You are on page 1of 2

Mga Bahagi ng Aklat

Ang karaniwang bahagi ng aklat ay ang sumusunod:

Pabalat – Dito makikita ang pamagat ng aklat at ang pangalan ng awtor o may-akda.

Pamagat – Ito ang pangalan ng aklat.

Pahina ng Pamagat – Nakasulat dito ang pangalan ng aklat, tagalimbag, at ang lugar
at taon na nailimbag ang aklat.

Pahina ng Karapatang-ari – Makikita rito ang karapatang-ari ng tagalimbag, kung ilang


edisyon, kailan inilimbag, at maikling impormasyon tungkol sa awtor.

Paunang Salita – Ito ang nagsisilbing introduksiyon o panimulang salita tungkol sa


aklat.

Talaan ng Nilalaman – Listahan ng pamagat ng mga yunit, aralin, at kasanayan, at ang


bilang ng pahina na katatagpuan ng mga ito.

Katawan ng Aklat – Ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat.

Talasanggunian – Dito makikita ang pinagkunan o pinagbatayan ng impormasyon ng


awtor.

Most books have the following parts: Cover, Title, Title Page, Copyright Page,
Introduction, Table of Contents, Body of the Book, References

Pabalat – Ito ang takip o cover ng aklat. Karaniwan itong may matingkad na larawan upang makatawag
pansin sa mambabasa.

bakanteng dahon

Bakanteng Dahon – ito nagsisilbing proteksiyon ng susunod na pahina kung ang pabalat ng libro ay
masira. Ang pahinang ito ay maaring sulatang ng personal na didekasyon o kaya ay pangalan ng mayari
ng aklat.

pahina ng pamagat

Pahina ng Pamagat – Nakasaad dito ang pamagat ng aklat at pangalan ng may-akda nito.
Pahina ng Karapatang-ari

Pahina ng Karapatang-ari – Makikita sa bahaging ito kung sino ang nagpalimbag ng aklat at kung kailan
ito ipinalimbag.

pag-aalay

Pag-aalay o Pasasalamat– Binabanggit ng may akda ang mga pangalan ng taong tumulong upang
pasasalamatan at hahandugan ng aklat na kanyang natapos.

paunang salita

Paunang Salita – Nakasaad dito ang dahilan o rason kung bakit isinulat ng may-akda ang aklat kasama
ang paliwanag sa paggamit nito.

talaan ng nilalaman

Talaan ng Nilalaman – Makikita rito ang pahina ng bawat paksang tinatalakay sa aklat.

katawan ng aklat

Katawan ng Aklat – Ito ang pinakamalaki sa mga bahagi ng aklat dahil nakikita rito ang mga paksa
at araling nilalaman ng aklat.

glosari

Glosari – Nakatala sa bahaging ito ng aklat ang mga kahulugan ng mahihirap na mga salitang ginamit sa
aklat. Para itong diksiyunaryo, ngunit ang mga salitang may kahulugan na nakapaloob dito ay ang mga
salitang makikita mo lang sa aklat na mahirap intindihin.

bibliograpi

Bibliograpi – Nakatala rito ang pangalan ng manunulat at aklat na pinagkunan ng may-akda ng ilang
mahahalagang impormasyon.

indeks

Indeks – Isa ito sa mga bahagi ng aklat kung saan nakasulat dito ang pangalan, mga paksa na nakaayos
nang paalpabeto, at ang pahina kung saan ito matatagpuan sa aklat.

You might also like