You are on page 1of 8

Narrator: Sa isang mapanglaw at malawak na gubat na matatagpuan sa labas ng kahariang Albanya ay

may isang binatang nakagapos sa puno ng higera. Ang gubat ay pinamumugaran ng mababangis na
hayop, at mga naglalakihang punong-kahoy na may masangsang na amoy. Ang binatang nakagapos ay si
Florante. Siya ay isang makisig na binata na anak ng mag-asawang sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca
na kapwang taga-Albanya. Si Adolfo na isang sakim na lalaki ay ang nagpagapos kay Florante,
nagpapatay din sa ama nito, umagaw kay Laura at ang pumatay kay Haring Linseo.

Florante: Amang Mahabagin! Bigyan nyo po ng katarungan ang kasamaang nangyayari sa Albanya. Wala
nang makikitang mabuti sa kahariang iyon dahil lahat ng nagpapakita ng kabutihan ay may parusang
kamatayan. Kaya wala nang magawa ang mga tao. Kasalanan itong lahat ni Konde Adolfo! Dahil ito sa
paghahangad niya sa kapangyarihan ng Albanya! Nasaan na ang katarungan, Diyos ko?!

Florante:Bakit kung sino pa ang may magandang asal ay siyang tinatanggalan ng karapatang magsabi ng
katotohan pero bakit ang mga masasama,sa trono pa iniluluklok?

Florante: Mahiganting Langit, kung iyong ibig na ako’y magdusa, sana nama’y isagi mo ako sa puso ni
Laura ng ako’y kanyang maalala. Habang ako ngayo’y nagdurusa, tanging si Laura lamang ang
nagbibigay-lakas at ligaya sa akin.

Narrator: Ang kalungkutang nararamdaman ni Florante ay kasing panglaw ng gubat na kanyang


kinaroroonan.

Florante: Ang hirap isipin na si Laura’y nasa kandungan na ng iba. Ang puso ko’y sumusuko na sa dahas
ng sakit at ang luha ko’y walang tigil sa pagdaloy. Mula ulo hanggang aking paa’y ramdam ang
kalungkutang aking nadarama.

Narrator: Ang makisig na binata ay wala nang nagawa kundi isigaw sa kagubatan ang kanyang sakit at
hinagpis na nadarama.

Florante: Laura, bakit ako’y iyong pinagtaksilan?! Hindi ba’t isinumpa mo sa langit na ako lamang ang
iyong iibigin? Laura, ikaw lang ang makalulunas sa aking paghihirap. Ngunit ika’y wala na at iyong pagibig
ay nasa ibang lalaki na.

Narrator: Tila ba’y pasan-pasan ni Florante ang hirap ng sansinukuban at wala nang papantay sa
kanyang hinagpis noong mga oras na iyon.

Florante:Hindi ko akalaing sasayangin mo lamang ang maraming luhang iginugol mo sa akin.Sa tuwing
ako’y makikihamok,basa ng luha ang aking bandang isusuot dahil sa takot na ako’y masugatan.Sa
pagkakataong magkasugat,hinuhugasan mo ng luhang nananatak.Halina,Laura ko’t ngayon ika’y aking
kailangan .Wala na nga Laura,ikaw lamang ang makakalunas nitong kahirapan.
Narrator: Sa kabilang dako naman, may isang binatang Moro na nag-ngangalang Aladin— ang prinsipe
ng Persiya na nagkataong napadpad sa gubat ding yaon.

Aladin: Flerida, bakit mo ako pinagpalit sa aking ama? Sa dinami-rami ng maaaring umagaw sa’yo ay ang
ama ko pang iginagalang. Tapos na ang ating pagmamahalan. Siguro nga’y paalam na subalit may iniwan
ka pa ring puwang sa puso ko.

Narrator: Inakala ni Aladin na nag-iisa siya sa madilim at madawag na kagubatan subalit ay di nagtagal
ay narinig niya ang mga panaghoy ni Florante. Hinanap at nakita niya ang binata ngunit hindi niya agad
ito nilapitan. Narinig ni Aladin ang kahabag-habag na pagkamatay ng ama ni Florante gayundin ang
pagalala ng binata dito. Pagkatapos nito’y si Aladin naman ang nakaalala sa kanyang ama.

Florante: Mahal kong ama, bakit sa lahat ng tao na maaaring kunin ng Diyos ay ikaw pa? Ikaw ay isa sa
pinaka-mabuting taong nakilala ko at alam kong hindi nararapat ang kahabag-habag na kamatayan na
iyong natamo.

