You are on page 1of 76

3

Araling
Panlipunan
Ika-apat na Markahan
Modyul 1 to 4
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ika-apat na Markahan – Modyul 1 to 4
Unang Edisyon 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronel Al K. Firmo PhD, CESO v
Librada M. Rubio PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Modyul 1: Kapaligiran at Ikinabubuhay sa mga Lalawigan ng Rehiyong Kinabibilangan
Modyul 2: Pakinabang Pang-Ekonomiko ng mga Likas na Yaman ng Lalawigan at Kinabibilangang Rehiyon
Modyul 3 at 4: Kabuhayan Mula sa Kalikasan
Manunulat : Kevin Chaster M. Cura
Tagasuri ng Nialalaman : Eva Fe F. Taclibon
Tagasuri ng Wika : John A. Ocampo
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat : Jay Ahr E. Sison
Tagasuri sa ADM : John Paul C. Paje
Patnugot : Bobby P. Caoagdan, Lamberto F. Gamurot
Tagasuri : Bobby P. Caoagdan, Lamberto F. Gamurot,
Allan T. Manalo
Tagaguhit : Diana V. Facun
Tagalapat : Alvin E. Espejo

TAGAPAMAHALA:

Nicolas T. Capulong,
Librada M. Rubio,
Angelica M. Burayag,
Ma. Editha R. Caparas,
Nestor P. Nuesca,
Helen R. Bose,
Paulino D. De Pano,
Bobby P. Caoagdan ,
Lamberto F. Gamurot,
Allan T. Manalo

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M Government Center, Maimpis, City of San Fernando(P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

1
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na


inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/
Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa
inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng
ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan


ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan
agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa
pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating
mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-
aaral kahit wala sila sa paaralan.

2
3
Araling
Panlipunan
Ika-apat na Markahan
Modyul 1
Kapaligiran at Ikinabubuhay sa
mga Lalawigan ng Rehiyong
Kinabibilangan

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kevin Chaster M. Cura
Tagasuri ng Nialalaman: Eva Fe F. Taclibon
Tagasuri ng Wika: John A. Ocampo
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jay Ahr E. Sison
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Patnugot: Bobby P. Caoagdan, Lamberto F. Gamurot
Tagasuri: Bobby P. Caoagdan, Lamberto F. Gamurot, Allan T. Manalo
Tagaguhit: Diana V. Facun
Tagalapat: Alvin E. Espejo

3
Alamin

Maligayang pagdating sa Ikaapat na Yunit ng Araling


Panlipunan!
Sa Ikatlong Yunit, lubos mo pang nakilala ang iyong
lalawigan, pati na ang mga karatig na lalawigan nito sa loob ng
isang rehiyon. Napag-aralan mo na ang mga katangiang kultural
ng iyong lalawigan katulad ng mga tanyag na pagkain, sining,
tradisyon at pagdiriwang.
Malaki ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay
ng mga tao sa lalawigan. Sa kapaligiran din nagmumula ang
mga ikinabubuhay ng mga tao sa isang lugar. Iniuugnay rin ng
mga tao ang uri ng kasuotan, pananim, at gawain sa
kanilang kapaligiran.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipapaliwanag ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng
pamumuhay ng mamamayan sa lalawigan ng kinabibilangang
rehiyon at sa mga lalawigan ng ibang rehiyon (AP3EAP-IVa-1)
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
1. nakapag-uugnay ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng
kinabibilangang lalawigan o lungsod; at
2. nakapaglalarawan ng uri ng ikinabubuhay ng
kinabibilangang lalawigan o lungsod ayon sa kapaligiran.

4
Mga Tala para sa Guro
Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa kapaligiran at
ikinabubuhay sa mga lalawigan ng rehiyong kinabibilangan. Mainam
na gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng aralin sa
pamamagitan ng paggamit ng modyul na ito.
Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung pano matutulungan
ang kanilang mga anak sa paggamit ng modyul na ito.

Subukin

Panuto: Pag-ugnayin ang mga lalawigan sa hanay A sa mga


kabuhayan nito sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
A. Pagawaan ng malalaking parol
_____1. Aurora B. Pagtatanim ng tubo
_____2. Bataan C. Paggawa ng mga lambat
_____3. Bulacan pangingisda
_____4. Nueva Ecija D. Pagtatanim ng mangga
E. Pagtatanim ng sibuyas at palay
_____5. Pampanga
F. Paggawa ng alahas, paputok at
_____6. Tarlac sitsaron
_____7. Zambales G. Pagtatanim ng niyog at palay

Kung nasagutan mo lahat ng tama ang pagsusulit na ito, ay


binabati kita. Napakahusay mo!
Halika! Lalo nating palawakin ang iyong kaalaman sa tulong
ng mababasa mong mga aralin.

5
Aralin Kapaligiran at Ikinabubuhay

1 sa mga Lalawigan ng
Gitnang Luzon
Sa yugtong ito, napag-aaralan ang iba’t ibang uri ng
kapaligiran at mga lalawigan sa Gitnang Luzon.
Tatalakayin din dito ang mga ikinabubuhay ng mga taong
nakatira sa iba’t ibang mga lalawigan ng Gitnang Luzon maging
ang kanilang mga pangunahing prokdukto.

Balikan

Ngayong alam mo na ang iba’t ibang mga


pagkakakilanlang kultural ng mga lalawigan sa Gitnang Luzon,
subukin mong sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Panuto: Ibigay ang salita o mga salita na tinutukoy sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
________1. Saang lalawigan makikita ang Apolinario Mabini
Memorial Shrine?
________2. Ano ang makasaysayang pangyayari sa simbahan ng
Barasoain sa Malolos?
________3. Anong lalawigan sa Gitnang Luzon ang tinuturing na
Melting Pot ng Rehiyon?
________4. Ano ang pinakamatandang simbahan sa Pampanga?
________5. Saan sa Nueva Ecija unang sinimulan ang Pagibang
Damara Festival?
Magaling! Binabati kita! Maari ka ng magpatuloy sa
ibang gawain

6
Tuklasin

Panuto: Suriin ang mga larawan. Isulat sa loob ng kahon


ang angkop na hanapbuhay sa bawat larawan. Isulat ang sagot
sa sagutang papel

Napakahusay! Handa ka na sa bagong aralin!

7
Suriin

Kapaligiran at Ikinabubuhay sa mga Lalawigan


ng Rehiyong Kinabibilangan
Ating alamin ang uri ng kapaligiran at pamumuhay ng mga
tao sa iba’t ibang lalawigan sa Gitnang Luzon.

Ang Kapaligiran ng mga Lalawigan sa Gitnang Luzon


Ang Gitnang Luzon ay mayaman sa produktong agrikultural.
Ito ay tinaguriang “Kamalig ng Bigas” ng Pilipinas dahil sa
malaking produksiyon ng bigas na nanggagaling sa malawak na
kapatagang angkop sa pagtatanim.
Ang Gitnang Luzon ay nagtataglay ng mga pangunahing
anyong tubig. Sa hilaga dumadaloy ang Ilog Tarlac.
Ang Ilog Pampanga na nagmumula sa kabundukang
Caraballo ay bumabagtas sa kahabaan ng Nueva Ecija
at Pampanga.
Ang Ilog Angat na nagmumula naman sa kabundukan ng
Sierra Madre ay dumadaloy sa mga bahagi ng lalawigan ng
Bulacan at nagtatapos sa Look ng Maynila.
Sa Nueva Ecija matatagpuan ang Lawa ng Pantabangan
na nagtutustos sa patubig sa mga sakahan. Ito ay isa sa
pinakamalawak na lawa sa Timog-Silangang Asya.
Sa pangkalahatan, mainit o tuyong panahon ang
nararanasan mula sa buwan ng Disyembre hanggang Mayo. Ang
tag-ulan ay mula Hunyo hanggang Nobyembre.
Ang katangiang pisikal at klima ng rehiyon ay nagkaroon ng
malaking papel sa pag-unlad ng agrikultural na pamumuhay ng
mga mamamayan sa rehiyon.

8
Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Aurora
Ang Aurora ay isang
mabundok na lalawigan na bahagi
ng bulubundukin ng Sierra Madre.
Ito ay dating kabilang sa Rehiyon
IV-A ngunit nalipat sa Rehiyon III sa
bisa ng Executive Order Bilang 103 s.
2002.
Ang lalawigan ay mayaman
sa magagandang baybayin, mga
diving at surfing spot na dinarayo ng
mga turista.
Niyog, palay at isda ang
pangunahing produkto nito.

Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Bataan


Ang lalawigan ng Bataan ay
matatagpuan sa kanlurang baybayin
ng Gitnang Luzon. Halos walumpung
porsiyento (80%) ng Bataan ay
mabundok at maburol.
Pangingisda ang pangunahing
industriya sa lalawigan. Kilala ang
lalawigan sa paggawa ng iba’t ibang
uri ng lambat pangisda. Nagtatanim
din ang mga tao ng palay, mais at
mga halamang-ugat. Dahil ang Bataan ay isang peninsula
patuloy ang pag-unlad ng turismo rito patunay ang mga
naggagandahang resort sa kahabahan ng baybayin nito.

