You are on page 1of 52

PYZAM.

COM
BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER
BACKGROUNDS
Filipino
Mga Teoryang Pampanitikan
Teoryang Klasismo/Klasisismo
v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga
pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado
sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang
daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang
may kaayusan.
Teoryang Humanismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang
sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan
at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,
talento atbp.
Teoryang Imahismo
v Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen
na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan,
ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-
adka na higit na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen
na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa
loob ng panitikan.
Teoryang Realismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang
lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
Teoryang Feminismo
v Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga
kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing
tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.
Teoryang Arkitaypal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang
mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin
muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan
sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda
ay magkaugnay sa isat isa. Ang lahat ng simbolismo
ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng
may-akda sa mga mambabasa.
Teoryang Formalismo/Formalistiko
v Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa
ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang
panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng
may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais
niyang ipaabot sa mambabasa walang labis at
walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi
ng higit na malalimang pagsusurit pang-unawa.
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa
pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala,
pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang
akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o
nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-
udyok na mabago o mabuo ito.
Teoryang Eksistensyalismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan
ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa
mundo (human existence).
Teoryang Romantisismo
v Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang ibat
ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na
gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa
tao o bayang napupusuan.
Teoryang Markismo/Marxismo
v Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o
sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa
mga mambabasa.
Teoryang Sosyolohikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng
may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga
tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng
lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa
magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Teoryang Moralistiko
v Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang ibat ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao
ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito
ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi,
ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito.
Teoryang Bayograpikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan
o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig
sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa
buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya,
pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga
pinaka na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
Teoryang Queer
v Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa
paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang
mga babae ay mayfeminismo ang mga homosexual
naman ay queer.
Teoryang Historikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng
isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais
din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.
Teoryang Kultural
v Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng
may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng
may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon
minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita
rin dito na bawat lipi ay natatangi.
Teoryang Feminismo-Markismo
v Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang ibat ibang
paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning
kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang
pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa halip na itoy kasamaan at
suliranin ng lipunan.
Teoryang Dekonstruksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang ibat ibang
aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan
kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang
pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi
ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay
ang kabuuan ng pagtao at mundo

