You are on page 1of 29

Mga pangunahing tauhan :

Florante
Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang pangunahing tauhan ng
awit. Halal na Heneral ng hukbo ng Albanya. Magiting na bayani, mandirigma at heneral ng
hukbong magtatanggol sa pagsalakay ng mga Persiyano at Turko.

Laura
Anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni Florante. Tapat ang puso sa pag-ibig
ngunit aagawin ng buhong na si Adolfo.

Adolfo
Anak ng magiting na si Konde Sileno ng Albanya. Kabaligtaran ng kanyang ama, si Adolfo ay
isang taksil at lihim na may inggit kay Florante mula nang magkasama sila sa Atenas. Siya ang
mahigpit na karibal ni Florante sa pag-aaral at popularidad sa Atenas. Ang malaking balakid sa
pag-iibigan nina Florante at Laura, at aagaw sa trono ni Haring Linceo ng Albanya.

Aladin
Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya. Anak ni Sultan Ali-adab. Mahigpit na kaaway ng
bayan at relihiyon ni Florante, ngunit magiging tagapagligtas ni Florante.

Flerida
isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Persiya para hanapin sa kagubatan ang
kasintahang si Aladin. Siya ay magiging tagapagligtas ni Laura mula kay Adolfo.

Menandro
Ang matapat na kaibigan ni Florante. Mabait at laging kasa-kasama ni Florante sa digmaan.

Mga iba pang tauhan :

Duke Briseo
ang mabait na ama ni Florante. Taga-payo ni Haring Linceo ng Albanya.

Prinsesa Floresca
Ang mahal na ina ni Florante.

Haring Linceo
hari ng Albanya at ama ni Prinsesa Laura.
Antenor
ang mabait na guro sa Atenas. Guro nina Florante, Menandro at Adolfo. Amain ni Menandro.

Konde Sileno
Ang ama ni Adolfo na taga-Albanya.

Heneral Miramolin
Heneral ng mga Turko na lumusob sa Albanya.

Heneral Osmalik
Ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona. Siya ay napatay ni Florante.

Sultan Ali-abab
Ang ama ni Aladin na umagaw sa kanyang magandang kasintahang si Flerida.

Menalipo
Ang pinsan ni Florante. Siya ang pumana sa buwitre na sana'y daragit sa sanggol na si Florante.

Hari ng Krotona
Ama ni Prinsesa Floresca at lolo ni Florante.

a gitna ng isang malawak na gubat sa labas ng kaharian ng


Albanya na nababagtas ng ilog Kositong makamandag ang tubig,
ay nakagapos ang isang kaawa-awang tao sa isang puno ng
Higera. Siya si Florante, anak nina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca. Unti-unting pinapanawan ng buhay si Florante dahil ang
gubat ay sadyang nakakatakot. Mga mababangis na hayop ang
gumagala dito, ang huni ng mga ibon ay nakakalunos at ang
malalaking punongkahoy ay tunay na nakakasindak.
Sa isang di sinasadyang pagkakataon, napapunta ang isang
Persyanong Moro sa dakong kinalalagyan ni Florante. Ito ay
si Aladin, anak ni Sultan Ali-adab, na nagpaka-layu-layo sa sariling
bayan dahil sa sama ng loob sa ginawang pang-aagaw ng ama sa
kanyang kasintahang si Flerida. Nadinig lahat ni Aladin ang mga
panaghoy ni Florante tungkol sa kanyang mga kahirapan at siya
ay lubos na naawa. Tinunton niya ang pinanggagalingan ng tinig
at nakita ang dalawang leong naka-akmang pumaslang kay
Florante. Mabilis na pinaslang ni Aladin ang mga leon. Kinalagan
niya ang gapos ni Florante at pinagpilitang pahimasmasan
siya. Yayamang dumidilim na noon, dinala ni Aladin si Florante sa
may dakong pinasukan nito sa gubat at doon ay magdamag
siyang binabantayan. Kinabukasan ay nagkakuwentuhan silang
dalawa.

