You are on page 1of 20

1

Kabanata I

SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL

Kaligirang Pangkasaysayan

Sa pang-araw-araw na pamumuhay, maraming naidudulot ang makabagong

teknolohiya sa panahong ito. Ang Social Media ang naging produkto ng makabagong

panahon. Napapabilis nito ang komunikasyon saan mang panig ng mundo. Ayon kina

Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang

maangkin ng bawat nilikha ang kanyang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw

ang kanyang iniisip at nadarama. Dito umusbong ang relasyon ng tao sa isang lipunan.

Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at

nagsilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabila nito ay naging bulag ang mga

kabataan sa maaaring maging epekto nito.

Dahil sa nagbabagong panahon, patuloy ang pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa

buhay ng tao, kasama na ang social media na nagsilbing libangan sa mga kabataan sa

matagal na panahon. Nag-iba ang perspektibo ng mga kabataan sa produkto ng

modernisasyon at teknolohiya. Naging iba rin ang pamamaraan ng pakikisalamuha na

malayo sa kinagisnan ng ating mga magulang. Mas humaba ang oras na inilalaan ng

mga kabataan sa kasalukuyang panahon sa paggamit ng social media tulad na lamang

ng facebook, twitter, Instagram, at marami pang iba. Pati ang paglalaro ng mga online

games na malayo sa naging buhay ng nakaraang mga henerasyon at mas pinipili na

igugol ang kanilang oras sa paggamit ng internet kaysa paglilibang. Nag-iba na rin ang

kinagawian na pagpunta sa silid- aklatan upang sumipi ng mga Takdang aralin, ngayon
2

isang pindot lang ay maaari mo nang maakses ang iba’t ibang sites na mapagkukunan

ng takdang aralin.

Kung minsan mapapansin na nawawalan ng pokus o atensyon ang mga

kabataan kapag nasa klase dahil sa hawak nila ang kanilang mga gadyets. Malaki ang

papel na ginagampanan ng mga guro sa pagkatuto ng mga kabataan ng kagandahang

asal, subalit dahil sa social media ay gumulo ang kanilang isipan sa pag-aaral.

Nakakalungkot isipin na dahil sa social media ay mag-iba ang kaugalian ng mga

kabataan, nangingibabaw ang masama at negatibong epekto na idulot ng social media

sa ating kabataan. Kaya’t ang layunin ng pag – aaral na ito ay kumalap ng

impormasyon para tuklasin ang epekto ng Social Media sa mga kabataan.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy kung ano ang Epekto ng Social

media sa Kabataan ng Barangay Marahan, Alfonso, Cavite Taong Panuruan 2017-

2018.

Kaugnay nito, ninanais ng mga mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang Social Media?

2. Ano ang mabuti at masamang epekto ng social media sa Kasalukuyang

panahon sa kabataan?
3

3. Ano-ano ang mga paraan upang maiwasan ang masamang dulot ng Social

Media sa kabataan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magiging kapaki – pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Kabataan. Magsisilbing patnubay ang pag-aaral na ito upang makakuha

ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang kanilang pananaw tungkol sa

Social Media;

Sa mga Magulang. Ang pananaliksik na ito ay maaring gumabay sa kanila

upang ipaliwanag ang maaring maidulot ng social media sa kanilang mga anak;

Sa mga Guro. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay upang makagawa

ng hakbang para maiwasan negatibong dulot ng paggamit ng social media;

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pananaliksik na ito ay makatulong

upang mapagkunan ng karagdagang kaalaman ang mga mananaliksik sa hinaharap.

Balangkas Konseptwal

Ang bahaging ito ay nagpapakita ng prosesong gagamitin sa pananaliksik.


4

KABATAAN
Ang Paradimo ng Pag-aaral

DEPINISYON NG SOCAL MEDIA

Mabuting Dulot Masamang Dulot

Paraan para Maiwasan

Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral ay pumapaloob sa kabataan .Sa pag-aaral

na ito ay dapat mabigyang kahulugan ng mga mananaliksik ang Social Media. Ang

Balangkas na ito ay kinapapalooban ng dalawang bahagi, (1) ang mabuting dulot ng

Social Media sa Kabataan; (2) ang masamang dulot ng Social Media sa Kabataan at

ang kaakibat na paraan upang maiwasan ang masamang dulot nito.