FILIPINO GURU
Malalim at masusing pag-aaral ng iba't ibang genre ng
panitikang Filipino
Monday, December 12, 2011
TEORYANG PAMPANITIKAN
1. Teoryang Humanismo
a. Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao dahil
ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng bagay at
panginoon ng kanyang kapalaran
b. Pananaw Humanismo
1) Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang
pangunahing paksa rito.
2) Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga
natatanging talino kakayahan at kalikasan ng tao.
3) Para sa humanista ang literature ay kailangang
1. Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop
lamang sa genre nito
2. May magkakaugnay na balangkas at may kagandahan
ng anyo
3. Nakawiwili at nagbibigay-kasiyahan sa mambabasa
4. Nagpapahalaga sa katotohanan ng tula (poetic truth)
5. May pagkamatimpi at hindi dapat lumabag sa batas ng
kalikasan (pisikal, moral, sikolohikal)
2. Teoryang Formalistiko
a. Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang
nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng
pagkakasulat ng akda.
b. Pananaw Formalistiko
1) Nasa porma o kaanyuan ng akda ang kasiningan nito.
2) Ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay
at umiiral sa sariling paraan.
3) May mga elemento ang isang akdang pampanitikan at
ang bawat isa ay kaugnay ng iba pang elemento;
magkakaugnaypugnay ang mga elemento upang maging
mahusay ang akda.
3. Teoryang Imahismo
a. Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen.
Pinaniniwalaang ang imahen ang nagsasabi ng
kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang
pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng
nakapaloob sa akda.
b. Pananaw Imahismo
1) Malaya ang manunulat/makata na pumili ng anumang
nais na paksa sa kanyang akda/tula.
2) Gumagamit ng salitang pangkaraniwan o tiyak ang
mga salita.
3) Malinaw ang mga epekto nito.
4) Kung may aral ang akda/tula, hindi ito esensyal sa
akda/tula.
4. Teoryang Realismo
a. Ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay
naglalarawan ng makatotohanang pangyayari sa buhay.
Ang mga tauhan ay nagtataglay ng ordinaryong suliranin
sa buhay at ang usapan ng mga tauhan ay parang natural.
b. Pananaw Realismo
1) Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa
kagandahan para sa realismo.
2) Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri
ng paksa.
3) Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal, political,
atbp)
4) Naniniwala ang realismo na ang pagbabago ay walang
hinto.
5) Tumatalakay sa salungatan ng kapital at paggawa.
6) Optimistiko ang pananalig na lalaya ng masa sa
pagkakalugmok nito.
5. Teoryang Feminismo
a. Ang pananaw na ito ay naglalayong malabanan ang
operasyon ng sistemang patriarchal sa kababaihan.
b. Pananaw Feminismo
1) Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng
ibinibigay sa babae.
2) Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga
karanasan ng kababaihan sa matapat na pamamaraan.
3) Sa estilo, Malaya ito at karaniwan ang ginagamit na
pananalita.
4) Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at
realistiko.
5) Sa tauhan, hindi na de-kahon ang mga kababaihan
kundi aktibo na.
6. Teoryang Sosyolohikal
a. Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing
halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng daigdig,
ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.
b. Sa pananaw na itoy mahalagang mabatid ang
kapaligirang sosyolohikal ng akda.
c. Pananaw Sosyolohikal
1) Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon
ng higit na matibay na kapit sa ugnayang namamatitan sa
buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o
umiiral na suliraning panlipunan.
2) Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin
ang naging pangunahing paksa rito.
3) Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap
na kagalingan ng henyo, at mga natatanging talino at
kakayahan ng tao at kalikasan.
7. Teoryang Eksistensyalismo
a. Kung babasahin ang isang akda sa pananaw ng ito,
maaring pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng tauhan
na ang pokus ay nasa pagbuo niya ng paninindigan.
Sinusuri ng akda batay sa lakas ng paninindigan ng
tauhan na nagpapakita ng pagbalikwas sa kanyang
kalagayan. Mahalaga na Makita ang pagtanggap niya sa
nagging bunga ng pansariling pagsisikap.
b. Pananaw Eksistensyalismo
1) Malaya ang tao siya lamang ang maaring
magdesisyon kung paano niya gugugulin ang panahon
niya habang siya ay buhay.
2) Responsible ang tao siya lamang ang responsible sa
kanyang buhay kahit pa ang desisyon niya ay para sa
kanyang kabutihan o kasamaan.
3) Indibidwal ang tao walang isang tao na kaparehas
niya. Ang kanyang pag-iisip, damdamin, kaalaman at
kamatayan ay kanya lamang.
4) Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali
maliban sa taong nakaranas sa pinag-usapan.
5) Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa
pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa mundo.
6) Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng
tao at ng pagtanggap niya sa naging bunga ng
pagpapasya.
8. Teoryang Romantisismo
a. Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o
likas-kalayaan. Piniiral ditto ang sentimentalismo at
ideyalismo. Higit na pinahahalagahan diot ang damdamin
kaysa ideyang siyentipiko. Sa pagdulog na ito,
matutuklasan ang pagtinging moral, intelektwal at
espiritwal. Ang teoryang romantisismo ay karaniwang
naglalarawan ng mga sitwasyong nagaganap sa pang-
araw-araw sa buhay. Inaasahang ang lahat ng tauhan ay
magiging huwaran, maharlika at pawang mabubuti ang
inilalalrawan.
b. Pananaw Romantisismo
1) Nananalig sa Diyos, sa katwiran at kalikasan ang
teoryang ito.
2) Inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upang
mabatid ang katotohanan, ang kabutihan at ang
kagandahan.
3) Makatao, demokratiko at mapagsulong sa ikagagaling
ng lipunan ang paniniwala ng mga romantiko.
4) Tampok ang mga sumusunod bilang nilalaman ng
panitikan.
1. Karakter na sobrenatural o romantiko
2. Sitwasyong pang-araw-araw o karaniwang pamunuhay
3. Mababa o kanayunang buhay
4. Mga paksang kinuha sa matandang Gresya at Roma,
Panggitnang Panahon
9. Teoryang Naturalismo
a. Tinangka niro ang mas matapat, di pinipiling
representasyon ng realidad.
b. Pananaw Naturalismo
1) Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang
awing kagubatan.
2) Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na
mga detalye.
3) Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at
pinanggalingan.
4) Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay.
Pesimista siya sa simula pa lamang.
5) Nagbibigay-diin ito sa namamana at pisikal na
katangiang moral.
6) Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal
na katangiang likas sa tao kaysa katangiang moral.
7) Itoy may simpleng tauhan na may di mapigil na mga
damdamin.
10. Teoryang Dekonstruksyon
a. Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-
instrakturalismo. Ibig sabihin, hindi lamang wika ang
binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng realidad o
pilosopiya at ang pagkakahubog nito sa kamalayang
panlipunan. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa
kamalayan ng gumagamitsa teksto at hindi sa teksto
mismo. Habang isinusulat ang teksto, ang kahulugan
nitoy nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa oras na
nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng
teksto ay nasa mambabasa na
TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong
pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng
panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral
na ito.

Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa


teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay
dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o
realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa
ginhawang maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang
tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan
ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang
paghahangad ng materyal na bagay ay totoong
makasisira rin sa tao.
Uri nito:

1. MORALISTIKO
sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit
pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang
nakapaloob sa akda
2. SOSYOLOHIKAL.
mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong
kinatha ang panitikan
3. SIKOLOHIKAL
makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay,
paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga
tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
4. FORMALISMO
Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o
pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng
matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng
mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda
5. IMAHISMO
Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng
mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa ikagaganda
ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-
iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa
6. HUMANISMO
Ang tao ang sentro ng daigdig. Binibigyang-pansin ang
kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay
7. MARXISMO
Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang
magkasalungat na puwersa malakas at mahina mayaman
at mahirap Kapangyarihan at naaapi
8. ARKETIPO / ARKITAYPAL
gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang
elemento ng akda nangangailangan ng masusing pag-
aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin
dito ay mga simbolismong ginamit upang maipabatid ang
pinakamensahe ng akda
9. FEMINISMO
maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan,
posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at
maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng
mga babae sa akda layon nitong labanan ang anumang
diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan
Lualhati Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia Ruth
S. Mabanglo
10. EKSISTENSYALISMO
Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng
mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan Ang tao ay may
malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang
mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay
hindi maikahon sa lipunan
11. KLASISISMO
Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri Layon ay
katotohanan, kabutihan at kagandahan Malinaw,
marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-
sunod at may hangganan
12. ROMANTISISMO
Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon,
imahinasyon at likas Pagtakas mula sa realidad o
katotohanan nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa
kanyang kapwa, bayan at iba pa mga sanaysay na
nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di
tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang
nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay
makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan
13. REALISMO
Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning
ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang kalagayan na
nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon Madalas din itong naka pokus
sa lipunan at gobyerno

Pinoy Resource
3.03.2009
Mga Karaniwang Uri at Halimbawa ng Tayutay
Simili o Pagtutulad - Ang pagtutulad ay naghahambing
ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari na
ginagamitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya,
kawangis, kapara, at katulad.

Ang mga mata mo ay tulad ng mga bituin.

Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha.

Ang iyong labi ay tila rosas sa pula.

Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing


nagniningning.

Ang mga kamay mo ay kasing kinis ng tela.

Metapora o Pagwawangis - Naghahambing din ang


pagwawangis ngunit hindi ginagamitan ng mga salitang
tulad ng, parang, kagaya, kawangis sapagkatito'ytiyakang
paghahambing.

Ang ama ni David ay leon sa bagsik.

Ang mga nangangalaga ng kalikasan ay mga anghel ng


kagubatan.

Ang aking mahal ay isang magandang rosas.


Ang aking ina ay tunay na ilaw ng tahanan.

Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.

Si Mother Teresa ng Calcuta ay hulog ng langit.

Personifikasyon o Pagtatao - Ang personipikasyon ay


pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa mga
bagay-bagay sa paligid natin.

Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.

Napangiti ang rosas sa kanyang pagdating.

Tinatawag na ako ng kalikasan.

Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.

Inanyayahan kami ng dagat na maligo.

Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap


sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

O tukso, layuan mo ako!

Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay.

Buhos na ulan, aking mundoy lunuring tuluyan.


Buwan, ikay saksi sa lahat ng aking paghihirap.

Pagmamalabis o Hayperboli - Ang pagmamalabis ay


lubhang nagpapakita ng kalabisan na imposibleng
mangyari sa kalagayan ng tao, bagay, o pangyayari.

Bumaha ng salapi sa kanyang mga kamag-anak nang


dumating si Rico mula sa Saudi Arabia.

Aabutin ka ng bilyun-bilyong taon bago makatapos ng


medisina.

Nalulunod na siya sa kanyang luha.

Hanggang tainga ang aking ngiti nang siyay aking


nakilala.

Nadinig sa buong mundo ang lakas ng kanyang sigaw.

Paghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga


salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
ONOMATOPOEIA sa Ingles.

Ngumingiyaw ang pusa sa ibabaw ng bubong.

Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.


Ang bang-bang ng baril ay gumising sa aming pamilya
kagabi.

Pagpapalit-tawag o Metonymy - Ito'y pagpapalit ng


katawagan ng mga bagay na magkakaugnay, hindi sa
kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng
meto ay "pagpapalit o paghalili."

Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang


tagumpay.

Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-


pangulo.

Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto


kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Itinakwil siya ng buong mundo.

Ang klase ay kanyang kinopyahan ng takda.

Ang kongregasyon ay aking kinamayan.


Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na
nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may
himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

Siya ay hindi isang kriminal.

Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng


kagipitan.

Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.

Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-


pareho. Pag-uulit ng naunang tunog na katinig.

