You are on page 1of 5

Unang Kabanata

Narrator: Sa isang madilim, gubat na mapanglaw, dawag na matinik ay walang pagitan, halos
naghihirap ang kay Pebong silang dumalaw sa loob na lubhang masukal.
Sa Puno ng Higera, nakagapos sa gitna ng kagubatan ay may isang matipunong tila nanaghoy sa
kawalan Isang mandirigma na mula sa Albanya Ngunit dinakip at ipinatapon sa labas ng kaharian.
Florante: Oh, Panginoon, ako’y iyong patawarin Sa lahat ng kabiguang aking pasanin Sa pag-ibig na
ipinagkait sa akin Oh, tadhana. Bakit ka ganyan sa akin?
Narrator: Habang si Florante’y walang pagod sa paghihinakit Ay may isang gererong nagngangalang
Aladin Isang morong wari ‘y naliligaw ng landas At naghahanap ng lugar ng sa kanya’y giginhawa.
Kabiguan din sa pag-ibig ang kanyang pasanin Na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
Hindi natin aakalain na magagawa ng sariling amang agawin ang pag-ibig ng anak, ipagpalit lang sa
sariling ninanais
Aladin: Oh kay laking hirap nitong nasa akin Na sa pag-ibig inagaw ng malapit sa akin Ako ngayo’y
andito sa kagubatan Pinagtaksilan ng ama kong mapagsarili.
Narrator: Sa kalagitnaan ng kanyang pagdurusa Ay may narinig siyang tinig Tinig ng animo’y Nasa
kagubatan din. Ito’y kanyang pinakingga’t inunawaan Sinundan ang tinig at kanyang pinuntahan Sa
mga taghoy nitong kalumbay-lumbay Ay tila naaawa sa kalagaya’y kanya ding pinapasan
Florante: Oh Laura, Oh Laura Ako’y iyong pinagtaksila’t iniwan Hahayaan mo lang ba ako dito sa
kagubatan? Alam kong hindi mo maaatim ang mahal mo sa kahinagpisan.
Aladin: Napakapait naman ng kanyang tadhana Kahabag-habag at tila wala ng pag-asa Nasaan ka’t
tutulungan kita Dadamayan ka’t gagabayan kita
Kailangan ko ng magmadali’t makinig Sa kanyang taghoy, hindi ko na marinig Susundan ko ang
iyong mga tinig Upang makapunta sa iyong lugar na ibig
Narrator: Ginamit ni Aladin ang kanyang matulis na kalis sa paghawi ng mga damong hindi kanais-
nais nahimatay na pala si Florante’t ang moro’y hindi namalayan Ngunit nakarating na pala si Aladin
sa lugar na paroroonan.
Nang makita si Floranteng nakagapos sa higera Ay nagulat at nabigla ang morong mandirigma Sa
harap ni Florante’y may dalawang leon na nakaantabay Nakaantabay sa paggising at handang
sumalakay
Ngunit itong si Malakas ay walang uurungan Handing iligtas kahit na sinuman.
(Pinatay ni Aladin ang dalawang leon)
At pinaslang ni Gerero ang dalawang kaaway Iniligtas ang taga-Albanyang walang kamalay-malay
Ito’y kinawala niya sa pagkakagapos At walang hirap na iniakay-akay
(Biglang nagising si Florante habang naglalakad)
Florante: Laura, Nasaan ka?! Tulungan mo ako dito’t tayo’y magsama.
Narrator: hindi na pinansin pa ni Aladin ang sigaw ni Florante Hindi na sumagot at hinayaan nang
umidlip muli
Florante: Sino ka’t anong pakay mo sa ‘kin? Ako’y iyong ibaba’t tanong ko’y iyong sagutin.
Aladin: Ako’y isang Moro’t ngalan ko’y Aladin Nagligtas sa iyo sa mga leong handa kang sunggabin
Alam ko’y may mabigat kang pasanin Kaya wag kang mag-alala’t walang akong masamang hangarin
Florante: Ngunit hindi mo ba napapansin na tayo’y magka-away? Magkaaway mula sa magkaibang
kaharian
Aladin: Ako’y taga-Persia’t ika’y taga-Albanya Ako’y isang Moro’t ika’y isang Kristiyano Magkaiba
man tayo ng kaharian Walang pinipili ang pag-tutulungan
Narrator: Hindi na kumibo pa ang siyang may katanungan Hanggang makarating sila sa lugar na
pagpapahingahan Doon ay magpapalipas ng gabi hanggang kinaumagahan Magpapalipas ng hinagpis
at kalungkutan
Page 2
Page 2: Script ng Florante
Florante: ako’y nagpapasalamat sa lahat ng iyong kabaitan kabaitang ipinamalas noong ako’y
nangangailangan
Narrator: At ikinuwento niya ang kanyang nakaraan sa isang matapat na kaibigan at maaasahan
Inilahad ni florante ang katotohanan katotohanan sandaling tadhana’y pinagkaitan
Si florante ay anak nina duke briseo’t prinsesa floresca ay isinalang sa kaharian ng albanya nang
siya’y nasa kanyang kalabing-isang gulang ay ipinadala sa atenas at doon pinag-aral
Doon niya nakilala si adolfong buhong sa kasaysayan at ang gurong si antenor na may busilak na
kalooban nakilala din niya si menandrong pamangkin ng maestro na naging matapat at malapit
niyang kaibigan.
