You are on page 1of 8

ANG PAGLAGANAP NG FAKE NEWS SA FACEBOOK SA KASAGSAGAN NG

ELEKSYON 2022

Isang Pamanahong Papel na iniharap sa Departamento ng Senior High School, Our Lady of
Fatima University Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik

Ipinapasa nina:

Rodejo, Aiman (Lider)

Jimenez, Jc Mae (Pangalawang Lider)

Domagsang, Janet (Sekretarya)

Estabaya, Phryxus Joule (Pangalawang Sekretaryo)

Alican, Aliyah Janinah

Dondonilla, Nicole Margarette

Glodo, Charlotte Khim

Navales, Andrei

Palapal, Melissa Kate

(STEM 11-YA-25)
Kabanata I

PANIMULA

Ang fake news ay isa sa mga pinakamalawak na problema ng ating panahon. Sa gitna ng
kaguluhan ng social media at online news, ang mga tao ay mas nahihirapan na paghiwalayin
ang katotohanan sa kasinungalingan. Sa kasalukuyan, napakarami na ng mga mambabasa ang
naloloko at napapalaganap ang maling impormasyon sa buong mundo.

Sa panahon ngayon, ang teknolohiya ay nagdudulot ng malaking epekto sa ating mga


eleksyon. Ang paglaganap ng social media katulad na lamang ng Facebook ay isa sa
nagbibigay ng malawak na espasyo para sa mga tao upang magbahagi ng kanilang opinyon at
makakuha ng impormasyon tungkol sa mga kandidato. Ngunit kasabay ng pag-unlad ng
teknolohiya ay ang pagkakaroon ng mas malawak at madaling pagkalat ng maling
impormasyon o fake news.

Isa sa mga posibleng dahilan ng paglaganap ng fake news o maling impormasyon sa


eleksyon ay ang paggawa ng isang indibidwal ng biyas na pananaw sa isang taong tatakbo sa
halalan. Sa pamamagitan ng paggawa ng biyas na opinyon ng isang indibidwal, pwede niya itong
gamitin upang siya ay makaimpluwensya ng ibang mambabasa at maapektuhan ang kanilang
sariling opinyon sa mga ibang kandidato. Ang mga ganitong posibleng pangyayari ay isa sa mga
dahilan ng hindi pagsusuri ng mga mambabasa sa impormasyon na nakalap at agad agad na
nagbibigay ng bagong pananaw tungkol sa impormasyon na nakuha.

Ang maling impormasyon ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa resulta ng


eleksyon. Maaaring magdulot ito ng pagkawala ng tiwala ng publiko sa mga kandidato,
mabawasan ang bilang ng botante o maapektuhan ang resulta ng botohan. Sa ganitong sitwasyon,
mahalagang malaman kung paano nakakaapekto ang maling impormasyon sa ating eleksyon at
kung paano natin ito maiiwasan.
Sa pag-aaral na ito, tatalakayin natin ang paglaganap ng maling impormasyon sa
eleksyon. Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy kung paano ito nakakaapekto sa
pagpapatakbo ng mga kandidato, sa kredibilidad ng ating eleksyon, at sa pagpapalaganap ng
katotohanan. Makikita rin natin sa pananaliksik na ito ang mga paraan upang maiwasan ang
pagkalat ng maling impormasyon at kung paano natin ito matutugunan upang mapanatili ang
integridad ng ating eleksyon. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magiging malinaw kung
paano natin mapoprotektahan ang ating demokratikong proseso ng halalan laban sa epekto ng
maling impormasyon.

KALIGIRAN NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman kung ano ang mga naging dahilan at
epekto ng paglaganap ng fake news sa facebook sa kasagsagan ng eleksyon noong 2022 sa mga
piling mag-aaral na botante sa Our Lady of Fatima University.

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral?


a. Kasarian
b. Edad
c. Antas ng baitang

2. Ano-ano ang dahilan ng paglaganap ng maling impormasyon sa facebook?

3. Ano-ano ang mga epekto ng paglaganap ng fake news sa facebook ukol sa naganapna
eleksyon noong 2022?
a. Desisyon ng botante.
b. Kawalan ng pagkakaisa sa lipunan.
c. Pagkalat ng maling impormasyon.

4. Mayroon bang makabuluhang ugnayan ang paglaganap ng fake news sa facebook


sakasagsagan ng eleksyon 2022?
LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pangunahing layunin na binigyang pansin ng mga mananaliksik ay upang mabigyan


ang mga mambabasa ng impormasyon na makakatulong na maiwasan ang pagkalat ng maling
impormasyon.

Ang mga karagdagang layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Masuri ang naging masamang epekto ng mga maling impormasyon noong Eleksyon.
2. Magbigay ng impormasyon sa mga mambabasa na makatutulong sa pag iiwas ng
pagkalatng maling impormasyon.
3. Magbigay kaalaman kung paano malalaman kung ang impormasyon na nakalap aytamang
impormasyon o maling impormasyon.
4. Mapahasa ang abilidad ng mga tao na magbasa at magriserts sa mga nangyari saEleksyon.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang maging epektibo at mapagbuti ang pagpapakalat ng
mga tunay at konkretong balita sa facebook. Ito rin ay makatutulong sa pagtukoy at pag-iwas na
maging biktima ng pekeng balita. Ang makikinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Sa mga pulitiko, mambabatas o ibang kilalang indibidwal. Ang pag-aaral na ito ay


makatutulong upang magkaroon ng pundasyon ang tiwala sa mga mamamayan at kalaunan ay
ang pagpapatibay nito. Sa pamamagitan nito ay mas mapapahalagahan ang kanilang reputasyon
sa lipunan, kasama ng kanilang abilidad, pagkatao at ang mga proyektong inilulunsad sa
pagtulong sa bansa.