Ang kailangan ng bayan ay kapayapaan, kaayusan,


katarungan, at kalayan.

Singsing, sapatos, susi, at sinturon lamang ang kanyang


dala.

Ang laman ng kanyang bag ay papel, panulat, at pambura


lamang

PASUNDAYAG (Ipakita o to Show)

Home

Thursday, January 12, 2012


Halimbawa ng Ibat Ibang Uri ng Tayutay
Sheena Liz B. Idpalina
BTTE 2D-Com. Tech.

A. Aliterasyon
1. Pagod na pagod at pawis na pawis siyang umuwi ng
bahay galing sa pagtatatakbo sa labas
2. Masaya ang magkaroon ng maraming kaibigan na
maasahan at masasandalan.
3. Kasiyan at katuwaan ang hatid para sa ating
kababayan.

B. Asonans

1. Nakakaingganyong mag-aral kapag kasama ka.


2. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naliligo ang aming
bunso sa ilog.
3. Naipit ang aking daliri sa pagkabit ng litrato sa
dingding.

C. Konsonans

1. Nararagdagan ang kaguluhan at kasamaan sa ating


lipunan.
2. Kumakaway ang nanay sa tulay.
3. Inilibing ang malambing na kuting sa likod ng aming
bahay.

D. Onomatopiya

1. Kumakabog ang dibdib ko sa takot.


2. Tumataghoy ang aking damdamin sa kanyang
paglisan.
3. Sumayaw ang mga halaman at bulaklak sa tuwing
siya ay daraan.
E. Anaphora

1. Siya ang maganda at nakakatuwa. Siya ay mahilig


kumanta at sumayaw. Siya ang pinakasikat sa aming
paaralan.
2. Ikaw ang siya nagmulat sa aking mga mata. Ikaw ang
palagi kong kasama. Ikaw ang panaginip sa tuwina.
3. Sana ay palaging masaya. Sana ay parating nandiyan
siya. Sana ay makapiling na.

F. Epipora

1. Kapag ikay bata, isipan at pagmumukha ay batang-bata.


Kayat masaya nag maging bata.
2. Lahat ay may kamatayan, natatakot sa kamatayan at
hindi maiiwasan ang kamatayan.
3. Pilipinas ang aking bayan. Handa kong ialay ang aking
buhay para sa bayan. Ganyan ko kamahal ang aking
bayan.

G. Anadiplosis

1. Kumakatok sa aking puso, puso na nasaktan at hindi na


mababalikan, mababalikan ay may sugat parin.
2. Nalilito na ako sayo, sayo lamang umiikot ang mundo,
mundo kong kay gulo sa iyo lang nabago.
3. Lahat ng bagay ay umiikot sa pera, pera na mahirap
hagilapin at pagtrabahuan, pagtrabahuan ay kay hirap
malutasan.

H. Pagtutulad o Simili
1. Siya ay gaya nang isang halimaw sa kakahuyan.
2. Parang kang tala na bumaba sa langit.
3. Para kang kabayo kung tumakbo.

I. Pagwawangis o Metapora

1. Isang malambot na unan ang kanyang likod sa aking


pagtulog.
2. Isang malakas na hangin ang iyong mararanasan kapag
siya ay daraan.
3. Siya ang buhay ko.

J. Pagbibigay Katauhan o Personikasyon

1. Sinampal ang aking pisngi ng mainit na hanging


nanggaling sa apoy.
2. Itinulak ako ng malakas na hangin palayo sa iyo.
3. Nagising siyang hinahalikan siya ng sinag ng araw
mula sa bintanang nakaawang.

K. Pagmamalabis o Hayperboli

1. Luhay umagos nang makita ko siyang namatay.


2. Nagdurugo ang aking puso nang malaman kong may iba
ba siyang mahal.
3. Bumukas ang langit nang makita ko siyang masaya.

L. Pagpapalit Saklaw o Metonomi


1. Siya ang tumayong amat ina ko noong ako ay naging
alila.
2. Namatay ang ilaw ng tahanan ng aming kapitbahay.
3. Todo kayod sa pagtatrabaho ang haligi ng kanilang
tahanan.

M. Sinekdoke

1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.


2. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.

N. Eupemismo

1. Sumakabilang-buhay na ang ama ng aking kaklase.


2. Hikahos sa buhay ang pamilya ng namatay.
3. Pagsubok lamang ang lahat nang iyon.

O. Retorikal na Tanong

1. Nasaan na ang liwanag?


2. May babae kayang tatagal makisama sa isang lalaking
tamad, lasenggo at mambubugbog?
3. Siya kaya na inampon, minahal at pinag-aral ay hindi
matutong tumanaw ng utang na loob?

