You are on page 1of 3

Teoryang pampanitikan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search
Maraming mga suliranin ang artikulong ito. Paki tumulong na mapainam ito o
talakayin ang mga suliraning ito roon sa pahina ng usapan.
Ang artikulong ito ay nangangailangan pa ng mga link sa ibang mga
artikulo upang makatulong isama ito sa ensiklopedya. (Disyembre 2013)
Nangangailangan ang sanaysay na ito ng pagpapatunay sa pamamagitan ng
mga karagdagang pagbanggit . (Hunyo 2012)
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila,
estilo, pagkakaisa, tono o baybay.
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin.

Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga


paraan sa pag-aaral ng panitikan. [1] Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na
ito.
Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang
bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda,
totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng
isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya
ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong
makasisira rin sa tao.

Mga nilalaman

 1Eksistensiyalismo
 2Naturalismo
 3Humanismo
 4Romantisismo
 5Modernismo
 6Marxismo
 7Pisikal
 8Moralismo
 9Sosyolohikal
 10Biyograpikal
 11Sikolohikal
 12Arkitaypal
 13Mga sanggunian

Eksistensiyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon
para sa kapakanan ng madami na siyang pinakasentro ng kamatayan sa mundo o
pagkabuhay sa mundo (death ,life)

Naturalismo
Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring
nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito. Ipinakikita
rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng
katarungan, sa mga tauhan nito. Ito'y isa sa mga namamayagpag sa kasalukuyan.

Humanismo
Ipinapakita na ang tao ang simula ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at
mabubuting katangian ng tao.

Romantisismo
Sa teoryang romantisismo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa
katotohanan. Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan.
Pinahahalagahan din sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at
damdaming nakapaloob dito. Ito ay nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang
kapwa,bayan at iba pa.

Modernismo
Ito ay ang makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na
hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung
minsan ay hindi maunawaan, puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang
kabuluhan) ng bisyon ng mundo. Ang layuninin ng panitikan ay iparating ni Asiong
Salonga ang nais niyang ipaabot sa mga tao gamit ang tuwirang panitikan.
Samakatuwid kung ano ang nais iparating ni Rizal ay siya ring nais niyang ipaabot sa
kanyang mga taga-tangkilik. walang labis at kulang, ngunit mayroong sapat
lamang.walang halong simbolismo at walang halong kalokohan at hindi kailangan ng
malalimang pagsusuri at pag-unawa.

Marxismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan
at suliraning panlipunan at pampolitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Pisikal
Nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa
ikagaganda ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-
iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa
pandama ng mga mambabasa. Ito'y naghari sa panahon ng amerikano.

Moralismo
Ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi
lamang ng literal na katotohanan kundi mga panghabangbuhay at unibersal na mga
katotohanan at mga di mapapawing mga pagpapahalaga at kaasalan.

Sosyolohikal
Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang
panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung
saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.

Biyograpikal
Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na
personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.

Sikolohikal
„Sa pananaw na ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. Mahihinuha sa
kanyang akda ang antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan,
paniniwala, at pagpapahalaga, gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa
kanyang isipan at kamalayan.

Arkitaypal
Ayon kay John Loui Medina at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni
Freud at Carl Jung na may di-malay na bahagi ang tao, subalit hindi ito personal na
unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious na nagmumula sa "tendency na
mabuo ang isang motif".

You might also like