Nagkwento si Florante ng kanyang naging buhay. Kinakitaan daw siya,


mula nang pagkabata, ng mga katangiang pangmaharlika; isinalaysay
niya kung paano muntik nang madagit siya ng isang buwitre
kung hindi lamang napana ito ng kanyang pinsang si Menalipo, na taga-
Epiro; binanggit din niya ang paghatid ng isang ibong arkon sa kanyang
dibdib ng isang kupidong diyamante. Ipinadala siya sa Atenas upang
doon ay mag-aral. Dito ay nadatnan niya si Adolfo, anak ng Konde
Sileno na taga-Albanya din, na hinahangaan ng mga guro at mga kamag-
aral dahil sa katalinuhan niya at pagka-uliran sa pagkilos at
pananalita. Labing-isang taong gulang lamang noon si Florante at si
Adolfo ay labing-tatlo na; ngunit sa loob ng anim na taong masugid na
pag-aaral, nadaig ni Florante si Adolfo sa karunungan at
kagalingan. Hindi naglaon at lumabas ang likas na pagkatao ni
Adolfo. Kinasuklaman niya ang mga tagumpay ni Florante. Kaya nga sa
isang dulang itinanghal, sa halip na sundin ang hinihingi ng papel,
tinotohanan niyang saksakin si Florante. Mabuti na lamang at nailigtas
siya ni Menandro, pamangkin ng kanyang gurong si
Antenor. Kinabukasan din ay pinauwi si Adolfo sa Albanya.
Namalagi pa ng isang taon si Florante sa Atenas. Samantala,
nakatanggap siya ng masamang balita mula sa kanyang ama na namatay
ang kanyang mahal na ina. Kahit na siya ay nagdadala ng malaking
sama ng loob, hinintay pa niya ang pasiya ng kanyang ama. Dumating
lamang ang isang sulat makatapos ang dalawang buwan na nagsasabing
umuwi na si Florante sa Albanya.
Ipinatawag ni Haring Linseo ang Duke Briseo sa Albanya sapagka't ang
kaharian ng Krotona ay sinalakay ng hukbo ng Persiyanong Heneral
Osmalik. Sa unang pagkikita ng Haring Linseo kay Florante, itinanong
agad nito kung sino si Florante. Sinabi nitong napanaginipan daw niya
ang taong mamumuno sa hukbo ng Albanya laban sa kaaway at ito'y
kamukhang-kamukha ni Florante. Ipinakilala ng Duke ang kanyang anak
sa hari. Nagsipagpulong ang mga pinuno at napagpasiyahang si Florante
nga ang magdadala ng hukbo ng Albanya. Samantala, sa palasyo ay
napukaw ang puso ng binata ng magandang anak ng hari, si
Laura. Namalagi ng tatlong araw si Florante sa palasyo; nguni't naging
kasintahan lamang niya si Laura pag-alis na niya. Ito ay nagpabaon ng
luhang tanda ng pagmamahal niya sa binata.
Nakasagupa nina Florante ang mga kalaban; limang oras na
naglaban sina Florante at Osmalik. Hindi nagtagal, bangkay na
itinanghal ang ganid na Persiyano. Nanatili pa ng limang buwan
si Florante sa Krotona. Labis siyang nanabik kay Laura kaya't
nagdumaling bumalik sa Albanya. Sa kanyang pagdating,
ikinagulat niya ng husto nang makitang bandila na ng mga Moro
ang nagwawagayway sa kaharian ng Albanya. Pinatigil niya agad
sa paanan ng isang bundok ang kanyang hukbo. Nakita niya dito
ang isang babaeng pupugutan na lamang ng ulo ng mga
kalaban. Kanyang mabilis na sinagip ang inuusig. Anong laking
pagkamangha nang makita ng lahat ang babae: si
Laura! Nagsipagtakbuhan ang hukbo ng kalaban,
napinamumunuan pala ni Aladin. Nabawi ang palasyo nina
Floranate at nailigtas ang mga ibinilanggo : sina Haring Linseo,
Duke Briseo at Adolfo.
Hindi pa halos natatahimik ang kaharian ng Albanya ay may isang
hukbo na naman ang sumalakay; ito ay ang hukbong
pinamumunuan ni Miramolin. Sa madugong paglalaban ay nagapi
nina Florante ang mga kalaban. Nguni't may sunod-sunod pang
mga hukbo ang nagtangkang sumalakay sa kaharian. Labimpito
silang lahat; at lahat din sila ay pawang natalo ni Florante!
Habang nasa Etolya si Florante, nakatanggap siya ng sulat buhat
sa monarka ng Albanya na nagsasabing madaling magbalik sa
Albanya. Nabigla si Florante pagdating niya. Tatlumpung libong
sandatahan ang dumakip sa kanya at dali-daling ipiniit siya sa
bilangguan. Hindi niya alam na sa mga pakana ni Adolfo ay
napatay pala nito ang mahal na hari maging ang Duke Briseo at
ito ang siyang umagaw sa trono. Ikinulong si Florante nang
labing-tatlong araw; pagkatapos ay ipinag-utos na igapos siya sa
gitna ng kasindak-sindak na gubat upang doon ay masila ng
mababangis na hayop. Magdadalawang araw na siya sa gubat na
iyon.
Isinalaysay naman ni Aladin ang kanyang mga karanasan. Siya
ang anak ng balitang Sultan Ali-adab. Napadpad siya sa gubat
dahil sa matinding sama ng loob sa kanyang ama. Ang kanyang
kasintahang si Flerida ay ninasang agawin sa kanya ng sariling
ama. Sa tindi ng pagnanasa ng sultan, naghanap ito ng dahilan
upang masarili ang dalaga. Sa pamamagitan ng pagsisiyasat,
natuklasan nitong nagpunta sa Persya si Aladin at iniwan ang
kanyang hukbo sa Albanya. Kaya nang maagaw ni Florante ang
Albanya at matuklasan niyong si Aladin ay umurong sa labanan,
ipinalagay ni Sultan Ali-adab na iyon ay isang pagkamakasalanan,
at hinatulang pugutan ng ulo ang sariling anak. Nguni't nang gabi
ding iyon, tumanggap si Aladin ng isang mensahe na siya ay
ipinatatapon sa ibang lupa. Ang bilin ay huwag na siyang babalik
sa Persya kung nais pa niyang mabuhay. Ang paglilibot niya ay
may anim na taon na ngayon.
Habang nagku-kwentuhan sina Florante at Aladin, nadinig nila ang
pag-uusap ng dalawang tao. Ang isa ay nagsasalaysay kung
paano nalaman nitong ipapapatay ang kasintahan nitong nasa
bilangguan. Dahil dito pumayag itong makasal sa hari. Pinawalan
naman ang kasintahang nabibilanggo. Noong gabing iyon ay
tumakas ito sa pagbabalatkayo bilang isang gerera. Madaming
taon na ito ngayong naglalagalag, haggang sa magkita ang
dalawa sa pook na ito. Samantala, dahan-dahang nilapitan nina
Florante at Aladin ang nagsisipag-usap. Anong laking tuwa
nang makita nilang ang nagsisipag-usap ay walang iba kundi sina
Laura at Flerida!
Ikinuwento ni Laura kung ano ang nangyari sa kanya. Sinabi niya
kung paano naagaw ni Adolfo ang trono, kung paano pinugutan
ng ulo ang hari. Sinabi din niyang pinadalhan niya ng sulat si
Florante sa Etolya upang ipaalam ang mga nangyayari sa Albanya
nguni't ito ay hindi nakaabot kay Florante. Samantala, natapos na
noon ang limang buwang taning ni Adolfo kay Laura upang
mapag-aralan ang handog na pag-ibig nito. Wala nang paraang
nalalabi kay Adolfo upang mahimok si Laura; kaya't sa kailaliman
ng gabi ay pinilit nitong dalhin siya sa gubat upang doon ay siraan
ng puri. Siya namang pagdating sa gubat ni Flerida. Nakita niyon
ang kabuktutan ni Adolfo. Sa isang pagsibat niyon ay napatay
agad si Adolfo.
Habang nagpapalitan ng kani-kanilang karanasan ang apat,
nagsidating sina Menandro, kasama ang buong hukbo ng
Albanya. Pinaghahanap nila si Adolfo upang maibalik ang dating
katahimikan ng Albanya. Nagsipagsigawan ang buong hukbo sa
tuwa nang makita ng lahat na buhay sina Florante at
Laura. Ipinagbunyi nilang lahat ang magkasintahan. Pagkaraan
ay nagbalik silang nagsisipagbunyi sa palasyo. Hindi nagtagal at
nakasal sina Florante at Laura. Itinanghal na hari ng Albanya si
Florante; si Laura, ang reyna. Sina Aladin at Flerida naman ay
pinag-isang dibdib din matapos mabinyagan upang maging ganap
na Kristiyano. Bumalik silang dalawa sa Persya nang mamatay
ang Sultan Ali-adab, at doon sila ay namuno sa sariling kaharian.
Kay Selya
Inalala ni Balagtas ang naudlot na pagmamahalan nila ng kanyang mahal na si
Selya. Siya ay nababahala na baka nakalimutan na siya nito maging ang mga ala-
ala ng kanilang pagsasama.

