You are on page 1of 30

Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:

______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin: Correctly spells the words in the list of vocabulary words and the words in selection read. MT3F - Ia-i
- 1.6
Pagpapaliwanag sa Aralin:
 Ang mga salita ay madaling mababaybay kapag gagamitan natin ng picture clues o ang paggamit ng
larawan.
 Ang diwa ng pangungusap at ang malalim na pang –unawa sa binabasa ay mahalaga sa mabilis na
pagkatuto.

Panuto: Basahing mabuti ang isang kuwento at sagutan ang tanong pagkatapos.

Ang Pag-uwi ni Sally


ni: Nelia D. Bamba

“Uuwi si Sally ngayon!” sabi ni Nanay. Pumunta na tayo sa terminal ng bus upang salubungin siya. Isasama
ko si Tatay at Ben upang magbuhat ng mga bagahe ni Sally. Nagpaiwan na si Tiya Rosa upang maghanda ng
masarap at paboritong pagkain ni Sally.” “Hindi na ako makapaghintay, Nanay! Pagkatapos ng dalawang
buwang pagtatrabaho ay uuwi na siya,” ang sabi ni Ben. “Ano kaya ang pasalubong niya sa akin ”
“Dumating at umalis na ang mga bus. Nasaan na kaya si Sally ” tanong ni Tatay. “Malapit nang lumubog ang
araw, hintayin na lang natin ang susunod na bus, baka naman doon sumakay si Sally," nag-aalalang sabi ni
Nanay.
Uminom ng tubig si Ben at itinago ang kaniyang luha. “Nanay, huwag kang mag-alala, sigurado akong nasa
susunod na bus na si Sally.” “Heto na ang huling bus mula sa lungsod!” wika ng Tatay.
“Umasa tayong diyan na nakasakay si Sally.” Nang bumukas ang pinto, patakbo, at masayang bumaba si Sally
at sabay sabing, “Sa wakas! Nanay, Tatay nandito na ako!” “Nag-alala kaming lahat sa iyo,” wika ni Tatay.
“Halika na, naghihintay na ang paborito mong pagkain sa bahay,” sabi ni Nanay. Tinulungan ni Tatay at ni Ben
si Sally upang buhatin ang kaniyang bag, nang mapansin ni Ben na may isa pang bag na dala si Sally. “Ben,
ibinili kita ng tatlong bagong t-shirts at backpack, ” wika ni Sally. “Maraming salamat, pero ang mas
importante ay magkakasama na ulit tayong lahat.”

GAWAIN
A.Sagutin ang mga tanong.
1.Sino ang uuwi?_______________________________

2.Sino ang susundo sa kaniya sa istasyon ng bus? ______________________________


3.Sa palagay mo, ano ang nararamdaman ng pamilya?______________________________________

4.Ganoon din kaya ang pakiramdam ni Sally?_____________________________________

5.Bakit nagpaiwan sa bahay si Tiya Rosa?_____________________________________

B.Kilalanin ang sumusunod na larawan at isulat ang tamang baybay ng mga salita gamit ang larawan.
1.
2.

3. 4.

5.
Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong
____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.

Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL


Guro – NHVES

Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:


______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3

Layunin: Writes poems, riddles, chants and raps. MT3C-Ia - E-2.5


Paliwanag sa Aralin:

 Ang isang wasto at tamang pagbabasa ay may tamang diin, bigkas, baybay ng salita at ekspresyon para
mas maintindihan ng mga tagapakinig ang isang kuwneto o tula.
 Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari.
Halimbawa ng mga pangngalan:

