You are on page 1of 6

SCRIPT::

DANIELLA: -Kami ang Ikalawang Pangkat na huling mag rereport ngayong ika-apat na markahan
-Aralin 6: Ang Pagtatagpo At Ang Pagwawakas
-Ngayon ay banggitin naten ang mga tauhan

PAG BABANGGIT NG TAUHAN:

DOMINIQUE:
Aladin - Siya ang prinsipe ng Persiya at ang anak ni Sultan Ali-Adab. Siya ay nakilala ni Florante sa gubat at
kwinento ang kanyang lubos na nalungkot nung inagaw ng Ama ang kanyang kasintahang si Flerida. Siya ay
pinalayas ng kanyang Ama kapalit ng kanyang buhay at bumalik sa Persiya nang namatay si Sultan Ali-Adab.

Flerida - Ang kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang ama na si Sultan Ali-Adab. Dumapa siya sa kanyang
paanan sa harapan ng Sultan nung nalaman niya na pupugatan ng ulo ang kanyang pinakamimamahal na si
Aladin at humingi ng tawad nung muli silang nagkita. Sila ay bumalik sa Persiya nang namatay si Sultan Ali-
Adab.

CARMINA:
Florante - Ang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang kasintahan ni Princessa Laura at ang Magiting
na heneral ng hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya nalinlang ni Adolfo at naitapon sa
gubat. Siya ang naging Hari ng Albanya katabi si Laura.

Sultan Ali-Adab - Siya ang sultan ng Persiya at ang ama ni Aladin, at naging karibal sa pag-ibig ng kanyang
sariling anak.

DOMINIQUE:
Adolfo - Taksil na pinahirapan si Florante mula nang mahigitan siya nito sa husay at popularidad habang siya'y
nag-aaral pa sa Atenas at nagtangkang agawin si Laura. Siya ang rason kung bakit namatay si Haring Adolfo
pagkatapos niya itong inakusahan na ginugutom ang mga tao at umakyat sa trono.

Laura - Prinsesa ng kahariang Albanya at ang kasintahan ni Florante. Siya ay magandang dalaga na hinahangaan
ng mga kalalakihan ngunit ang kanyang puso ay para kay Florante lamang. Siya ay nahanap ni Flerida nung
pinupwersahan ni Konde Adolfo. Katabi niya si Florante nung siya ay naging Hari ng Albanya.

CARMINA:
Haring Linceo - Ang hari ng Albanya at ang Tatay ni Laura. Siya ay pinatalsik sa trono at pinugutan ng ulo
pagkatapos Inakusahan ni Adolfo na nag-utos ng pagkubkob sa pagkain.

Menandro - Kaibigan at kaklase ni Florante nung siya ay nag-aaral pa sa Atenas. Siya ay Dumating bago natapos
ang kuwento ni Flerida, at hinahanap si Adolfo at laking tuwa niya nang makita niya si Florante.