Ang pagkalimot na iyon ay ang nagdala sa kanyang kapalaran sa lubhang


kalungkutan. Sa pag-aakalang tuluyan ng nakalimot si Selya, siya ay nangulila sa
pagmamahal at nagdusa.
Inaliw na lamang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-alala sa
nakaraan at sa mukha ni Selya upang maibsan ng kahit na konti ang kanyang
kalungkutan.

Iginuhit niya ang magandang mukha ni Selya, ang larawan na iyon ang tanging
ala-ala niya.

Inaalala din niya ang kanilang mga ginagawa nung sila ay magkasintahan pa
katulad ng ilog ng Beata at Hilom, ang puno ng manga na gustong pitasan si
Selya, at ang dagat na kanilang pinagliliguan na ayon pa kay Balagtas ay
inaagapan nila ito upang hindi maabutan ng alat ng dagat.

Sa Babasa Nito
Nagpapasalamat ang may akda sa mga babasa ng kanyang awit.

Ang awit na ito ay isa lamang kathang-isip ngunit may ibang nilalaman kung ito’y
susuriin.

Ito’y maihahalintulad sa isang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap


kung ito’y nanamnamin.

Pakiusap ng may akda na huwag babaguhin ang berso ng kanyang orihinal na


akda at suriin muna bago pintasan.

Florante at Laura Buod ng Bawat Kabanata


at mga Talasalitaan
Kabanata 1: Gubat na Mapanglaw (Saknong
1-7)
May isang gubat na napaka dilim. Nagtataasan at masukal ang mga halaman
kung kaya’t hindi makapasok ang pebong liwanag.
Ang mga ibon ay hirap din sa paglipad dahil sa mga namimilipit na mga sanga.
May mga gumagala na mga mababangis na hayop katulad ng leon, tigre, hayena,
serpiyente, piton, basilisko, at iba pa na kahit kailan ang pwedeng umatake sa
mga taong magsisipunta doon.

Talasalitaan:

 Mapanglaw – malungkot, malamlam, malumbay


 Masukal – madamong kapaligiran
 Pebong – araw na sumisikat
 Namimilipit – buhol-buhol
 Hayena – uri ng hayop na kahawig ng isang lobo
 Serpiyente – ahas
 Piton – sawa
 Basilisko – isang malaki at mukhang butiking hayop na nakamamatay ang
hininga. Maari ka ring mamatay kung titingnan mo ito sa mata

Kabanata 2: Ang Nakagapos na Binata


(Saknong 8 – 24)
Sa gitna ng gubat ay may puno ng higera kung saan nakagapos ang isang lalaki
na nagngangalang Florante. Sa kabila ng kanyang pagkagapos at kaawa-awang
itsura ay bakas pa rin sa kanya ang mala-Adonis na kakisigan.

Mayroong makinis na balat, mahahabang pilik-mata, buhok na kulay ginto, at


magandang pangangatawan.

Si Florante ay naiiyak habang sinasariwa ang kanyang mga pinagdaanan at ang


paglapastangan sa kaharian ng Albanya sa mga kamay ni Konde Adolfo.

Hindi pantay ang pagturing sa mga tao sa Albanya. Ang mga masasama ay
siyang itinataas at ang mga makatuwiran naman ay ibinababa. Ngunit
nananatiling bingi ang langit sa mga panawagan ni Florante.

Talasalitaan:
 Higera – isang punong mayabong, malalapad ang dahon ngunit hindi
namumunga; fig tree
 Sipres – isang uri ng puno na mataas at tuwid lahat ang sanga
 Nakagapos – nakatali
 Bakas – marka, palatandaan
 Adonis – magandang lalaki na naibigan ni Venus, diyosa ng kagandahan
 Sinasariwa – inaalala
 Paglapastangan – kawalan ng paggalang

Kabanata 3: Alaala ni Laura (Saknong 25 –


32)
Sa oras na ginugunita ni Florante si Laura ay napapawi nang pansamantala ang
kanyang dusa’t paghihinagpis.

Si Laura na lamang ang natitirang pag-asa para kay Florante ngunit muli niyang
maaalala na si Laura na kanyang mahal ay nasa piling na ng kanyang kaaway na
si Konde Adolfo.

Mas nanaisin pa niyang mamatay nalang kaysa sa palaging maalala na ang


kaniyang sinisinta ay may kasama ng iba.