P. Paralelismo

1. Tumalilis siya, nagpasikut-sikot siya.


2. Kailangan natin ang bahay na tirahan, ang damit na
kasuotan at ang pagkaing panlaman ng tiyan.
3. Ang nobya niya ay maganda, matalino, mabait, at
mayaman.

Q. Klaymaks
1. Siya ay isinilang, naging bata, nagdalaga at ngayoy
nagka-asawa.
2. Nagising nang medaling umaga, nagluto ng agahan,
nang matapos ay naligo at nagbihis at mayat maya aya
kumain at nagsipilyo nang biglang napansin ang pagbilis
ng oras ay nagmadaling nagpaalam at umalis.
3. Noon ay naglalaro lang bahay-bahayan, nangarap
magkabahay ng makatapos sa pag-aaral ay nakapagtayo
ng malaking bahay.

R. Antiklaymaks
1. Nang yumaman ay di na lumingon sa pinanggalingan,
hanggang dumating ang panahong nalugi ang kabuhayan
ay nabaon sa utang at nalugmok sa kahirapan.
2. Tumigil ang bagyo, tumila ang ulan at lumiwanag ang
paligid.
3. Tumahan sa pag-iyak ang bata, pinunasan ang kanyang
mukha, binigyan siya ng pagkain at natuwa.

S. Pagtatambis o Oksimoron
1. Ang bawat tao ay may maganda at masamang pag-uugali,
may mayaman at mahirap, mayroong malakas at mahina.
2. Ang pagkain ay masarap at maalat, mainit at malamig, at
mayroong mahal at mura.
3. Ang mundo ay binubuo ng tao at hayop, halaman at
bagay, tubig at lupa, hangin at apoy.
T. Ironiya o Pag-uyam
1. Ang dami kong natutunan sa'yo, nasayang ang talaga ang
binayad ko.
2. Hindi masarap ang niluto mong pagkain, wala natira sa
iyong hinain.
3. Napakabuti mong kaibigan, lagi kang nang-iiwan.

Posted by cliQue29 at 10:21 PM


Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to
FacebookShare to Pinterest
No comments:
Post a Comment
Newer PostOlder PostHome
Subscribe to: Post Comments (Atom)
isigaw mo!
Popular Posts

MGA URI NG TAYUTAY AT MGA HALIMBAWA

Anapora 1. Ako ay simpleng tao.Ako ay


masayahin. Ako ang may pusong mammon. 2.
Siya ay makisig na lalaki. Siya ...
TAYUTAY at mga halimbawa

Ang TAYUTAY ay isang salita o grupo ng mga salita


na ginagamit upang makapag pahayag ng emosyon o
upang makalikha ng mas malalim na kahulug...

Mga Halimbawa ng mga Tayutay

Kristelle B.
Sasota
...

Halimbawa ng Ibat Ibang Uri ng Tayutay


Sheena Liz B. Idpalina BTTE 2D-Com. Tech.
A. Aliterasyon 1. Pagod na pagod at ...

"AKO AT ANG SALAMIN NG BUHAY KO"


( Talambuhay)
Jorix Sabondo Lipongo BTTE-2C Ang buhay
ng tao ay napakakulay at nababalot ng hiwaga; puno
ng tuwa ngunit kaakibat...

Mga Tayutay at Ilang mga halimbawa


Mga Tayutay at mga halimbawa nito A. Aliterasyon
1. Magaling manghula ang matandang aming
nakilala. 2. Nakakaiyak at nak...

(no title)

MGA TAYUTAY ALITERASYON Malaki ang


maibabahagi ng mga mamamayan sa mabilis na pag-
unlad ng bayan. Makakatulong...

halimbawa ng mga tayutay_ni:arjAYPEREz

University of Southeastern Philippines COLLEGE OF


TECHNOLOGY Obrero Campus, Davao City
TAYUTAY Ipinasa ni: ARJAY D. PE...

talambuhay ni bordios, arvil john

Arvil John P.Bordios BTTE-2c Fil3/Masining na


Pagpapahayag Ang Aking Talambuhay Ang bawat tao
sa mundo ay mayroong mga bagay...

tayutay

Roland O. Nocete
BTTE-ED ELC 1. ALITERASYON Makikita
mo ang m...
Search This Blog

follow me
Contributors Blog Archive

Ahmed 2012 (134)

Aiza Catipay o March (18)


Esguerra
o February (19)
Aryat
o January (97)
Aubrey Asilo
cUtietot de semantic
Ellian Mae B. map
Anion
University of
Humprey Southeastern
Philippines B...
JOH ELVIS
GOMONIT <!--[if !mso]> v\:*
{behavior:url(#default#V
JOSEPH ML);}...
JORDAN
ONDE USEP

Jane C. Niez tayutay

Semantic Map ng USeP


Jayzil Ehidio
Ang USEP
Jhon Alexcel
USEPAhmed C. Esteva
Joshii
Jr.BTTE-2C Ang
Karen Jade University of ...