hayop Tao Pangyayari


Aso Aling Rosa Binyag
Itik Guro Kasal
elepante bata kaarawan

Lugar Bagay Lugar


Simbahan Aklat Lugar
Simbahan
Opisina Damit Simbahan
Opisina
bahay pisara Opisina
bahay
bahay
Lugar
Basahin ang kuwento nang wasto, may tamang diin at ekspresyon.
Prutas na Makatas
Simbahan
ni: Nelia D. Bamba Opisina
“Beep, beep, beep!” Narito ang bus! Nagkagulo ang mga bata sa pagkuha ng kani-kanilang bahay
bag . “Uuwi na tayo, Biyernes na rin sa wakas,” ang sabi ng mga bata. “Narito na ba ang lahat?” tanong ni
Mang Peping. “Hintay!” ang sabi ni Miguel. “Naiwan ko ang aking lagayan ng tubig, uhaw na uhaw na ako,
kailangan kong uminom,
napagod ako sa aming praktis ng balibol.” “Wow! Tumingin kayong lahat sa labas! Nakikita ba ninyo ang mga
tindahan ng prutas sa gilid ng kalsada Maraming melon, suha, pinya, at bayabas, mukhang makatas at sariwa,”
ang wika ni Marie.
“Oo nga, wala ang mga iyan kahapon,” ang sabi ni Miguel. “Panahon ngayon ng anihan,” ang sabi ni Mang
Peping. “Ang mga prutas na iyan ay kapipitas lamang ng mga magsasaka sa kanilang bukid.”

“Sana ay nakita ni nanay ang mga prutas, sigurado ako, bibili siya,” ang sabi ni Miguel. Mahilig a“ kong
kumain ng mga prutas, mabuti ito sa kalusugan ," ang sabi niya.” “Nais ko, nais ko, makatas na prutas. Oo
nga, tayo na!
Tayo nang uminom ng katas ng prutas,” wika ng mga bata.

Bahagyang sinimulan ng mga bata ang pagpalakpak hanggang nakalikha sila ng isang ritmo na naging rap.

“Suha, suha, makatas na suha Kainin,


katasin tayo ay palulusugin.
Melon, melon, makatas na melon
Masarap lalo na kung mainit ang panahon Pinya, pinya, makatas na pinya
Maasim, matamis talagang masustansiya.

Gawain A: Sagutin ang tanong.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? _________________________________________

2. Ano ang kanilang ginagawa habang sila ay nasa loob ng bus?


__________________________________________

3. Bakit nila ginawa ito? ________________________________________

B. Gumawa ng sariling rap tungkol sa ibat’-ibang pangngalan


Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong
____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.

Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL


Guro – NHVES

Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:


______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin: Differentiates from count from mass nouns. MT3-Ia -c -4.2
Paliwanag sa Aralin:
 Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang nabibilang tulad ng:

carrot saging

 Ang pangngalang di – pamilang ay mga pangngalang di nabibilang tulad ng:

Asukal ice cream


Gawain A :
Sipiin ang tsart at isulat ang pangngalan sa angkop na pangkat.

ice cream carrot saging sopas asukal bayabas

(Pangngalang Pamilang) (Pangngalang Di-pamilang)

Gawain 2: Tukuyin ang uri ng mga sumusunod na pangngalan. Isulat ang mga ito sa angkop na kahon.

Pangngalang Pamilang
a. bote ng mantika P
b. bibingka a
c. isang mansanas n
d. isang tasang asukal g
e. sampung mangga n
f. mantekilya g Pangngalang di - pamilang
g. isang pirasong saging a
h. garapon ng asin l
i. isang basong juice a
j. tatlong kahel n
Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong
____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.

Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL


Guro – NHVES

Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:


______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin: Note important details in grade level narrative texts; MT3RC - Ia - b - 1.1.1
a) Character; b) setting, c) Problem & solution d) plot

Paliwanag sa Aralin:
 Ang kuwento ay may tatlong element : ito ay tagpuan, tauhan, at mga pangyayari.
 Ang tagpuan ay nagsasaad kung kalian at saan nangyari ang isang kuwento.
 Ang tauhan ay ang mga tao na gumanap sa kuwento.
 Ang mga pangyayari naman ang nagpapakita ng mga naging suliranin at kalutasan sa kuwento.

Gawain:
Basahin ang kuwento at sagutan ang gawain pagkatapos.