Talasalitaan:

 Ginugunita – inaalala
 Napapawi – nawawala, nabubura
 Pansamantala – panandalian
 Dusa – paghihirap
 Paghihinagpis – pagdadalamhati

Kabanata 4: Pusong Nagdurusa (Saknong


33 – 54)
Lubos ang tinahak na kasawian ni Florante. Kahit ang taong masama ay maaawa
sa kalagayan nito.
Maririnig sa buong gubat ang mga ungol nito ngunit tanging ang alingawngaw
lang niya ang sumasagot sa kanya.

Hindi makapaniwala si Florante sa kanyang kinahantungan dahil sa labis na


pagmamahal niya para kay Laura ay nagawa pa rin siyang pagtaksilan nito.

Naging buo ang tiwala niya kay Laura subalit sa likod ng kagandahang tinatangi
nito ay may nagtatagong isang taksil.

Lahat ng mga pag-aalaga dati sa kanya ni Laura ay wala lang pala, katulad ng
pagpapakintab nito sa panangga at paglilinis ng kanyang baluti dahil ayaw
niyang madudumihan ang kasuotan kung ito ay mapapalapat sa kanya.

Hinimatay si Florante dahil sa labis na paghihinagpis.

Talasalitaan:

 Tinahak – tinungo o dinaanan ang isang pangyayari o daan


 Alingawngaw – tumutukoy sa pag-uulit ng tunog (echo)
 Kinahantungan – sinapit
 Baluti – panangga sa katawan; kasuotang panlaban (armour)

Kabanata 5: Halina, Laura Ko (Saknong 55 –


68)
Para kay Florante si Laura lang ang tanging lunas sa kanyang kahirapan.
Umaasang siya ay muling lilingapin ni Laura.

Makita lang niyang may konting patak ng luha mula sa mga mata ni Laura ay
maapula ang dalitang nararamdaman nito.

Nag-aasam na sana’y muling damitan dahil puno na ng kalawang ang kasuotan


nito. Lahat ng hirap ay danas na niya. Dinig sa buong gubat ang mga panaghoy
ni Florante.

Talasalitaan:
 Lunas – gamot
 Lilingapin – alalayan, tulungan
 Maaapula – mawawala, mapapatay
 Dalita – mahirap, maralita
 Panaghoy – pagdaing, pagluluksa

Kabanata 6: Ang Pagdating ni Aladin na


Taga-Persiya (Saknong 69 – 82)
Isang gererong may putong na turbante ang dumating, si Aladin na taga-Persiya.

Bigla itong tumigil upang tumanaw ng mapagpapahingahan na di kalauna’y


hinagis ang hawak na sandata.

Tumingala sa langit na panay ang buntong-hininga sabay upo sa tabi ng puno at


doon ay nagsimulang tumulo ang luha.

Muli na naman niyang naisip si Flerida, ang kaniyang pinakamamahal na inagaw


naman ng kanyang ama.

Talasalitaan:

 Gerero – mandirigma
 Putong – korona
 Turbante – telang binabalot sa ulo ng mga bumbay
 Tumanaw – maghanap
 Buntong-hininga – malalim na pag-hinga

Kabanata 7: Pag-alaala sa Ama (Saknong 83


– 97)
Habang tumatangis si Aladin ay bigla siyang may narinig na buntong-hininga.
Ibinaling sa kagubatan ang tingin upang hanapin ang pinanggalingan ng malalim
na paghinga.
Malaon ay may narinig siyang paghikbi at agad niyang pinuntahan ito. Nakita
niya si Florante na umiiyak habang sinasariwa ang alaala ng kanyang yumaong
ama.

Talasalitaan:

 Tumatangis – lumuluha, umiiyak


 Buntong-hininga – malalim na pag-hinga
 Ibinaling – itinuon
 Malaon – pagkalipas, matagalan
 Paghikbi – pag-iyak

Kabanata 8: Ang Paghahambing sa


Dalawang Ama (Saknong 98 – 107)
Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante ng marinig niya ang pagtangis ng isang
Moro na sa mga kwento nito tungkol sa kaniyang ama.

Kung ang walang patid na pag-iyak ni Florante ay dahil sa pag-ibig nito para sa
ama, si Aladin naman ay humihikbi dahil sa matinding poot sa kanyang ama.

Kung gaanong pagmamahal ang inilalaan ni Florante para sa ama ay matindi


naman ang galit ni Aladin sa kanyang ama dahil inagaw nito ang kaisa-isang
niyang minamahal na si Flerida.

Talasalitaan:

 Tumagistis – umagos
 Patid – tigil
 Humihikbi – umiiyak
 Poot – galit
 Inilalaan – ibinibigay
Kabanata 9: Dalawang Leon (Saknong 108 –
125)
Habang nag-uusap si Florante at Aladin ay may dalawang leon hangos nang
paglakad.

Ngunit kahit ang mga leon ay nahabag sa kalunos-lunos na sinapit, kahit ang
bangis ay hindi na maaninag sa mga mukha nito.

May takot na naramdaman si Florante dahil nasa harap na niya ang mabangis na
kamatayan na kukumpleto sa kasamaang nararanasan niya.

Talasalitaan:

 Hangos – hingal; pagmamadali maging sa pagsalita, sa pagkilos, o sa


paggawa
 Nahabag – naawa
 Kalunos-lunos – kaawa-awa
 Sinapit – dinanas
 Maaninag – makita

Kabanata 10: Ang Paglaban ni Aladin sa


Dalawang Leon (Saknong 126 – 135)
Nakita ni Aladin ang dalawang leon na mukhang gutom na. Ito ay may mga
nagngangalit na ngipin at matatalas na kuko na kahit na anong oras ay maaaring
makapatay.

Paglaon ay biglang nang-akma ang mga leon ngunit dali-daling umatake na din
si Aladin na parang may lumitaw na marte mula sa lupa.

Bumabaon ang bawat pagkilos ng tabak na hawak ni Aladin at napatumba niya


ang dalawang leon.

