsisipilyo.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
3. Isang umaga ay ginigising ka ng iyong mga magulang
upang mag-ehersisyo.
a. Magpapanggap akong hindi ko sila naririnig.
b. Sasabihin kong inaantok pa ako.
c. Hindi ako sasama sa kanila.
d. Babangon agad at sasama ako sa aking pamilya.
4. May ibinigay na takdang aralin ang iyong guro sa
dalawang aralin.
a. Gagawin ko kaagad ang mga takdang aralin.
b. Magpapaturo ako kapag hindi ko maintindihan ang
dapat gawin sa takdang aralin.
c. Tatapusin ko kaagad upang magkaroon ako ng
sapat na oras sa pagtulog.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
5. Nakita mong nagluluto ng ulam na gulay ang nanay
mo.
a. Bibili na lamang ako ng ibang lutong ulam.
b. Magpapaluto ako ng ibang ulam dahil hindi ko gusto
ang gulay.
c. Iuulam ko ang gulay na niluluto ni nanay dahil alam
kong masustansiyang pagkain ito.
d. Magtatampo ako kay nanay at hindi ako kakain.

11
Karagdagang Gawain
Panuto: Lagyan ng tsek () kung nagpapakita ng
tamang asal at gawi sa pangangalaga ng kalusugan ng
pamilya at () kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. 2.

pagkain ng hindi
pag-eehersisyo
masusustansiyang pagkain

3. 4.

pagluluto at pagkain ng pagkakaroon ng sapat


masusustansiyang pagkain na oras na pahinga

5.

regular na pagkonsulta sa doktor

12
Aralin
Pangangalaga ng
2 Kalusugan ng Pamilya
Sa araling ito, palalawigin ang iyong kaalaman kung
paano mapangangalagaan ang kalusugan ng bawat
miyembro ng pamilya tulad ng paggawa ng gawaing
bahay, pagkain ng masusustanysang pagkain, pag-
eehersisyo at paglilibang.

Balikan
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay mga
paraan upang maging malusog ang pamilya. Lagyan
ng puso kung oo at bilog kung hindi. Ilagay
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. 2.

Pagkain ng junk foods Paghuhugas ng kamay

13
3. 4.

Pag-inom ng walong Pagkain ng gulay


basong tubig

5.

Pagkonsulta sa doktor

14
Tuklasin
Basahin at unawaing mabuti ang tula.

Malusog na Pamilya
ni Marvin R. Leaňo

Kami ang pamilya Santos,


Malusog at malayo sa sakit.
Mga katawa’y malakas at maliksi,
Sa mga gawain hindi napapagod.

Linis dito, linis doon ang inuuna.


Dilig ditto, dilig doon ang inaasikaso.
Lampaso dito, lampaso doon ang ginagawa.
Sa gawaing bahay kami ay sama-sama.

Prutas at gulay ay siyang kinakain.


Mga junk foods kung tawagin ay bawal kainin.
Paglalakad at pagtakbo ang siyang ehersisyo.
Gayundin ang isports na siyang libangan.

15
Suriin
Ano ang dapat gawin upang mapangalagaan ang
kalusugan ng pamilya?
Mainam na matutuhan ang mga simpleng paalala o
mga bagay na dapat gawin o gampanan ng bawat
miyembro ng pamilya upang magkaroon ng malakas na
pangangatawan tulad ng mga sumusunod:
 Paggawa ng mga gawaing bahay.
 Pagkain ng masustansyang pagkain
 Pag-eehersisyo ng buong pamilya
 Paglilibang gaya ng paglalaro ng isports.

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Hanapin sa mga sumusunod na larawan ang
tinutukoy na gawaing bahay sa bawat bilang na
makatutulong upang maging malusog ang pamilya. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. b.

16
c.

d. e.

1. Pagwawalis
2. Paglalampaso
3. Paghuhugas ng pinagkainan
4. Pagluluto
5. Paglalaba

17
Gawain 2

Panuto: Alamin sa mga sumusunod na larawan ang


pagkaing nakatutulong upang maging malusog ang
pangangatawan ng pamilya. Lagyan ng tsek ( ) kung
oo at ekis (X) kung hindi. Ilagay ang sagot sa sagutang
papel.

1. 2.

Tsokolate Gulay

3. 4.

Prutas Keyk

5.

Pagkaing mayaman
sa carbohydrates

18
Gawain 3
Panuto: Tukuyin kung ang larawan ay nagpapakita ng
gawaing pangkalusugan. Gumuhit ng tatsulok kung
nagpapakita at parisukat kung hindi.

1. 2.

Paglalaro ng basketball Pagtakbo tuwing umaga

3.

Panonood maghapon sa telebisyon

4. 5.

Pagsasayaw Paglalaro nang sobra sa cellphone

19
Gawain 4
Panuto: Tukuyin ang paraan ng pangangalaga ng
kalusugan ng pamilya na ipinapakita sa larawan. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

a. Paglalampaso
b. Paglalaro ng bola
c. Pagtakbo
d. Pagkain ng gulay
e. Pagwawalis

1. 2. 3.

4. 5.

20
Isaisip

Bakit mahalagang malaman kung paano


mapangangalagaan ang kalusugan ng bawat miyembro
ng pamilya?

