Professional Documents
Culture Documents
Duke Briseo: Dahil mas maganda ang pagtuturo roon. Kung Hindi siya mag-
lumisan.
Antenor: Florante, maligayang pagdating! Ako nga pala si Antenor at ako ang
Tagapagsalaysay: Anim na taon ang lumipas simula ng dumating si Florante sa Atenas. Marami siyang
naging kaibigan rito at marami siyang nakilala. Isa na rito si Adolfo. Si Adolfo ay kanyang kababayan.
Anak siya ni Konde Sileno. Pino kumilos si Adolfo. Sa katunayan, isa si Adolfo sa pinakamagaling na
estudyante sa Atenas bago dumating si Florante. Maraming kakayahan si Adolfo dulot na rin ng kanyang
matitinding pag eensayo ngunit nanaig ang natural na talent ni Florante.
Antenor: Binabati kita Florante! May talento ka sa pilosopiya, astrolohiya at
Florante: Ang tunay na lalaki ay hindi naghihimutok kundi marunong tumanggap kapag natatalo. At
ginagamit ang karanasan sa pagkatalo bilang aral.
Adolfo: ( Magagalit) Iyo bang pinapabatid na ako’y hindi isang tunay na lalaki? Ano ang iyong nais
patunayan.
Florante: Wala akong sinasabing ika’y di tunay na lalaki. Baka ikaw ay tinatamaan lamang.
Adolfo: Aba!
Antenor: (sisingit Bigla) MAGSITIGIL KAYO! Ang tunay na lalaki ay di naghahanap ng away kundi
humahanap ng paraan para iwasan ito.
Tagapagsalaysay: Hindi lingid sa iba ang galit ni Adolfo kay Florante sapagkat nauungusan ni Florante si
Adolfo. Hindi matanggap ni Adolfo na siya’y parang isang talunan. Matapos ang masinsinang
paghahanda ay dumating ang araw ng dula. Maayos ang daloy ng dula-dulaan ng bigla itong mahantong
sa isang insidente. Nanlisik ang mata ni Adolfo kay Florante.
Adolfo: (Handa nang paslangin si Florante) Ikaw ang umagaw ng kapurian ko,
lang kami.
Duke Briseo: Kay tagal ng panahon ang lumipas ng huli kitang mayakap.
Florante: Ama ito nga pala ang matalik kong kaibigan na si Menandro.
Duke Briseo: Magandang araw din sayo iyo iho! (yayakapin si Menandro) Napagalaman kong ikaw ang
naging kapatid ng aking anak sa Atenas. Maraming salamat sa iyong pagdamay sa aking anak.
Duke Briseo: Mahal na hari! Aking pinpapakilala, ang nagbabalik kong anak mula sa kanyang pagaaral
sa Atenas, ang aking anak na si Florante! At ang kanyang kaibigan at kapwa mag aaral na si Menandro!
Haring Linseo: Aha! Ikaw pala si Florante. Marami akong magagandang bagay na narinig patungkol sa
iyo. Isang talentado at matalinong tao. Kamusta ka sa paggamit ng espada at kalasag?
Florante: Bagama’t ang aking pagaaral ay nakatuon sa agham, araw araw ang aking pagensayo sa
paggamit ng iba’t ibang klase ng sandata. Nagkaroon rin kami ng pagkakataon ni Menandro na
makapagaral ng mga taktikang militar sa ilalim ng magagaling na heneral ng Atenas.
Haring Linseo: Ikaw nga! Ikaw nga ang binata sa aking panaginip. Ang papalit sa aking trono. Briseo,
isang balita ang natanggap ko kaninang bukangliwayway. Nasa panganib ang Krotona. Tutulungan
nating sila at ikaw Florante ang mamumuno sa hukbo ng Albanya upang tulungan ang Krotona.