Kid Papasin semantic map at


sanaysay
Kristelle
semantic map ng USEP
Leonardo S.
Mangubat Jr. GIMIKERONG
DABAWENYO. :)
LisbosC
Mga Nagpa WOW sa
Makoy ( Jah Davao!
soldier )
<!--[if !mso]> v\:*
Nicole James {behavior:url(#default#V
Angon ML);}...

Oscar Little L. Aubrey Jean P. Asilo


Aton BTTE-2D Ang Kaharian
n...
PatrickPaule
REOLYN-DAVAO CITY
Preach Lee
Valles Jeralyn A.
Rellon
Roland ...

Roxane SHERWIN-DAVAO CITY


Rosello
RECA G. SEPE BTTE-
Shendy Joy 2D Maiitu...
Borres
ako budoy Davao... Tangkilikin!

alhasan Davao

anarose balios ANG DAVAO CITY

apple grace DAVAO CITY Ang


Davao City ay ang
bordios pinaka malaki...
brayn villarba USEP

chang chang USEP

cutE_mine USeP

cutietot Taga USEP ko!...

dyesikahjessica It's More Fun in USEP


villegas
Mga Tayutay
edzz biado
USeP naming liyag
elmer barulo
USEP
elvin halimbawa ng mga
alquisola ,jr tayutay
esre mae DAVAO CITY
jacqueline diaz Ang Buhay ko sa USEP
Unang ara...
jayson USeP by PATRICK
PAULE PILAPIL
jedasohcid
USEP ni bordios ,arvil
jeralyn john
jorix sabondo MGA PUNTO; Wag
lipongo mong husgahan sa
labas, pumasok ka ...
little17_recalits
Ang Kabuuhan ng
mac-mac Semantic Mapping ng
Unibersidad ng...
maldita
<!--[if !mso]> v\:*
marie angelie {behavior:url(#default#V
estemar ML);}...
mark anthony USeP (by: Kris Jhon
obsioma Papasin)
mary joy pingol BORNEA, Maureen
melody24 MGA URI NG TAYUTAY
AT MGA HALIMBAWA
mitchai18
tayutay
phoebe umbay
Halimbawang TAYUTAY
reolyn tilulong by J. ABALI
rudsky Mga halimbawa ng
matalam tayutay

sherwin mark mga tayutay.>jason


gohetia
MGA TAYUTAY
sheryl joy (get ALITERASYON <!--[if !
bounce) supportLists]...

teddy roosevelt goodnight everyone!!


golez
Tayutay
yubz
Reca G. Sepe
Followers
Mga Tayutay

Geraldin Dichosa BTTE-


2D
halimbawa ng mga
tayutay
MGA HALIMBAWA NG
TAYUTAY 1. AL...
Tayutay. Oscar Little
Aton
Mga tayutay

halimbawa ng mga
tayutay
Tatuyat

Halimbawa ng Ibat
Ibang Uri ng Tayutay
mga tayutay ni
mamonas
aubrey asilo mga
tayutay
Tayutay

mga tayutay

Mga Halimbawa ng mga


Tayutay
mga tayutay

mga tayutay

mga tayutay

halimbawa ng mga
tayutay_ni:arjAYPEREz
Tayutay- isang salita o
grupo ng mga salita
na...
<!--[if gte mso 9]>
Normal 0 ...
Mga Tayutay

tayutay

Mga Tayutay at Ilang


mga halimbawa
Major in Tayutay ni
cutietot: A. Aliterasyon:...
(Mga
Tayutay&Halimbawa)Tak
dang-Aralin1
<!--[if gte mso 9]>
Normal 0 f...
Mga Tayutay (Figures of
Speech)
Mga tayutay ni Humprey
1. Simili o Pagtutulad...
Mga tayutay ni Bordios

Halimbawa ng mga
Tayutay
MGA TAYUTAY A).
ALITERASYON Si Juan
at Da...
<!--[if gte mso 9]>
Normal 0 f...
ANG AKING TAYUTAY
(BOW)
nahuman rajud!!

Tayutay

Mga Tayutay

Mga Tayutay

mga tayutay ni
ayuban(yubzz)
TAYUTAY at mga
halimbawa
so complicated ba ito
uiii.. hahahaiiii anyways
na...
mao nani???????????//

Mada mada dane.

i like this SITE nah!


hahai

maaung gabie dha..

....

my name is

First Post!