Nang wala pa si Florante’y si Adolfo ang tinitingala ng kalahatan Ngunit nang dumating si
Florante’y tila to’y inagawan Itong si Adolfo’y poot ang nasa kalooban Ibinuhos ang galit sa isang
dula-dulaan
Antenor: Tayo ngayo’y magkakaroon ng pagsasadula Dula tungkol sa trahedya ng dalawang apo
Tanghal si Florante’t Adolfo Florante bilang Polinise’t Adolfo bilang Etyokles
Narrator: Nang handa ng magsadula’y si Adolfo’y nanlisik ang mata Kay Florante’y may balak na
masama Balak nitong paslangin at totohanin Ngunit merong isang taong si Florante’y handang
saklolohin (Magsasadula, May hawak na espada ang dalawa)
Adolfo: Ikaw Floranteng mang-aagaw Dapat sa ‘yo’y mamatay! (Dadating si Menandro, Ililigtas si
Florante)
Menandro: Ikaw Adolfo, ano’ng nangyayari sa iyo? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang pag-sasadula’y
iyong tinotoo Hindi mo kailangang gawin ito
Narrator: Si Adolfo’y tinotoo ang dula-dulaan Ngunit si Menandro’y niligtas ang kaibigan Si
Adolfong may sala’y pinabalik sa Albanya At pagkaraa’y hindi na muling nakita Pagkaraa’y si
Florante’y nakatanggap ng Liham Liham mula sa Albanyang sinilangan Ito’y pinadala ni Duke
Briseong kanyang amang minamahal Dali-daling binasa’t inalam ang nilalaman Florante:Oh mahal
kong ina Bakit mo ako iniwan? Ako’y hindi mo nakasama nang
matagal Ama, pupunta ako riya’t ika’y aking dadamayan
Narrator: Si Florante’y binasa ang liham Liham na naglalaman ng pagkawala ng ilaw ng tahanan
Uuwi siya sa Albanya’t magpapaalam Sa bayan ng Atenas at sa kanyang guro’t mga kaibigan
Florante: Ako’y magpapaalam sa inyo’t magpapasalamat Magpapasalamat sa lahat-lahat
(Magpapaalam, Kakaway)
Narrator: Nang dumating sa bayang sinilangan Niyakap ang ama sa kaharian Tila nabalot ng
kalungkutan Nang makita ang inang lumisan
Duke Briseo: Anak, huwag kang mawalan ng pag-asa Tadhana’y hindi basta-basta Nandito kami’t
susuporta Magiging gabay at tagapag-aruga
Narrator: Pagkatapos ay may dumating na liham Sasakupin ng Persia ang Krotona Bayang
nanghihingi ng tulong Si Florante’y lalaban at susulong
Duke Briseo: May sulat na dumating mula sa Krotona Humihingi ng tulong ang pakay nila
Nanganganib na itong sakupin Ni Heneral Osmalik na mula sa Persia.
Narrator: Nang dumating si Haring Linceo Itong si Florante’y may naramdaman Magkahalong kaba’t
pag-ibig Nang makita ang anak ng hari Pagkaraa’y napawi ang kalungkutan Nang makakita ng
babaeng napupusuan Tila napalitan ng kaligayahan At nagkaroon ng pag-asa’t kasiyahan.