Ang Pag-uwi ni Sally


ni: Nelia D. Bamba

“Uuwi si Sally ngayon!” sabi ni Nanay. Pumunta na tayo sa terminal ng bus upang salubungin siya.
Isasama ko si Tatay at Ben upang magbuhat ng mga bagahe ni Sally. Nagpaiwan na si Tiya Rosa
upang maghanda ng masarap at paboritong pagkain ni Sally.” “Hindi na ako makapaghintay, Nanay!
Pagkatapos ng dalawang buwang pagtatrabaho ay uuwi na siya,” ang sabi ni Ben. “Ano kaya ang
pasalubong niya sa akin ““Dumating at umalis na ang mga bus. Nasaan na kaya si Sally ” tanong ni
Tatay. “Malapit nang lumubog ang araw, hintayin na lang natin ang susunod na bus, baka naman doon
sumakay si Sally," nag-aalalang sabi ni Nanay. Uminom ng tubig si Ben at itinago ang kaniyang luha.
“Nanay, huwag kang mag-alala, sigurado akong nasa susunod na bus na si Sally.” “Heto na ang huling
bus mula sa lungsod!” wika ng Tatay. “Umasa tayong diyan na nakasakay si Sally.” Nang bumukas ang
pinto, patakbo, at masayang bumaba si Sally at sabay sabing, “Sa wakas! Nanay, Tatay nandito na ako!”
“Nag-alala kaming lahat sa iyo,” wika ni Tatay. “Halika na, naghihintay na ang paborito mong pagkain
sa bahay,” sabi ni Nanay. Tinulungan ni Tatay at ni Ben si Sally upang buhatin ang kaniyang bag, nang
mapansin ni Ben na may isa pang bag na dala si Sally. “Ben, ibinili kita ng tatlong bagong t-shirts at
backpack, ” wika ni Sally. “Maraming salamat, pero ang mas importante ay magkakasama na ulit tayong
lahat.

#1:
Ang kuwento ay binubuo ng mga elemento. Buuin ang hinihinging detalye upang mabuo ang
talaan tungkol sa kuwento.

Pamagat ng kuwneto

____________________________

Sinu – sino ang tauhan?

____________________________

Saan nagana pang kuwento?

____________________________
Gawain 2: Isulat sa tapat ng kahon ang iyong sagot.

Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong


____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.

Inihanda ni :
JULIE ROSE E. EMANEL
Guro – NHVES

Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:


______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin: Uses the correct counters for mass nouns ( e.g. a kilo of meat ). MT3G - Ia-c- 1.2.1
Pagpapaliwanag sa Aralin:
 Ang pangngalang pamilang at di pamilang ay ay may angkop na salitang ginagamit bilang panukat sa
dami, laki, katangian.
 Halimbawa ng mga salitang pananda ay isang kilo ng, isang tasa ng, isang plato ng, isang kutsara ng,
isang patak ng, isang dakot ng

isang baso ng juice isang dakot ng buhangin

Gawain
Piliin mula sa kahon ang angkop na tandang pamilang na ginagamitan ng sumusunod na pangngalang di-
pamilang at ilagay ito sa patlang.

isang baso ng isang plato ng isang garapon ng


isang patak ng isang mangkok ng
_________________ sopas _________________ gamot ________________jam

_________________kanin __________________juice

Gawain:
Bumuo ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na panandang di – pamilang:

1. Isang kutsara ng _________________________


2. Isang tasa ng ____________________________
3. Isang balot ng ___________________________
4. Isang bote ng ____________________________
5. Isang kilong _____________________________

Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong


____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.

Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL


Guro – NHVES
Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:
______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin: Uses the combination of affixes and root words as clues to get meaning of words. MT3VCD - Ic - e -
1.5
Pagpapaliwanag sa Aralin:
 Ang panlapi ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng salitang-ugat
upang makabuo ng bagong salita.