*uupo si Aladin*

Aladin: Ama, ikaw ay aking iginagalang ngunit hindi ko matatanggap ang kalupitang ipinaranas mo sa
akin lalo na ang pang-aagaw mo kay Flerida mula sa piling ko.

Florante: Laura, pinaka-mamahal ko, salamat sa lahat ng kaligayahan at pagmamahal na inalay mo sa


akin. Lumigaya ka nawa sa piling ni Adolfo at sana’y hindi mo maranasan ang pakiramdam ng pagtaksilan
katulad ng ginawa mo sa akin.

Florante: Albanya, alam kong ikaw ngayo’y puno ng lupit at bangis. Maski ako na iyong tagapagtanggol
ay iyong pinagtaksilan. Paalam.

Narrator: Habang nakagapos ay may dalawang leon na dumating na sa unang tingin mo pa lamang ay
parang kakainin ka na nito. Ang mga leon ay nasa harapan na ni Florante ngunit buti na lamang ay
dumating si Aladin. Akala ni Florante ay katapusan niya ng mga oras na iyon.

*lalabanan ni Aladin ang dalawang leon*

Narrator: Nilabanan ni Aladin ang dalawang leon gamit ang tabak hanggang sa ito’y mamatay.
Pagkatapos nito’y inalalayan niya si Florante.Kinalag ng gerero ang gapos ni Florante at dahan-dahang
inihiga ang kanyang mala bagong bangkay na katawan at hinayaan itong mahiga sa kanya
*hinahaplos ang mukha at dibdib*

*nagising si Florante*

Florante: Laura? Nasaan ka? Tulungan mo ako, tulungan mo akong tanggalin ang gapos ko.
Florante: Ika’y... ika’y isang Moro! Sino ka? Hindi ako makapaniwalang isang Moro ang magliligtas sa
akin.

Aladin: Oo nga, isa akong Moro, ngunit ako’y may puso’t damdamin din. Huwag kang matakot, ika’y
aalagaan ko muna. Nakikita ko sa iyong pananamit na ika’y taga-Albanya. Ako naman ay Persyan.

Florante: Salamat sa pagligtas mo sa buhay ko. Kung hindi mo ako iniligtas ay tiyak na nasa tiyan na ako
ng mga leon na iyon.

Aladin: Sino-sino pa ba ang magtutulungan kung tayo ding parehong sawing-palad?

*lumipat ng pwesto*

Aladin: Dito ka muna magpahinga, kaibigan. Magdamag kitang aalalayan.

*pagkagising ni Florante*

Florante: Hindi ka natulog?

Aladin: Oo. Para mabantayan kita sa gubat na ito. Madami kasing mababangis na hayop na naglilibot sa
tabi-tabi.

Florante: Maraming salamat. Isa kang mabuting kaibigan. Paano ba kita mapapasalamatan?

Aladin: Walang anuman.Maari mo bang ikwento ang dahilan kung paano ka napunta dito?

*uupo sa ilalim ng puno.*

Florante: Ako si Florante. Taga-Albanya. Ako ay anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Ang aking ina
ay anak ng hari sa kahariang Krotona. At ang aking ama ay taga payo ni Haring Linceo, hari ng Albanya—
na ama ng aking sinisinta na si Laura. Wala namang mahalagang nangyari sa akin noon, kundi noong
sanggol pa ako ay muntikan na akong dagitin ng isang bwitre, mabuti na lamang ay napana ito ng pinsan
kong si Menalipo.

Narrator: Sunod namang ikinwento ni Florante ang buhay niya bilang mag-aaral sa Atenas, kung saan ay
kanyang naging kamag-aral si Adolfo

Florante: Si Adolfo ay kinilala noon bilang huwaran sa bait. Sapagkat di ko labis maunawaan kung bakit
hindi kami magkaluwagaang-loob. Ngunit pagkalipas ng anim na taon ay nalampasan ko na si Adolfo, at
doon naipakita na niya ang tunay niyang pagkatao at pinagtangkaan pa nga akong patayin nito.

Narrator: Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang mga bagay na hinarap ni Florante sa Albanya, dahil isang
araw ay may natanggap siyang liham galing sa kanyang ama.

Florante: Sabi sa liham ay yumao na raw ang aking ina, hindi ko labis matanggap kung bakit ito nangyari
sa akin, mga mata ko’y parang nagging batis, ako’y natataranta at di alam ang gagawin
Narrator: Si Florante’y nakatanggap ng ikalawang sulat galing sa kanyang ama, kasabay ng isang
sasakyang sumundo sa kanya.