Haring Linceo: Ako si Haring Linceong taga-Krotona Ikinalulugod ko kayong makilala Ibig ko nga
palang ipakilala Itong anak kong si Laura
Florante: Masaya ako’t nakilala kita Ngalan ko’y Florante, wala ng iba Ako’y taga-dito sa Albanya
Albanyang ako’y tagapagmana
Laura: Masaya rin ako’t nakilala kita Sana tayo’y magkakilala pa Upang malaman ang isa’t isa At
maging magkaibigan o higit pa
Narrator: Itong dalawa’y hindi namalayan Puso nila’y magkasingkahulugan Hanggang sila’y maging
magkasintahan At lubos na nagmamahalan Ngunit panaho’y dumating At sila mawawalay sa isa’t isa
Itong si
Page 3
Page 3: Script ng Florante
Florante’y makikipagdigma Ipaglalaban ang bayan ng mahal niya
Haring Linceo: Ngayo’y araw ng pakikipagdigma At si Florante’y makikipaglaban Laban para sa
bayan At sa kanilang pagmamahalan
Florante: Laura, Ika’y maghintay Babalik ako’t ika’y babalikan
Laura: Pangako, Florante Ika’y aking hihintayin
Narrator: Itong si Florante’y lumaban Lumaban para sa bayan Krotonang sinakop ng Persia Bayan ng
kanyang sinta Sa kagalingan nitong si Florante Bayan ng Krotona’y naibalik Dating sakop ni Heneral
Osmalik Ngayo’y nasa kamay ng tunay na hari (Babalik sa Albanya, Kukumustahin si Laura)
Florante: Oh, Laurang aking iniibig Ako’y nagbalik Krotona’y aming naibalik Sa kabutihan ito’y
manunumbalik
Laura: Mabuti’t ika’y nasa mabuting kalagayan Ako’y nag-alala sa iyo’t lagi kang pinagdarasal
Ngunit ngayo’y ika’y nasa aking piling Maluwag na ang aking kalooba’t nabunutan ng tinik
Narrator: Si Florante’y Heneral na At sa digmaa’y parating nanalo siya Tila wala siyang kabiguan Sa
lahat ng kanyang nagiging laban Ngunit isang araw ng kanyang pakikipagdima Ay umuwi sa
Albanya ang nag-iisa
Uuwian ang kasintahang naghihintay Sa pagdating niya’y siya’y babalikan Ng makapasok ito sa
kaharian Ay pinaligiran siya ng mga kawal Kawal ni Adolfong kaaway Adolfong sinakop ang
kaharian Itong si Florante’y hindi makapaniwala Na si Adolfong ito’y kanyang magagawa Pinaslang
si Briseo’t Linceo nang alang awa Karibal pala ni Florante sa pag-ibig ni Laura Si Florante’y walang
kalaban-laban Dinakip at ipinatapon sa kagubatan Sa mga hayop balak gawing hapunan Utos ni
Konde Adolfong gahaman sa kapangyarihan
(Balik sa eksena ni Florante at Aladin)
Florante: Iyo’y nangyari sa akin Nung sandali’y ako’y malasin Ngayo’y hindi ko alam ang aking
gagawin Hayaan ko na lang ang tadhana’y lumapit sa akin
Aladin: Iyong mga kuwentong hindi naiiba sa akin Masakit man sabihin Ama ko pa ang naging
pasakit sa akin Amang nag-alaga at
kumalinga sa akin Fleridang aking kasintahan Ay inagaw sakin ng haligi ng tahanan Sa utos nitong
ako’y paslangin Flerida’y handang magligtas sa akin
Narrator: Sa kasalukuya’y may nasa gubat din Sila’y nakarinig ng tinig Tinig ng pamilyar na boses
Boses ng dalawang nag-uusap na binibini Ito’y kanilang sinundan Tinuntun at hinanap At nang
natagpuan nila’y Sila’y nagulat at nabigla Itong dalawang babae’y kanilang iniibig Si Florante kay
Laura At si Aladin kay Flerida Tadhana’y pinagtagpo ang apat
Laura: Oh, Floranteng aking iniibig Akalain nating dito tayo magkikita Ang landas natin ay
pinagtagpo ng tadhana Tadhanang minsa’y napakadamot sa madla
Si Adolfo’y ako’y pinagtangkaan Tinakasan ko siya at tinakbuhan Sa kagubatan ako’y napadpad
Ngunit ako’y kanyang hinabol at sinundan
(Niyakap si Florante)
Flerida: Ang ama mo’y aking tinakasan Tinakasan ko’t hindi ako nasundan Pumunta ako sa
kagubatan Upang hanapin ka’t ika’y balikan.
Kayong dalawa’y nakakita sa amin Napakabait ng tadhana sa atin Tayo’y dapat maging masaya’t
damhin Ang kaloob ng diyos na bigay sa atin
(NIyakap si Aladin) (Biglang dumating si Menandro)
Menandro: Kayo pala’y nagkatagpo na Babalik na sa dating ganda ang Albanya Si Adolfo’y wala na
sa puwesto Si Florante ang uupo sa trono Mabuhay ang Albanya!!
Narrator: Floranteng namuno sa kaharian Albanyang bumalik sa dating kaayusan Pag-ibig na hindi
atitibag ng ninuman Kahit pa mayroong mataas na kapangyarihan

You might also like