 Unlapi ang tawag sa pantig na idinadagdag sa unahan ng salitang-ugat tulad ng ma-, na-, pag-, at ka-
Halimbawa:
Nag- laba; maganda; natapon; pagmamahal

 Gitlapi ay pantig na idinadagdag sa gitna tulad ng salitang ugat gaya ng um- at in-
Halimbawa:
kumain , kinuha

 Hulapi naman ang tawag sa kataga o pantig na idinadagdag sa hulihan ng salitang-ugat tulad ng an-,
at-, at han-.
Halimbawa:
tapunan, ipunin, samahan

 Kabilaan ito naman ang panlaping makikita natin sa unahan at hulihan ng isang salita tulad ng ka/ han ;
an/an; nag/an
Halimbawa:
Nag – sayawan , kagandahan

Gawain:
Pagsasanay 1
Isulat ang wastong panlapi upang mabuo ang mga salita. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
-ka- -an -han -ran

1. ___seryoso___
2. ___tapang___
3. ___malay____
4. usap ____
5. ____tupa___
Pagsasanay 2
Punan ng panlapi ang bawat patlang upang mabuo ang salita. Isulat sa sagutang papel.

1. _____ganda____ - loob
2. _____api____
3. _____mali____
4. ____malay____
5. _____siya____

Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong


____________________o mag private message sa messenger na
_________________________________.

Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL

Guro – NHVES

Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:


______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin:Use expressions appropriate to the grade level to relate/ show one's obligation, hope
and wish. MT3OL - Id- e - 3.4
Paliwanag sa Aralin:

 Ang salitang UMAASA at GUSTO ay ginagamit upang maipahayag ang iyong nais.

 UMAASA ang ginagamit kung ang nais ay maaaring mangyari o makatotohanan.


Halimbawa:
UMAASA ako na hindi uulan sa aking kaarawan.

 GUSTO naman ang ginagamit kung ang kaisipang ipinapahayag ay hindi maaaring mangyari o hindi
makatototohanan.
Halimbawa:
GUSTO ng aking kapatid na maging isang diwata.

Gawain 1
Punan ang patlang ng salitang umaasa o gusto upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. _______ akong hindi uulan sa aking kaarawan.


2. _______ nina Maria at Carla na maging diwata.
3. _______ akong bibisita ang aking mga lolo at lola ngayon.
4. _______ ng aking kapatid na makakita ng taga-ibang planeta.
5. _______ si Norman na mananalo siya sa paligsahan.

Gawain 2
Pag – aralan ang mga sumusunod na larawan. Lagyan ng mark( / ) ang patlang kung ito ba ay umaasa o
gusto.

______ umaasa _______ gusto _____ umaasa _____ gusto

_______ umaasa ________ gusto


______ umaasa ______ gusto

______ umaasa ______ gusto

Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong


____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.

Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL


Guro – NHVES

Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:


______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin: Identifies and uses abstract nouns. MT3G - Id - e- 2.1.4
Paliwanag sa Aralin:
 Ang pangngalan ay may katangian: ito ay kongkretong pangngalan at di – kongkretong
pangngalan.
 Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga bagay na maaaring mahawakan o makita gamit
ang ating limang pandama.
Halimbawa: hardin, bata, puno, kulog

 Ang di-kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga bagay na hindi maaaring mahawakan o


makita katulad ng katangian o damdamin.
Halimbawa: pagmamahal , isip takot, talino.

Gawain
Punan ang patlang ng kongkretong pangngalan na kakatawan sa nakasaad na di-kongretong
pangngalan.
Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.

pamilihan silid-dalanginan pulis paaralan sayaw gawang-kamay


aklat kulungan daan Bibliya

Halimbawa: pagmamahal – bulaklak , tsokolate

Salita Kongkretong Pangngalan Di – kongkretong Pangngalan

1.pananampalataya ___________________ ____________________

2.katarungan ___________________ ____________________

3. karunungan ___________________ ____________________

4.kalinangan ___________________ ____________________

5.kaunlaran ____________________ ______________________

Gawain 2: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salitang ng kongkretong pangngalan at di kongkretong
pangngalan na nakasulat sa ibaba.

A. Hardin B. ugali C. pag- ibig D. pamilya E. pananalig

1. _________________________________________________________________________

2. __________________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________________________

4. ____________________________________________________________________________
5. _____________________________________________________________________________

Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong


____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.

Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL


Guro – NHVES

Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:


______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin: Identifies methapor, personifications and hyperbole in a sentence.
Paliwanag sa Aralin:
Paano mo ilalarawan ang iyong mga kaibigan? Maihahambing mo ba ang iyong mga kaibigan sa mga bagay sa
iyong paligid?

