You are on page 1of 11

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA

PAG-AARAL NG KABATAAN

Isang Konseptong Papel

PINAL NA AWTPUT

GE ELEC 10

Kulturang Popular ng/sa Pilipinas

Ipinasa kay:

Prop. Cheryl G. Hachero

Ipinasa nina:

KIM JEN P. BEBING

DESIREE MAE P. TERRITORIO

HAZEL MHAY O. SABARILLO

BSHM 1-B

Enero 15, 2022


I. Rasyunal

Kasalukuyang laganap ang paggamit ng social media sa pangkalahatan lalo na sa mga


kabataan dahil ito ay kinagigiliwan ng karamihan upang libangin ang kanilang sarili at ang iba
naman dito na sila kumukuha ng kanilang hanapbuhay. Ang social media ay naging parte na ng
ating pamumuhay sa araw-araw. Sa dami ng gumagamit ng social media ay nagkakaroon ng
positibo at negatibong epekto ang paggamit nito. Maraming kabuluhan kung bakit may
magandang dulot at hindi magandang dulot ang paggamit ng social media sa mga kabataan at sa
pangkalahatan.

Sa pangkalahatan,ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng social


media sa pagaaral ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa pagtukoy kung maganda o
masamang dulot ang dala ng social media sa pagaaral ng mga kabataan.
II. Layunin

Ang layunin ng pananaliksik na ito na mabibigyan ng kaalamanang mga estudyante


tungkol sa social media na karaniwang popular sa lipunan. Bukod pa rito ay layunin din nito na
maipabatid samga estudyante ang mga positibo at negatibong epekto ng social media, lalong-lalo
na sa kanilang pag-aaral. Higit sa lahat ay ninanais ng pananaliksik na ito na mabigyang
solusyon ang mgamambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga estudyante sasocial
media. Layunin din ng pananaliksik na ito ay ipabatid naang lahat ay mayroong limitasyon sa
paggamit ng social media.

Ang mga sumusunod: Nais ding sagutin ng pananaliksik na ito

1. Anu-ano ang dahilan ng pagkahumaling ng mga kabataan sa social media?

2. Anu-ano ang epekto ng social media sa pag-aaral ng mga kabataan?


III. Mga kaugnay na babasahin o Pag-aaral

Ayon naman kay Villanueva (2020), Sa panahon ngayon maitatanggi na mas


maraming masamang epekto ang social media sa mga mag-aaral. Maraming bagay ang pwedeng
gawin para masolusyunan ito. Una sa lahat bawasan ang paggamit nito, imbis na puro
pangangalap sa internet, mag pokus tayo sa mga desisyon natin sa paaralan. Wag natin gamitin
ang social media para makapanakit ng tao para maiwasan ang pagkakaroon ng “depression” lalo
na ang “suicide”. Bawasan ang pag init ng ulo at magkaroon ng maraming oras sa mga
importanteng bagay.Tunay na di mapipigilan ang pagbabago ng ating mundo. Kaalinsabay nito
ay patuloy din tayong binabago nito. Hindi natin mapagkakailang hinaplos nito and pang-araw-
araw nilang pamumuhay. Masasabi ng isa sa mga may pinakamalaking impak sa ating buhay ay
ang social media (sosyal medya). Ginagamit natin ito upang magkaroon tayo ng komunikasyon
sa ating mga kaibigan, kamag-anak, at maging sa mga hindi natin kakilala (Quintos, 2021).

Ayon kay Rivera (2016), Maraming naapektuhan ang internet at social media dahil nga sa
malakas na impluwensya nito ay marami sa mga kabataan ngayon ang nahuhumaling dito. At
dahil nagiging uso na ang social media kailangan nilang makiuso at gumawa ng account dito.
Marami din ang nagkakapikunan dito dahil sa mga pinopost nila na hindi nagustuhan nang iba,
madalas itong humahantong sa batuhan ng mga mararahas at hindi kanais nais na salita Minsan
naman ay nagiging masyadong mapanghusga ang mga kabataan ngayon marahil na din sa mga
nakikita nila sa social media na kalayaan sa pagpapahayag kahit nakakasakit na tayo. Isa pa sa
mga masasamang epekto nito ay ang pagbawas ng produktibidad ng mga kabataan, ang sobrang
pagkahumaling dito ay nakakabawas ng oras ng mga kabataan sa mas importanteng bagay na
mas dapat pagbuhusan ng pansin. Gaya ng pag-aaral, mga gawaing pang bahay at kung ano ano
pa, kahit naman maraming masamang epekto ang social media at internet ay marami din naman
itong maitutulong at kahalagahan.
IV. Pamamaraan