9
Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Bulacan
Ang lalawigan ng Bulacan ay
humigit kumulang labing-apat na
porsiyento (14%) ng buong sukat
ng Luzon. Napaliligiran ito ng mga
bulubundukin ng Sierra Madre,
mga baybayin at kapatagan.
Dahil sa malawak na kapatagan
at mga baybayin nito ang
pangunahing pinagkakakitaan ng
mga tao ay ang pagsasaka,
paghahayupan, at pangingisda.
Kilala rin ang lalawigan na isa
sa mga pangunahing destinasyon
ng mga turista dahil sa mayamang
kultura at kasaysayan nito.
Ang lalawigang ito ay unti-unti na ring nakikilala sa mga
industriya tulad ng paggawa ng alahas, paputok, sitsaron,
handicrafts at mga kakanin o native sweets.

Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Nueva Ecija


Ang Nueva Ecija ang
pinakamalawak na lalawigan sa
Gitnang Luzon. Ang lupain nito ay
nagsisimula sa mga latian sa Timog-
Kanluran sa hangganan ng lalawigan
ng Pampanga, bulubundukin ng
Sierra Madre sa Silangan at ang
Caraballo at Cordillera naman sa
Hilaga at Tarlac sa Kanluran
Ang lalawigan ay tinaguriang
“Kamalig ng Bigas” ng Gitnang Luzon.

10
Agrikultura ang pangunahing hanapbuhay ng mamamayan
rito. Dito nagmumula ang malaking produksiyon ng bigas, mais,
sibuyas, bawang at tubo. Mayroon ding mga lugar sa Nueva Ecija
ang may deposito ng mga mineral tulad ng Manganese at
Copper.

Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Pampanga


Ang Pampanga ay may
malawak na kapatagan. Dito
matatagpuan ang Bundok
Arayat.
Ilog Pampanga ang
pinakamalaking ilog sa
lalawigan. Sakahan at
pangingisda ang dalawang pangunahing industriya rito. Kilala rin
sa tawag na Culinary Capital of the Philippines dahil sa husay ng
mga Kapampangan sa larangan ng pagluluto.
Kilala rin ang lugar sa industriya ng iskulturang kahoy,
paggawa ng muwebles o kasangkapang gawa sa kahoy at iba
pang produktong gawang kamay tulad ng mga higante at
makukulay na mga parol.

Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Tarlac


Ang lalawigan ng Tarlac ay
matatagpuan sa hilagang bahagi ng
Gitnang Luzon. Napaliligiran ito ng apat
na lalawigan. Pampanga sa timog,
Nueva Ecija sa silangan, Pangasinan sa
hilaga at Zambales sa kanluran. Ang
silangang bahagi ng lalawigan ay
kapatagan at ang kanlurang bahagi
naman ay maburol at bulubundukin.

11
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
mamamayan dito, at tubo at palay ang mga pangunahing
pananim. Ang mga tao ng Capas ay ipinuproseso ang mga
batong pumice upang gawing mga rebulto at paso. Makikita sa
lalawigan ang Capas National Shrine na dambana para sa ating
mga kababayang nagbuwis ng buhay noong Death March sa
panahon ng Hapon. Dito rin makikita ang New Clark City. Ang
iba pang mga pananim ay ang tabako, mais at niyog. Ito ay may
malawak na sistema ng patubig mula sa mga ilog nito. Mayroon
ding industriya ng pagtotroso mula sa mga kabundukan sa
hangganan ng lalawigan ng Zambales. Taunan ding
ipinagdiriwang rin dito ang Belenismo kung saan
nagpapagandahan ng mga Belen ang iba’t ibang mga
Munisipalidad at ibang mga establisyimento.

Kapaligiran at Ikinabubuhay ng Lalawigan ng Zambales


Ang lalawigan ng Zambales ay
matatagpuan sa kanlurang bahagi
ng Gitnang Luzon. Ang hilagang
bahagi nito ay latian at
dalampasigan at ang bahaging lupa
ay mababa kung saan matatagpuan
ang mga pamayanan.
Kilala ang lalawigan sa dami ng deposito ng lahar dahil sa
pagdaloy nito sanhi ng pagputok ng Bulkang Pinatubo noon.
Bulubundukin ang iba pang bahagi na may malawak na
depositong mineral tulad ng Chromite.
Ang agrikultura ay isa rin sa pinagkukunang- yaman ng
lalawigan. Bukod sa pangingisda at pagmimina ang kanilang
pangunahing mga produkto ay mangga, palay, mais at mga
halamang-ugat. Maunlad din ang turismo sa Lungsod ng
Olongapo na dating base ng hukbong-dagat ng Amerika
sa Pilipinas.

12
Pagyamanin
A. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga produkto na
ginagawa ng mga iba’t ibang probinsiya sa Gitnang Luzon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

T U B O A T F H K L O A
Z X C A E R Y G E S V L
A N I Y O G X G H J I A
P A D G A E C E A F D H
A B F H S D A A R Y D A
R A F L A M B A T A S S
O W F G H A C D F T S G
L A S D C N V J K U I D
X N R T H G C P A L A Y
A G F R T G X D H R E A
X S G H J A A E O P J K
X S I B U Y A S D R T G

B. Panuto: Gamit ang mga salitang nakuha mula sa kahon sa


Gawain A, kumpletuhin ang mga pangungusap sa ibaba.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
___________1. Isang uri ng prutas na pinagkukunan ng gata.
___________2. Itinatanim sa bukid na pinagmumulan ng bigas.
___________3. Karaniwang gawa sa mamahaling bato at
mineral na sinusuot ng mga tao bilang pamamuti
sa katawan
___________4. Isang palamuti na isinasabit sa mga bahay
tuwing sasapit ang kapaskuhan.
___________5. Isang uri ng halaman na ginagawang asukal.

13
C. Panuto: Isulat ang lalawigang tinutukoy o inilalarawan ng
bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Dito matatagpuan ang Bulkang Pinatubo.
2. Lalawigan na tinaguriang “Kamalig ng Bigas” ng
Gitnang Luzon.
3. Halos walumpung porsiyento (80%) ng lalawigang ito ay
mabundok at maburol.
4. Napaliligiran ito ng Pampanga, Nueva Ecija, Zambales
at Pangasinan.
5. Ang lalawigang ito ay kilala rin sa mga industriya ng
paggawa ng alahas, paputok, sitsaron, handicrafts at
mga kakanin.

D. Panuto: Gamit ang mga salitang nasa loob ng kahon,


kumpletuhin ang mga pangungusap na tumutukoy sa bawat
lalawigan sa Gitnang Luzon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Pangingisda Chromite Pagsasaka


Manganese at Copper Culinary Capital

1. ______________ ang pangunahing hanapbuhay ng mga


mamamayan sa Tarlac.
2. Mayaman ang Zambales sa mineral na _______________.
3. May malaking deposito ng mineral na _________________ ang
Nueva Ecija.
4. Tinaguriang __________________ of the Philippines ang
Pampanga.
5. Pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Bataan ay ang
__________________.

14
E. Panuto: Tukuyin kung anong lalawigan sa Gitnang Luzon ang
tinutukoy ng larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. _________________________

2. _________________________

3. _________________________

4. _________________________

5. _________________________

15
F. Panuto: Basahin at intindihin ang mga sumusunod na
pangungusap tungkol sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon.
Guhitan ng masayang mukha ang loob ng bilog kung ito ay
tama at malungkot na mukha naman kung mali. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Ang Aurora ay dating kabilang sa


Rehiyon IV–A.

2. Mayaman sa mineral na Chromite


ang Tarlac.

3. Isa sa pangunahing produkto ng


Bulacan ay ang paputok.

4. Ang Mt. Pinatubo ay makikita sa


Zambales at Tarlac.

5. Ang Nueva Ecija ay kilala


bilang Culinary Capital of the
Philippines.

16
G. Panuto: Piliin ang letra ng lalawigan na tumutukoy sa
pangungusap sa ibaba. Isulat ang letra ng iyong sagot
sa papel.
1. Ang pangunahing produkto ng lalawigang ito ay niyog
at palay.
a. Aurora
b. Bataan
c. Bulacan
d. Pampanga

2. Ang lalawigang ito ay napapalibutan ng apat na iba pang


lalawigan mula sa Gitnang Luzon.
a. Zambales
b. Pampanga
c. Tarlac
d. Nueva Ecija

3. Isa sa mga pangunahing produkto ng lalawigang ito ay ang


kanilang matamis na manga dahil sa kanilang matatabang
lupain.
a. Aurora
b. Zambales
c. Bulacan
d. Pampanga

4. Ito ang tinaguriang Kamalig ng Bigas ng Gitnang Luzon.


a. Nueval Ecija
b. Bataan
c. Bulacan
d. Tarlac

5. Kilala ang lalawigang ito sa paggawa ng mga lambat-


pangisda.
a. Bataan c. Nueva Ecija
b. Bulacan d. Zambales

17
H. Panuto: Magbigay ng isa sa mga pangunahing produkto ng
bawat lalawigan sa Ginang Luzon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

6 1
7

5
2

Lalawigan Mga Produkto


1. Aurora
2. Bataan
3. Bulacan
4. Nueva Ecija
5. Pampanga
6. Tarlac
7. Zambales

Magaling! Kahanga-hanga! Dahil nasagot mo ng tama ang


mga tanong, maaari mo nang ituloy ang mga susunod
na gawain.