Basahin ang tula upang malaman kung paano inilarawan ang kaibigan.
Bigkasin ang tula nang may wastong bilis, tono, at damdamin.
Ang Kaibigan ay Tulad ng Brilyante
ni: Florita R. Matic

Ikaw at ako’y kailangan ng kaibigan


Tunay na taong mapagkakatiwalaan
Tulad ng bato, matatag at matibay
May lakas at tibay na walang kapantay.

Sa sandaling tayo ay naliligaw


Mga kaibiga’y nakaagapay
Tulad ng isang matuwid na daan
Tunay na kaibiga’y di ka bibitawan
Totoong kaibiga’y tulad ng kayamanan
Gaya ng gintong may kinang na taglay
Walang katumbas, di kayang bayaran
Kabutihan ng kaibigang panghabang-buhay.

Kahalagahan ng kaibiga’y di kayang sukatin


Ang halaga nito’y hindi sukat akalain
Pagmamahal ng kaibiga’y brilyanteng maningning
Magpakailanma’y mananatili ang kinang na angkin.

Tandaan
 Ang matalinghagang salita ay nilalarawan bilang mga malalim na mga salitang mayroong mas
simpleng kahulugan.

 Ang metapora ay pagwawangis ng isang tuwirang paghahambing na ang dalawang bagay na


pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa at ipinapahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat
ng pangalan, tawag, katangian o gawain ng isang bagay patungkol sa bagay na inihahambing.
 Ito ay gumagamit ng mga panandang salita na parang, tulad, tila.
Halimbawa:
a. Ang kanilang bahay ay malaking palasyo. ( Malaki ang kanilang bahay)
b. Ang kamay ng batang kalahok ay tila yelo sa lamig. ( kinakabahan ang bata)

 Ang hyperbole naman ay isang pagmamalabis na nagdudulot ng nakakaaliw na pakiramdam sa mga


mambabasa. Gumagamit ito ng mga salitang : gabundok, umuusok ang ilong, uumulan ng pera, nahati
ang puso
Halimbawa:
a. Maaga siyang umuwi sa kanilang bahay sapagkat batid niyang gabundok na labahin ang kaniyang
tatapusin.
b. Hanati ang puso ni Jodie nang makitang may ibang kasama si Jolo.

 Ang personipikasyon naman ay isang pagsasatao o paghahambing ng isang bagay sa tao. Ito ay ang
pagsasalin ng katangian ng tao sa isang bagay.
Halimbawa:
a. Sumasayaw ang mga dahon ng puno
b. Ngumiti ang bulaklak sa sikat ng araw.

Gawain:Sagutin ang sumusunod na tanong.

1.Bakit inihalintulad ang isang kaibigan sa bato? __________________________________________________


2. Ano ang katangian na mayroon ang bato na tulad ng isang kaibigan?
______________________________________
3.Bakit inihambing ang kaibigan sa isang daan? _______________________________________
4.Paanong ang daan ay katulad ng isang kaibigan?______________________________________________
5. Bakit sinabing ang kaibigan ay tulad ng kayamanan? ____________________________________________
6.Anong katangian ang magkatulad ang dalawa? _______________________________________
7.Bakit inihambing ang kaibigan sa brilyante? _______________________________________________

8. Anong katangian ang magkapareho sa kanila?__________________________________________________


9.Aling paghahambing ang pinakagusto mo? Bakit?
_____________________________________________________

Gawain: Suriin ang tula at itala ang mga salitang metapora, hyperbole at personipikasyon na nakikita:

Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong


____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.
Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL

Guro – NHVES

Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:


______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin: Identifies simile in a sentence.
Paliwanag sa Gawain:
 Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng-, at gaya ng-.
Halimbawa:
sintamis ng kendi tulad ng rosas

1. Sintamis ng kendi ang kaniyang ngiti nang makita ang kaniyang ama na paparating.
2. Ang pisngi ni Ana ay tulad ng rosas sa tuwing siya ay nabibilad sa araw.

Gawain A:
Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat pangungusap.

Halimbawa:
Ang dalaga ay tulad ng isang bulaklak.

