You are on page 1of 2

CHRISTIAN D.

TAPEC
BS ABE III-B
DarkHorse
ANG AKING TOTS!
Nang nagbago ang sanlibutan,
Tumahimik ang bawat galaw,
Nanibago sa mga bagong patakaran,
Sa bagong normal na dapat makasanayan
‘di sinasadyang mapindot ang heart sa iyong larawan.

Kasing tahimik noon ng paligid ang aking account,


Bawat ‘ting’ ng messeger ay mula sa mga group chat,
Na ang usapa’y tungkol sa mga requirement at deadline,
Kaya blessing in disguise sigurong napindot ko iyong heart,
Dahil nagkaroon ng siglang buksan ang bawat ‘ting’ na natatanggap.

Doon nagsimula ang ating usapan,


Sa sinabi kong “sorry napindot”,
At sa reply mong “galawan”,
Iyong mga ‘sana all’ ko noon,
Nariyan ka na, para punan ngayon.

Parang acceleration due to gravity kasi I’m falling to you,


Pwede rin naman Truss, pero dapat may moment muna tayo,
Para mahanap natin iyong Reaction Force na sa ikaw at ako,
Alam ko namang corny at baka maging calculator ang bagsak nito,
Na dahil sa dami ng formula ay maging syntax error sa dulo.

Hindi naman lahat kami ay ghoster sa totoo lang,


Hindi lahat ng Engineering ay matinik sa kababihan,
Kaya noong dumating ka sa gitna ng pandemyang nararanasan,
Nagkaroon ako ng sigla na dumalo sa mga synchronous class,
At tapusin ang nakaimbak na gawain ng may ngiti at galak.

Hindi ko naman akalain na pati puso mo ay mapapasa-akin,


Akala ko noon ay heart emoji lang ang kaya mong tanggapin,
Akala ka nga rin, hanggang sa larawan mo lang ang pagtingin,
At kahit hanggang cellphone na lang muna ang namamagitan sa atin,
Tandaan mong sa oras na pwede ng maglapit, ikaw ang una kong yayakapin.

Iyo sanang tandaan na hindi ka lang pang quaranfling,


Sapagkat ikaw ang The One That Stay sa aking puso’t isip.

You might also like