Talasalitaan:
 Nagngangalit – galit
 Paglaon – paglipas
 Akma – tama, angkop
 Marte – Si Mars, diyos ng pakikipaglaban
 Tabak – espada

Kabanata 11: Ang Mabuting Kaibigan


(Saknong 136 – 145)
Nang mapagtagumpayan ni Aladin ang nagbabadyang panganib na dala ng
dalawang leon ay agad niyang pinakawalan ang nakagapos na si Florante.

Ito ay walang malay at ang katawan ay malata na parang bangkay. Gulong-gulo


ang kanyang loob ngunit muling napayapa ng idilat ni Florante ang kanyang mga
mata.

Sa kanyang pagdilat ay agad niyang sinambit ang pangalan ni Laura.

Talasalitaan:

 Nagbabadya – nagbabanta
 Nakagapos – nakatali
 Malata – nanlalambot
 Pagdilat – pagbukas ng mata
 Sinambit – sinabi, binanggit

Kabanata 12: Batas ng Relihiyon (Saknong


146 – 155)
Nang magising si Florante ay nagitlahanan kung bakit siya nasa kamay ng isang
moro. Agad namang nagpaliwanag si Aladin na siya ang tumulong at nagligtas sa
kaniya kung kaya’t hindi siya dapat mabahala.

Si Florante ay taga-Albanya at si Aladin naman ay taga-Persya. Ang dalawang


bayan na ito ay magkaaway ngunit sa ginawang pagtulong at pagkalinga ay
naging magkatoto sila.
Talasalitaan:

 Nagitlahanan – nagtaka
 Moro – muslim
 Mabahala – mag-alala
 Pagkalinga – pag-aalaga
 Magkatoto – magkaibigan

Kabanata 13: Ang Pag-aalaga ni Aladin Kay


Florante (Saknong 156 – 172)
Binuhat ni Aladin si Florante ng makita nitong lumulubog na ang araw. Inilapag
ito sa isang malapad at malinis na bato.

Kumuha ng makakain at inaamo si Florante na kumain kahit konti lamang upang


magkaroon ng laman ang tiyan nito. Umidlip si Florante habang ito ay nakahiga
sa sinapupunan ni Aladin.

Kinalinga ni Aladin si Florante buong magdamag dahil sa pag-aakalang may


panganib na gumagala sa gubat.

Nang magmadaling araw ay nagising na si Florante at lumakas muli ang


katawang hapo. Lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin. Tuwang-tuwa si
Aladin at niyakap niya si Florante.

Kung nung una ay awa ang dahilan sa pag-iyak ni Aladin, ngayon naman ay
napaluha siya dahil sa tuwa.

Talasalitaan:

 Inamo – sinuyo
 Umidlip – natulog
 Sinapupunan – bahay-bata; kinakanlungang mga hita; ibaba ng hita na
pinagkakalungan; dibdib o suso ng babaeng tao o hayop
 Kinalinga – inalagaan
 Hapo – hingal
Kabanata 14: Kabataan ni Florante
(Saknong 173 – 196)
Naupo ang dalawa sa ilalim ng puno at isinalaysay ni Florante kay Aladin ang
kanyang buhay simula sa una hanggang sa naging masama ang kanyang
kapalaran.

Si Florante ay ipinanganak sa Albanya. Sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca


naman ang kaniyang mga magulang.

Kung sa Krotona siya ipinanganak, siyudad ng kanyang ina, imbes sa Albanya na


siyudad ng kanyang ama ay mas naging masaya sana siya.

Ang kaniyang ama ay naging tagapayo kay Haring Linceo.

Nakuwento rin niya na kamuntikan na siyang madagit ng isang buwitre habang


ito’y natutulog sa kinta nung siya’y bata pa.

Napasigaw ang kanyang ina, agad itong narinig ni Menalipo at pinatay ang
buwitre sa pamamagitan ng pagpana dito.

Nung si Florante ay siyam na taong gulang, mahilig siyang maglaro sa burol


kasama ang kaniyang mga kaibigan at doo’y namamana ng mga ibon.

Madaling araw palang ay umaalis na ito sa kanila at inaabot ng tanghaling tapat.

Ngunit hindi nagtagal ang mga masasayang alaala ni Florante doon dahil inutos
ng kanyang ama na siya’y umalis sa Albanya.

Talasalitaan:

 Isinalaysay – ikinuwento
 Tagapayo – pribadong tagapayo
 Madagit – makuha
 Buwitre – uri ng ibon na kumakain ng mga bangkay
 Kinta – maliit na daungan (cottage)

Kabanata 15: Ang Pangaral sa Magulang


(Saknong 197 – 204)
Sinariwa ni Florante ang turo ng magulang na kung mamimihasa ang isang bata
sa saya at madaling pamumuhay ay walang kahihinatnan na ginhawa ito.

Ang mundo ay puno ng kahirapan kung kaya’t dapat ay patibayin ang kalooban
dahil kapag ang tao ay di marunong magtiis, hindi niya mapaglalabanan ang mga
pagsubok na hatid ng mundo.

Kung kaya’t ipinadala si Florante sa Atenas nung siya’y bata pa upang doon ay
mag-aral. Doon ay mamumulat ang kaniyang kaisipan sa totoong buhay.

Talasalitaan:

 Sinariwa – inalala
 Mamimihasa – sasanayin
 Kahihinatnan – resulta
 Patibayin – palakasin
 Mamumulat – mabubuksan

Kabanata 16: Si Adolfo sa Atenas (Saknong


205 – 214)
Si Adolfo ay kababayan ni Florante na siyang anak naman ni Konde Sileno. Siya
ay mas matanda ng dalawang taon kumpara kay Florante na labing isang taong
gulang.

Si Adolfo ay isang mahinhin na bata at laging nakatungo kung maglakad. Siya’y


pinopoon ng kanyang kamag-aral dahil sa angking katalinuhan at kabaitan.

