You are on page 1of 7

Daisy Rose T.

Eliang
BSE II-C
Panunuring Pampanitikan

Florante at Laura 17: Kamusmusan ni Florante


173. Nupong nag-agapay sa puno ng kahoy
Ang may dalang habag at lipos-linggatong
Saka sinalitang luha’y bumabalong
Buong naging buhay hanggang naparool.

174. “Sa isang dukado ng Albanyang syudad


Doon ko nakita ang unang liwanag
Yaring katauha’y utang kong tinanggap
Sa Duke Briseo na ama kong liyag.

175. “Ngayong nariyan ka sa payapang bayan


Sa harap ng aking inang minamahal
Prinsesa Florescang esposa mong hirang
Tanggap ang luha kong sa mata’y nunukal.

176. “Bakit naging tao ako sa Albanya


Bayan ng ama ko at di sa Krotona
Sa masayang syudad na lupa ni ina?
Disin ang buhay ko’y di lubhang nagdusa.

177. “Ang dukeng ama ko’y pribadong tanungan


Ng Haring Linseo sa anumang bagay
Pangalawang puno sa sangkaharian
Hilagaan tungo ng sugo ng bayan.

178. “Kung sa kabaita’y uliran ng lahat


At sa katapanga’y pang-ulo sa syudad
Walang kasindunong magmahal sa anak
Umakay magturo sa gagawing dapat.

179. “Naririnig ko pa halos hanggang ngayon


Palayaw na tawag ng ama kong poon
Noong ako’y batang kinakandung-kandong
Taguring Florante bulaklak kong bugtong.

180. “Ito ang ngalan ko mulang pagkabata


Nagisnan sa ama’t inang nag-andukha
Pamagat na ambil na lumuha-luha
At kayakap-yakap ng madlang dalita.

181. “Buong kamusmusa’y di na sasalitin


Walang may halagang nangyari sa akin
Kundi nang sanggol pa’y kusang daragitin
Ng isang buwitreng ibong sadyang sakim.

182. “Ang sabi ni ina ko’y natutulog


Sa bahay sa kintang malapit sa bundok
Pumasok ang ibong pang-amoy ay abot
Hanggang tatlong legwas sa patay na hayop.
183. “Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya
Nasok ang pinsan kong sa Epiro mula
Ngala’y Menalipo may taglay na pana
Tinudla ang ibo’t namatay na bigla.

184. “Isang araw namang bagong lumalakad


Ako’y naglalaro sa gitna ng salas
May nasok na arko’t biglang sinambilat
Kupidong dyamanteng sa dibdib ko’y hiyas.

185. “Nangtumuntong ako sa siyam na taon


Palaging gawa ko’y mag-aliw sa burol
Sakbat ang palaso’t ang busog ay kalong
Pumatay ng hayop mamana ng ibon.

186. “Sa tuwing umagang bagong naglalatag


Ang anak ng Araw ng masayang sinag
Naglilibang ako sa tabi ng gubat
Madla ang kaakbay na mga alagad.

187. “Hanggang sa tingal-in ng sandaigdigan


Ang mukha ni Pebong hindi matitigan
Ay sinasagap ko ang kaligayahang
Handog niyong hindi maramot na parang.

188. “Aking tinitipon ang ikinakalat,


Na masayang bango ng mga bulaklak,
Inaaglahi ko ang laruang palad
Mahinhing amiha’t ibong lumilipad.

189. “Kung ako’y mayroong matanaw na hayop


Sa tinitingalang malapit na bundok
Biglang ibinitbit ang pana sa busog
Sa minsang tudla ko’y pilit matutuhog.

190. “Tanang samang lingkod ay nag-aagawan


Unang makarampot ng aking napatay
Ang tinik sa dawag ay di nagdaramdam
Palibhasa’y tuwa ang nakaaakay.

191. “Sukat maigaya sinumang manood


Sa sinuling-suling ng sama kong lingkod
At kung masundan ang bangkay ng hayop
Ingay ng hiyawan, sa loob ng tumok.

192. “Ang laruang busog ay kung pagsawaan


Uupo sa tabi ng matuling bukal
At mananalamin sa linaw ng kristal
Sasagap ng lamig na iniaalay.

193. “Dito’y mawiwili sa mahinhing tinig


Ng nangagsasayang nayadas sa batis
Taginting ng lirang katono ng awit
Mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib.

194. “Sa tamis ng tinig na kahalak-halak


Ng nag-aawitang masasayang nimpas
Naaanyayahan sampung lumilipad
Sari-saring ibong agawan ng dilag.

195. “Kaya nga’t sa sanga ng kahoy na duklay


Sa mahal na batis na iginagalang
Ng bulag na hentil ay nagluluksuhan
Ibong nakikinig ng pag-aawitan.