Narrator: Pagkatapos nun ay sumama si Minandro, na matalik na kaibigan ni Florante, pumunta sa


Krotona. Pagdating sa Krotona ay sinalubong si Florante ng mahigpit na yakap galing sa kanyang amang
si Duke Briseo

Florante: Pagkarating sa Krotona ay may natanggap kaming sulat mula sa hari ng Krotona at sabi’y
humihingi raw sila ng tulong sapagkat nilusob sila ni Heneral Osmalik ng Persiya

Narrator: Inihandog ng duke ang paglilingkod ng kanyang anak, humanga naman ang monarka sa kiyas
ni Florante at sinabing ito na nga ang kanyang napangarap na gererong maglalathala ng kapurihan at
kapangyarihan ng kanyang trono.

Narrator:Isinalaysay naman ni Florante kay Aladin kung paano sila nagkakilala ni Laura.Inimbitahan ni
Haring Linceo si Florante upang ikwento ni Florante ang mga nangyari sa kaniya.Habang sila’y
nagkukuwentuha’y nakita ni Florante ang isang magandang dalaga na si Laura.

FLORANTE:Siya’y napakaganda.Ang kaniyang mukha’y napakaliwanag at mistulang napakahinhin ng


asal.Tuwing magugunita ko siyang ikinakasira ng aking isipan.Hindi ko nga lang malaan kung bakit siya’y
naging taksil.Di ko alam kung bakit nilimot niya ako.Lalo na ng ang aking Ina’y namayapa,ang luha sa
aking mata’y nananagos.

FLORANTE:Pagkatapos nang tatlong araw na piging.Kinailangan kong tumungo kasama ang aking mga
hukbo sa Krotonang Bayan.

*kakausapin si Laura bago umalis*

FLORANTE:O,Laurang aking mahal,ipapahayag ko na sa iyo ang matinding pagsinta sa iyo.Ako’y lilisan na


at wala ng mas sasakit pa sa sumisintang mahihiwalay.Ngunit kung ang oo’y di man bitiwan,itutuloy
parin aking pagmamahal.

Laura:*maluluha*

NARRATOR:Di man sumagot ng oo si Laura’y bumukal naman sa mga mata nito ang mga luhang pabaon
ni Florante sa kaniyang laban.

FLORANTE:Tara na mga kasama tayo na sa Krotonang bayan.

*LABAN LABAN *

NARRATOR:Sa limang oras ng paglalabanan nila Heneral Osmalik at Florante,si Osmalik ay napatay ni
Florante at ng mga kasama nito.

FLORANTE:Wagi tayo!
Narrator :Sinalubong sila ng Haring dakila kasama ang buong bayan,ang mga pasasalamat ay walang
humpay gayon din ang mga pagpupuri.Nagdiwang ang bayan ng 3 araw at tila bay nalimutan na ang
pagtulog.

*pagkatapos ng limang buwan*

FLORANTE:Nais ko nang bumalik sa Reynong Albanya,nais kong muling makita si Laura.

*habang naglalakad*

FLORANTE:Gusto kong bilisan at magmadaling maglakad,naiinip na ako’t gusto ko nang lumipad upang
muling masilayan Reynong Albanya,para bang may kutob sa aking puso na mas lalong hirap.

Narrator:Sa kanyang pag-uwi sa Albanya,ang mga moro’y nandoon na.Isang binibini ang nakagapos na
at pupugutan.Sa puso niya’y ito ang kaniyang si Laura.

Narrator:Hindi na kayang pigilin ang galit sa kaniyang sarili kaya’t agad niyang nilusob ang mga
moro.Sinabi ng mga moro na dahil ito sa hindi pagtanggap ni Laura sa pag-ibig ni Emir.Kaya’t agad
niyang kinalas ang gapos kay Laura.

FLORANTE: Anong nangyari sayo Laura?

LAURA:Sintang Florante…

NARRATOR:Pagkayari’y nalaman niyang ang kaniyang ama’y nasa bilangguan gaya ni Haring Linseo.Agad
tinungo ni Florante ang bilangguan at pinakawalan ang ama at si Haring Linseo.Labis ang tuwang
nakamtan nila ng mapakawalan,tanging si Adolfo lamang ang nagdadalamhati.

HARING LINSEO:Maraming salamat Florante!Ikaw ang tunay na tanggulan ng siyudad!

*nagsasaya ang mga tao*

NARRATOR:Ipinagdiwang ng mga tao ang pagkaligtas ng hari at ng duke.Ngunit sa kabilang banda’y


lalong nag-alab ang galit ni Florante ng nalaman niyang minamahal na nito si Laura.

*magagalit si Adolfo.*

NARRATOR:Matapos ang ilang buwan,mayroon muling lumusob sa Reynong Albanya na mga hukbo na
pinamumunuan ng Turkong si Miramolin.