18
Isaisip

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang angkop na hanapbuhay sa uri


ng kapaligiran sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
Hanay A Hanay B

1. A.

2. B.

3. C.

Ikaw ay kapuri-puri at nasagutan mo ng tama ang lahat ng


mga tanong. Handa kana bang sagutan ang mga susunod na
Gawain?

19
Isagawa

Panuto: Gamit ang iyong natutuhan sa pagtatalakay, iguhit ang


mga pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng
bawat lalawigan sa Gitnang Luzon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Lalawigan Ikinabubuhay at Produkto

Aurora

Bataan

Bulacan

Nueva Ecija

Pampanga

Tarlac

Zambales

Mahusay! Maari mo ng sagutan ang susunod na gawain.

20
Tayahin

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.
1) Ano ang bumubuo sa halos walumpung porsiyento ng Bataan?
a) Bundok at Burol c) Ilog
b) Dagat d) Bulkan

2) Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga


pangunahing produkto ng Bulacan?
a) Paputok c) Alahas
b) Danggit d) Sitsaron

3) Ang mga tao sa lalawigang ito ay kilala dahil sa kanilang


angking husay sa pagluluto.
a) Tarlac c) Bataan
b) Zambales d) Pampanga

4) Alin sa mga sumusunod na lalawigan ang HINDI ang


pumapalibot sa lalawigan ng Tarlac?
a) Aurora c) Nueva Ecija
b) Pampanga d) Zambales

5) Anong mineral kung saan sagana ang lalawigan ng Zambales


a) Copper c) Iron
b) Maganese d) Chromite

Magaling! Binabati kita. Kahanga-hanga ang iyong


ipinakitang talino. Handa ka na sa susunod na gawain.

21
Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong.


Humingi ng tulong o gabay sa iyong mga magulang o tagapag-
alaga at sagutin o ibigay ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano-anong anyong lupa ang makikita sa ating lalawigan?


2. Ano-anong anyong tubig ang makikita sa ating lalawigan?
3. Magbigay ng mga pangunahing trabaho na siyang
ikinabubuhay sa ating lalawigan.
4. Magbigay ng mga produktong makikita sa ating lalawigan.
Mahusay! Binabati kita! Natapos mo ng sagutan ang lahat

ng mga aktibidad. Inaasahang nakamit mo ang lahat ng layunin


ng modyul na ito.

22
3
Araling
Panlipunan
Ika-apat na Markahan
Modyul 2
Pakinabang Pang-Ekonomiko ng mga
Likas na Yaman
ng Lalawigan at Kinabibilangang
Rehiyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kevin Chaster M. Cura
Tagasuri ng Nialalaman: Eva Fe F. Taclibon
Tagasuri ng Wika: John A. Ocampo
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jay Ahr E. Sison
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Patnugot: Bobby P. Caoagdan, Lamberto F. Gamurot
Tagasuri: Bobby P. Caoagdan, Lamberto F. Gamurot, Allan T. Manalo
Tagaguhit: Diana V. Facun
Tagalapat: Alvin E. Espejo

23
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong


kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang
mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 3.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:
1. Likas na Yaman ng Kinabibilangang Lalawigan at Rehiyon
2. Pakinabang Pang-Ekonomiya ng mga Likas na Yaman ng
Lalawigan at Rehiyon
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
1. natutukoy ang iba’t ibang pakinabang pang-ekonomiko ng
mga likas na yaman ng lalawigan at kinabibilangang
rehiyon;
2. nailalarawan ang iba’t ibang pakinabang pang-ekonomiko
ng mga likas na yaman ng lalawigan at kinabibilangang
rehiyon;
3. naipapaliwanag ang iba’t ibang pakinabang pang-
ekonomiko ng mga likas na yaman ng lalawigan at
kinabibilangang rehiyon; at
4. napahahalagahan ang mga pakinabang pang-ekonomiko
ng mga likas na yaman ng lalawigan at kinabibilangang
rehiyon. AP3EAP-IVa-2

24
Mga Tala para sa Guro
Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa konsepto ng
pakinabang pang-ekonomiko ng mga likas na yaman ng
lalawigan at kinabibilangang rehiyon. Mainam na gabayan
ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng aralin sa
pamamagitan ng paggamit ng modyul na ito.
Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung pano
matutulungan ang kanilang mga anak sa paggamit ng
modyul na ito.

Subukin

Panuto: Suriin ang mga larawan. Ipaliwanag kung paano


nakatutulong ang mga ito sa kabuhayan ng inyong komunidad.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. __________________________
__________________________
__________________________
__________________________
2. __________________________
__________________________
__________________________
__________________________
3. __________________________
__________________________
__________________________
__________________________

Napakahusay mo! Binabati kita! Maaari mo nang


ipagpatuloy ang iba pang gawain.

25
Pakinabang Pang-
Aralin
Ekonomiko ng mga Likas
1 na Yaman ng Lalawigan
at Kinabibilangang Rehiyon
Mabuhay! Alam mo ba na sagana sa likas na
yaman ang bawat lalawigan sa iba’t ibang rehiyon sa
Pilipinas? Maraming pakinabang ang nakukuha mula sa
mga likas na yamang ito. Pinagkukunan ito ng mga
hilaw na materyal na ginagawang sangkap sa pagbuo
ng yaring produkto na nakatutulong sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa. Ito rin ang sumusuporta at
pinanggagalingan ng pangunahing pangangailangan
ng tao.

26
Balikan

Panuto: Suriin mo naman ngayon ang mga larawan sa ibaba.


Hanapin sa Hanay B ang angkop na hanapbuhay sa uri ng
kapaligiran sa Hanay A. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B

1. a.

2. b.

3. c.

Uri ng Hanapbuhay
1. _______________________ = ____________________________
2.________________________= ____________________________
3.________________________= ____________________________
Binabati kita! Napakahusay mo

27
Tuklasin

Si Mang Arthur
Ni Aileen M. Muldong

Siya si Mang Arthur, isang magsasaka. Nakatira siya sa


bayan ng Bamban, sa lalawigan ng Tarlac. Pagtatanim ng palay
ang ikinabubuhay ng kanyang pamilya. May malawak na
taniman ng palay ang kanilang bayan kaya ito ang napiling
hanapbuhay ni Mang Arthur. Dalawang beses siya kung umani ng
palay sa isang taon.
Sipag, tiyaga at pagmamahal sa gawain ang mga puhunan
ng isang magsasaka. Ang mga katulad ni Mang Arthur ang
tumutugon sa pangangailangan natin ng pagkain tulad ng bigas,
gulay at prutas. Mapalad ang mga nakatira sa Gitnang Luzon
dahil sa malalawak na kapatagan nito.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong mula sa
nabasang teksto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang tauhan sa maikling kuwento? __________________
2. Saan siya nakatira? ____________________________________
3. Ano ang kanyang hanapbuhay? _______________________
4. Sa iyong palagay, bakit napiling magsaka ni Mang Arthur?
________________________________________________________.
Magaling! Ipagpatuloy ang iba pang Gawain!

28
Suriin

Kumusta ka na? Alam mo ba sa modyul na ito ay


malalaman mo ang mga nakukuhang kabuhayan mula sa mga
likas na yaman ng lalawigan at rehiyong kinabibilangan?
Ang Gitnang Luzon ay pinagpala ng malalawak na
kapatagan. Sagana ang mga lalawigan nito sa likas na yaman,
na pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan at kita ng
buong rehiyon.

Pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay sa Rehiyon III.


Maliban dito, ang pangingisda, paghahayupan, pagmimina,
industriyang pantahanan at pagpoproseso ng asukal ay ilan din
sa mga hanapbuhay ng mga mamamayan dito.
Ang Gitnang Luzon ay sagana sa ulan, mayaman at
matabang lupa na angkop sa pagsasaka. May maganda ring
sistema ng irigasyon sa rehiyon kung kaya’t kahit tag-init ay may
sapat na tubig ang mga bukirin.
Halika at ating alamin ang mga pinanggagalingan ng iba’t
ibang pinagkukunang yaman at hanapbuhay ng mga
mamamayan sa Rehiyon III o Gitnang Luzon!

29
Pakinabang Pang-Ekonomiko ng mga Likas na Yaman ng
Lalawigan at Kinabibilangang Rehiyon
1. Lalawigan ng Aurora
Pangingisda, pagtotroso at pagniniyugan ang mga
pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng Aurora.
May malawak na kabundukan ang lalawigan na nagsisilbing
taniman ng mga niyog at punongkahoy na pinagkukunan ng
tabla at poste na ginagamit sa paggawa ng bahay, upuan,
mesa, aparador, muwebles, at iba pang mga gamit na gawa sa
kahoy. Dahil sa ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko,
mayroon itong magagandang dalampasigan na madalas
pasyalan ng mga turista dahil sa kaakit-akit na kaanyuan nito.
Sagana rin sa tubig tabang ang lalawigan na nagmumula sa
mga talon nito.