Ngunit sa hindi mapaliwanag na dahilan ay nakakaramdam si Florante ng


pagkarimarim kay Adolfo kung kaya’t umiiwas ito sa kanya.
At kahit itago pa ni Adolfo ay batid din ni Florante na ganun din ang
nararamdaman nito para sa kanya.

Talasalitaan:

 Mahinhin – marahan
 Nakatungo – nakayuko
 Pinopoon – hinahangaan
 Pagkarimarim – pagkasuklam
 Batid – alam

Kabanata 17: Ang Kataksilan ni Adolfo


(Saknong 215 – 231)
Paglaon ay mas nahasa ang katalinuhan ni Florante. Naging magaling siya sa
larangan ng pilosopiya, astrolohiya, at matematika.

Naging matagumpay sa buhay si Florante at si Adolfo naman ay naiwan sa gitna.


Siya ay naging tagapamalita sa Atenas.

Naging bukambibig sa taong bayan ang pangalan ni Florante. Dito na


nagsimulang mahubadan si Adolfo ng hiram na kabaitan at ang kahinhinang asal
sa pagkatao ay hindi bukal kay Adolfo.

Talasalitaan:

 Paglaon – paglipas
 Pilosopiya – mga kuro-kuro ng isip
 Astrolohiya – palagay sa mga ipinahihiwatig ng mga bituin sa langit
 Matematika – agham ng mga bilang
 Bukambibig – tao o bagay na siyang laman ng pinag-uusapan
 Kahinhinan – marahan
 Bukal – natural
Kabanata 18: Ang Kamatayan ng Ina ni
Florante (Saknong 232 – 239)
Isang taon pa ang ginugol si Florante sa Atenas nang makatanggap siya ng isang
liham na na nagsasabi na patay na ang kanyang ina.

Parang batis ang kanyang mga mata dahil sa pagluha. Pakiramdam niya ay
nawalan siya ng isang matibay na sandigan at nakikibaka ng mag-isa sa buhay.

Talasalitaan:

 Ginugol – pinaglaanan, ginastos


 Liham – sulat
 Batis – antong tubig na mas maliit kaysa ilog, walang tigil sa pag-agos
 Sandigan – sandalan
 Nakikibaka – nakikipaglaban

Kabanata 19: Mga Habilin ni Antenor kay


Florante (Saknong 240 – 253)
BIlin ni Antenor, guro ni Florante na mag-iingat at huwag malilingat sa maaaring
gawing paghihiganti ni Adolfo.

Wag padadala sa masayang mukha na ipakita nito sa kanya. Maging


mapagmatyag daw ito sa sa kalaban na palihim siyang titirahin.

Talasalitaan:

 Habilin – payo
 Malilingat – mawala sa pokus
 Mapagmatyag – alerto, mapagbantay
 Palihim – patago
 Titirahin – kakalabanin
Kabanata 20: Pagdating sa Albanya
(Saknong 254 – 263)
Pag-ahon ay agad tumuloy sa Kinta. Kung saan ay humalik sa kamay ng kanyang
ama. Iniabot ng ambasador ng bayan ng Krotona ang isang liham kay Duke
Briseo.

Nakasaad sa liham na humihingi ng tulong ang lolo ni Florante na hari ng


Krotona dahil ito ay napapaligiran ng mga hukbo ni Heral Osmalik.

Si Heneral Osmalik ay taga Persya na pumapangalawa sa kasikatan ni Aladin na


isang gerero.

Talasalitaan:

 Kinta – maliit na daungan (cottage)


 Ambasador – sugong kinatawan
 Liham – sulat
 Nakasaad – nakalagay, nakasulat
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma
 Gerero – Mandirigma

Kabanata 21: Ang Heneral ng Hukbo


(Saknong 264 – 274)
Agad nagtungo sina Duke Briseo at Florante kay Haring Linceo ng malaman ang
balita na pagbabanta sa Krotona.

Hindi pa man nakakaakyat sa palasyo ay sinalubong na ang mga ito ni Haring


Linceo. Niyakap niya si Duke Briseo at kinamayan naman si Florante.

Nagkwento si Haring Linceo na may nakita siyang gerero sa kaniyang panaginip,


na kamukha ni Florante, na siyang magtatanggol sa kaharian.
Tinanong ni Haring Linceo kay Duke Briseo kung sino ito at kung taga saan ito.
Sumagot naman ito na ang kamukhang binata na iyon ay si Forante, ang anak
niya.

Sa pagkamangha ni Haring Linceo ay niyakap niya ito at ginawang Heneral ng


hukbo na tutulong sa Krotona.

Talasalitaan:

 Nagtungo – nagpunta
 Pagbabanta – babala na may halong pananakot
 Gerero – mandirigma
 Pagkamangha – pagkagulat
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma

Kabanata 22: Si Laura (Saknong 275 – 287)


Biglang may natanaw ni Florante na magandang babae. Ang taong di
mabibighani sa babaeng ito ay maituturing na isang bangkay.

Ang babaeng ito ang ikinasisira ng pag-iisip ni Florante sa tuwing magugunita,


ito ay si Laura anak ni Haring Linceo. Dahil sa pagkabigla ay hindi makapagbitaw
ng salita si Florante.

Mapapansin din sa kaniyang mga mata ang patak ng luha.

Talasalitaan:

 Natanaw – nakita
 Mabibighani – mahuhulog, magkakagusto
 Magugunita – maiisip, maaalala
 Pagkabigla – pagkagulat
 Makapagbitaw – makapagsabi, makapagsalita
Kabanata 23: Pusong Sumisinta (Saknong
288 – 295)
Dahil sa biglaang pagkakita kay Laura, nawala na sa diwa si Florante. Hindi na ito
makapag-isip ng maayos dahil sa hindi inaasahang pagkakita muli sa kanyang
mahal na si Laura.

Tatlong araw siyang piniging ng hari sa palasyo ngunit hindi man lang tinignan ni
Florante si Laura. Mas matindi pa ang sakit na dinulot ng pag-ibig kaysa sa sakit
ng mawalan ito ng ina.