Disenyo ng Pananaliksik

Sa gagawing pag-aaral ng mga mananaliksik sila ay gagamit ng iba’t ibang uri ng paraan
upang makapangalap at mangolekta ng datos. Isang paraan ang paggamit ng talatanungan. Una,
hihingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa punong guro ng unibersidad ukol sa gagawing
pag-aaral. Ikalawa,maghahanda ng mga talatanungan ang mananaliksik. Ikatlo,bago isagawa ang
pagbibigay ng talatanungan sa bawat tagatugon ay magsasagawa ng maikling oryentasyon ang
mga mananaliksik ukol rito. Magkakaroon din ng mga panayam at forum tungkol sa nasabing
usapin. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malawakang talakayan ay magkakaroon ang
mga mamamayan ng ganap na kaalaman tungkol sa epekto ng social media sa pag-aaral ng
kabataan.

Ito ay isasagawa ng mga mananaliksik sa mga estudyante ng Iloilo Science and Technology
University sa ilalim ng programang Bachelor of Science Hospitality Management Section 1-B
ukol sa mga maaring epekto ng Social Media sa Pag-aaral ng Kabataan.
Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga instrumentong pananaliksik na ginamit sa pangangalap ng mga datos ay ang


paggamit ng talatanungan na pasasagutan sa mga kalahok na mag-aaral sa pamamagitan ng
panayam. Ang resulta ng panayam ang magsisilbing basehan sa pagkuha ng impormasyon na
makapagbibigay ng tugon upang matagumpay na maisakatuparan ang pananaliksik.

Panayam:

1. Bakit ka gumagamit ng social media?

2. Anu-ano ang mga social media app na ginagamit mo?

3. Ilang oras ka gumgamit ng social media sa isang araw?

4. Anu-ano ang mga ginagawa mo sa mga social media app na ginagamit mo?

5. Ano sa tingin mo ang naidudulot ng social media sa iyong pag-aaral?

Tagatugon ng Pananaliksik

Ang mga tagatugon ng pananaliksik na ito ay mga mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral sa


Iloilo Science and Technology University. Ang mga mag-aaral na ito ay kukunin mula sa
pangkat B sa unang taon ng kursong Bachelor of Science in Hospitality and Management.
Malayang pumili ang mananaliksik ng dalawangpu’t (20) mag-aaral na maaaring kumatawan sa
kabuuan ng pag-aaral. Ang mga tagatugon ay may bilang na mga lalake na sampu (10) at may
bilang ng mga babae na sampu (10) na mula sa BSHM 1-B.
V. Resulta

Tinipon ng mga mananaliksik ang lahat ng datos na sinagot ng napiling estudyante sa


BSHM 1-B na gumagamit ng social media. Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod
na datos at impormasyon:

Kasarian F %

Lalaki 10 50%

Babae 10 50%

Batay sa talahanayan, mayroong piling dalawangpu’t (20) mag-aaral na kumatawan sa


kabuuan ng pag-aaral. Ang mga kumatawan ay may bilang na mga lalake na sampu (10) at may
bilang ng mga babae na sampu (10) na mula sa BSHM 1-B.

Bakit ka gumagamit ng F %
social media?
Pampalipas oras 13 65%
Para maging updated sa mga 6 30%
balita
Makahanap ng bagong 1 5%
kaibigan

Batay sa talahanayan, pampalipas oras ang may pinakamataas na may frequency na 13


(65%); para maging updated sa balita naman ay 6 (30%); at ang panghuli naman ay 1 (5%) ang
makahanap ng bagong kaibigan.
Anu-ano ang mga social F %
media app na ginagamit
mo?
Facebook 20 100%
Facebook Messenger 20 100%
Instagram 17 85%
Twitter 11 55%
Tiktok 18 90%
Youtube 18 90%

Batay sa talahanayan, ang Facebook at Facebook Messenger ang karamihang ginagamit na


social media app na may frequency na 20 (100%); pangalawa naman ay ang Tiktok at Youtube
na may frequency na 18 (90%); nasundan ng Instagram na mayroong 17 (85%); 11 (55%) naman
ang Twitter.