PAMAGAT NG KWENTO: ANG PAGPAPARAYA NI ALADIN


ELMO: (BUOD)
Nagpakilala kay Florante si Aladin mula sa Persiya, anak ni Sultan Ali-Adab. Sinusubukan ni Aladin na ikwento
ang tungkol kay Flerida at ang kanyang ama. Ngunit naunahan na siya ng mga luha. Niyaya ni Aladin na pareho
nilang hintayin ni Florante sa gubat ang katapusan ng kanilang mga kapuspalad na mga buhay. Hinayaan ni
Florante na magkwento si Aladin. Hindi niya ikinuwento ang sarili niyang buhay. Limang buwan silang pumirme
duon sa gubat. Gumala sila sa gubat. Sinumulan ni Aladin ang mga detalye ng kanyang buhay. Nakaranas si
Aladin ng maraming mga giyera, ngunit nahirapan siya ng lubos kay Flerida. Inihambing ni Aladin si Prinsesa
Flerida kay Diana, diyosa ng mga mangangaso. Inihambing din siya sa mga houri, o mga magagandang mga
birheng makakasama ng mga Muslim sa paraiso (heavenly virgins). Sinuwerte si Aladin at ang kanyang
masusing panliligaw ay nagtagumpay, at sila ni Flerida ay nag-ibigan. Yun nga lang, pumasok na sa eksena ang
ama ni Aladin. Duon nagsimula ang paghihirap ng loob ni Aladin. At kahit naging tagumpay siya sa giyera sa
Albania, umuwi siya sa Persiya na parang bilanggo. Ang kasalanan raw niya ay iniwan niya ang mga tropa na
walang pahintulot ng kanyang ama. At dahil nabawi ni Florante ang kaharian ng Albania, kailangang pugutan si
Aladin. Nung bisperas o gabi bago ang araw ng pagpupugot, may dumating na heneral sa kulungan ni Aladin.
May dala siyang balita na higit pang masaklap kaysa sa kamatayan. Oo nga, hindi na pupugutan ng ulo si Aladin.
Ngunit kailangan siyang umalis sa Persiya bago sumikat ang araw. Para kay Aladin, mas gugustuhin pa niyang
mapugutan, kaysa mabuhay nang alam niyang kapiling mahal niyang si Flerida ang ibang tao.

ALIYAH: (TAGPUAN)
GUBAT AT KARSEL (KULUNGAN/BILANGGUAN)

DEANNE: (MGA SAKNONG)


DANIELLA: (ALAM MO BA?)
Alam mo ba? Houris ang tawag sa napakagagandang dalagang naninirahan sa Paraiso ayon sa paniniwalang
Muslim. Pinaniniwalaan ding may 72 houris ang naghihintay upang maging asawa ng lalaking Muslim na
mamamatay na bayani ng kanilang bayan (nakipaglaban para sa bayan).

ALIYAH: (ALAM MO BA?)


Alam mo ba? Si Diana ay ang diyosa ng pangangaso. Siya’y laging inuugnay sa mababangis na hayop at
sinasabing may kakayahang makipag-usap sa mga hayop. Si Diana ay huwaran ng kagandahan at sinasamba ng
mga sinauang Romano

DANA: (POKUS NA TANONG)


~ Bakit hindi naging madali para kay aladin ang pagsasalaysay sa kwento ng kanyang buhay? anong bahagi nito
ang nagdudulot sa kanya ng labis na kalungkutan?
~ Ano ba ang ginawa ng ama niya na si Sultan Ali-adab para maagaw si Flerida?
~ Tama bang ilarawan ang Ama niyang si Sultan Ali-adab bilang isang malupit na nilalang? Ano-anong
pangyayari sa akda ang magpapatunay sa kanyang kalupitan?
~ Ilarawan si Aladin bilang isang anak, bilang isang kasintahan.
~ Sa iyong palagay, tama ba nagparaya si Aladin sa kanyang Ama kahit mahal na mahal niya si Flerida?

CHLOE: (PAGPAPALIWANAG SA KABUUAN)