Si Francisco Balagtas (1788-1862) na kilala din sa tawag na Francisco Baltazar at Kikong


Balagtas ay isang kilalang makata sa wikang Tagalog at may-akda ng Florante at Laura. Ang
Florante at Laura, na obra-maestra ni Balagtas, ay naglalarawan ng mga kasamaang dinanas ng
mga Pinoy noong panahon ng mga Kastila. Tinaguriang "Hari ng Makatang Tagalog" at
"Prinsipe ng Balagtasang Tagalog" si Balagtas ay nagsulat ng mga tula, awit, komedya, at korido
na siyang nagdala sa kaniya sa pinakamataas na bahagdan sa dambana ng mga makatang
Tagalog. Dahil sa kanyang katanyagan bilang manunulat, ang kanyang pangalan ay naukit sa
katagang ating ginagamit sa pagtukoy sa panunula ... "Balagtasan".
173. Nupong nag-agapay sa puno ng kahoy
Ang may dalang habag at lipos-linggatong
Saka sinalitang luha’y bumabalong
Buong naging buhay hanggang naparool.

Matipid sa mga salita ang paglalarawan na ito sa bahagi ng awit, isang katangiang
klasiko. Masasalamin ang pagiging marangal ng nagsasalita dahil sa paggamit ng matatalinhaga
at makahulugang salita. Ito ang simula ng pagbabaliktanaw ni Florante sa kanyang pagkabata
kung saan inilarawan niya ang kaniyang buhay sa bayan ng kaniyang ama.
174. “Sa isang dukado ng Albanyang syudad
Doon ko nakita ang unang liwanag
Yaring katauha’y utang kong tinanggap
Sa Duke Briseo na ama kong liyag.

175. “Ngayong nariyan ka sa payapang bayan


Sa harap ng aking inang minamahal
Prinsesa Florescang esposa mong hirang
Tanggap ang luha kong sa mata’y nunukal.

Magiliw na inilarawan ni Florante ang buhay sa bayan na kaniyang kinagisnan.


Sinasalamin nito ang buhay marangya at may sinasabi sa buhay- subalit sa kabila nito ay
kalungkutan dahil sa pagkakalayo ng anak sa kaniyang magulang. Sa tagpong ito makikita ang
pagmamahal ni Florante sa kaniyang magulang- ang kadakilaan na dapat isabuhay ng isang
dugong bughaw.
176. “Bakit naging tao ako sa Albanya
Bayan ng ama ko at di sa Krotona
Sa masayang syudad na lupa ni ina?
Disin ang buhay ko’y di lubhang nagdusa.

Pagkakaiba ng Krotona sa Albanya. Isa sa mga katangian ng pananaw klasiko ay ang


pangyayaring pagkakaiba ng dalawang tao o lugar o bagay, ito ang makikita sa bahaging ito ng
awit. Ang pagtatanong ni Florante sa bahaging ito ay isang simbolo na may kaibahan ang buhay
sa bayan ng kaniyang ama sa bayan ng kaniyang ina. Sinasabi ni florante na mas magiging
masaya ang kaniyang buhay kung sa bayan lamang siya ng kaniyang ina namuhay, makikita dito
ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng bayan ng Krotona kumpara sa bayan ng Albanya.
177. “Ang dukeng ama ko’y pribadong tanungan
Ng Haring Linseo sa anumang bagay
Pangalawang puno sa sangkaharian
Hilagaan tungo ng sugo ng bayan.

178. “Kung sa kabaita’y uliran ng lahat


At sa katapanga’y pang-ulo sa syudad
Walang kasindunong magmahal sa anak
Umakay magturo sa gagawing dapat.

Kabaitan at kapangyarihan. Ito ang katangiang taglay ng mga tauhan sa isang pananaw
klasiko, ang pagiging mabuti at pagkakaroon ng maayos na pamumuhay ng isang tauhan.
Nirerepresenta ng isang karakter sa klasisismo ang dapat tularan ng mga mamamayan o ng mga
mambabasa. Sa bahaging ito maayos na inilarawan ni Florante ang kabutihang taglay ng
kaniyang ama, isang desente at matapang na lider sa kanilang syudad. Bukod pa doon makikita
ang posisyong taglay ng kaniyang ama, isang tagapayo ng hari, ito ay isang katangiang
mapagkakatiwalaan, isang katangiang kailangang tularan.
179. “Naririnig ko pa halos hanggang ngayon
Palayaw na tawag ng ama kong poon
Noong ako’y batang kinakandung-kandong
Taguring Florante bulaklak kong bugtong.

180. “Ito ang ngalan ko mulang pagkabata


Nagisnan sa ama’t inang nag-andukha
Pamagat na ambil na lumuha-luha
At kayakap-yakap ng madlang dalita.