Tulungan mo ang iyong ninuno doon at magkamit ng karangalan. Nabalitaan ko kay Antenor na
nagpamalas ka ng iyong kahusayan sa Atenas. Walang pagdududa na iyong namana ang mga
katangian ng iyong ama.
Florante: Makakaasa po kayo. Di ko kayo bibiguin maging ang Albanya at ang Krotona!
Tagapagsalaysay: Naghanda na si Florante para sa paparating na digmaan. Kanyang kinita ang hukbo
upang makuha ang tiwala nila at hayaan siyang pamunuan sila. Agad naman niya itong nakuha. Nasa
palasyo siya ng magkasilayan sila ni Laura, ang anak ni Haring Linseo.
Laura: Ikaw pala si Florante. Hindi ba’t ikaw ang mamumuno sa ating hukbo patungo sa Krotona?
Pinagdarasal ko ang iyong kaligtasan.
Laura: (may binigay na panyo) Ito ang isang borlas. Wala siyang gaanong kahalaga sa akin ngunit gusto
ko tong makabalik sa akin. Ibalik mo ito sa aking pagkagaling mong krotona.
Haring Linseo: Florante! Nababatid kong nakilala mo na ang aking anak na si Laura!
*Kinabukasan
Haring Linceo.
Laura: Paalam.
Tagapagsalaysay: Matapos ang paglalakbay ay nakarating sila sa Krotona. Sandaling nagkampo sila
Florante sa may labas lamang ng kaharian ng Krotona at nagpapunta ng mensahero kay Heneral
Osmalik. Isang Persyanong Heneral na kumobkob sa Krotona. Nais ni Florante na kausapin ang heneral
upang maiwasan ang nagbabadyang madugong digmaan.
Heneral Osmalik: (Tatawa) Wala na bang matinong heneral ang Albanya at isang paslit ang kanilang
pinadala upang kalabanin ako. Tila ata inuuyam ako ng Alabanya at minamaliit ang aking kakayanan.
Kahit pitikin ko lang ata ang paslit na ito ay mananalo na ako.
Florante: Ang iyong paslit na nilalait ay ang paslit na siyang sa leeg mo ay gigilit. Ngunit maari nating
iwasan ang isang madugong labanan kung susuko ka na at lilisanin ang Krotona.
Heneral Osmalik: Aba! Di ko gusto ang tabas ng iyong dila bata. Ngunit aaminin ko. Matapang ka pero
di ka matalino. Ako si Osmalik ang magiting na heneral ng persya. Ang karanasan ko ay kakainin ka.
Maraming ka pang kakaining bigas bata.
Tagapagsalaysay: Naghiwalay na sina Florante at Heneral Osmalik at nagsimula ang kawal. Mabilis
nalukob ng pwersa ng Albanya ang mga persyano. Sa huli, sina Florante at Osmalik ang nagtunggali
kung saan tinalo ni Florante si Osmalik.
*LAhat ng kawal. Mabuhay ang ALBANYA! MABUHAY ANG KROTONA! MABUHAY SI FLORANTE ANG
TAGAPAGTANGOL!
Tagapagsalaysay: Matapos maibalik ang kaayusan sa Krotona, nagtungo na pabalik ng Albanya sina
Florante at may nakasalubong silang mga d- bininyagan na may dalang isang babae.
Di-bininyagan: Sino kayo at bakit kayo naririto?
Florante: Kami ang mga kawal ng Albanya. Pakawalan ninyo ang babaeng iyan.
Florante: (Pinuntahan ang binibini) Mawalang galang na binibini, ako si Florante, isang mandirigma ng
Albanya. Ayos ka lang ba?
Laura: Mabuti naman ako, pero Florante, kailangan ko ng tulong mo. May bayang malapit dito na
pinagtataguan ng mga morong dumakip sa aking ama. Iligtas mo siya. Paano kung may masamang
mangyari sa kanya? Paano kung...
Florante: Shhhh. Ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong ama sa abot ng aking makakaya.