Sa mga mamamayan, botante man o hindi. Ang kahalagahan nito ay ang pagtutuwid
ng pag-iisip ng mga bahagi ng lipunang kasama sa pagdedesisyon ng pulitikal na estado ng
Pilipino dahil sa fake news sa facebook, tulad ng pag boboto at pagsusuporta sa mga kandidatong
tumatakbo para sa mga posisyon sa pamahalaan.
Sa mga guro at namamahala ng paaralan. Malaki ang magiging pakinabang sa mga
kaguruan ang pag aaral na ito sapagkat sila ay mabibigyan ng ideya sa laki ng impluwensya ng
mga impormasyong nakukuha sa Facebook ng mga mag-aaral at bilang mga edukador at
akademikong inatasang maging paraan upang maturuan ang mga kabataan, dapat ring maging
mapanuri nang mabuti ang mga guro, mas lalo sa ganitong sitwasyon na nagkalat sa facebook
ang impormasyong hindi makatotohanan at ang paaralan din ay magkakaroon ng batayan sa
paggawa ng isang balangkas na mas makapag papataas ng lebel ng kamalayang sosyal sa
pagtukoy ng mga pekeng balita sa Facebook ng mga mag-aaral ng Our Lady of Fatima
University.

Mga Mag-aaral. Makakatulong ang pananaliksik o kaalaman na ito upang lumawak ang
kanilang kaalaman at upang matuto sila kung paano iwasan, labanan, at panindigan ang tamang
pag boto sa tapat na pinuno na maloklok sa ating bansa.

Mga mananaliksik. Makakatulong ang pananaliksik na ito sa pagpapalawak ng kanilang


kaalaman sa kung paano lumalaganap at kumakalat ang mga fake news sa facebook at sa iba't
ibang platform sa internet. Makakatulong din ang pananaliksik na ito upang malaman kung
paano mas magigingepektibo ang kanilang mga pag-aaral at pagsusuri ng mga impormasyon
upang protektahan ang mga tao sa mga maling impormasyon.

PARADIGM NG PAG-AARAL

Sa pag-aaral at pananaliksik na ito, ipinapakita sa ibaba ang paksa ng pag-aaral, dito rin
ipinapakita ang mga pamamaraan o hakbang sa pag-aaral at mga resulta ng pananaliksik.
Pigura 1: Paradigm ng Pag-aaral

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng paglaganap ng fake news sa


kasagsagan ng eleksyon 2022. Layunin ng pananaliksik na malaman kung ano ang mga uri ng
fake news na kadalasang kumakalat sa panahon ng eleksyon, kung ano ang mga pinagmumulan
ng fake news, at kung paano ito nakakaapekto. Kasama rin sa saklaw ng pananaliksik ang mga
posibleng solusyon upang labanan ang pagkalat ng fake news sa panahon ng eleksyon.

Sumasaklaw lamang ang pananaliksik na ito sa mga piling mag-aaral ng Our Lady of
Fatima University na may kakayahang bumoto upang mas madali ang pagkukumpara sa mga
sagot ng respondente. Ang pananaliksik ng pagbuo ng pamanahunang papel na ito ay
sumasaklaw ng ilang indibidwal na siyang magiging taga-sagot sa sarbey kwestyuner.
limampung (50) estudyante ng Our Lady of Fatima University - Quezon City ang kailangan na
tumugon sa mga tanong ng mga mananaliksik.
KAHULUGAN NG MGA TERMINONG GINAMIT

● Batayan - pangunahing prinsipyo na sinusunod ng mga tao.


● Datos - impormasyon ng mga eksperimento at pag aaral na may nilalamang kaalaman
tungkol sa isang bagay.
● Epekto - Ito ay ang resulta, ang wakas, ang konklusyon, ang kinahinatnan, at ang
nagmula sa isang sanhi.
● Facebook - Ito ay isang libreng social network na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na
● magkakaugnay na makipag-ugnay at magbahagi ng nilalaman sa pamamagitan ng
internet.
● Integridad - Pag gagawa ng isang mabuti o tamang gawain na nararapat ng walang
iniisip na kapalit at diretso lamang sa katotohanan ang inaasam.
● Kampanya - Laban sa isang bagay na ipinaglalaban ng mga miyembro na mayroong
mga tugmang pag iisip.
● Layunin - Isang adhikain kung saan ang tungkulin ay kailangan makamit.
● Mambabatas - pangkat na naka antas upang gumawa ng mga batas na susundin ng mga
mamamayan sa bansa.
● Mananaliksik - Naghahanap ng mga mahahalagang detalye at nag sisilawat ng mga
impormasyon.
● Sarbey Kwestyuner - listahan ng mga katanungan at sasagutan ng respondente.

You might also like