2. Lalawigan ng Bataan
Pangingisda at turismo ang mga pangunahing ikinabubuhay
ng taga-Bataan dahil sa yamang tubig nito. Mayroon ding
malalaking babuyan at manukan. Kilala rin ang lalawigan ng
Bataan sa masasarap nitong tinapa, lamang- dagat at daing na
isda lalo na ang tuyong lapad. Sa Bataan din matatagpuan ang
minahan ng bakal at marmol. Ang baybay-dagat sa Bataan ay
madalas gawing pasyalan ng mga turista tulad ng Bagac Beach
Resort at Morong Star Hotel and Resort.

30
Lalawigan ng Bulacan
Maraming palaisdaan o fishpond sa lalawigan ng Bulacan.
Bangus, tilapia, sugpo, alimango at iba pang cultural seafood
ang matatagpuan dito. Mayroon ding minahan ng bakal, apog
at marmol sa Bulacan. Bukod sa pangingisda may pagawaan ng
alahas at kultihan ng balat ng mga hayop, pagawaan ng kutsilyo,
itak, bakya at paso sa lalawigan ng Bulacan.

Lalawigan ng Nueva Ecija


Kabilang sa kayamanan ng Rehiyon ay ang malawak na
kapatagan ng lalawigan ng Nueva Ecija. Itinuturing na “Kaban
ng Bigas” o Rice Bowl of the Philippines, na pangunahing
pinagkukunan ng palay o bigas sa rehiyon. Gayundin naman,
mayaman ito sa produksyon ng sibuyas.

31
Lalawigan ng Pampanga
May malalawak na ilog at palaisdaan ang Pampanga na
nagbigay daan sa pagiging mangingisda ng ilan sa mga
naninirahan dito. Paggawa ng asukal ang isa sa pangunahing
industriya sa lalawigan.Tanyag din ang Pampanga sa paggawa
ng mga higante at makukulay na mga parol at mga muwebles.
May minahan din ng buhangin at luwad sa lalawigan. Maliban sa
palaisdaan, mayroon ding malalaking babuyan at manukan.

Lalawigan ng Tarlac
May malawak na taniman ng tubo, palay, at gulay sa
lalawigan ng Tarlac dahilan upang makapagprodyus ito ng
asukal, bigas at sariwang gulay na nagbibigay kabuhayan sa
mga naninirahan dito. May minahan din ng manganese at
pagawaan ng sawali, paso at muwebles sa Tarlac.

32
Lalawigan ng Zambales
Ang lalawigan ng Zambales ay may malawak na
kabundukan na pinanggagalingan ng mga mineral tulad ng
chromite, ginto, at tanso. Nagtatanim din ang rehiyon ng tubo,
mais, milon, pakwan kasama na rin ang matatamis na mangga
mula sa Zambales at iba’t ibang uri ng gulay na pinagkakakitaan
ng mga tao. Pinagkukunan din ito ng tabla at poste na ginagamit
sa paggawa bahay, upuan, mesa, aparador, muwebles at iba
pang mga gamit sa gawa sa kahoy. Maraming mga yamang-
dagat tulad ng mga isda, hipon, pusit at iba pang
pinagkakakitaan ng mga tao sa Zambales.

Sa kabuuan, ang sektor ng agrikultura ang nangunguna sa


malaking ambag sa ekonomiya ng rehiyon. Pumapangalawa rito
ang industriya. Ang mataas na produksiyon ng palay, mais at iba
pang pananim at hayop ang nagbunga ng mabilis na paglago
ng ekonomiya.
Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang Gitnang Luzon ay may malawak na kapatagan. Ano
ang karaniwang hanapbuhay ng mga nakatira rito?
2. Maraming palaisdaan o fishpond sa lalawigan ng
Bulacan, ano-ano ang mga produktong matatagpuan dito?
3. Anong lalawigan ang may mataas na produksiyon ng
palay kaya ito tinaguriang Rice Bowl of the Philippines?

33
4. Anong lalawigan sa Gitnang Luzon ang tanyag sa
paggawa ng mga higante at makukulay na mga parol at mga
muwebles.
5. Ang mga lalawigan tulad ng Bulacan at Pampanga, ay
may malalawak na ilog at palaisdaan, ano ang karaniwang
hanapbuhay ng mga nakatira rito?

Pagyamanin

A. Panuto:Tukuyin kung anong lalawigan sa Gitnang Luzon ang


hinihingi at inilalarawan ng bawat bilang. Gamitin bilang
pantulong sa pagsagot ang mga panimulang letra na ibinigay.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
________1. Anong P na lalawigan ang may malalawak na ilog at
palaisdaan na nagbigay daan sa pagiging
mangingisda ng ilan sa mga naninirahan dito?
________2. Anong T na lalawigan ang may malawak na taniman
ng tubo dahilan upang makapagprodyus ito ng asukal
na nagbibigay kabuhayan sa mga
naninirahan dito?
________3. Anong N na lalawigan ang tinaguriang Rice Bowl of the
Philippines?
________4. Anong A na lalawigan ang may malawak na
kabundukan na pinagkukunan ng tabla at poste na
ginagamit sa paggawa ng bahay, upuan, mesa,
aparador, muwebles, at iba pang mga gamit na gawa
sa kahoy?
________5. Anong Z na lalawigan ang may malawak na
kabundukan na pinanggagalingan ng mga mineral
tulad ng chromite, ginto at tanso?

34
B. Panuto: Tukuyin kung saang lalawigan sa Gitnang Luzon mas
kilala o matatagpuan ang mga sumusunod na likas na yaman
o produkto? Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa
sagutang papel ang tamang sagot.

Tarlac Bataan Pampanga


Zambales Nueva Ecija

__________ 1. Tinapa __________4. higanteng parol


__________ 2. Asukal __________5. Chromite
__________3. palay
Magaling! Ipagpatuloy mo ang iba pang Gawain.

C. Panuto: Hanapin ang mga likas na yaman o produktong


matatagpuan sa bawat lalawigan sa Gitnang Luzon mula sa
loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Q M T P Y X U A
1. ___________
N G I N T O Q P
H Q X R Q Z D O 2. ___________
O P A L A Y C G
3. ___________
B Z K O U Y F Z
B U H A N G I N 4. ___________
X H X J G V F G
5. ___________
Y R J N R C G E
V H Y M X R T H
A S U K A L W Z

Magaling! Ipagpatuloy mo ang iba pang Gawain.

35
Ang mga likas na yaman ay nakatutulong sa pagkakaroon
ng kabuhayan ng mga mamamayan sa lalawigan.

D. Panuto: Ihanay ang mga likas na yaman o produkto na nasa


Hanay A sa mga lalawigan na nasa Hanay B kung saan ito mas
kilala o tanyag. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang
papel.

Hanay A Hanay B
_____1. palay a. Bataan at Bulacan
_____2. asukal b. Pampanga
_____3. minahan ng apog c. Zambales
_____4. ginto at tanso
d. Tarlac
_____5. buhangin at luwad
e. Nueva Ecija

f. Aurora

Magaling! Ipagpatuloy mo ang iba pang Gawain

36
E. Panuto: Pag-ugnayin ang mga lalawigan sa hanay A sa mga
larawan sa hanay B tungkol sa mga uri ng kabuhayan o
hanapbuhay na makikita sa mga naninrahan dito. Isulat sa
sagutang papel ang tamang sagot.

Hanay A Hanay B
A.
_____1. Tarlac

B.
_____2. Bataan

C.

_____3. Zambales

D.

_____4. Nueva Ecija


E.

F.

_____5. Pampanga

Magaling! Ipagpatuloy mo ang iba pang gawain.