Sa dalawang saknong na ito ay makikitang nailahad ng maayos ni Florante ang


pamilyang kaniyang kinagisnan. Inilalarawan sa bahaging ito ang isang pamilyang puno ng
pagmamahal. Sa panahon ngayon, ito ay hindi na nararanasahan ng karamihan sapagkat
madaming mga pamilyang wasak, kung kaya’t magandang modelo ang pangayayaring ito sa
buhay ni Florante upang muling maipakita ang isang buong pamilya na may aruga at
pagmamahal ng isang ama at ina.
181. “Buong kamusmusa’y di na sasalitin
Walang may halagang nangyari sa akin
Kundi nang sanggol pa’y kusang daragitin
Ng isang buwitreng ibong sadyang sakim.

182. “Ang sabi ni ina ko’y natutulog


Sa bahay sa kintang malapit sa bundok
Pumasok ang ibong pang-amoy ay abot
Hanggang tatlong legwas sa patay na hayop.

Sa pagiging bata hindi nawawala ang mga pangyayaring nailalagay sa kapahamakan,


subalit ang kay Florante ay naiiba dahil hindi pangkaraniwan ang naglagay sa kaniya ng
kapahamakan. Ang paglalarawan ni Florante sa buwitreng ibon ay nagpapakita ng kasamaan at
kasakiman. Maraming pagkakataon na sa palagay ng isang ina ay ikabubuti ng kaniyang anak,
subalit tao din sila na nagkakamali ng mga kamalian at ito nga nangyari kay Florante at sa
kaniyang natutulog na ina. Palagay ang kaniyang ina sa kaligtasan ni Florante ngunit ito pa din
ay nailagay sa kamay ng panganib at agaw buhay.
183. “Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya
Nasok ang pinsan kong sa Epiro mula
Ngala’y Menalipo may taglay na pana
Tinudla ang ibo’t namatay na bigla.

Hindi nawawala sa pananaw klasiko ang mga bayani at mga kakaibang kapangyarihan,
makikita ito sa bahaging ito ng kamusmusan ni Florante, ang kabayanihan ni Epiro- ang
pagligtas niya sa buhay ni Florante. Matipid mang inilarawan ni Florante kung paano siya
iniligtas ni Epiro sapagkat ito ay isang balik tanaw lamang ay makikita pa din ang pagiging
payak ng mga pangyayari.

184. “Isang araw namang bagong lumalakad


Ako’y naglalaro sa gitna ng salas
May nasok na arko’t biglang sinambilat
Kupidong dyamanteng sa dibdib ko’y hiyas.

Isang katangian ng pananaw klasiko ang komedya, sa parteng ito ay katatawanan na


nararanasan ng mga batang bago lamang maglakad. Hindi nawawala ang mga pangyayaring
ganito, sapagkat ito ang isa sa tulay upang mas aralin at mas maging mahusay ang isang tao sa
isang bagay. Sa murang edad ang mga karanasan ni Florante ay kakaiba sa lahat, ito marahil ang
nag-udyok sa kaniya na maging Florante sa kasalukuyang edad.
185. “Nangtumuntong ako sa siyam na taon
Palaging gawa ko’y mag-aliw sa burol
Sakbat ang palaso’t ang busog ay kalong
Pumatay ng hayop mamana ng ibon.

186. “Sa tuwing umagang bagong naglalatag


Ang anak ng Araw ng masayang sinag
Naglilibang ako sa tabi ng gubat
Madla ang kaakbay na mga alagad.

187. “Hanggang sa tingal-in ng sandaigdigan


Ang mukha ni Pebong hindi matitigan
Ay sinasagap ko ang kaligayahang
Handog niyong hindi maramot na parang.

Kamusmusan. Isa marahil ang kaganapan na ito sa naging inspirasyon ni Florante sa


kaniyang buhay- sa pagbibinata. Malaking tulong ito upang mas malinang niya ang kaniyang
kakayahan sa pamaman. Sa murang edad marunong na siya sa pamamana- isang katangian na
hindi normal para sa kaniyang edad. Sa parteng it ng kaniyang pagkabata, ipinapakita ang
pagiging obhetibo ni Florante, na sa paraang pagpana, ay dalagang bagay ang kaniyang
nagagawa- paglalaro at pagkatuto. Ang pagkamulat niya sa bundok ay paggiging matapang at
malakas ni Florante sa pagbibinata.

188. “Aking tinitipon ang ikinakalat,


Na masayang bango ng mga bulaklak,
Inaaglahi ko ang laruang palad
Mahinhing amiha’t ibong lumilipad.