Total Pageviews
508511
Feedjit

There was an error in this gadget


Mga Bisita There was an error in this gadget
Picture Window template.Powered by Blogger.
Home

Talumpati

Nobela

Oratorical

Mga Buod

Declamation

Script

Poems

Iba-Iba

Tayutay
Posted by Bokals on Friday, January 11, 2013
Labels: Tayutay

Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang


paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan,
mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag
ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang
katha, pasalita man o pasulat.

Mga ibat ibang uri ng Tayutay

A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING
1. Simili o Pagtutulad(Simile) nagpapakita ng
pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay sa
pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya,
katulad, para, parang, para ng, anakiy, animo, kawangis
ng, gaya ng, tila, kasing-, sing-, ga-, at iba pang mga
kauring kataga.

Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-
aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing
nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines
sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi
napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
7. Tila porselana ang kutis ni Celia.
8. Ang tao ay kawangis ng Diyos.

2. Metapora o Pagwawangis(Metaphor) tiyak na


paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.
Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga
pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na
inihahambing. Hindi na rin ito ginagamitan ng mga
katagang kagaya, katulad at mga kauri.

Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking
pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
6. Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso.
7.Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3. Alusyon - nagbibigay saanggunian mula sa


kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto
ng buhay ng tao.

Halimbawa:
1. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang
tagapagligtas mula sa delubyo.

4. Metonimya o Pagpapalit-tawag (Metonimy) - ang


isang salita o grupo ng mga salita ay pinapalitan ng isa
pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa
nais ipahayag.

Halimbawa:
1. Ang kapalaran mo ay handog sa iyo na langit sa itaas
na tinitingala ko
2. Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama
mag-aanalisa.
3. Sa ngalan ng Hari ay isinambulat gayong ordeng mula
sa dibdib ng sukab.
4. Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan
5. Sinekdoke nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto
kaisipan, upang sakupin o tukuyin ang kabuuan.

Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa
Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.
5. Hanggang sa malibing ang mga buto ko.

B. PAGLALARAWAN

1.Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) Ito ay


lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan
ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at
iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Ito rin ay
gumagamit ng eksaherasyon

Halimbawa:
1. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay
ay kanyang makamtan.
2. Bumaha ng dugo sa kapaligiran ako ang nagwagi sa
aming labanan
3. Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko
ang katotohanan.
4. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
5. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
6. Bumabaha ng dugo sa lansangan.
7. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
8. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.
2. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) - pakikipag-
usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap
sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang
naroon at kaharap gayong wala naman.

Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking
kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng
kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa
masamang elemento.
6. Buhay, bakit naging maramot ka sa akin.
7. Kalayaan, kay tagal kitang inasam mahawakan sa aking
mga kamay.
8. Diyos Ama, ituro nyo po saamin ang tamang daan.

3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) -


isang paglalabas o papahayag ng matinding damdamin

Halimbawa:
1. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong
sobrang kalungkutan!
2. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo Mabuhay!
Mabuhay! Lalaya na ako!
3. Ibigay mo sana ang pagpapala Mo, sagipin Mo Poon,
malulunod ako!
4. Isa kang hanggal!

4. Paradoks naglalahad ng salungat sa likas (o


karaniwan) na kalagayan o pangyayari.

Halimbawa:
1. Malayo may malapit pa rin.
2. Kung magbangis ka mat magsukab sa akin mahal ka
ring lubha dini sa panimdim

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) - nagtataglay


ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong
mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.

Halimbawa:
1. Magsaya na kayot ililibing ako di na makikita ng lahat
sa mundo
2. Nalulungkot ako sa pananalo mo sa pagwawagi mo,
hustisyay natalo.
3. Banal na demonyo
4. Batang matanda

C. PAGSASALIN NG KATANGIAN

1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) -


Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na
walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang
nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at
pangngalang-diwa.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
6. Tik-tak ng orasan ay naghahabulan
7. Masayang umihip ang hanging amihan
8.Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
.
D. PAGSASATUNOG

1. Panghihimig o Onomatopeya(Onomatopoeia)- ito


ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay
siyang kahulugan.

Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan,
halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
4. Grr-ggrrrrr!!Aww-aww! Ang galit na si Bantay ay
nakatingin sa akin.
6. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
7. Kinakabog ang mga dibdib ng mga kalahok.
8. Tinataghuy-taghoy na kasindak-sindak.

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) -


magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng mga
kakalapit na mga salita o taludtod o saknong na
nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.
Halimbawa:
1. Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita
silang masayang-masaya
2. Dinggin mo ang Diyos na dinadakila Dibdibin ang tinig
ng Poong Bathala
3. At sa mga sulong ditoy nakasabog, nangalat, napunla,
Nagsipanahan, nangagsipamuhay, nagbatot nagkuta.
4. Gumagalang gutay-gutay na gagamba
3. Repitasyon pag-uulit ng mga salita o parirala upang
bigyang diin ang isang aspektong akda.