37
F. Panuto: Piliin mula sa loob ng kahon ang salita o mga salitang
tinutukoy sa bawat bilang na tungkol sa mga likas na yaman,
produkto o hanapbuhay na matatagpuan sa bawat lalawigan
sa Gitnang Luzon. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

pagtotroso
kaban ng bigas
melting pot
turista
pagsasaka
asukal

_______ 1. Ang Nueva Ecija ang pangunahing pinagkukunan


ng palay at bigas sa rehiyon kaya tinagurian itong
________________________.
_______ 2. Ang lalawigan ng Aurora ay may malawak na
kabundukan na pinagkukunan ng tabla at poste
kung kaya ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
tao rito ay _______________.
_______ 3. Ang Gitnang Luzon ay pinagpala ng malalawak na
kapatagan kung kaya __________ ang pangunahing
hanapbuhay ng mga naninirahan dito.
_______ 4. Ang magagandang dalampasigan ng Aurora,
Zambales at Bataan ay madalas gawing pasyalan
ng mga _________ dahil sa kaakit-akit na kaanyuan
ng mga ito.
_______ 5. May malawak na taniman ng tubo sa lalawigan ng
Tarlac dahilan na makapagprodyus ito ng
__________ na nagbibigay kabuhayan sa mga
naninirahan dito.
Magaling! Ipagpatuloy mo ang iba pang Gawain

38
G. Panuto: Piliin ang angkop na hanapbuhay na maaring ibigay
ng mga sumusunod na likas na yaman ng bawat lalawigan sa
Gitnang Luzon. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang
papel.
a. Pagtotroso
b. Pagsasaka
c. Pagmimina
d. Pangingisda
e. Paghahayupan
_____ 1. Kabilang sa kayamanan ng Rehiyon III ay ang
malawak na kapatagan ng lalawigan ng
Nueva Ecija.
_____ 2. Ang lalawigan ng Aurora ay may malawak na
kabundukan na pinagkukunan ng tabla at poste.
_____ 3. Ang lalawigan ng Zambales ay may malawak na
kabundukan na pinanggagalingan ng mga mineral
tulad ng chromite, ginto, at tanso.
_____ 4. Maraming palaisdaan o fishpond sa mga lalawigan ng
Bulacan, Bataan at Pampanga. Bangus, tilapia, sugpo,
alimango at iba pang seafood ang matatagpuan
dito.
_____ 5. Ang taniman ng tubo sa lalawigan ng Tarlac na
ginagawang asukal na nagbibigay kabuhayan sa
mga mamamayan dito.

Magaling! Ipagpatuloy mo ang iba pang Gawain

39
H. Panuto: Isulat sa tapat ng pahayag kung ano ang maaaring
maging hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa
lalawigang inilalarawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang Nueva Ecija ay may pinakamalawak na kapatagan sa


rehiyon. _____________________
2. Matatagpuan at makabibili ng mga higanteng parol sa
lalawigan ng Pampanga.__________________
3. Ang lalawigan ng Zambales na may yamang mineral tulad
ng ginto, chromite, at tanso.______________________
4. Ang lalawigan ng Aurora ay kilala sa malawak na
kagubatan. _________________________.
5. Ang lalawigan ng Bataan, Pampanga at Bulacan na kilala
sa malalawak na palaisdaan na pinagkukunan ng bangus,
tilapia, sugpo at iba pang cultural seafoods________________
Kahanga-hanga ka! Dahil nasagot mo ang mga tanong,

maaari mo nang ituloy ang mga susunod na gawain.

40
Isaisip

Panuto: Punan ng mga angkop na salita ang sumusunod na


talata tungkol sa mga likas na yaman na matatagpuan sa bawat
lalawigan sa Gitnang Luzon. Piliin ang letra ng iyong sagot at isulat
ito sa sagutang papel
a. mangingisda d. kaban ng bigas
b. pagsasaka e. turista
c. agrikultura

Ang Gitnang Luzon ay pinagpala ng malalawak na


kapatagan kung kaya _______________ ang pangunahing
hanapbuhay ng mga naninirahan dito. Ang Nueva Ecija na
tinaguriang _______________ na pangunahing pinagkukunan ng
palay at bigas sa rehiyon. Bukod sa malawak na kapatagan,

ang mga lalawigan ng Bataan, Bulacan , Pampanga ,


Zambales, at Bataan ay may mga yamang dagat kung kaya’t
ang ilan sa mga naninirahan dito ay ________________. Ang mga
dalampasigan o aplaya ng Aurora, Bataan at Zambales naman
ay ginagawang pasyalan ng mga _________________ .Sa
kabuuan, ang sektor ng ____________________ ang nangunguna
sa malaking ambag sa ekonomiya ng rehiyon. Pumapangalawa
rito ang industriya. Ang mataas na produksiyon ng palay, mais
at iba pang pananim at mga hayop ang nagbunga ng mabilis
na paglago ng ekonomiya ng rehiyon.

41
Isagawa

Panuto: Ang mga sumusunod na larawan ay mga likas na yaman


na makikita sa Gitnang Luzon. Tukuyin kung anong mga produkto
at hanapbuhay ang maaaring mapakinabangan ng mga
karaniwang naninirahan dito? Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Likas na Yaman Produkto/Pakinabang Hanapbuhay

42
Tayahin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat tanong. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang lalawigan ng Aurora ay kilala sa malawak na kagubatan
nito. Maraming matataas na punongkahoy ang nakukuha rito.
Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taong
naninirahan sa lalawigan ng Aurora?
a. Pagtotroso
b. Pangingisda
c. Pagsasaka
d. Pagmimina
2. Bakit tinaguriang “Kaban ng Bigas” o Rice Bowl of the
Philippines ang lalawigan ng Nueva Ecija?
a. Dahil malalakas ang ulan sa Nueva Ecija kaysa mga
lalawigan sa rehiyon.
b. Dahil ito ay pangunahing pinagkukunan ng palay at
bigas sa rehiyon.
c. Dahil karamihan sa mga mamamayan dito ay may
malawak na aplaya o beaches na nagbibigay patubig sa
mga palayan
d. Dahil tinagurian itong tagasalo ng tubig sa rehiyon
3. Anong lalawigan sa Gitnang Luzon ang may malawak na
kabundukan na pinanggagalingan ng mga mineral tulad ng
ginto, tanso, at chromite?
a. Bataan
b. Zambales
c. Pampanga
d. Bulacan

43
4. Maraming anyong tubig ang matatagpuan sa mga lalawigan
ng Bataan, Pampanga, at Bulacan Ano ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga taong naninirahan?
a. Pananahi
b. Pagkakaingin
c. Pagtotroso
d. Pangingisda
5. Ang mga lalawigan ng Tarlac at Pampanga ay may
malalawak na taniman ng tubo. Ano ang kabuhayan ng mga
taong naninirahan sa mga nabanggit na lalawigan?
a. Pagmimina ng marmol
b. Paggawa ng pataba
c. Paggawa ng asukal
d. Paggawa ng sawali

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng mga likas na yamang makikita sa


kinabibilangang lalawigan gamit ang malinis na bond paper.
Isulat mo sa likod nito ang maikling paliwanag kung anong
kapakinabangan ang natatamasa ng inyong lalawigan sa mga
likas na yamang ito.

Napakahusay mo! Binabati kita at matagumpay mong


natapos sagutin ang lahat ng gawain sa modyul na ito.

44
3
Araling Panlipunan
Ika-apat na Markahan
Modyul 3 at 4
Kabuhayan Mula sa Kalikasan

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kevin Chaster M. Cura
Tagasuri ng Nialalaman: Eva Fe F. Taclibon
Tagasuri ng Wika: John A. Ocampo
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jay Ahr E. Sison
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Patnugot: Bobby P. Caoagdan, Lamberto F. Gamurot
Tagasuri: Bobby P. Caoagdan, Lamberto F. Gamurot, Allan T. Manalo
Tagaguhit: Diana V. Facun
Tagalapat: Alvin E. Espejo

45
Alamin

Bawat lalawigan ay lumilikha ng produkto. Nakikilala ang


bawat lalawigan sa natatanging produktong nililikha nila. Ito ang
dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang industriya na tumutulong
sa pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon. Bawat industriya ay
tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng
mga mamamayan.
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:
1. Pinanggalingan ng mga Produkto at Industriya sa mga
Lalawigan ng Ating Rehiyon
2. Mga Produkto at Kalakal ng Ating Rehiyon
3. Magkakaugnay na Pangkabuhayan ng mga Lalawigan sa
Ating Rehiyon
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
1. natatalakay ang pinanggagalingan ng mga produkto ng
kinabibilangang lalawigan;
2. naiisa-isa ang mga produkto at industriya sa mga lalawigan
ng kinabibilangang rehiyon; at
3. naiuugnay ang mga pangkabuhayan ng mga lalalwigan sa
rehiyong kinabibilangan

Mga Tala para sa Guro


Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa kabuhayan
mula sa kalikasan. Mainam na gabayan ang mga mag-
aaral sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng
paggamit ng modyul na ito.
Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung pano
matutulungan ang kanilang mga anak sa paggamit ng
modyul na ito.

46
Subukin

Panuto: Ang bawat lalawigan ay kilala sa natatanging


produktong nililikha nila. Pagtambalin ang lalawigan sa Hanay A
at produkto nito sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
Hanay B
Hanay A
a.
1. Aurora

b.
2. Bataan

c.
3. Bulacan

d.
4. Nueva Ecija

e.
5. Pampanga

f.
6. Tarlac

g.
7. Zambales

Kung nasagutan mo lahat ng tama ang pagsusulit na ito, ay


binabati kita. Napakahusay mo!
Halika! Lalo nating palawakin ang iyong kaalaman sa tulong
ng mababasa mong mga aralin.