Sa unang bahagi ng araling ito, sinasabing ng generong moro kay Florante na dahil naikwento na nito ang kanyang
buhay ay sya naman ang magsasalaysay ng kanyang kwento. Nagpakilala siya kay Folarante. Sinabi niya kay Florante
na ang pangalan niya ay Aladin at siya ay taga Persya. Na siya ang sikat na anak ng sultang si Sultan Ali-adad. Naiyak
kagad si Aladin bago pa man din niya ikuwento ang kanyang buhay. Ito ay dahil sa kanyang amang si Sultan Ali-adad
at kanyang kaligayahan na si Flerida. Hindi na umimik si Florante at hinayaan na lamang niya si Aladin na ilabas ang
kanyang mga nararamdaman. Namalagi silang dalawa sa gubat ng Limang buwan hanggang sa isang umaga ay
naghanda silang maglibang. Habang naglalakad silang dalawa ay nagkukwento si Aladin ng kaawa-awa niyang buhay.
Sinabi ni Aladin na sa digmaan na kaniyang pinagdadaanan ay hindi nya dinamdam ang hirap kumpara sa paghihirap
ng kaniyang puso kay Flerindang kaniyang iniiyakan. Ikinumpara ni Aladin si Flerida kay Diana na diyosa ng mga
mangangaso at sa mga Houris na napakagandang dalagang birhen na naninirahan sa paraiso ayon sa mga Muslim.
Subalit sa kanilang pagmamahalan ay pilit na pumagitna ang ama ni Aladin na si Sultan Ali-adab. Nagsimula ang
paghihirap ni Aladin. Kahit nanalo sila sa pakikipaglaban sa Albanya ay ikinulong pa rin siya pag-uwi niya ng Persya.
Nang mabalitaan ni Sultan Ali-adab na Nabawi nina Florante ang Albanya ay sinentensiyahang mamatay si Aladin sa
pamamagitan ng pagpugot sa ulo. Isang gabi, bisperas ng pagpugot kay Aladin ay pumasok sa bilangguan ang isang
heneral na nagdala ang isang balita. Agad namang sumunod si Aladin sa utos ng kanyang ama na hari ng Persiya.
Sinasabi ni Aladin na mas gugustuhin pa niyang mamatay na lamang kaysa malamang nasa piling na ng ibang tao ang
kanyang minamahal na si Flerida.

FAITH: (PAGPAPALIWANAG SA PAMAGAT)


Nadurog ang puso ni Aladin nang nagkagusto ang kaniyang ama sa kaniyang kasintahan na si Flerida. Inagaw ni Sultan
Ali-adab ang minamahal niya kung kaya't nagtitiis lamang siya hindi makasama ang sinta. Si Flerida ang tanging
nagbibigay loob kay Aladin tuwing lumalaban siya sa digmaan, sinusuportahan niya ito ng lubos. Iniibig niya ng buo si
Flerida kung kaya't mas pipiliin niyang mamatay nalang dahil takot siyang mawala ito sa kanya.

DEANNE: (REAKSYON AT ARAL)


(REAKSYON)
Si Aladin ang nagparaya sa kanilang dalawang mag-ama na tila bang siya pang ang mas umintindi sa kaniyang ama.
Nagawa niya ito hindi dahil sa hindi niya mahal si Flerida kundi dahil sa respetong mayroon si Aladin sa kanyang
ama. Siya'y nasasaktan dahil nawala sa kaniya ang tanging nagpapalakas ng kaniyang loob na si Flerida at mas
dumoble pa ito dahil nawala siya sa kanya dahil sa pag-agaw ng kanyang ama sa kaniyang kasintahan. Sa kabilang
banda, naging mabuti naman si Florante bilang kaibigan ni Aladin, dahil iginalang niya ang nararamdan ni Aladin at
hindi ito pinilit na magkwento, hindi rin niya hinusgahan ang ama ni Aladin gayon din ang kasintahang si Flerida.

(ARAL)
Pagiging maingat sa pagpili ng mga makakasama (kahit pa hindi pinili ni Aladin na maging ama si Sultan Ali-Adab).
Minsa'y kung sino pa ang itinuturing mong kaibigan sila pa ang magtataksil sa'yo. Naging mabuti si Florante ngunit
makikita sa akda ang pagiging peke o pagtataksil ni Adolfo sa kaniyang kaibigan. Minsan nama'y kung sino ang di mo
lubusang kilala o di mo akalaing magiging malapit sayo, sila pa ang totoo gaya nina Aladin at Florante. Itong uri ng
pangyayari'y patuloy na nagaganap hanngang sa kasalukuyan kaya't maging matalino sa pagpili ng iyong
makakasama.