Halimbawa:
1. Ito nga! Ito nga! Itong nganga.
2. Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan
TAYUTAY AT ANG MGA URI AT HALIMBAWA
Ang TAYUTAY ay salita o isang pahayag na ginagamit
upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.
Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga
o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang
bigyan diin ang kanyang saloobin.

Mga uri ng tayutay

* Simili o pagtutulad - Payak at lantad na paghahambing


ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga
salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-,
magkasing-magkasim-, at iba pa. Halimbawa:
1. Tulad ng ibong nakawala sa hawla, siya ay masayang
patalon-talon nang makalabas siya ay malanghap ang
sariwang hangin.

2. Tila siya yelong natunaw dahil sa kahihiyan.

3. Ang kaniyang kagandahan ay kawangis ng bulaklak na


bago palang kabubukadkad.

4. Paris ng mga langgam na nag-iipon ng pagkain bago


magtag-ulan,ang mga magsasaka ay may sunong ng mga
sako ng palay mula sa tumana. (farm)

5. Sing-bagsik niya ang leon nang siya ay masugatan sa


laban.

6. Magkasing-bilis sa takbuhan ang kuneho at ang


batang tumatakas palo ng magulang.

* Metapora o pagwawangis - Tuwiran ding


paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng
pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na
nakalapat sa maga pangalan, gawain, tawag o katangian
ng bagay na inihahambing.
Halimbawa:

Ang kaniyang pagkatao ay malalim pa sa dagat na hindi


kayang arukin.

* Personipikasyon - Ginagamit ito upang bigyang-buhay,


pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos
ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng
mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa,
pandiwari, at pangngalang-diwa. Halimbawa:

1. Sinampal ang aking pisngi ng mainit na hanging


nanggaling sa apoy.

2. Itinulak ako ng malakas na hangin palayo sa aking


paroroonan.

3. Nagising siyang hinahalikan siya ng sinag ng araw mula


sa bintanang nakaawang.

* Apostrope o pagtawag - isang panawagan o pakiusap


sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Halimbawa:

1. Buhay, bakit ka mahiwaga?

2. Kalayaan, bakit ka mailap?

3. Pag-ibig, layuan mo ako.

* Pag-uulit
o Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-
pareho.

Hallimbawa:

Pagod at Pawisan siyang dumating na tila hinhabol ng isa


niyang kinatatakutan.

oAnapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng


isang pahayag o ng isang sugnay.

Halimbawa

Babangon ang mga naaping mga mamamayan


Babangon sila at pakikilaban ang kanilang karapatan.
Babangon sila sa matagal na pagkakahimlay.
Babangon sila at handang pumatay.

oAnadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa


hulihan ng pahayag o sugnay.

Halimbawa:

Sumisilakbo pa rin sa kaniya ang galit,


Galit na matagal din niyang sinikil,
Sinikil niya ang damdamin upang hindi makasakit,
Makasakit sa mahal niya at buong-pusong iniibig.

oEpipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan


ng sunud-sunod na taludtod.

Halimbawa:
Noong siya ay bata pa, ang kaniyang pag-iisip ay sabata;
ang kaniyang mga kilos ay sa bata; ang kaniyang pang-
unawa ay sa bata. Ngayong malaki na siya ay walang
pagbabago, asal bata pa rin siya.

oEmpanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang


pagbaliktad ng mga pahayag.
* Pagmamalabis - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng
kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o
katayuan.

Walang halimbawa.

* Panghihimig o onamatopeya - ito ang paggamit ng


mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

Halimbawa:

1. Narinig niya ang klang klang ng nahuhulog na mga lata


mula sa itaas.
2. Sinundan niyaang twit twitna narinig niya. Mula pala ito
sa ibong nakadapo sa kanilang balkonahe.

* Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang


nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng
damdamin.
Halimbawa:

Ang kaniyang awit ay kasing tunog ng malinaw na alulong


ng aso na nakakita ng multo.
* Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan,
isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.

Walang halimbawa.

* Paglilipat-wika o Transferred epithet - tulad ng


pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga
katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:

1. Malungkot na umaga ang naramdaman niya pag


gising. Kulimlim ang langit na nagbabadya ang ulan.

2. Madilim ang kinabukasan para sa kaniya at kaniyang


pamilya mula nang iwanan sila ng kanilang ama.
* Balintunay - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig
ang nais sabihin sa huli.

Walang halimbawa.

Awitin o KantahingBayan,
Talumpati,Kumintang,Uyayi,Tayutay,Tula,Talambuhay,
Posted by cathy at 9:38 AM
Labels: Panitikan, Tayutay
No comments:
Post a Comment
Newer PostOlder PostHome
Subscribe to: Post Comments (Atom)

You might also like