5

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaralna ito ay naglalayong pag-aralan ang Epekto ng Social media sa

pag-aaral ng Senior High School GAS ng Alfonso National High School Taon Panuruan

2017-2018.

Binubuo ng 92 na mag-aaral ang respondente ng pananaliksik na ito.

Kahulugang ng mga Termino

Upang maging mas madali maunawaan ng mga mambabasa, minarapat ng

mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya na ginamit

sa pananaliksik:

Social Media- ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo

siya nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga taong

nasa malayong lugar.

Social Media ay modernong paraan ngayon ng pakikipagkaibigan ng iba’t ibang

tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tech, mas madali, at higit sa lahat, mas mabilis.

Ito ang tulay sa atin para makamusta ang mga taong malalayo sa atin, magkaroon ng

mga bagong kakilala at kaibigan.

Online games- Ito ay alin man sa mga laro na nilalaro gamit ang internet at

maaring laruin sa kahit na anong aparato tulad ng cellphone, tablet at iba pa.
6

Komunikasyon- Ito ay isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng

bawat nilika ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at

nadarama

Internet- kilala rin bilang “information superhighway” ay isang pang

malawakang madling daan na pinagsama-samang kompyuter networks na naghahatid

ng datos sa pamamagitan ng pocket switching na gumagamit ng internet protocol (IP).

Facebook- Ang Facebook ay isang social networking website na libre ang

pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong

kompanya. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod,

pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang

mga tao. Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa

kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang

mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.

Twitter- Ang Twitter ay isang social networking at microblogging na serbisyo na

nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at basahin ang mga mensahe

na kilala bilang mga tweets. Ang mga tweets ay ang mga text-based na mga post ng

hanggang 140 mga karakter na ipinapapakita sa pahina ng profile ng may-kda at

inihahatid sa mga tagatangkilik sa may-akda nakilala bilang mga followers (tagasunod).

Instagram- Ang Instagram ay isang online mobile na serbisyong photo-sharing,

video-sharing at social networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na

kumuha ng mga larawan at bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba't ibang plataporma ng
7

social networking, gaya ng Facebook, Twitter, Tumblr at Flickr. Maaari ring maglapat

ang mga gumagamit nito ng mga digital filters sa kanilang mga imahe. Ang

pinakamahabang oras para sa mga bidyo sa Instagram ay 15 segundo.

Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang Social Media ay serbisyong web-based na nagbibigay sa mga indibiwal para

(1) bumuo ng isang pangpublikong profile o mga impormasyong pormal na binibigay

kapag nagrerehistro (ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob sa isang system, (2)

makita ang profile ng ibang indibidwal kung saan siya ay konektado, at (3) makita ang

mga profile ng mga idibidwal na kasama niya sa system (Boyd at Ellison, 2007)

Dagdag pa nina Boyd at Ellison na ang Social Media ay nagiging patok sa

publiko dahil pinapayagan nito ang isang indibiwal na makilala ang ibang tao.
8

Ang social media, ayon sa Wikepedia ay isang sosyal na istrakturang ginawa

mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya,

pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon.

Subalit pinabulaanan ito nina Goddard at Greesin (2011) na ang Social Media

ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng kakayahang sosyal ng tao. Dahil sa labis na

oras ng paggamit ng Social Media ay nawawalan na ng oras upang makisalamuha dahil

na rin sa patuloy na paglago ng teknolohiya at Social Media.

Ganito rin ang sinabi ni Norman Nile (2000) na dahil sa social media nawawalan

sila ng oras na lumabas at makisalamuha, dahil sa mas pinipili na bigyang pansin at

oras ang pagtutok sa social media sites.

Samantala, ayon kay Bortee (2005) ang estratehiyang ito na ginagamit ng

isang tao sa pagpapahayag ng kanyang sarili sa pamamagitan ng Social Media ay

makamit pagtanggap ng ibang tao, maging kilala ta maging kahanay ng mga taong sikat

sa website na ito.