PAMAGAT NG KWENTO: ANG PAGTATAGUMPAY LABAN SA KASAMAAN


ALIYAH: (BUOD)
Mag anim na taon nang palaboy-laboy si Aladin. Biglang nahinto si Aladin sa pagsasalita dahil may naririnig silang
mga nagsasalita sa loob ng gubat. Narinig nila ni Florante ang pinag-uusapan ng mga tao sa loob ng gubat. Sinabi ng
isang nagsasalita na nang malaman niyang pupugutan ng ulo ang kanyang kasintahan na nasa kulungan, nakiusap siya
sa makasariling hari. Humingi daw siya ng tawad sa mga kasalanang nagawa ng kanyang minamahal. Ang haring
tinutukoy ay walang iba kundi si Sultan Ali-adab. Nang inihahanda na ang kasal niya sa loob ng kaharian ay naisipan
ng nagsasalita na magdamit-moro upang hindi mahalata sa plano niyang pagtakas. Inilarawan niyang ang
magyayaring pagpapakasal sa kaniya ng hari ay parang kamatayan na rin niya. Nahinto ito sa pagsasalita at biglang
dumating sina Florante at Aladin dahil nakilala nila ang boses ng kanilang mga minamahal. Ang dalawang taong nag-
uusap ay walang iba kundi sina Flerida at Laura. Ang lahat ng kanilang mga pagdurusa at kahirapan ay nawala dahil
sa kanilang kasiyahan. Ang ingay ng apat na taong nagmamahalan tumamlay nang nagsimulang magkwento si Laura
tungkol sa nasapit ng Kahariang Albanya mula nang siya ay umalis dito papuntang kagubatan. Nilason ni Adolfo ang
mga tao sa kaharian. Binulag niya ang mga ito dahil siya naman talaga ang dahilan kung bakit nagugutom ang
kaharian. Sinamantala ni Adolfo ang kaguluhan upang mapasakanya ang korona sinabi niyang ang lahat ng mga ito ay
utos ng hari. Nang mga panahong galit na galit na ang buong bayan sa hari dahil sa kagagawan ni Adolfo ay pinatalsik
at kinuha siya sa kaniyang trono at pinugutan. Nailuklok bilang bagong hari si Konde Adolfong malupit at
pinagbalaan si Laura na kung hindi niya sasagutin upang maging kasintahan niya ay papatayin siya ng konde.
Gumawa ng sulat si Laura para kay Florante at ipinadala ito sa matapat na lingkod. Nang malaman ni Laura ang
nagyaring paghuli kay Florante ay inihanda na niya ang kaniyang sarili sa pagpapakamatay sa sakit na kaniyang
nararamdaman. Buti na lamang at dumating ang hukbo ni Menandro na pumalibot sa bayan ng Albanya. Kaya
sinasabing nang mabasa ni Menandro ang sulat ni Laura ay agad-agad ay nagtungo ang buong hukbo sa Albanya.
Natalo nila ang hukbo ni Adolfo sumbalit nagawang itakas ng huli si Laura. Hindi nagdalawang-isip si Flerida na
patayin niya si Adolfo bilang pagliligtas kay Laura.

DANA: (TAGPUAN)
GUBAT AT KAHARIAN NG ALBANYA
DEANNE: (MGA SAKNONG)
CARMINA: (POKUS NA TANONG)
~ Kaninong mga tinig ang nakapagdulot ng labis-labis na saya kina Florante at Aladin?
~ Ano-ano ang pinagdaanan ni Flerida bago siya nakarating sa gubat?
~ Ano ang ginawang sakripisyo ni Flerida para mailigtas ang buhay ng pinakamamahal na si Aladin?
~ Ano-ano naman ang mga nangyari sa kaharian ng Albanya batay sa pagsasalaysay ni Laura?
~ Sa paanong paraan nagkakilala sina Laura at Flerida?