47
Aralin
Kabuhayan Mula sa
1 Kalikasan

Sa modyul na ito ating tatalakayin ang mga


produkto ng iba’t ibang lalawigan at ang mga
pinanggagalingan ng mga produktong ito.
Bawat lalawigan ay lumilikha ng produkto. Nakikilala
ang bawat lalawigan sa natatanging produktong
nililikha nila. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng iba’t
ibang industriya na tumutulong sa pag-unlad ng
ekonomiya ng rehiyon. Bawat industriya ay tumutugon sa
pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

48
Balikan

Panuto: Isulat sa loob ng kahon kung anong mga produkto at


hanapbuhay ang nakikita sa bawat lalawigan? Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Lalawigan Mga Produkto Hanapbuhay

1. Aurora

2. Bataan

3. Bulacan

4. Nueva Ecija

5. Pampanga

6. Tarlac

7. Zambales

Magaling! Binabati kita! Maari ka ng magpatuloy sa ibang


gawai

49
Tuklasin
Panuto: Ano-ano ang mga pangunahing produkto o kalakal ng
bawat lalawigan sa Rehiyon III. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

6 1
7

5
2

Napakahusay! Handa ka na sa bagong aralin!

Kabuhayan Mula sa Likas na Yaman


Ang Aurora ay isang lalawigan sa Rehiyon III na dinarayo ng
mga turista dahil sa magaganda nitong
dalampasigan at mga dagat na kilala bilang
mga diving at surfing spot.
Ikinabubuhay din ng mga tao roon
ang pagsasaka. Niyog at palay
ang kanilang pangunahing
produkto.

50
Ang Bataan ay kilala sa pangingisda.
Kilala rin ang lalawigan sa paggawa ng
bagoong, patis, tuyo, daing at tinapa.
Gumagawa din sila ng lambat na ginagamit
sa pangingisda. Nagtatanim din sila ng palay,
mais at tabako.

Ang Bulacan ay kilala rin sa


paggawa ng alahas, paputok, katad,
aquaculture, paghahayupan, sitsaron at
mga native na kakanin tulad ng
pastilyas, minasa, inipit at ensaymada.

Ang Nueva Ecija ay kilala sa


malalawak na taniman ng palay,
sibuyas at gulay. Dito matatagpuan
ang Philippine Carabao Center na
nagpaparami ng kalabaw na
pinagkukunan ng sariwa at
masustansiyang gatas.
Ang Philippine Rice Research Institute (PhilRICE) ay ahensiya
ng pamahalaan na nag-aaral at lumilikha ng matataas na uri ng
palay. Pinauunlad din nito ang pag-aaral sa teknolohiya ng
pagsasaka.

51
Ang Pampanga ay kilala sa
paggawa ng mga makukulay at
higanteng parol. Bukod sa husay
nilang magluto, kilala rin ang
Pampanga sa mga naprosesong
pagkain mula sa karne, paggawa ng
mga muwebles at mga kasangkapang
yari at inukit mula sa kahoy, paggawa
ng mga paso at iba pang mga kasangkapang yari sa luwad at
pagmimina ng buhangin.

Ang Tarlac ay kilala sa malalawak


na taniman ng tubo sa rehiyon. Mayroon
din itong malalawak na taniman ng
palay, mais, tabako at mga gulay.

Ang Zambales ay tanyag sa


taniman ng matatamis na mangga.
Maunlad ang pagsasaka sa
lalawigan na ang pangunahing
pananim ay palay, mais, gulay at
mga halamang-ugat. Sagana ang
lalawigan sa yamang tubig na nakukuha sa West Philippine Sea.

Sektor ng Agrikultura
Ang probinsiya ng Nueva Ecija ang
pinagmumulan ng pinakamaraming aning
palay sa buong rehiyon. Nagtatanim din sila
ng tubo, niyog, mais, milon, pakwan
at gulay.
Maraming pakinabang ang nakukuha
mula sa mga aning palay sa Rehiyon III dahil ito ang nagsisilbing

52
pangunahing pagkain ng mga tao. Mula sa aning palay na ito
ginagawa ang pinagmamalaki nating mga kakanin gaya ng
suman na iniluluwas sa ibang bansa.
Ang bawat lalawigan ay may
malalawak na kapatagan na
pinagtatamnan ng halaman na
pinagmumulan ng mga iba’t ibang produkto
kaya ito tinawag na “Sentro ng Agrikultura”.

Suriin

Ang Central Azucarera de Tarlac Incorporated ay


gumagawa ng asukal mula sa inaning tubo sa malalawak na
taniman ng Tarlac at Pampanga. Ang Pampanga’s Best at
Mekeni Food Products ay kilalang gumagawa ng tosino,
longganisa at hotdog na iniluluwas sa rehiyon at sa buong bansa.
Ang mga probinsiya ng Bataan, Bulacan at Pampanga ay
mayroon ding malalawak na palaisdaan ng bangus, hipon,
talangka at iba pang uri ng isda.

Iba Pang Kabuhayan sa Rehiyon III


Bukod sa pagsasaka at pangingisda na nangungunang
kabuhayan sa Gitnang Luzon, nagsisilbing kabuhayan din ang
paggawa ng silya, basket, salakot at iba pang produktong yari sa
kawayan. Mga pagkaing tulad ng araro o uraro, pastilyas,
silvanas, sitsaron, chichacorn, suman at mga kakanin.
Gumagawa naman ng sawali ang mga taga- Tarlac, alahas sa
Bulacan at iba pa gaya ng paso, kutsilyo at mga produktong
gawa sa balat ng hayop.
(Pinagkuhanan: www.dti.gov.ph/profileofregionIII)

53
Paano ang pakikipagkalakalan ng mga lalawigan sa bawat
rehiyon? Ano-ano ang produktong kinakalakal sa mga lalawigan
ng rehiyon? Atin itong alamin mula sa isang kuwento.

Produkto at Kalakal sa Rehiyon ng Gitnang Luzon


Nagpatawag ng pagpupulong si Gitnang Luzon sa kaniyang
mga lalawigan upang pag-usapan ang mga produkto at kalakal
nito.

Gitnang Luzon Tinawag ko kayo


upang pakinggan ang
inyong ulat tungkol sa mga
produkto at kalakal na
mayroon sa inyong
lalawigan. Maaari ka bang
magsimula Aurora?

Aurora
Pagsasaka ang aming
pangunahing hanapbuhay
sa lalawigan. Palay, gulay
at niyog ang aming mga
produkto rito. Dinarayo rin
ng mga turista ang aming
mga magagandang
dalampasigan.

54
Gitnang Luzon
Isang magandang
balita iyan! Ipagpatuloy
natin ang pag- uulat.
Bataan, Bulacan, Nueva
Ecija, Pampanga, Tarlac
at Zambales.

Bataan
Dahil kami ay isang Peninsula, marami
kaming nahuhuling isda, sugpo, alimango
at iba pang yamang tubig. Kilala kami sa
paggawa ng mga lambat para sa
pangingisda. Nagtatanim din kami ng
palay at mga gulay. Kilala rin ang aming
lugar sa mga pagawaan at pabrika.

Sa lalawigan ng Bulacan maunlad Bulacan


ang pag-aalaga ng manok at baboy.
Mayaman din ang aming lalawigan sa
deposito ng marmol, bakal at limestone
kung kaya’t maunlad din dito ang
pagmimina. Nagtatanim din kami ng
mga palay at iba pang gulay. Kilala rin
ang lugar namin sa paggawa ng mga
paputok, alahas, sitsaron at mga kakanin
tulad ng ensaymada, inipit, pastilyas
at minasa.

55
Nueva Ecija Malugod ko pong ibinabalita sa
inyo na kami ang kinikilalang “Kamalig
ng Bigas” sa Rehiyon III dahil sa
maunlad na industriya ng pagtatanim
ng palay. Masagana ang ani ng mais,
sibuyas, mangga, saging, bawang at
iba pang mga gulay sa aming
lalawigan. May tsinelas, gatas ng
kalabaw at mga kakanin din tulad ng
pastilyas, silvanas at suman. Mayaman
din kami sa feldspar na ginagamit sa
paggawa ng salamin at ceramics.

Pagsasaka rin ang


Pampanga
hanapbuhay ng mga tao sa
aming lalawigan. Palay, mais at
tubo rin ang ilan sa aming mga
produkto. Gumagawa rin kami
ng tosino, longganisa, sisig,
parol at mga muwebles na yari
sa kahoy, mga paso at iba
pang bagay na yari sa luwad.

Sa lalawigan ng Tarlac
Tarlac, pagsasaka rin ang
pangunahing industriya.
Nag- aani kami ng tubo,
mais, bawang,
sibuyas,kamote at iba
pang mga gulay. May
industriya din kami sa
paggawa ng paso,
kamote, wine,

56
Zambales

Sa lalawigan ng Zambales,
matatagpuan ang matatamis at
malalaking mangga.
Nagtatanim din kami ng palay,
mais at mga gulay. Maunlad din
sa aming lugar ang pagmimina
ng chromite, copper at ginto.