Mahalagang malaman ang mga paraan upang


mapangalagaan ang kalusugan ng pamilya upang
mapanatiling malusog ang bawat miyembro nito tulad
ng mga sumusunod.

 Pagkain ng masusustansiyang pagkain


 Paggawa ng mga gawaing bahay
 Madalas na pag-eehersisyo
 Paglalaro ng isports

Isagawa

Panuto: Punan ang mga nawawalang salita upang


mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

nagtatanim badminton tumatakbo


bahay bitamina

1. Ang Pamilya Bernardo ay ara-araw na ___________ sa


parke.
2. Ang Pamilya Jacinto ay kumakain ng pagkaing
mayaman sa ________________.

21
3. Ang Pamilya Gamboa ay gumagawa ng gawaing
__________.
4. Ang Pamilya Daluz ay mahilig maglaro ng ___________.
5. Ang Pamilya Lopez ay ______________________ ng gulay
sa kanilang bakuran.

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod at isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawi sa


pangangalaga ng kalusugan ng pamilya?
a. Paglalaro ng isports
b. Pakikipag-usap sa telepono
c. Panonood sa telebisyon
d. Pagkain ng tsokolate

2. Sino ang nagpakita ng tamang pangangalaga ng


kalusugan ng pamilya?
a. Si Divina ay nagkakalat sa kanilang bahay.
b. Si Gino ay kumakain ng junk foods.
c. Si Tanya ay tumutulong sa gawaing bahay.
d. Si Billy ay mahilig magpuyat.

22
3. Alin sa mga gawaing bahay ang nakatutulong upang
mapalakas ang pangangatawan ng buong pamilya?
` a. Paglalampaso
b. Paghuhugas ng pinagkainan
c. Pagwawalis
d. Lahat ng nabanggit

4. Alin sa mga sumusunod ang dapat kainin ng isang


pamilya para maging malusog?
a. Pagkaing mayaman sa bitamina
b. Pagkaing mayaman sa carbohydrates
c. Pagkaing mayaman sa protina
d. Lahat ng nabanggit

5. Alin ang hindi nararapat na libangan upang


mapangalagaan ang kalusugan ng pamilya?
a. Paglalaro ng badminton
b. Paglalaro ng sobra sa cellphone
c. Paglalaro ng volleyball
d. Paglalaro ng basketball

23
Karagdagang Gawain

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon kung nagpapakita ng


gawaing pangkalusugan. Isulat ang N kung oo at H kung
hindi sa iyong sagot sa sagutang papel.

1. Si Diana ay naglilinis ng bahay.


2. Ang Pamilya Jacinto ay kumakain ng pagkaing
mayaman sa protina at minerals.
3. Ang Pamilya Fuentes ay mahilig kumain ng junk foods.
4. Ang mag-amang Lucas ay naglalaro ng basketball.
5. Ang Pamilya Severino ay maghapong nanonood ng
telebisyon.

24
25
Tayahin Karagdagang Isagawa Gawain 4
Gawain 1. tama 1. d
1. b 1. / 2. mali 2. e
3. tama 3. a
2. a 2. X
4. mali 4. c
3. d 3. / 5. tama 5. b
4. d 4. /
5. c 5. /
Gawain 3 Gawain 2 Pagyamanin
1. parisukat 1. A Gawain 1
2. parisukat 2. F
3. bilog 3. D 1.
4. parisukat 4. E
2.
5. bilog 5. C
3.
4.
5.
Tuklasin Balikan Subukin
1. c Ang mga 1. Mali
sumusunod ay ang 5 2. Tama
2. b
tamang letra ng sagot, 3. Tama
maaari itong isulat sa kahit 4. Mali
anong bilang. 5. Tama
1. a
2. b
3. e
4. g
5. h
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
26
Kragdagang gawain Tayahin
1. N 1. a
2. N 2. c
3. H 3. d
4. N 4. d
5. H 5. b
Isagawa Gawain 4 Gawain 3
1. tumatakbo 1. b
1.
2. bitamina 2. d
3. bahay 3. e
4. badminton 4. c 2.
5. nagtatanim 5. a
3.
4.
5.
Gawain 2 Gawain 1 Balikan
1. x 1. d
1.
2. / 2. e
2.
3. / 3. a
4. x 3.
4. b
5. / 5. c 4.
5.
Aralin 2
Sanggunian

Department of Education. 2013. K to 12 Health


Curriculum Guide. Unang Edisyon. Pasig City.
Acessed aate July 10, 2020. https://www.deped.
gov.ph/wp-content/ uploads/2019/01/Health-
CG_with-tagged-math-equipment.pdf
Department of Education. 2020. Most Essential
Learning | Search Results | Department of
Education. deped.gov.ph. Acessed date July 31,
2020. https://www.deped. gov.ph/?s=most
+essential+learning.
DepEd Order No 30, s. 2019. The Department of
Education Manual of Style. Ebook. Pasig City:
Public Affairs Service-Publications Division
Department of Education Central Office.
Accessed July 10, 2020. https://www.deped.gov.
ph/wp-content/uploads/2019/10/DO_s2019_030-
2.pdf.
Oabel, Edna C., et al. 2013. Music, Art, Physical
Education and Health-Ikalawang Baitang,
Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City. DepEd-
IMCS
Oabel, Edna C., et al. 2013. Music, Art, Physical
Education and Health - Ikalawang Baitang,
Patnubay ng Guro. Pasig City

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like