69 - May dumating na mandirigma sa gubat. Taga Persiya.
70 - Huminto siya. Tumingin sa palibot. Biglang hinagis ang
kanyang mga sandata.
71 - Tumingala siya, at panay ang buntong-hininga.
72 - Umupo siya sa tabi ng puno, at umiyak nang umiyak.
73 - Hawak niya ang kanyang baba at sentido. Mukhang may
malalim na iniisip, o di kaya's may nakalimutan.
74 - Maya-maya'y sumandal siya. Patuloy pa rin ang kanyang mga
luha. Nagsalita siya: Flerida, tapos na ang tuwa. (NOTE: Anim na taon na siyang palakad-lakad kung saan-saan sa labas ng Persiya. Hindi siya maka move-on.)
75 - Panay ang sabi ni Aladin ng "Ay! Ay!" duon sa gubat. Hindi siya talaga maka move-on."
76 - Bigla siyang tumindig, mukhang galit, at dali-dali niyang
hinanap ang kanyang mga sandata. Hindi raw siya makapapayag.
77 - At kung ibang tao (maliban sa kanyang ama) ang umagaw ng
kanyang Flerida, mapapatay niya ito.
78 - Binanggit ni Aladin si Marte at ang mga Parcae. May
diyos/diyosa na kunektado sa digmaan at kamatayan. Matindi ang galit ni Aladin.
79 - Sinabi ni Aladin na babawiin niya si Flerida mula sa mga kuko
ng kataksilan, at lahat nang makakabangga niya (maliban sa kanyang ama) ay papatayin niya. 80 - Makapangyarihan ang pag-ibig. Lahat ay apektado. At ang lahat din ay makalilimutan kapag pumasok na sa puso ang pag-ibig.
81 - Kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, kalimutan mo na ang
respeto sa lalong dakila (Diyos?), katwiran, tamang pag-iisip, katungkulan, at pati na rin ang buhay.
82 - Sinasabi ni Aladin na huwag siyang tularan. Pero wala naman
siyang kausap sa gubat.
83 - Sinaksak ni Aladin ang kanyang sandata sa lupa. Umiyak nang
umiyak. Bigla siyang may narinig na buntong hininga. Si Florante pala yun, nakagapos pa sa puno.