Tagapagsalaysay: Matapos ang ilang araw ay nailigtas ni Florante si Haring Linseo sa morong dumakip
sa kanya.
Kawal: Mabuhay!
Haring Linseo: ( Kayakap si Laura) Maraming salamat Florante sa pagsagip sa aking buhay
Haring Linceo: Florante, pasensya ka na ngunit ipapadala sa Etolya ang isa sa aking pinakamagiting na
heneral sa Etolya. Kailangan kitang ipadala sa Etolya upang labanan ang mga Turko. Magingat ka at
pagpalain ng Diyos!
Florante: Ngayon rin mismo ay tutunguin naming ang Etolya. Menandro, sabihan ang mga kawal na
pagsapit ng bukangliwayway ay aalis tayo at tutunguin ang Etolya.
Tagapagsalaysay: Tinungo nila Florante ang Etolya at doon nakasagupaan niya si Heneral Miramolin.
Habang siya ay nasa Etolya isang liham mula sa Albanya ang kanyang natanggap.
*Habang naguusap sina Florante at Menandro at iba pang heneral, dumating ang isang mensahero
Mensahero: Heneral Florante! Sulat galing sa kamahalan.
Florante: (Binasa ang liham) Pinapabalik ako ng Hari sa Albanya sa lalong madaling panahon.
Menandro. Ikaw muna ang mamuno rito. Sayo ko pinagkakatiwala ang hukbo.
Florante: ( Papalibutan ng mga kawal) Ano ibig sabihin nito? (Sisikuhin ng isang kawal sa batok) Ugh!
Adolfo: Kamusta na Florante? Matagal na tayong Hindi nagkakausap. Kuwentuhan mo naman ako.
Adolfo: Huminahon ka. Maayos ang kalagayan niya ngunit ikinalulungkot ko. Di ka na nakapagpaalam
sa ama mong si Duke Briseo. At si Laura, sa ilang lingo lang ay magiisang dibdib na kami. Inakala mo ba
talagang mahal ka niya? Masyado kang ignorante Florante.
Adolfo: Mga kawal, alisin niyo ang taong ito sa harapan ko.
Tagapagsalaysay: Dinala si Florante sa isang mapanglaw na gubat at tinali sa isang puno. Inawan siya
rito ng mga kawal na bugbog at malapit ng mamatay. Dito na siya nagsimulang managhoy.
Florante: O, aking Diyos Ama, nasan, nasan, ang iyong awa! Ako'y nananaghoy, nakikiusap, humihingi
ng tulong niyo (bugtong hininga) Patawarin niyo akong lahat dahil Hindi ko nagawang ipagtanggol ang
ating kaharian laban sa taksil at walang awang si Adolfo. Tila yata wala nang nagmamahal sakin!
Napakapait ng aking buhay! Inagaw niya ang korona ni Haring Linceo upang magawa niya ang kanyang
ninanais. Pati si Duke Briseo na aking ama ay kanyang dinamay. O aking Diyos Ama, tila yata di mo
dinidinig ang aking mga panalangin sa'yo. Hindi ko tuloy maalis saking isipan na ayaw nyo na akong
tulungan. Kung gayon, papaano na ako, sinong aking malalapitan at makakapitan kung ang Diyos
mismo ay ayaw na akong tulungan! Paalam na Albanya, aking sinilangan, patawarin mo na lang ako
dahil Hindi kita naipagtanggol. Paalam na bayan ko, paalam rin sa'yo. Adolfong malupit, Laurang taksil!
Paalam na sa inyo!
Tagapagsalaysay: Habang si Aladin ay umiiyak at nagdudusa ay may narinig siyang tinig sa kagubatan
at pagkatapos ay may nakita siyang lalaki.
Aladin: O, ano yung tinig na aking naririnig? Tinig ng isang naghihinagpis na tao. Sino kaya siya?