1. Nagningning tulad ng araw ang kaniyang mga mata nang makita niya si Leah.
2. Nagsasalita siyang simbanayad ng hangin.
3. Singgaan ng balahibo ang papel.
4. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking balat.
5. Tulad ng bituin ang kislap ng kaniyang mga mata.
Gawain B
Ayusin ang sumusunod na salita upang makabuo ng pangungusap na may simile o pagtutulad. Isulat ang
sagot sa patlang.

1.kahon, singgaan, ang, balahibo, ay, ng

_______________________________________________________

2.ang, singsipag, manggagawa, ng, isang, bubuyog gumawa, ay

____________________________________________________________________

3 . manggagawa, ang, nagtatrabaho, tulad ng, isang, ay,

langgam__________________________________________________________

4._________________________________________________ . isip, ang, kaniyang, singliwanag, ng, ay, araw

5.tinapay, ang, ay sintigas, bato, ng __________________________________________________

Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong


____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.

Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL


Guro – NHVES
Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:
______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin: : Identifies metaphor in a sentence.
Paliwanag sa Aralin:

 Ang paghahambing na ginamit sa pangungusap ay tinatawag na metapora o pagwawangis.

 Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis
sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing- o tulad ng-.

Basahin at Alamin:
Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula.

1. Ako’y isang kalabaw sa bukid.


2. Hindi ako isang pagong na may kakuparan.
3. Mga higante ang halaman.
4. Bituin sa paningin ang mga halaman na kay sarap pagmasdan.
5. Ang hardin ko ay aking pinggan.

Gawain A
Gumuhit ng bituin ( ) sa linya kapag ang pangungusap ay gumamit ng metapora.

______1. Ang karagatan ay galit na toro kapag may bagyo.


______2. Singgaan ng balahibo ang papel.
______3. May pambihirang panlasa sa kasuotan ang mga modelo.
______4. Hindi nakatatapos ng anumang gawain si Mary sapagkat parang pagong kung siya ay kumilos.
______5. Siya ay bituin sa paningin ng kaniyang ama.

Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong


____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.
Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL


Guro – NHVES

Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:


______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin: Interpret the meaning of a poem.
Paliwanag sa Aralin:
TANDAAN!!!
 Pagkuha ng pangunahing diwa ng bawat saknong .
 Ang pangunahing diwa o kaisipan ay nagpapahayag kung tungkol saan ang saknong.
Halimbawa:
Kung ikaw ma’y nalulungkot
Pakiramdam ang lahat sa iyo’y hinakot
Magpunta ka lamang sa aking hardin
Tiyak ang kalungkuta’y papawiin.

Pangunahing Diwa: Napapawi o naalis ng magagandang bagay sa paligid o ng magagandang


halaman ang lungkot.

Basahin:

Hardin Ko…Pinggan Ko!


ni: Florita R. Matic

Hardin Isang araw, sa aking paggising


Aking nasilayan pagsikat ng araw
Ngiting kaytamis ang sa aki’y bumati Tila isang dalagang mayumi.

Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy


At doon ang trabaho’y agad na itinuloy
Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran At hindi isang pagong na may kakuparan.
Aking mga tanim ay agad nagsilaki
Kawangis ng isang higanteng kaylaki Kay gandang tingnan halamang luntian
Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan.

Kung ikaw ma’y nalulungkot


Pakiramdam ang lahat sa iyo’y hinakot
Magpunta ka lamang sa aking hardin Tiyak ang kalungkuta’y papawiin.
Ang hardin ko ay aking pinggan
Na nagpapalusog sa aking katawan Dahil sa alaga kong anong inam
Puno ng pagmamahal na iningatan.

Gawain 1
Basahin ang bawat saknong. Piliin ang pangungusap na nagsasaad ng pangunahing diwa nito. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa iyong papel.

1. Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy


At doon ang trabaho’y agad na itinuloy
Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran At hindi isang pagong na may kakuparan.

Pangunahing Diwa:
a. Inaalagaan ng tagapagsalita ang kalabaw.
b. Nagtatrabaho nang mabuti ang tagapagsalita sa kaniyang hardin.
c. Naglilinis ang nagsasalita sa kaniyang hardin.