Ilang oras ka gumgamit ng F %


social media sa isang araw?
1-3 oras 1 5%
3-5 oras 6 30%
5-8 oras 9 45%
Mahigit sa walong oras 4 20%

Batay sa talahanayan, 5-8 oras ang may pinakamataas na may frequency na 9 (45%); 6
(30%) ang 3-5 oras; ang mahigit sa 8 oras naman ay 4 (20%); ang pinakamababa naman ay 1-3
oras na may frequency na 1 (5%).
Anu-ano ang mga ginagawa F %
mo sa mga social media app
na ginagamit mo?
Nakikipag-chat 17 85%
Nanonood ng videos 18 90%
Nag po-pose ng pictures at 7 35%
status
Nangangalap ng balita 15 75%
Nag o-online selling 1 5%

Batay sa talahanayan, nanonood ng videos ang pinakamataas na may frequency na 18


(90%); 17 (85%) nakikipag-chat naman ang sumunod. Pangatlo, ang nangangalap ng balita na
mayroong 15 (75%); nagpo-pose ng picture at status na mayroong 7 (35%); at ang panghuli ay
nag o-online selling na mayroong 1 (5%).

Ano sa tingin mo ang F %


naidudulot ng social media
sa iyong pag-aaral?
Kawalan ng gana sa pag-aaral 1 5%
Napapabayaan ang pag-aaral 3 15%
Kawalan ng pokus sa pag- 8 40%
aaral
Nakakapag bigay kaalaman 8 40%

Batay sa talahanayan, pinakamataas ang kawalan ng pokus sa pag-aaral at nakakapagbigay


kaalaman na may frequency na 8 (40%). Sumunod ang napapabayaan ang pag-aaral na
mayroong 3 (15%); panghuli ang kawalan ng gana sa pag-aaral na mayroong 1 (5%) na
frequency.
VI. Kongklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng konklusyon,rekomendasyon ng buong nakalap na


datos mula sa mga tagapag sagot ng mga talatanungan.

Kongklusyon

Batay sa mga datos na sinuri at pinakahulugan ng mga mananaliksik,nakita na may mabuti at


masamang epekto sa pag-aaral ng kabataan.Batay sa datos dahil sa internet maraming nakakalap
na impormasyon at nalilibang ang mga mag-aaral sa pagbabad sa internet.Subalit,sa karamihan
napapabayaan nila ang kanilang pag-aaral.

Rekomendasyon

Batay sa kinalabasan ng pagaaral na ito,iminumungkahi ang mga sumunod:

Para sa mag-aaral;

1. Limitahan ang paggamit ng internet upang hindi mapabayaan ang pag-aaral.

2. Sanayin ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat upang makatulong sa pagpapalawak ng


talasalitaan.
VII. Talasanggunian:

Wordpress (2016). Epekto ng social media at internet sa mga estudyante.

https://bruh563.wordpress.com/2016/11/19/24/?fbclid=IwAR3kLlGHTrdFfXKpn6F53ne

WTRDJFKpnnKJMBLax1sfWvhKdT3M_98cLgRU

Academia (2021). Epekto ng social media sa pamumuhay ng mga magaaral.

https://www.academia.edu/23301547/_EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAMUM

UHAY_NG_MGA_MAG_AARAL?fbclid=IwAR0jASZIoXa6TywkqfL8-

7CBOrly2L0OkrMBKAP3ztgh3QbCdrLx8YfizQI

Villanueva, X. (2020). Ang maganda at masamang dulot ng Social media sa mga mag-aaral.

https://www.docsity.com/en/ang-maganda-at-masamang-dulot-ng-social-media-sa-mga-

mag-aaral/5409361/?fbclid=IwAR2wfHvfdHgNgUvU5xphh1Oy9ypeTFPm1LT38Z_Yc

2-p5_tOLuYBh_QVAfA

You might also like