NARRATOR:Labimpitong hari na ang nagsigalang sa kaniyang pinakitang katapangan at kasanayan upang


mailigtas ang kanilang siyudad.Bago pa man niya mapagtagumpayan ang kaniyang laban sa Etolya siya’y
nakatanggap ng liham na nagsasaad na umuwi na siya sa Albanya.

*mayroong mag-aabot ng liham kay Florante*


NARRATOR:Sa kaniyang pagbabalik ay may tatlumpung libong sandatahan ang sumalubong sa kaniya at
siya’y ginapos.Saka niya nalaman na pinatay na ni Adolfo ang hari at ang duke.Nalaman din niya na
ipinangako ni Laura kay Adolfo na papakasalan niya ito.

FLORANTE:Napakasama mo Adolfo!!! Bakit mo pinatay ang Dukeng ama ko at ang Hari?

Laura…Bakit mo ako iniwan?

NARRATOR:Matapos ang labing walong araw,siya ay ginapos na sa gitna ng gubat.Dito na nagtapos ang
kwento ni Florante kay Aladin.

NARRATOR:Matapos magkuwento,si Aladin naman ang nagsalita.

ALADIN:Ako naman si Aladin anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya.Ngunit naging kaagaw ko ang aking ama
sa aking iniirog na si Flerida.Para mapasakanya si Flerida,hinatulan niya ako ng pagpugot sa ulo.Bago pa
man dumating ang araw ng paghahatol ay pinatawad na ako.Sinabi na lamang na hindi na ako pwedeng
mapunta o bumalik sa Persya.Mas nais ko pang mahatulan kaysa maalala na ang aking sinta’y nasa
kandungan na ng aking ama.

NARRATOR:Anim na taon nang naglalakbay ang dalawang gerero sa gubat hanggang sa isang
araw,nakarinig sila ng dalawang tinig na naguusap.

NARRATOR:Sina Florante at Aladin ay patuloy na nakikinig.

FLERIDA:Ang sinta ko’y muntikan ng pugutan ng ulo,wala na akong maisip na paraan kundi ang ialay ang
sarili sa sultan,pakawalan lamang si Alading minamahal.Hatinggabi bago ang kasal naming ng
sultan,ako’y tumakas at nagtungo sa gubat upang hanapin ang kinaroroonan ng aking sinatang prinsipe.

NARRATOR:Ang usapan ng dalawang babae ay naputol sa biglang pagsipot ni Florante at Aladin.

NARRATOR:Anupa’t napakalungkot ng gubat,ang sa apat naman ito’y naging paraiso.Agad isinalaysay ni


Laura ang nangyayari sa kanilang bayan.

LAURA:Dahil sa masamang pakana ni Konde Adolfo ay nakuha nitong mapaniwala ang buong bayan na
gugutumin sila ng Hari.Lumusob ang mga mamamayan at mga sundalong kasabwat ni Adolfo.Pinugutan
nila ng ulo ang aking ama at ang Dukeng ama mo.Nakuha ni Adolfo ang posisyon ng Haring Linseo at
binalaan niya ako na kung hindi siya papakasalan ay papatayin ako.

NARRATOR:Humingi ng limang buwang palugit si Laura at palihim na pinadalhan ng liham si Florante na


nasa Etolya,ngunit nagpadala din pala si Adolfo ng liham at ginaya ang pirma ng Haring Linseo na
nagsasabing umuwi na siya.Ang nakatanggap naman ng liham ni Laura ay si Minandro na lumusob sa
Albanya .Dinala naman ni Adolfo si Florante kasama si Laura kaya nga lang ay sinama niya ulit si Laura
pabalik.Nakita ni Flerida si Adolfo na sinasaktan si Laura sa gubat kaya sinaklolohan niya ito gamit ang
palaso at namatay si Adolfo.
NARRATOR:Dahil sa nabasang liham ni Minandro,siya ay nagtungo sa gubat para sana’y tugisin si
Adolfo.Laking tuwa niya ng si Florante na ang kaniyang nakita.

*mga hukbo ni Minandro:BIBA SI FLORANTENG HARI NG ALBANYA…

MABUHAY,MABUHAY ANG PRINSESANG LAURA!!!*

NARRATOR:Sila ay nagbunyi at sina Flerida at Aladin ay naikasal.Sa kanilang pagbalik si Duke Florante sa
trono’y naakyat.Sa kaniyang pamamahala,kapayapaa’y nakamtan mahinusay na nagsama ang dalawa.

PAGTATAPOS!
FLORANTE
AT
LAURA
(SCRIPT)
8-MAHOGANY

You might also like