Mabuti at nabigyan siya ng kaunting pagkakataon na makasama si Laura bago


pumunta ang hukbo ni Florante sa Krotona.

Umamin si Florante na mahal pa rin niya si Laura ngunit wala itong sagot. Tumulo
ang isang patak ng luha mula sa mga mata ni Laura.

Malapit ng bumigay si Laura sa mga sinasabi ni Florante ngunit nanaig pa rin ang
kanyang isip.

Talasalitaan:

 Diwa – pag-iisip
 Piniging – pagtitipon na may maraming handa (fiesta)
 Dinulot – resulta
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma
 Nanaig – nangibabaw

Kabanata 24: Pakikipaglaban Kay Heneral


Osmalik (Saknong 296 – 313)
Inatake ng hukbo ni Florante ang pwersa ng nakapaligid sa buong siyudad at
halos bumigay na ang mga pader nito.
Nagkaroon ng matinding labanan at may dumanak na mga dugo. Pinapanood ni
Heneral Osmalik si Florante habang kinakalaban at pinapatay ang pitong hanay
ng mga moro.

Lumapit ang Heneral kay Florante na nagniningas ang mga mata at hinamon ito
na labanan siya.

Umabot sa limang oras ang kanilang labanan ngunit sa huli ay nasawi rin si
Heneral Osmalik.

Pinagdiwang ng mga tao sa Krotona ang tagumpay na laban ni Florante.

Talasalitaan:

 Hukbo – grupo ng mga mandirigma


 Dumanak – umaagos
 Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
 Moro – muslim
 Nagniningas – nagagalit

Kabanata 25: Pagsagip Kay Laura (Saknong


314 – 323)
Nanatili si Florante sa Krotona ng limang buwan. Gusto na niyang makauwi sa
Albanya dahil gusto na ulit niyang masilayan si Laura.

Habang nag mamartsa ang hukbo pauwing Albanya ay nakita nila ang mga
moog ng siyudad. Nakita rin niya ang bandila ng Persiya imbes na bandera ng
Kristiyano.

May nakita silang grupo ng mga moro sa paanan ng bundok na may kasamang
isang babae na nakatali ang mga kamay at nakatakip ang mukha.

Mukhang papunta sa lugar na kung saan ay pupugutan ng ulo ang babae. Dali-
daling nilusob ni Florante ang morong nagbabantay sa babae at ito ay
napatakbo.
Sinaklolohan ni Florante ang babae, tinanggal nito ang mga tali sa kamay at takip
sa mukha. Ang babae pala ay si Laura.

Napatingin ng malalim si Laura kay Florante. Ang mga tingin na ito ay siyang
nagtanggal ng paghihirap sa puso ni Florante. Narinig niya ang sinabi ni Laura na
“Florante, Mahal ko”.

Talasalitaan:

 Pagsagip – pagligtas, pagtulong


 Masilayan – makita
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma
 Moro – muslim
 Nilusob – sinugod
 Moog – napapaligiran ng pader

Kabanata 26: Pagtataksil ni Adolfo


(Saknong 324 – 343)
Sinabi ni Laura kay Florante na binihag ng mga moro sina Haring Linceo at Duke
Briseo.

Nag-utos si Florante na lusubin ng hukbo ang Albanya at bawiin ito sa mga


kamay ng mga taga-Persiya.

Nang makapasok sa kaharian ng Albanya ay agad dumiretso sa kulungan at


pinalaya si Haring Linceo at Duke Briseo.

Pinalaya na rin niya pati si Adolfo mula sa pagkakakulong dahil sa bukal na


kagandahan ng loob. Muling nagdiwang ang lahat ng tao dahil lubos sa
pagpapasalamat nila kay Florante, maliban kay Adolfo.

Nais pakasalan ni Adolfo si Laura dahil sa intensyon nitong makuha ang posisyon
ng pagiging hari sa Albanya.
Naramdaman din niyang mahal ni Laura si Florante kaya mas lalo itong nainggit.
Nagdaan ang panahon at nakaranas pa din ng pagsalakay ang Albanya katulad
ng hukbo mula sa Turkiya at marami pang digmaan.

Ngunit dahil si Florante ang inaatasang maging heneral ay napapagtagumpayan


nito ang lahat ng laban. Pagkatapos ng isa pang laban sa Etolia, nakatanggap
siya ng liham mula kay Haring Linceo na nagsasabing bumalik na siya sa Albanya.

Ipinasa ni Florante kay Menandro ang pamamahala sa hukbo sa Etolia. Laking


gulat ni Florante ng makita niyang pinaliligiran siya ng 30,000 mga sundalo sa
kanyang pag-uwi at agad itong nilagyan ng gapos at ikinulong.

Labis ang pagkagulat at pagkalungkot ng malaman niyang pinatay nito sila


Haring Linceo at Duke Briseo. Nasilaw si Adolfo sa kasikatan at kinain ng galit at
inggit kay Florante, kaya puro paghihiganti ang nasa isip nito at pagpatay kay
Florante.

Talasalitaan:

 Binihag – ikinulong, ibinilanggo


 Lusubin – sugurin
 Bukal – natural
 Pagsalakay – pagsugod, paglusob
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma
 Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
 Etolia – magubat na rehiyon sa Greece
 Liham – sulat
 Gapos – tali

Kabanata 27: Nagsalaysay si Aladin


(Saknong 344 – 360)
Labing walong araw na si Florante sa bilangguan. Gabi ng kinuha siya sa
kulungan pagkatapos ay dinala ito sa gubat at iginapos sa puno.
Dalawang araw naman ang lumipas bago ito muling magising. Pagdilat niya ay
ayun siya sa kandungan ni Aladin.

Nagpakilala si Aladin bilang taga-Persiya na anak ni Sultan Ali Adab. Sinubukan


niyang ikwento ang tungkol kay Flerida at kanyang ama ngunit naunahan ito ng
kanyang mga luha.

Minsan na ring nakaranas si Aladin ng madaming giyera ngunit mas nahirapan


siya kay Flerida.

Masuwerte siya sa matagumpay na panliligaw kay Flerida ngunit pumasok naman


sa eksena ang kanyang ama.

Kaya kahit nagtagumpay siya sa giyera sa Albania, umuwi parin siya sa Persiya na
parang bilanggo.

Nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania kaya kinakailangan na pugutan si


Aladin.

May dumating na Heneral sa kulangan nito bago pa man ito pugutan. Ang
Heneral ay may dala-dalang balita na hindi na raw pupugutan ito ng ulo ngunit
kailangan niyang umalis sa Persiya.

Ang balitang ito ang lalong nagpahirap kay Aladin dahil mas nanaisin nalang
niyang pugutan ng ulo kaysa sa mabuhay nang alam naman niyang may
kasamang iba ang mahal niyang si Flerida.

Talasalitaan:

 Nagsalaysay – nagkuwento
 Bilangguan – kulungan
 Iginapos – itinali
 Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
 Nanaisin – gugustuhin
Kabanata 28: Si Flerida (Saknong 361 – 369)
Nang malaman ni Flerida na pupugutan ng ulo si Aladin ay nagmakaawa at
lumuhod ito sa paanan ng masamang hari na si Sultan Ali Adab.

Sinabi ng sultan na kung hindi tatanggapin ni Flerida ang pagmamahal nito ay


hindi nito papatawarin si Aladin at tutuluyan na mapugutan.

Dahil sa takot na mamatay si Aladin ay pumayag na ito sa kagustuhan ng sultan.


Natuwa ang sultan sa naging desisyon ni Flerida kaya napahinunod niya ito at
pinakawalan.

Ngunit katulad ng napag-usapan ay pinalayas niya ito sa Persiya. Sobra ang


pagdurusa ni Flerida sa pagkawala ni Aladin.

Pinaghandaan ng buong Persiya ang kasal nina Flerida at ng sultan. Bago pa man
maikasal ay naisipan na ni Flerida na mag damit ng pang sundalo at tumakas sa
palasyo.

Pagala-gala si Flerida sa gubat ng halos ilang taon, hanggang sa isang araw ay


naabutan niyang pinupwersa ni Konde Adolfo si Laura.

Talasalitaan:

 Napahinunod – napapayag
 Pinalayas – pinaalis
 Pagdurusa – paghihirap
 Tumakas – umalis o lumayo ng walang paalam
 Naabutan – nadatnan

Kabanata 29: Mga Salaysay ni Laura at


Flerida (Saknong 370 – 392)
Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan ni Flerida at Laura ay biglang dumating sina
Prinsipe Aladin at Duke Florante. Galak na galak ang mga ito dahil kilala nila ang
mga boses ng mga nagsasalita.
Tuwang-tuwa si Florante ng makita niya si Laura. Masayang-masaya ang apat
dahil nakasama nila ang kanilang mga minamahal.

Nagkwento si Laura na nung umalis daw si Florante sa Albanya ay kumalat ang


sabi-sabi na may nagaganap na kaguluhan sa kaharian. Ngunit ‘di matukoy kung
ano ang pinagmulan nito.

Ang paniniwala ng mga tao ay si Haring Linceo ay nagmomonopolya sa mga


pagkain at trigo ngunit si Adolfo pala ang nag-uutos ng pagkubkob sa pagkain.

Agad na pinatalsik ng taumbayan si Haring Linceo sa trono at pinugutan ito.


Umakyat sa trono si Adolfo at binalaan niya si Laura na papatayin ito kung hindi
susundin ang gusto.

Nagkunwaring gusto na ni Laura si Adolfo para makahanap ng paraan para


masulatan si Florante at ikwento ang nangyari sa Albanya habang wala ito.

Ngunit huwad na sulat na may selya ng hari ang natanggap ni Florante. Nakasaad
doon na umuwi siya ng mag-isa sa Albanya at iwan ang hukbo kay Menandro.

Samantalang ang sulat ni Laura ay nakarating naman kay Menandro kaya agad
itong sumugod kasama ang kanilang hukbo pabalik ng Albanya.

Tumakas si Adolfo at dinala si Laura sa gubat. Dito na naabutan ni Flerida ang


pagsasamantala ni Adolfo kay Laura.

Pagkatapos ay si Flerida naman ang nagkwento, nung dumating daw siya sa


gubat ay may narinig siyang boses ng babae na sinasaktan.

Pinuntahan niya kung saan nagmula ang ungol at nakita niyang si Laura pala iyon
na pinipilit ni Adolfo. Pinaliparan ni Flerida ng palaso si Adolfo.

Talasalitaan:

 Monopolyo – uri ng kalakaran na kung saan ay isang kumpanya lang ang


nagbibigay ng isang partikular na produkto o serbisyo
 Trigo – uri ng bigas na ginagawang harina
 Pagkubkob – pagsalakay
 Tunod – shaft
 Palaso – arrow

Kabanata 30: Wakas


Sa pagkukuwento ni Flerida ay biglang dumating si Menandro. Labis ang tuwa ng
makita niya si Florante.

Nagdiwang din ang mga ehersito mula sa Etolia. Pagkalaon ay dinala ang apat sa
kaharian ng Albanya.

Nagpabinyag sina Aladin at Flerida bilang isang Kristiyano at nagpakasal.

Nasawi si Sultan Ali Adab kaya bumalik na si Aladin sa Persiya.

Bumalik ang kaayusan sa kaharian dahil sa bagong pamumuno ng bagong hari at


reyna na sina Duke Florante at Reyna Laura.

Talasalitaan:

 Nagdiwang – nagsaya
 Ehersito – hukbo, military
 Etolia – magubat na rehiyon sa Greece
 Nasawi – namatay
 Pamumuno – pagpapatakbo

You might also like