189. “Kung ako’y mayroong matanaw na hayop


Sa tinitingalang malapit na bundok
Biglang ibinitbit ang pana sa busog
Sa minsang tudla ko’y pilit matutuhog.
Ang bulaklak ay simbolo marahil ng tawag sa kaniya ng kaniyang ama. Ipinapakita dito
ang pagiging simple ngunit pagkamarangal ni Florante dahil sa dami ng kaniya maaaring
paglaruan at pagtuonan ng pansin ay ang mga bagay pa na hindi madaling makuha at kailangang
paghirapan kagaya na lamang ng bulaklak.

190. “Tanang samang lingkod ay nag-aagawan


Unang makarampot ng aking napatay
Ang tinik sa dawag ay di nagdaramdam
Palibhasa’y tuwa ang nakaaakay.

191. “Sukat maigaya sinumang manood


Sa sinuling-suling ng sama kong lingkod
At kung masundan ang bangkay ng hayop
Ingay ng hiyawan, sa loob ng tumok.

Simpleng kasiyahan ng isang bata na may nagawang tama sa kaniyang palagay-


komedya. Ito ay ipinapakita sa bahaging ito ng kamusmusan ni Florante, ang kasiyahan niya at
ng kaniyang mga alagad kapag ito ay nakakapatay ng isang ibon, bukod pa doon ay
pagpapakitang gilas. Ang mga bata ay walang hiya, hanggat maaari ay nais nilang makuha ang
atensyon ng lahat ng mga taong nasa paligid nila at ito ang makikita kay Florante kapag nakikita
niyang natutuwa ang mga nanonood sa kaniyang ginagawa.

192. “Ang laruang busog ay kung pagsawaan


Uupo sa tabi ng matuling bukal
At mananalamin sa linaw ng kristal
Sasagap ng lamig na iniaalay.

193. “Dito’y mawiwili sa mahinhing tinig


Ng nangagsasayang nayadas sa batis
Taginting ng lirang katono ng awit
Mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib.

Emosyon. Hindi uso sa pananaw klasiko ang pagpapahayag ng malalim na emosyon,


kung kaya’t sa bahaging ito isinasalaysay ni Florante kung paano niya inilalabas ang emosyong
natatago sa kaniyang kalooban. Sa pagdaloy ng batis, kasabay ng mga nag-aawitang ibon,
nakakaramdam si Florante ng kaginhawaan at aliw. Hindi idinaan ni Florante sa payak na paraan
ang paghahayag ng kaniyang emosyon kung hindi sa paraang ang kaniyang sarili lamang ang
nakakaalam.

194. “Sa tamis ng tinig na kahalak-halak


Ng nag-aawitang masasayang nimpas
Naaanyayahan sampung lumilipad
Sari-saring ibong agawan ng dilag.

Pagmamahal sa kalikasan. Ang mga Nimpas, ayon sa Gryego ay Dyos ng Kalikasan, ito
ang ipinapakita sa saknong na ito, ang pagmamahal at nagagawang kaligayahan ng kalikasan sa
kaniya idagdag pa ang mga ibong nag-aawitan at kay ganda sa pandinig ang awiting nagmumula
sa kanila.

195. “Kaya nga’t sa sanga ng kahoy na duklay


Sa mahal na batis na iginagalang
Ng bulag na hentil ay nagluluksuhan
Ibong nakikinig ng pag-aawitan.
Isang maayos na wakas. Ang pangwakas na saknong ng pagbabaliktanaw ni Florante sa
kaniyang kamusmusan ay nagpapakita ng maaliwalas at magandang kamusmusan ni Florante na
bagama’t laki sa isang kilala at disenteng pamilya ay hindi pa din nawawala ang aral na mula sa
bibliya- ang aral na iminulat sa ating mga kastila.

Maaayos na inilarawan ni Florante ang kaniyang pagkabata kung saan masasalamin ang
isang marangal na pamilyang kaniyang kinalakhan. Madaming pinagdaanan sa kaniyang
kabataan, mga trahedya at katatawanan subalit sa likod ng mga ito ay lumakhi siyang magalang
at marangal. Makikita agad ang pagkakaroon ng kapngyarihan ng kaniyang pamilya, na isa sa
katangian ng klasisismo, sapagkat naniniwala ang pananaw na ito na sa itaas matatagpuan ang
kapangyarihan. May hanggana din ang bawat saknong, malinaw na inihahayag sa isang saknong
ang isang kaisipan at hindi paikot-ikot ang mga sinasabi. Walang makikitang balbal, kung saan
malalim ang emosyon, bagaman isa itong awitin, payak ang pagkakalahad ng mga kaisipan at
damdaming nais ipabatid.

Ang pagbabaliktanaw sa kamusmusan ni Florante ay pagpapahalaga sa katangian ng


klasisismo na pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan sa isang dakilang katawan. Ang mga
kaisipang ito ay mga kaisipan ni Florante sa kaniyang pagkabata na naging daan upang maging
isang dakilang nilalang sa kaniyang hinaharap.

You might also like