Florante: Talagang ako'y minamalas. Ako'y pinapahirapan sa kamay nang taksil na si Adolfo. Si Adolfong
malupit at higit pa sa halimaw kung manakit. At si Laura na taksil!
Aladin: Kaawa-awang tao, ang lahat ng kanyang tuwa'y natapos nang siya'y pinahirapan at
pinagtaksilan.
Aladin: Tadhana'y masakit, problema ko'y napakahirap lutasin dahil sa aking sintang inagaw.
Tagapagsalaysay: Nagmamadali na si Aladin nang mapansing humina ang boses na kanyang narinig…
Tagapagsalaysay: Habang tumatakbo ay hinahawi niya ang mga sagabal sa pamamagitan ng kanyang
kalis. Nang Makita niya ang nakagapos ay napansin niyang may nakapalibot ditong dalawang leon. Siya
ay naghanda at nilusob ang mga leon. Pagkatapos niyang mapatay ang dalawang leon ay pinakawalan
niya si Florante.
Florante: Siguro nga ay patay na ako kung Hindi ka dumating. Ngunit ang pagkamatay ang siyang tunay
kong kaligayahan.
Tagapagsalaysay: Inaliw ni Aladin si Florante ngunit napansin nitong malungkot pa rin siya.
Florante: Pinanganak ako sa bayan ng Albanya kung saan si Duke Briseo, ang aking ama, ay
naninirahan. Ang ina ko na si Prinsesa Floresca ay nakatira sa Krotona. Ako ay pinangalanan nilang
Florante. Noong sanggol pa lamang ako ay muntik na akong dagitin ng isang buwitre. (sinasalaysay
habang inaarte ng batang Florante)
Florante: Nakita ng pinsan kong si Menalipo na ako ay dadagitin ng buwitre kaya Dali-Dali niya itong
pinana at napatay. At noon namang naglalakad ako ay kinuha ng isang areon sa aking dibdib ang aking
Cupidong Dyamante. Buti na lang at Hindi ako napahamak. (isinasalaysay habang inaarte ng batang
Florante) Nang ako'y naging siyam na taong gulang ay lagi akong nasa burol at dala ang aking pana't
busog at ako'y naghahanap ng hayop upang tirahin ng aking pana. Kapag ako'y napagod ay
nagpapahinga at naliligo ako sa batis kung saan masasayang nag-aawitan ang mga nayades habang
tinutugtog nila ang kanilang lira. Ang kanilang tawana'y nakapagpapawala ng aking pagod.
(sinasalaysay habang inaarte ng batang Florante)(nagkakantahan ang mga nayades) Pagkalipas ng
ilang taon ay pinag-aral ako ng aking ama ngunit ayaw pumayag ng aking ina dahil ako'y lilisan.
Tagapagsalaysay: Ipinagpatuloy ni Florante ang pagsasalaysay hanggang sa kung paano siya napunta
sa puno kung saan siya sinagip ni Aladin. Di kalaunan si Aladin naman ang nagsimulang magkwento.
Aladin: Hayaan mong ako naman ang magkwento ng aking buhay. Ako Si Prinsipe Aladin. Ang anak ni
Sultan Ali-Adab ng Persiya. Mayroon akong kasintahan. Ang kanyang pangalan ay Flerida. Lingid sa
aking kaalaman ay ninanais rin ng aking ama ang aking kasintahan. Ito pala ang kanyang dahilan kung
bakit pinadala niya ako sa iba’t ibang digmaan sa pagasang ako ay mamatay sa labanan. Pinasama niya
ako kay Heneral Osmalik sa Krotona. Pinatakas ako ng Heneral matapos niyang mabatid na malapit na
kaming matalo sa labanan. Pagbalik ko sa aming kaharian, pinadakip ako ng aking ama sa salang pag
abandona sa aming mga kawal. Kanyang ipinagutos na ako’y pugutan ng ulo. Ngunit bigla nagbago ang
kanyan isipan ako ako ay pinalayas sa aming kaharian at ako’y pinagbawalan ng umalis. Napagalaman
ko rin na pakakasalan ng aking kasintahang si Flerida ang aking ama. Samakatuwid, parehas tayong
pinagtaksilan n gating mga katipan.
