Professional Documents
Culture Documents
Sa gitna ng gubat, may isang lalaking nakatali sa puno na animo'y binugbog ng paulit-ulit at hinabol
ang kanyang hininga. Ang pangalan niya'y Florante.
Habang nakatali sa puno, sinasabi niya ang kanyang mga nakaraan at isa na rito ang Albanya, isang
kaharian kung saan siya'y isinilang na ngayo'y nanganganib.
Florante: O, aking Diyos Ama, nasan, nasan, ang iyong awa! Ako'y nananaghoy,
nakikiusap, humihingi ng tulong niyo (bugtong hininga)
Patawarin niyo akong lahat dahil Hindi ko nagawang ipagtanggol ang ating kaharian laban sa taksil at
walang awang si Adolfo. Tila yata wala nang nagmamahal sakin! Napakapait ng aking buhay!
Inagaw niya ang korona ni Haring Linceo upang magawa niya ang kanyang ninanais. Pati si Duke
Briseo na aking ama ay kanyang dinamay.
Florante: O aking Diyos Ama, tila yata di mo dinidinig ang aking mga
panalangin sa'yo. Hindi ko tuloy maalis saking isipan na ayaw nyo na akong tulungan.
Kung gayon, papaano na ako, sinong aking malalapitan at makakapitan kung ang Diyos mismo ay
ayaw na akong tulungan!
Paalam na Albanya, aking sinilangan, patawarin mo na lang ako dahil Hindi kita naipagtanggol.
Paalam na bayan ko, paalam rin sa'yo. Adolfong malupit, Laurang taksil! Paalam na sa inyo!
Aladin: O, Flerida…… O tadhana, kay lupit mo, kinuha mo ang minamahal ko!
Aladin: O, ano yung tinig na aking naririnig? Tinig ng isang naghihinagpis na
tao. Sino kaya siya?
Aladin: Kaawa-awang tao, ang lahat ng kanyang tuwa'y natapos nang siya'y
pinahirapan at pinagtaksilan.
Florante: Siguro nga ay patay na ako kung Hindi ka dumating. Ngunit ang
pagkamatay ang siyang tunay kong kaligayahan.
Pagdating ng umaga ay napansin ni Aladin na malakas na si Florante kaya ito'y kanyang niyakap.
Noong sanggol pa lamang ako ay muntik na akong dagitin ng isang buwitre. (sinasalaysay habang
inaarte ng batang Florante)
Nang ako'y naging siyam na taong gulang ay lagi akong nasa burol at dala ang aking pana't busog at
ako'y naghahanap ng hayop upang tirahin ng aking pana. Kapag ako'y napagod ay nagpapahinga at
naliligo ako sa batis kung saan masasayang nag-aawitan ang mga nayades habang tinutugtog nila ang
kanilang lira. Ang kanilang tawana'y nakapagpapawala ng aking pagod. (sinasalaysay habang inaarte
Pagkalipas ng ilang taon ay pinag-aral ako ng aking ama ngunit ayaw pumayag ng aking ina dahil
ako'y lilisan.
Duke Briseo: Dahil mas maganda ang pagtuturo roon. Kung Hindi siya mag-
aaral ano ang kanyang magiging kinabukasan.
Antenor: Florante, maligayang pagdating! Ako nga pala si Antenor at ako ang
magiging guro mo dito sa Atenas.
Isang araw habang naglalakad si Florante ay nakasabay niya si Adolfo, ang kanyang kababayan.
Napansin niya ang pinong pagkilos nito.
Adolfo: (Handa nang paslangin si Florante) Ikaw ang umagaw ng kapurian ko,
dapat kang mamatay.
Florante:(malungkot) HINDI!!!!!Mahal na ina, bakit mo ako iniwan? Di man lang tayo nagkita sa
matagal na panahon. HINDI!! Hindi ka maaring mamatay!(walang patid ang pag-iyak)
Tagapagsalaysay: Dalawang buwan pa si Florante sa Atenas bago dumating
ang kanyang sundo.
Mensahero: Magandang araw po.Humihingi ng tulong ang Krotona sa inyo dahil nanganganib po na
masakop ni Heneral Osmalik.
Duke Briseo: Asahan niyo ang tulong namin. Florante, pupunta tayo kay haring Linceo.
Haring Linceo: Ah, ang binata sa aking panaginip. Siya ang papalit sa aking
trono. Pansamantala pamunuan mo ang hukbong patungo sa Krotona.
Tulungan mo ang iyong ninuno doon at magkamit ng karangalan.
Haring Linceo: Siya nga pala ang aking anak na si Laura. Maiwan muna kita at mag-uusap lang kami
ng iyong ama.
Laura: Gayon din ako. Ngunit ilang araw na lang at aalis ka na rin.
Tagapagsalaysay: Kinabukasan…
Laura: Paalam.
Tagapagsalaysay: Pagdating nila Florante sa Krotona, nakita nila ang hukbo ni Heneral Osmalik.
Osmalik: Sugod!
Florante: Sugod!
*digmaan*
Natitirang kawal ni Osmalik: Nasan ang kalaban?! (makikita sila Florante, Menandro at isa pang
kawal) Isa… Dalawa… Tatlo… Takbo!
Tagapagsalaysay: Sa pagnalik nila sa Albanya ay may nakasalubong silang mga di-binyagan na may
dalang isang babae.
*labanan*
Laura: Mabuti naman ako, pero Florante, kailangan ko ng tulong mo. May
bayang malapit dito na pinagtataguan ng mga morong dumakip sa aking ama. Iligtas mo siya. Paano
kung may masamang mangyari sa kanya? Paano kung...
Florante: Shhhh. Ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong ama sa abot ng aking makakaya.
Florante: Sugod!!
*digmaan*
Kawal: Heneral Florante, dala ko po ay isang sulat galing kay Haring Linceo.
Adolfo: Huminahon ka. Maayos ang kalagayan niya ngunit ikinalulungkot ko..
Magpaalam na ang iyong amang si Duke Briseo.
Florante: Papatayin kita, papatayin kita!
7
Adolfo: Mga kawal, alisin niyo ang taong ito sa harapan ko…
Aladin: (maririnig sila Flerida at Laurang nag-uusap ngunit Hindi nila alam na
sila pala ito) Huh?!... Nakarinig ka ba ng mga nag-uusap?
Florante: Oo, halika't hanapin natin kung saan ito nagmumula. (pinakinggan
nila ito)
Flerida: Nang mabalitaan ko na pupugutan ng ulo ang aking minamahal, ako ay nagmakaawa sa hari
na huwag na itong ituloy, matapos nito, ako ay nagdamit gerero upang makatakas sa kaharian.
Flerida: O Aladin…
Laura: Hayaan mong ikwento ko ang mga nangyari sakin sa bingit ng
kamatayan…
(malungkot at iiyak) Nang ikaw ay mawala, naging magulo na ang bayan. Madalas akong
pagtangkaan ni Adolfo… Higit pa dito, pinaslang niya ang aking amang hari at maging ang iyong ama
na si Duke Briseo.
Flerida: Ako'y nahabag kay Laura ng makita kong nilalapastangan siya ni
Adolfo kaya kinuha ko ang busog at palaso at pinana ko sa dibdib ang walag-awang hangal.
Florante: Sadyang kay lupit ng tadhana sa ating lahat. Ngunit ngayon ay
masaya na tayong lahat at magkakasama.