DOMINIQUE: (PAGPAPALIWANAG SA KABUUAN)


Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Flerida ay dumating si Menandro. Dala-dala niya ang hukbo galing Etolya sa
kanilang paghahanap kay Adolfo. Nakita niya ang kaniyang kaibigang si Florante sa gubat na dahilan ng kaniyang
sobrang kasiyahan. Pinapupurihan nila si Florante sa pamamagitan ng pagsigaw ng biba o mabuhay kay Florante na
siyang bagong hari ng Albanya at kay Laura na bagong reyna. Dinala ang apat sa kaharian – sina Florante at Laura
kasama sina Aladin at Flerida upang ipagdiwang ang kanilang tagumpay. Nagpabinyag ang dalawang morong sina
Aladin at Flerida bilang mga Kristiyano at ang mga magkakasintahan ay ikinasal. Pagkamatay ni Sultan Ali-adab ay
umuwi sina Aladin Persiya. Si Florante naman ay iniluklok bilang bagong hari ng Albanya na kapiling ng kaniyang
minamahal na si Laura. Sa pamamahala ni Florante bilang bagong hari ng Albanya ay naibalik ang kapayapaan sa
buong kaharian. uling nakabagon ang mga lubos na naapektuhan sa malagim na alaala ng nakaraan at sumaya ang
mga dating nalulungkot at takot-na takot. Lubos ang pasasalamat ng lahat sa Diyos. Walang ibang hinangad ang
bagong hari at reyna ng Albanya na sina Florante at Laura kundi ang lahat ng makabubuti sa buong kaharian.
Namuhay nang magkasama sina Florante at Laura nang matiwasay hanggang sa lubusang maging mapayapa ang
bayan. Sa huling saknong ng awit ay sinabi rin ni Balagtas sa kaniyang minamahal na si Selya o "Maria Asuncion
Rivera" sa tunay na buhay, na sana ay mabasa niya ito dahil siya ang nakapagbigay kay Balagtas ng inspirasyon upang
maisulat ang kaniyang obra maestra, gawa ng kaniyang kabiguan sa pagmamahal.

FAITH: (PAGPAPALIWANAG SA PAMAGAT)


Ang pamagat na ito ay tumutukoy sa muling pagsama ni Florente at Aladin sa kanilang kasintahan. Si Flerida ay
tumakas sa kaharian noong ikakasal na siya kay Sultan Ali-adab, nagdamit gerero siya upang hindi mapag-halataan na
siya ay tatakas at lumisan papunta sa gubat. Si Laura naman ay nakatakas sa tulong ni Menandro, ang matalik na
kaibigan ni Florante. Natanggap niya ang sulat ni Laura na dapat ay para kay Florente ngunit una niyang natanggap
ang sulat ni Adolfo na ginamit sa pangalan ni Haring Linceo. Idinala ni Menandro si Laura sa gubat pansamantala.
Ang pangyayaring ito ay katwiran ng pagtatagumpay nilang makalaya sa mga taong gusto sila pakasalan. At sa muling
pagtagpo ng magkasintahan pagkatapos ng ilang taon na paghahanap sa isa't isa.

DEANNE: (REAKSYON AT ARAL)


(REAKSYON)
Sa tamang oras ay magiging ayos din ang lahat, katatagan at katiyagaan higit na iyo'y kailangan. Sa tagal ng panahon
at dami ng mga problema, naging matatag ang magkasintahan sa kabila ng kawalan ng presensya ng isa't isa. Sila'y
gumawa ng paraan upang magkita muli, at matapos ang anim na taon dininig ng ____(tadhana/diyos) ang kanilang
pinakahihintay na mangyari sa di pinaka-inaasahang oras.

(ARAL)
'Wag gumanti sa mga nang-aapi, dahil ang panahon na mismo ang gaganti sa mga ito. Alam kong cliché na itong
pakinggan, pero ito ang totoo. Mananalo ang kabutihan at matatalo ang kasamaan. Dumating ang panahong naging
ayos ang lahat, ng walang ganting ginawa sina Florante at Aladin sa mga tumaksil sa kanila, maaaring napatay ni
Flerida si Adolfo ngunit hindi sa paganting paraan kundi para mailigtas si Laura mula sa masamang intensyon ni
Adolfo.

