Pagpapaliwanag ng Buod Ang Pagpaparaya ni Aladin Saknong 347 - 360
Nagpakilala kay Florante si Aladin mula sa Persiya, anak ni Sultan
Ali-Adib. Sinusubukan ni Aladin na ikwento ang tungkol kay Flerida at ang kanyang ama. Ngunit naunahan na siya ng mga luha. Niyaya ni Aladin na pareho nilang hintayin ni Florante sa gubat ang katapusan ng kanilang mga kapuspalad na mga buhay. Hinayaan ni Florante na magkwento si Aladin. Hindi niya ikinuwento ang sarili niyang buhay. Limang buwan silang pumirme duon sa gubat. Gumala sila sa gubat. Sinumulan ni Aladin ang mga detalye ng kanyang buhay. Nakaranas si Aladin ng maraming mga giyera, ngunit nahirapan siya ng lubos kay Flerida. Inihambing ni Aladin si Prinsesa Flerida kay Diana, diyosa ng mga mangangaso. Inihambing din siya sa mga houri, o mga magagandang mga birheng makakasama ng mga Muslim sa paraiso (heavenly virgins). Sinuwerte si Aladin at ang kanyang masusing panliligaw ay nagtagumpay, at sila ni Flerida ay nag-ibigan. Yun nga lang, pumasok na sa eksena ang ama ni Aladin. Duon nagsimula ang paghihirap ng loob ni Aladin. At kahit naging tagumpay siya sa giyera sa Albania, umuwi siya sa Persiya na parang bilanggo. Ang kasalanan raw niya ay iniwan niya ang mga tropa na walang pahintulot ng kanyang ama. At dahil nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania, kailangang pugutan si Aladin. Nung bisperas o gabi bago ang araw ng pagpupugot, may dumating na heneral sa kulungan ni Aladin. May dala siyang balita na higit pang masaklap kaysa sa kamatayan. Oo nga, hindi na pupugutan ng ulo si Aladin. Ngunit kailangan siyang umalis sa Persiya bago sumikat ang araw. Para kay Aladin, mas gugustuhin pa niyang mapugutan, kaysa mabuhay nang alam niyang kapiling mahal niyang si Flerida ang ibang tao. Ang Pagtatagmpay Laban sa Kasamaan Saknong 360 - 392
Masayang-masaya na yung apat na magkasintahan na sina Florante, Laura, Aladin at Flerida.
Nang humupa ang kanilang tuwa, nakinig yung tatlo sa kwento ni Laura. Sinabi ni Laura kay Florante na nung umalis si Florante mula sa Albanya, hindi nagtagal ay kumalat ang mga sabi- sabi na may kaguluhan sa kaharian. Umabot ang mga balita sa palasyo. Ngunit hindi malaman kung ano ang umpisa at dulo ng mga bulung-bulungan. Bigla na lang dumating ang panahon na sinakop ng mga sundalo ang palasyo. Kudeta! Nasisisigaw ang mga tao: “Mamamtay na si Haring Linceo, na ginugutom ang bayan! Mino-monopolya ni Haring Linceo ang pagkain at trigo!” Pero si Adolfo pala ang nag-utos ng pagkubkob sa pagkain. Sinabi lang niya sa taumbayan na utos daw ito ni Haring Linceo. Naniwala naman kaagad sa kanya ang nagugutom na bayan. Agad-agad pinatalsik si Haring Linceo sa trono, at pinugutan. Nasaan na ang mga mabubuti at makatarungan, tanong ni Laura. Nung araw na yun, pati yung mga konseho na tapat kay Haring Linceo ay pinugutan din. Ang taksil na tabak ng grupo ni Adolfo ay hindi huminto sa kapapatay hangga’t wala nang natirang mabait na tao. Umakyat sa trono si Kondeng Adolfo. Binalaan niya si Laura na kung hindi ibibigay ni Laura sa kanya ang mga gusto niya, ipapapatay rin niya si Laura. Nagbalatkayo si Laura. Nagkunwaring pumayag na gagawin niya ang lahat ng gusto ni Konde Adolfo, para magkaroon si Laura ng panahon na planuhin ang kanyang paghihiganti kay Adolfo, at para masulatan ni Laura si Florante sa Etolia. Pinilit ni Laura na itago ang kanyang pagkamuhi kay Adolfo. Humingi si Laura kay Adolfo ng limang buwan bago niya tanggapin ang pagsinta ni Adolfo. Pero nag desisyon si Laura na magpapakamatay na lang siya kung hindi dumating si Florante. Pinadala ni Laura ang liham sa tulong ng isang mapagkakatiwalaang lingkod. Wala pang isang buwan, dumating si Florante at nahulog ito sa mga kamay ni Adolfo. Dahil takot si Adolfo na babalik si Florante na may kasamang malaking hukbo, nagpadala ito ng liham kay Florante na may selya ng hari. Dun sa liham, pinababalik niya si Florante nang mag-isa. Nung malaman ito ni Laura, nawalan na siya ng loob. Naghanda na ang puso niya na siya ay mamamatay. Mabuti na lang at dumating si Menander na may kasamang malaking hukbo para makubkob ang bayan ng Albanya. Nalaman ni Menander na nasa liham ni Laura ang tangkang magpapakamatay, kaya nung dali-daling pumunta si Menander sa Albanya, para siyang galit na galit na gutom na lobo sa kanyang galit. Nang makita ni Konde Adolfo na wala siyang kalaban-laban sa pwersa ni Menander, kinuha niya si Laura bilang hostage, tinali siya sa kabayo, at tumakas mula sa Albanya sa dilim ng gabi. Nang marating nila Adolfo at Laura ang gubat, pinagtangkaan niya halayin si Laura. Bigla na lang may tunod na lumipad at tinamaan si Adolfo sa kanyang dibdib. Si Flerida naman ang nagsalita. Sabi niya na nung dumating siya sa gubat, may narinig siyang boses ng babae na sinasaktan. Naawa si Flerida. Hinanap ni Flerida yung babae (Laura), nakita niya pinipilit ni Adolfo si Laura, kaya pinalipad ni Flerida yung palaso. Ang Pagwawakas Saknong 393 - 399
Bago matapos ang kwento ni Flerida, dumating si Menander sa gubat.
Hinahanap ng kanyang hukbo si Adolfo. Laking tuwa niya nang makita niya si Florante. Tuwang-tuwa ang ehersito (army) mula sa Etolia. Sumigaw sila ng “Mabuhay si Floranteng Hari ng Albanya! Mabuhay ang Prinsesa Laura!” Dinala nila silang apat sa kaharian ng Albanya. Nagpabinyag sina Aladin at Flerida bilang Kristiyano, at sila’s nagpakasal. Namatay si Sultan Ali-Adab, at bumalik si Aladin sa Persiya. Si Duke Florante ay umakyat sa trono ng Albanya, sa piling ng mahal niyang si Laura. Sa pamamahala ng bagong hari ng Albanya, bumalik ang kapayapaan sa kaharian. Natuwa ang lahat ng tao. Itinaas nila ang kanilang mga kamay sa Langit, bilang pasasalamat. Ang bagong hari at reyna ay namahala nang mabuti at ng may awa para sa lahat. Nabuhay sina Florante at Laura nang mabuti at matiwasay, hanggang naabot nila ang higit na kapayapaan para sa bayan. Dito rin sinabi ni Balagtas sa kanyang Musa na tumigil na at magtago dun sa kanyang ala-ala ni Selya, at dalhin ni musa ang mabigat na kalooban ni Balagtas.
Ibong Adarna
Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania