You are on page 1of 2

KOMENTO MO!

Isa sa yamang namana natin ang Tanaga at Haiku, kung kaya’t layunin ng patimpalak
na ito na muli itong bigyang buhay sa pamamagitan ng pag-komento ng sariling gawang
Tanaga at Haiku na ipapaskil sa Facebook page ng organisasyon. Sa pamamagitan nito,
mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na buhayin ang kanilang kakayahan sa
paggawa at paglikha ng maiikling tula.

Nais ding isakatuparan ng orhanisasyon ang pagsulong ng iba’t ibang uri ng panitikan
bilang pagsasakatuparan sa mithiin ng tema ng Buwan ng Panitikan sa taong ito;
“Limandaang Taon ng Pagsulat sa Kalibutang Filipino”.

Pamantayan:

1. Ang patimpalak ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng Mariano Marcos State University-


College of Teacher Education.

2. Ang komentong Tanaga at Haiku ay dapat sumusunod sa pamantayan ng tula; apat (4)
na taludtod na may pitong (7) pantig sa Tanaga at tatlong taludtod na may lima(5) –
pito(7) – lima(5) na pantig sa Haiku.

3. Ang tula ay dapat orihinal na akda at kung malalamang ito ay hindi orihinal gawa ng
nag-komento, awtomatiko siyang tatanggalin sa patimpalak.

4. Sa inilaan na post lamang ng organisasyon maaaring ilagay ang ginawang tula, hindi
ito maaaring direktang ipasa sa mga opisyales ng patimpalak.

5. Narito ang gabay sa pagpili ng mananalo:

Kaangkupan sa Tema 30%


Kaayusan ng tula 25%
Pagkamalikhain 20%
Nilalaman 15%
Orihinalidad 10%
Kabuoan 100%

6. Ang mga mananalo ay ipapakilala sa pagtatapos ng buwan ng Abril at mabibigyan ng


sertipiko ng pagkilala at papremyo.
SERYE NG TANONG...

Sa lawak ng social media hindi maiiwasan na magkaroon ng iba’ibang trending na


gawain na patok sa mga mag-aaral at kabataan. Isa ang serye ng tanong sa pinagkakaguluhan
ng mga mag-aaral sa Twitter, isang social media site. Sa programang ito ng Kapisanang
Inang Wika, nais ng mga opisyales na dahil sa Facebook ang kinagigiliwang gawain na ito.

Layunin ng patimpalak na ito na palawakin pa ang kaalaman ng mga mag-aaral


tungkol sa ating panitikan. Sa pamamagitan nito makikita kung hanggang saan ang nalalaman
at hanggang saan ang natatandaan ng mga mag-aaral sa kanilang asignaturang Filipino.
Papalawakin nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa panitikang Filipino at mabibigyan din
sila ng bagong kaalaman tungkol sa ating panitikan.

Pamantayan:

1. Bukas ang patimpalak sa lahat ng mag-aaral ng Mariano Marcos State University –


College of Teacher Education.

2. Magpapaskil ng mga katanungan ang mga opisyales ng KIW sa kanilang Facebook


page tuwing Biyernes sa loob ng isang na siyang pagninilayan at bibigyang kasagutan
ng mga mag-aaral.

3. Ang unang makapagbibigay ng kasagutan ang siyang tatanghaling panalo.’

4. Ang mga nanalo ay bibigyang pagkilala sa katapusan ng buwan na makakatanggap ng


sertipiko ng pagkilala at papremyo.

You might also like