Maraming salamat sa inyong Gitnang Luzon


pag-uulat. Inaasahan ko na
ang ating produkto at kalakal
ay makatutulong sa higit na
paglago ng ekonomiya ng
ating rehiyon, ang Gitnang
Luzon. Ganoon pa man, nais
kong malaman ninyo na ang
mga produkto mula sa mga
likas na yaman ng ating mga
lalawigan ay nauubos din.
Sa kabila ng saganang ani, marapat na isipin natin
kung paano mapapanatili at mapangangaalagaan
ang mga ito. Dapat nating isaalang-alang ang wastong
paggamit nito para rin sa kapakinabangan ng susunod
na henerasyon.

57
Mga Panahon ng Pag-aani
Nakapunta na ba kayo sa isang grocery store? Napag-
isipan ba ninyo kung saan nanggagaling ang mga produktong
nabibili sa tindahan?

Naku, Oo nga, hindi kasi


mare! Ang panahon ng ani
mahal ng ngayon. Kinukuha
mangga pa sa ibang
ngayon. lalawigan ang
mangga!

Narinig mo na ba ang ganitong usapan?


Paano nagkakaroon ng mangga sa mga grocery store
gayong wala namang ani sa bukid? Saan kaya nanggagaling
ang mga produkto sa tindahan?
Pansinin sa talahanayan ang mga produkto ng mga
lalawigan sa Rehiyon III. Nakalagay dito ang mga produkto ng
bawat lalawigan sa iba’t ibang panahon.
Talahanayan 1: Enero hanggang Hunyo 2013

Dami ng
Dami ng Pangangailangan
Lalawigan Produkto
Produksiyon ng mga Kasapi sa
Buong Rehiyon
Aurora niyog 2,500 tonelada 1,900 tonelada
sugpo at
Bataan 3,300 kilo 2,400 kilo
alimango
baboy at
Bulacan 6,000 kilo 4,500 kilo
manok
Pampanga palay 4,200 kaban 3,500 kaban
Nueva Evija palay 5,500 kaban 4,000 kaban
Tarlac tubo 2,300 tonelada 3,100 tonelada
Zambales mangga 4,300 kilo 4,500 kilo
Pinagkunan: www.dti.gov.ph/profileofregionIII

58
Sa talahanayan makikita ang mga produkto ng bawat
lalawigan at kung ilan ang pangangailangan ng buong rehiyon.
Kung mapapansin mo sa unang talahanayan, ang kabuoang
pangangailangan ng palay ay 3,500 na kaban sa Pampanga at
4,000 kaban sa Nueva Ecija. Kung pagsasamahin ang produksiyon
ng dalawang lalawigan ay 9,700 kaban.

Pagyamanin

A. Panuto: Tukuyin kung anong lalawigan ang inilalarawan sa


bawat bilang sa aspekto ng produksiyon nito. Gamitin bilang
pantukoy sa pagsagot ang mga panimulang letra na ibinigay.
Isulat ang sagot sa sagutang papel
B__________1. Ang lalawigan na ito ay kilala sa paggawa
ng bagoong, patis, tuyo, daing at tinapa.
N__________2. Ito ay may malawak na taniman ng palay,
sibuyas, at gulay.
P__________3. Kilala ang lalawigang ito sa paggawa ng
makukulay at higanteng parol?
Z__________4. Tanyag sa taniman ng matatamis na
mangga ang lalawigang ito.
T__________5. Ito ay kilala sa malalawak na taniman ng
tubo sa rehiyon.

59
B. Panuto: Pagtambalin ang lalawigan sa Hanay A at produkto
nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
Hanay A Hanay B

___ 1. Tarlac
a
___ 2. Bataan

___ 3. Pampanga

___ 4. Nueva Ecija


b
___ 5. Zambales

60
May pagkakataon na ang pangangailangan ng isang
lalawigan ay natutugunan ng ibang lalawigan.
C. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita na may
kinalaman sa pakikipag-ugnayan ng bawat lalawigan sa
Gitnang Luzon.

M X O Q M K D M L C M G
I T D V B G H X Z F B W
N R B W T Y Y I L X W G
A W N I Y O G Z R T G R
H Y H R W M V C K B D T
A X J T Q K S X R S D W
N Y A M A N G D A G A T
F V X G H D N V X S A F
R Y S X I Z X X N R C W
P R O D U K T O C X H K
W W M N L T Y L B V K H
A G R I K U L T U R A B

D. Panuto: Piliin mula sa loob ng kahon ang salita o mga salitang


tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
produkto niyog at palay
minahan yamang-dagat
mga produktong pang-agrikultura

1. Ang bawat lalawigan ay may mga ___________________na


kailangan kaya sila umaangkat mula sa ibang lalawigan.
2. Ang mga kompanyang gumagawa ng bahay at gusali na
nangangailangan ng produktong mineral bilang isa sa mga
materyales ay umaangkat mula sa lalawigang may
_________________ ng mineral.
3. Ang mga palengke ng isang lungsod ay umaangkat ng
mga palay at mais mula sa lalawigang may

61
____________________.
4. Ang Aurora ay kilala sa produktong ___________________.
5. Ang mga pangunahing produkto ng mga lalawigang
malapit sa dagat ay mga _____________________.

E. Panuto: Suriin at pag-aralang mabuti ang talahanayan sa


ibaba na may kinalaman sa produkto, dami ng produksyon at
pangangailangang dami ng mga kasapi sa rehiyon. Sagutin
ang mga sumusunod na tanong batay sa talahanayan. Piliin
ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Talahanayan bilang 1: Hulyo hanggang Disyembre 2013


Pangangailanga
Dami ng ng Dami ng mga
Lalawigan Produkto
Produksiyon Kasapi sa Buong
Rehiyon
3,100
Aurora niyog 2,800 tonelada
tonelada
sugpo at
Bataan 4,700 kilo 3,500 kilo
alimango
baboy at
Bulacan 6,500 kilo 5,000 kilo
manok
Pampang
palay 5,300 kaban 4,800 kaban
a
Nuev
palay 6,100 kaban 4,500 kaban
Ecija
2,600
Tarlac tubo 3,500 tonelada
tonelada
Zambales mangga 4,500 kilo 5,000 kilo
Pinagkunan: www.dar.gov.ph

1. Saang lalawigan maaaring umangkat ng palay ang iba


pang lalawigan sa Rehiyon III?
A.Tarlac C. Pampanga
B. Nueva Ecija D. Aurora

62
2. Ano ang maitutulong ng lalawigan ng Nueva Ecija sa buong
rehiyon?
A. Ang Nueva Ecija ang tutugon sa pangangailangan ng
tubo sa rehiyon.
B. Ang Nueva Ecija ang pangunahing tagapagtustos ng
palay at bigas sa rehiyon.
C. Ang Nueva Ecija ang pangunahing pinagkukunan ng
mangga at niyog sa rehiyon
D. Mataas ang produksyon ng alimango at sugpo sa
Nueva Ecija.
3. Ano sa palagay ninyo ang magiging presyo ng mangga sa
buwan ng Hulyo hanggang Disyembre batay sa datos?
Bakit?
A. Mura ang presyo ng mangga dahil mababa lamang
ang pangangailangan.
B. Mura ang presyo ng mangga dahil mataas ang
pangangailangan
C. Tataas ang presyo ng mangga dahil mababa lamang
ang dami ng pangangailangan,
D. Tataas ang presyo ng mangga dahil malaki ang
pangangailangan
4. Ano naman ang presyo ng sugpo at alimango sa buwan ng
Hulyo hanggang Disyembre?
A. Mura ang presyo ng sugpo at alimango dahil mababa
lamang ang pangangailangan.
B. Mura ang presyo ng sugpo at alimango dahil mataas
ang pangangailangan
C. Tataas ang presyo ng sugpo at alimango dahil
mababa lamang ang dami ng pangangailangan,
D. Tataas ang presyo ng sugpo at alimango dahil mataas
ang dami ng pangangailangan

63
5. Ano ang mabuting maidudulot ng pag-aangkat ng
produkto ng ibang lalawigan sa karatig lalawigan ng
rehiyon?
A. Ang pag-aangkat ng produkto ng ibang lalawigan sa
karatig lalawigan ng rehiyon ay dumarami ang bilang
ng kanilang lupain.
B. Ang pag-aangkat ng produkto ng ibang lalawigan sa
karatig lalawigan ng rehiyon ay natutustusan ang
kanilang pangangailangan.
C. Ang pag-aangkat ng produkto ng ibang lalawigan sa
karatig lalawigan ng rehiyon ay nakakapagbigay-aliw
sa mga tao.
D. Ang pag-aangkat ng produkto ng ibang lalawigan sa
karatig lalawigan ng rehiyon ay nagpapakita ng
pagiging makakalikasan.