Tagapagsalaysay: Sa kabilang dako naman ng kagubatan ay hila hila ni Adolfo si Laura. Tinakas ni
Adolfo si Laura matapos lusubin ni Menandro ang Albanya kasama ang hukbong pinamumunuan nila ni
Florante.
Adolfo: Sumunod ka na lang wala ka nang magagawa! Akin ka na! Wala na ang pinakamamahal mong
Florante para sagipin ka! Akin ka na Laura kaya wag ka na pumiglas!
Tagapagsalaysay: Biglang tinumba ni Adolfo si Laura sa damuhang parte ng gubat at saka tinangkang
alipustahin ng biglang dumating si Flerida. Gamit ang pana at palaso ay pinana ni Flerida sa dibdib si
Adolfo.
Tagapagsalaysay: Habang naglalakad sa masukal na kagubatan ang dalawang binatang sila Florante
at Aladin, sila’y may narinig na tinig ng dalawang babaeng nagke-kwentuhan.
Laura: Maayos na naman ako. Maraming salamat sa iyo kaibigan. Utang na loob ko sayo ang buhay ko.
Flerida: Nasisigurado ko, kung ako nasa kalagayan mo, tiyak na tutulungan mo rin ako.
Laura: Tama ka! Maiba ako, saan ka nga nagmula at ano ang iyong kwento.
Flerida: Nagmula ako sa Persiya. Ang mortal na kaaway ng inyong kaharian. Kasintahan ko ang prinsepe
ng Persia na si Aladin. Malimit siyang pinapadala ng kanyang ama sa mga digmaan at madalas niyang
naipapanalo ang mga digmaang pinumumunuan niya. Minsan pinadala siya sa upang kubkubin ang
Krotona. Umuwi si Aladin sa Persiya ng siya lamang magisa. Inakusahan siya ng kanyang ama na
inabandona ang kanyang mga kawal. Siya’y pinadakip at ipinagutos ang pagpugot ng kanyang ulo.
Nakiusap ako sa Sultan at doon ko natuklasan na may lihim na pagtingin sakin ang sultan. Pinagbigyan
niya ang aking hiling at pinatapon siya palabas ng Persiya. Nagdamit gerero ako at tumakas sa Persiya
upang hanapin ang lalaking aking tunay na iniibig.
Tagapagsalaysay: Narininig nila Florante at Alading ang usapan ng dalawa at nang masilip nila kung
sino ang naguusap ay di nila napigilan ang kanilang mga damdamin at nilapitan ang kaninlang mga
kasintahan.
Aladin: Flerida! (Yayakapin) Aking mahal! Kay tagal kong nanabik sa iyong mga yakap.
Laura: Hayaan mo akong ikwento sa iyo. Nang simula ng ikaw ay umalis papuntang Etolya, at ng
makabalik kami sa Albanya ng aking amang hari, nabaliktad na ni Adolfo ang utak ng lupon ng konseho
ng Albanya. Pinagutos niya ang kamatayan ng aking ama at maging iyong ama na si Duke Briseo. Nang
dumating ang hukbo ng Albanya sa pamumuno ni Menandro ay pinilit akong dalhin ni Adolfo dito sa
kagubatan at tinangkang ako’y pagsamantahalan. Niligtas ako ni Flerida mula sa pangaalipusta sa akin
ni Adolfo.
Florante: Oh aking Laura! Sadyang kay lupit ng tadhana sa ating apat. Wag kang magalala Laura!
Nandirito na ako. Poprotektahan at mamahalin kita!
Tagapagsalayasay: Nagbalik sa Albanya ang apat kung saan sinalubong sila ni Menandro.