2. Aking mga tanim ay agad nagsilaki


Kawangis ng isang higanteng kaylaki Kay gandang tingnan halamang luntian Bituin sa paningin na
kaysarap pagmasdan.

Pangunahing Diwa:
a. Magandang pagmasdan ang mga tanim.
b. May mga bituin sa halamanan.
c. Higante ang mga halaman.

3.Kung ikaw may nalulungkot


Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot
Magpunta ka lamang sa aking hardin Tiyak
ang kalungkuta’y papawiin.

Pangunahing Diwa:
a. Nagdudulot ng kalungkutan ang aking
hardin.
b. Nagbibigay saya ang aking hardin.
c. Ang lahat ng bagay ay kinukuha ng aking hardin.

Gawain 2
Gumuhit ng hardin na gusto mo sa loob ng kahon.
Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong
____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.

Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL


Guro – NHVES

Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:


______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin: Writes correctly different types of sentences ( simple, compound and complex). MT3G - Ih- I - 6.1
Paliwanag sa Aralin:
Pag-aralan ang tsart na nagpapakita ng mga bahagi ng payak na pangungusap.

Simuno Panaguri
Athena nagwawalis ng bakuran
Brigette nagdidilig ng halaman
Rose nagbubungkal ng lupa
Kuya Anton hinahakot ang mga tuyong dahon
sa hukay na gagawing abono
Mark nagbubunot ng damo
Mang Jose nilalagyan ng abono ang mga tanim

 Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan lamang.Ito ay may dalawang
bahagi: ang simuno at ang panaguri.

 Simuno ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang tagaganap ng kilos sa
pangungusap.

 Panaguri naman ang bahaging nagsasabi tungkol sa ginawa o ikinilos ng simuno.

 Gumagamit tayo ng bantas tulad ng tuldok (.), tandang pananong (?), o padamdam (!) sa hulihan ng
pangungusap.

Gawain 1:
Bilugan ang simuno at ikahon ang panaguri.
1.Nagwawalis ng bakuran si Athena.
2.Nagdidilig ng halaman si Brigette.
3.Nagbubungkal ng lupa si Rose.
4.Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono.
5.Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark.

Gawain 2:
Sumulat ng payak na pangungusap tungkol sa larawan. Isulat ang sagot sa kahon.
Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong
____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.

Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL


Guro – NHVES

Pangalan: ___________________________________________ Paaralan:


______________________________________
Guro: ______________________ Baitang at Seksyon: ________________________________________
IKATLONG BAITANG (UNANG MARKAHAN)
Mother Tongue 3
Layunin: idiomatic expression in a sentence.
Pagpapaliwanag sa Aralin:

 Ang TAYUTAY ay isang matalinghagang pahayag na nagbibigay ng mabisang kahulugan upang lalong
maging mabisa at makulay ang isang pag-lalarawan.
Halimbawa:
Dilang – anghel ----- maging totoo ang sinasabi
Nagsatengang kawali ---- nagbingi – bingihan
Anak – pawis ----- mahirap
Kayod – kalabaw ---- masipag
Hingal – kabayo ----- hapong – hapo

Gawain:
Buuin ang pangungusap gamit ang metapora sa loob ng kahon.

dilang-anghel pusong mamon


dugo ng-bughaw pusong bato
isang kahig, isang tuka

1. Madaling mawala ang galit ni Bing. Siya ay may ____________________________.


2. Hindi marunong magpatawad si Rene. Mayroon siyang ________________________.
3. May_____________________ang pamilya nila Mark. Mayaman at kilala ang pamilya nila sa kanilang
lugar.
4. Kung minsan, nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ni Susan. Siya ay may__________.
5. Wala halos makain ang pamilya nila Jose dahil walang trabaho ang magulang niya. Sila
ay____________________________.

Para sa katanungan kung hindi naunawaan, maaaring magtxt o tumawag sa numerong


____________________o mag private message sa messenger na _________________________________.

Inihanda ni :

JULIE ROSE E. EMANEL


Guro – NHVES

You might also like