PAMAGAT NG KWENTO: Ang Pagtatagumpay Sa Kasamaan

ELMO: (BUOD)

Bago matapos ang kwento ni Flerida, dumating si Menander sa gubat. Hinahanap ng kanyang hukbo si
Adolfo. Laking tuwa niya nang makita niya si Florante. Tuwang-tuwa ang ehersito (army) mula sa Etolia.
Sumigaw sila ng “Mabuhay siFloranteng Hari ng Albanya! Mabuhay ang Prinsesa Laura!” Dinala nila silang
apat sa kaharian ng Albanya. Nagpabinyag sina Aladin at Flerida bilang Kristiyano, at sila’s nagpakasal.
Namatay si Sultan Ali-Adab, at bumalik si Aladin sa Persiya. Si Duke Florante ay umakyat sa trono ng
Albanya, sa piling ng mahal niyang si Laura. Sa pamamahala ng bagong hari ng Albanya, bumalik ang
kapayapaan sa kaharian. Natuwa ang lahat ng tao. Itinaas nila ang kanilang mga kamay sa Langit, bilang
pasasalamat. Ang bagong hari at reyna ay namahala nang mabuti at ng may awa para sa lahat. Nabuhay sina
Florante at Laura nang mabuti at matiwasay, hanggang naabot nila ang higit na kapayapaan para sa bayan.
Dito rin sinabi ni Balagtas sa kanyang Musa na tumigil na at magtago dun sa kanyang ala-ala ni Selya, at
dalhin ni musa ang mabigat na kalooban ni Balagtas.

ALIYAH: (TAGPUAN)
GUBAT, KAHARIAN NG ALBANYA, AT PERSIYA
DEANNE: (MGA SAKNONG)
DANA: (POKUS NA TANONG)
~ Sa tingin mo, ano ba ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng Florante at Laura?
~ Sa palagay mo, ano ang nais iparating na mensahe ng may akda ng florante at laura?
~ Bakit kaya pumayag sina Aladin at Flerida na mabinyagan at maging mga Kristiyano?
~ Ano ang nangyari sa Albanya nang sina Florante at Laura na ang mamuno rito? Paano maiuugnay rito ang
pagkakaroon ng haring mabuti at matuwid?
~ Paano kaya makaaapekto sa mga mambabasa, lalo na yaong mga nangangarap maging lider sa hinaharap, ang
mensaheng taglay ng awit na Florante at Laura?

DEANNE: (REAKSYON AT ARAL)


(REAKSYON)
Masayang natupad ang kahilingan ni Florante't Aladin sa pamamagitan ng pagiging mabuti at magalang. Tunay ngang
ang kabutiha'y laging nananaig sa anumang laban sa buhay. Ang kasamaan ay unti-unting maglalaho at ating
makakamit ang ating mga kahilingan sa mabuting paraan...tulad ni Florante at ang iba niya pang mga kasama.

(ARAL)
Pagpapakita ng totoong kahulugan ng pag-ibig (pag-ibig sa lugar na kanyang pinamumunuan, pag-ibig sa kapwa, pag-
ibig kay Laura). Lutang sa akda ang pagmamahalan nila Florante at Laura, makikita rito ang kaliwa't kanang
sakripisyo nila sa isa't isa. Bagaman di nila sabay na hinarap ang mga problema ngunit naging inspirasyon nila ang
isa't isa sa pagharap sa mga ito. Nanatili pa rin ang pagmamahalan nila at di nakalimutan ang isa't isa, na makikita rin
natin maging sa pagmamahalan nina Aladin at Flerida. Ngunit hindi lamang ito ang sinasabi kong pag-ibig,
mapapansin din dito ang pagmamahal ni Florante sa bayan na kanyang paglikingkuran. Lubos na pananampalataya sa
Diyos. Sa mga nakaraang aralin, sa pagdating ng mga problema, nasama sa mga linya nila ang tungkol sa
pananampalataya nila sa Diyos. Natuto ring yakapin nina Aladin at Flerida ang Kristyanismo, sapagkat sila'y
nagpabinyag at magpakasal bilang katoliko.

MAHALAGANG TANONG:
Masasabi bang nagging matagumpay si Balagtas sa layunin niya sa pagsulat ng Florante at Laura? Patunayan.

You might also like