You are on page 1of 4

Ang Pagpaparaya ni Aladin (Saknong 347-360)

Sa unang bahagi ng araling ito, sinasabing ng generong moro kay Florante na dahil
naikwento na nito ang kanyang buhay ay sya naman ang magsasalaysay ng
kanyang kwento. Nagpakilala siya kay Folarante. Sinabi niya kay Florante na ang
pangalan niya ay Aladin at siya ay taga Persya. Na siya ang sikat na anak ng sultang
si Sultan Ali-adad. Naiyak kagad si Aladin bago pa man din niya ikuwento ang
kanyang buhay. Ito ay dahil sa kanyang amang si Sultan Ali-adad at kanyang
kaligayahan na si Flerida. Hindi na umimik si Florante at hinayaan na lamang niya
si Aladin na ilabas ang kanyang mga nararamdaman. Namalagi silang dalawa sa
gubat ng Limang buwan hanggang sa isang umaga ay naghanda silang maglibang.
Habang naglalakad silang dalawa ay nagkukwento si Aladin ng kaawa-awa niyang
buhay. Sinabi ni Aladin na sa digmaan na kaniyang pinagdadaanan ay hindi nya
dinamdam ang hirap kumpara sa paghihirap ng kaniyang puso kay Flerindang
kaniyang iniiyakan. Ikinumpara ni Aladin si Flerida kay Diana na diyosa ng mga
mangangaso at sa mga Houris na napakagandang dalagang birhen na naninirahan
sa paraiso ayon sa mga Muslim. Subalit sa kanilang pagmamahalan ay pilit na
pumagitna ang ama ni Aladin na si Sultan Ali-adab. Nagsimula ang paghihirap ni
Aladin. Kahit nanalo sila sa pakikipaglaban sa Albanya ay ikinulong pa rin siya pag-
uwi niya ng Persya. Nang mabalitaan ni Sultan Ali-adab na Nabawi nina Florante
ang Albanya ay sinentensiyahang mamatay si Aladin sa pamamagitan ng pagpugot
sa ulo. Isang gabi, bisperas ng pagpugot kay Aladin ay pumasok sa bilangguan ang
isang heneral na nagdala ang isang balita. Agad namang sumunod si Aladin sa utos
ng kanyang ama na hari ng Persiya. Sinasabi ni Aladin na mas gugustuhin pa
niyang mamatay na lamang kaysa malamang nasa piling na ng ibang tao ang
kanyang minamahal na si Flerida.
Alam Mo Ba?
Si Diana ay ang diyosa ng pangangaso. Siya’y lagging iniuugnay sa mababangis na
hayop at sinasabing may kakayahang makipag-usap sa mga hayop. Si Diana ay
huwaran ng kagandahan at sinasamba ng mga sinaunang Romano.