F. Panuto: Gamit ang talahanayan bilang1 sa Gawain E, tukuyin


ang lalawigan at isulat ang mga ito sa Hanay B na siyang
pinanggagalingan ng mga produkto na nasa Hanay A. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

Niyog

Sugpo

Tubo

Mangga

Baboy at Manok

64
G. Panuto: Batay sa talahanayan bilang 1, iguhit ang ☺ kung ang
pahayag ay tama at naman kung mali. Iguhit ang iyong
sagot sa sagutang papel.
______1. Ang Nueva Ecija ang tinaguriang “Kamalig ng Bigas”
sa rehiyon dahil sa maunlad na industriya ng
pagtatanim ng palay.
______2. Sa lalawigan ng Tarlac maaaring mag-angkat ng
asukal ang mga karatig lalawigan nito.
______3. Umaabot ng halos 10, 000 kilo ng mangga ang
kailangan ng buong rehiyon ng Gitnang Luzon.
______4. Ang pag-aangkat ng produkto ng ibang lalawigan sa
karatig lalawigan ng rehiyon ay nakatutulong upang
matustusan ang kanilang pangangailangan.
______5. Sagana sa niyog ang lalawigan ng Tarlac dahil ito ay
malapit sa dagat.

65
H. Panuto: Suriin ang mga larawan na nasa loob ng kahon sa
susunod na pahina at tukuyin kung anong uri ng hanapbuhay
ang maaring gawin dito at magbigay ng produktong maaring
makuha mula rito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Larawan Hanapbuhay Produkto

Magaling! Kahanga-hanga! Dahil nasagot mo ng tama ang


mga tanong, maaari mo nang ituloy ang mga susunod na gawain.

66
Isaisip

Panuto: Magbigay ng dalawang produkto na maaaring makuha


mula sa mga larawan sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. ______________________
2. ______________________

1. ______________________
2. ______________________

1. ______________________
2. ______________________

Ikaw ay kapuri-puri at nasagutan mo ng tama ang lahat ng


mga tanong. Handa kana bang sagutan ang mga susunod na
Gawain?

67
Isagawa

Panuto: Magsulat ng isang produktong maaring makuha sa mga


sumusunod na lalawigan ng Gitnang Luzon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Lalawigan Produkto
Aurora
Bataan
Bulacan
Pampanga
Nueva Ecija
Tarlac
Zambales

Mahusay! Maari mo ng sagutan ang susunod na gawain.

68
Tayahin

Panuto: Piliin ang lalawigan na tinutukoy sa bawat pangungusap


sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Dito matatagpuan ang mga matatamis na mangga sa


rehiyon.
A. Aurora C. Bulacan
B. Bataan D. Zambales
2. Sa lalawigang ito matatagpuan ang Philippine Carabao
Center.
A. Nueva Ecija C. Tarlac
B. Bataan D. Zambales
3. Kilala ang lalawigang ito sa galing nila sa pagluluto.
A. Tarlac C. Bataan
B. Zambales D. Pampanga
4. Kilala ang lalawigang ito sa paggawa ng alahas, paputok,
katad, aquaculture, paghahayupan, sitsaron at mga
native na kakanin tulad ng pastilyas, minasa, inipit at
ensaymada.
A. Bataan C. Nueva Ecija
B. Bulacan D. Zambales
5. Isang lalawigan sa Rehiyon III na dinarayo ng mga turista
dahil sa magaganda nitong dalampasigan at mga dagat,
na kilala bilang mga diving at surfing spot.
A. Aurora B. Bulacan
B. Bataan D. Nueva Ecija
C.

Magaling! Binabati kita. Kahanga-hanga ang iyong


ipinakitang talino. Handa ka na sa susunod na gawain.

69
Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.


Maaaring humingi ng tulong o gabay sa iyong mga magulang o
tagapag-alaga. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Anong mga produkto ang makikita sa inyong lalawigan?
2. Anong pangkabuhayan na mula sa kalikasan mayroon sa
inyong lalawigan?
3. Paano mapagyayaman ang mga produktong ito para sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga mamamayan sa
lalawigan at rehiyon?
Mahusay! Binabati kita! Natapos mo ng sagutan ang lahat
ng mga aktibidad. Inaasahang nakamit mo ang lahat ng layunin
ng modyul na ito.

70
71
Gawain A Gawain E
1. Alahas 1. Tarlac
2. Niyog 2. Pampanga
3. Palay 3. Nueva Ecija
4. Bawang 4. Bataan
5. Mangga 5. Bulacan
6. Tubo
7. Parol Gawain F
1. Masaya
Gawain B 2. Malungkot
1. Niyog 3. Masaya
2. Palay 4. Masaya
3. Alahas 5. Malungkot
4. Parol
5. Tubo Gawain G
1. A
Gawain C 2. C
1. Zambales 3. B
2. Nueva Ecija 4. A
3. Bataan 5. A
4. Tarlac
5. Bulacan Gawain H
1. Aurora – niyog at palay
Gawain D 2. Bataan – lambat-pangisda
1. Diving at surfing 3. Bulacan – alahas, paputok, sitsaron, handicrafts, at
2. Pagsasaka kakanin
3. Culinary capital 4. Nueva Ecija – bigas, mais, sibuyas, bawang, tubo,
4. Chromite manganese at copper
5. Manganese at Copper 5. Pampanga – parol, muebles, produktong gawa sa
6. Paputok kamay
7. Pangingisda 6. Tarlac – palay at tubo
7. Zambales – mangga at Chromite
Modyul 1:
Susi sa Pagwawasto
72
Suriin Pagyamanin D Pagyamanin H
1. Pagsasaka 1. E 1.Pagsasaka
2. Sugpo, tilapia, 2. D 2.Gawaing Pang-
bangus at iba pa 3. A industriya
3. Nueva Ecija 4. C 3.Pagmimina
4. Pampanga 5. B 4.Pagtotroso
5. Pangingisda 5.Pangingisda
Pagyamanin E
Pagyamanin A 1. B Isaisip Gawain 1
1. Pampanga 2. F 1. B
2. Tarlac 3. E 2. D
3. Nueva Ecija 4. C 3. A
4. Aurora 5. A 4. E
5. Zambales 5. C
Pagyamanin F
Pagyamanin B
1. Kaban ng Bigas Isagawa Gawain 2
1. B
2. Pagtotroso 1. 1.bangus/pangingisda
2. A
3. Pagsasaka 2. 2.troso/pagtotroso
3. E
4. turista 3. 3.palay/pagsasaka
4. C
5. asukal 4. 4.asukal/pagpoproses
5. D
o ng asukal
5. 5.gitno/pagmimina
Pagyamanin C Pagyamanin G
palay 1.B
buhangin 2,A Tayahin Gawain 3
asukal 3.C 1. A
apog 4.D 2. B
ginto 5. B 3. B
4. D
5. C
Modyul 2:
Susi sa Pagwawasto
73
Gawain A Gawain F
Tarlac Aurora
Zambales Bataan
Pampanga Tarlac
Nueva Ecija Zambales
Bataan Bulacan
Gawain B Gawain G
A Masaya
D Masaya
F Malungkot
B Masaya
E Malungkot
Gawain C Gawain H
Produkto Pagmimina – Chromite,
Yamang-Dagat manganese, Copper
Agrikultura Pagsasaka – Mais,
Niyog palay, gulay
Minahan Pangingisda – Isda,
Gawain D hipon, posit, talaba
Aurora
Bataan
Bulacan
Tarlac
Zambales
Gawain E
B
A
D
C
B
Modyul 3 to 4:
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Austria, Ma. Rosalie, Jeaneth Doyog, Mary Abigail Bautista,


Diosdado Mateo, Jose Galang, Teodora Mendoza,
Angelique Romero, Mary Jane De Vera, Grace Almera, and
Alma LIngat. 2019. Araling Panlipunan: Kagamitan Ng Mag-
Aaral Rehiyon III Central Luzon. 1st ed. San Fernando,
Pampanga: Department of Education-Bureau of Learning
Resources.

K To 12 Most Essential Learning Competencies. 2020. Ebook. Pasig


City: Department of Education.

Manalo, Thea Joy, Charity Capunitan, Walter Galang, and Rodel


Sampang. 2015. Araling Panlipunan: Patnubay Ng Guro. 1st
ed. Pasig City: Department of Education.

Glenda P. Lachica. 2020. Kabuhayan at Pinagkukunang Yaman


ng mga Lalawigan sa Rehiyon – Self Learning Kit. 1st Ed.
Tarlac City: Deped Division of Tarlac Province

Ruth C. Bariento. 2020. Ang Kapaligiran at Uri ng Pamumuhay sa


mga Lalawigan sa Rehiyon – Self Learning Kit. 1st Ed. Tarlac
City: Deped Division of Tarlac Province

Biaco, Loui. 2020. Ang Kapaligiran at Uri ng Pamumuhay sa mga


Lalawigan sa Rehiyon – Self Learning Kit. 1st Ed. Tarlac City:
Deped Division of Tarlac Province

Bariento, Ruth. 2020. Ang Kapaligiran at Uri ng Pamumuhay sa


mga Lalawigan sa Rehiyon – Self Learning Kit. 1st Ed. Tarlac
City: Deped Division of Tarlac Province

Lachica, Glenda. 2020. Kabuhayan at Pinagkukunang Yaman ng


mga Lalawigan sa Rehiyon – Self Learning Kit. 1st Ed. Tarlac
City: Deped Division of Tarlac Province

74
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education–Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III – LRMS)

Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando (P)

75

You might also like