Houris ang tawag sa napakagagandang dalagang naninirahan sa Paraiso ayon sa


paniniwalang Muslim. Pinaniniwalaan ding may 72 houris ang naghihintay upang
maging asawa ng lalaking Muslim na mamamatay na bayani ng kanilang bayan
(nakipaglaban para sa bayan)
Ang Pagtatagumpay Laban Sa Kasamaan (Saknong 360-392)
Mag anim na taon nang palaboy-laboy si Aladin. Biglang nahinto si Aladin sa
pagsasalita dahil may naririnig silang mga nagsasalita sa loob ng gubat. Narinig
nila ni Florante ang pinag-uusapan ng mga tao sa loob ng gubat. Sinabi ng isang
nagsasalita na nang malaman niyang pupugutan ng ulo ang kanyang kasintahan na
nasa kulungan, nakiusap siya sa makasariling hari. Humingi daw siya ng tawad sa
mga kasalanang nagawa ng kanyang minamahal. Ang haring tinutukoy ay walang
iba kundi si Sultan Ali-adab. Nang inihahanda na ang kasal niya sa loob ng kaharian
ay naisipan ng nagsasalita na magdamit-moro upang hindi mahalata sa plano
niyang pagtakas. Inilarawan niyang ang magyayaring pagpapakasal sa kaniya ng
hari ay parang kamatayan na rin niya. Nahinto ito sa pagsasalita at biglang
dumating sina Florante at Aladin dahil nakilala nila ang boses ng kanilang mga
minamahal. Ang dalawang taong nag-uusap ay walang iba kundi sina Flerida at
Laura. Ang lahat ng kanilang mga pagdurusa at kahirapan ay nawala dahil sa
kanilang kasiyahan. Ang ingay ng apat na taong nagmamahalan tumamlay nang
nagsimulang magkwento si Laura tungkol sa nasapit ng Kahariang Albanya mula
nang siya ay umalis dito papuntang kagubatan. Nilason ni Adolfo ang mga tao sa
kaharian. Binulag niya ang mga ito dahil siya naman talaga ang dahilan kung bakit
nagugutom ang kaharian. Sinamantala ni Adolfo ang kaguluhan upang
mapasakanya ang korona sinabi niyang ang lahat ng mga ito ay utos ng hari. Nang
mga panahong galit na galit na ang buong bayan sa hari dahil sa kagagawan ni
Adolfo ay pinatalsik at kinuha siya sa kaniyang trono at pinugutan. Nailuklok bilang
bagong hari si Konde Adolfong malupit at pinagbalaan si Laura na kung hindi niya
sasagutin upang maging kasintahan niya ay papatayin siya ng konde. Gumawa ng
sulat si Laura para kay Florante at ipinadala ito sa matapat na lingkod. Nang
malaman ni Laura ang nagyaring paghuli kay Florante ay inihanda na niya ang
kaniyang sarili sa pagpapakamatay sa sakit na kaniyang nararamdaman. Buti na
lamang at dumating ang hukbo ni Menandro na pumalibot sa bayan ng Albanya.
Kaya sinasabing nang mabasa ni Menandro ang sulat ni Laura ay agad-agad ay
nagtungo ang buong hukbo sa Albanya. Natalo nila ang hukbo ni Adolfo sumbalit
nagawang itakas ng huli si Laura. Hindi nagdalawang-isip si Flerida na patayin niya
si Adolfo bilang pagliligtas kay Laura.
Ang Pagwawakas (Saknong 393-399)
Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Flerida ay dumating si Menandro. Dala-dala
niya ang hukbo galing Etolya sa kanilang paghahanap kay Adolfo. Nakita niya ang
kaniyang kaibigang si Florante sa gubat na dahilan ng kaniyang sobrang kasiyahan.
Pinapupurihan nila si Florante sa pamamagitan ng pagsigaw ng biba o mabuhay
kay Florante na siyang bagong hari ng Albanya at kay Laura na bagong reyna.
Dinala ang apat sa kaharian – sina Florante at Laura kasama sina Aladin at Flerida
upang ipagdiwang ang kanilang tagumpay. Nagpabinyag ang dalawang morong
sina Aladin at Flerida bilang mga Kristiyano at ang mga magkakasintahan ay
ikinasal. Pagkamatay ni Sultan Ali-adab ay umuwi sina Aladin Persiya. Si Florante
naman ay iniluklok bilang bagong hari ng Albanya na kapiling ng kaniyang
minamahal na si Laura. Sa pamamahala ni Florante bilang bagong hari ng Albanya
ay naibalik ang kapayapaan sa buong kaharian. uling nakabagon ang mga lubos na
naapektuhan sa malagim na alaala ng nakaraan at sumaya ang mga dating
nalulungkot at takot-na takot. Lubos ang pasasalamat ng lahat sa Diyos. Walang
ibang hinangad ang bagong hari at reyna ng Albanya na sina Florante at Laura
kundi ang lahat ng makabubuti sa buong kaharian. Namuhay nang magkasama
sina Florante at Laura nang matiwasay hanggang sa lubusang maging mapayapa
ang bayan. Sa huling saknong ng awit ay sinabi rin ni Balagtas sa kaniyang
minamahal na si Selya o "Maria Asuncion Rivera" sa tunay na buhay, na sana ay
mabasa niya ito dahil siya ang nakapagbigay kay Balagtas ng inspirasyon upang
maisulat ang kaniyang obra maestra, gawa ng kaniyang kabiguan sa pagmamahal.

You might also like