Benepisyal na maituturing ang mga Social Media sapagkat nagiging daan

ito upangmagkaroon ng interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral doon sa loob ng

silid-aralan.
9

Kaugnay na Pag-aaral

Ang pag-unlad ng SN ayon kina Boyd at Nicole (2008), ay nagsimula sa

websayt na SixDegrees.com. Sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga

tao na makagawa ng profile, mailista ang mga kaibigan, at ma-surf ang listahan ng mga

kaibigan. Nakatulong ang SixDegrees sa mga tao para makonekta at makapg padala

ng mga mensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa SixDegrees,

hindi nila masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong ito kaya hindi rin ito

nagtagal.

Pagkatapos ng pagsusuri ng Classmates.com, maraming sumunod na SN tulad

ng SixDegrees.com noong (1997), LiveJournal.com noong (1999), Friendster.com

noong (2002), Multiply.com at MySpace.com sa taong (2003) at ang Facebook.com

noong (2004).
10

Ang Friendster.com ay isang uri ng SN Ayon kay Ronald S. Lim(2007), ang

Friendster ay isang pribadong pagmamayaring sayt sa California noong 2002, at,

naging pinakapolular na social networking sayt sa Amerika bago ang MySpace sa taong

2004.

Bumaba man ang popularidad nito sa Estados Unidos, ang Friendster pa rin ay

ang mas pinupuntahan ng mga Asyano. Sa katunayan ng popularidad nito,

nakumbinsing dumalaw ang musikerang si Bonnie Bailey na kumanta ng popular na

“Ever After” dito sa Pilipinas dahil lamang sa mga komento na iniwan sa kanyang

Friendster. Sa kasalukuyan ay may 50 milyong tao na ang tumatangkilik nito. Isa

sa mga pinakasikat na gawin sa Friendster ay ang “language options” nito. Dito,

maaring pumili sa mga linggwaheng Chinese, simplified Chinese, Hindi, Japanese,

Korean, Spanish at Tagalog.

Subalit Ayon kay Paul Marks (2006) lumalaganap na daw ang iba’tibang uri ng

SN at isa na dito ang MySpace. Ang MySpace, na ayon sa OUT-LAW.com (2006), ay

ginawa ni Brad Greenspan, ay isang uri ng SN na para sa lahat. Ito ay para sa mga

magkaibigang mahilig makipagusap gamit ang Internet, mga taong gustong

makipagkilala sa iba, mga taong nagtutugma o nagrereto sa kanilang mga kaibigan,

mga tao na malayo sa pamilya na gustong makipagkamustahan o makipagusap sa

kanilang pamilya, mga negosyante at kanilang mga katrabaho na interesado sa SN,

mga magkakaklase at mga kapareha sa pag-aaral, at marami pang iba.

Maihahalintulad natin ang myspace sa Multiply sapagkat halos parehas lang ang

kanilang mga layunin at mga katangian. Mas kumplikado nga lang ang myspace
11

kumpara sa multiply dahil mas madaming taga ibang bansa ang gumagamit dito. Ito ay

naitala na pang anim sa pinaka popular na website at pangatlo ito sa sa Amerika.

Sa kasalukuyan, naitala ng MySpace network na mahigit kumulang na 300

milyon na tao ang gumagamit ng SN na ibinabahagi ng MySpace at patuloy pa itong

nadadagdagan pa ito araw-araw. Masasabi natin na sa panahon ngaun, ang SN ay isa

nang bahagi ng ating buhay dahil din ito sa patuloy na pagunlad ng ating teknolohiya at

ang epekto nito sa larangan ng social networking.

Ganito rin ang pag-aaral ni Richard Macmanus (2006) tungkokl sa lumalaganap

na SN at ito ay ang Multiply, ito ay isang uri ng social networking na nagbibigay

kakayahan sa mga gumagamit nito na mamahagi ng mga uri ng media media tulad ng

litrato, video, musika, at iba pa sa loob ng iyong sariling websayt. Ito ay may kakaibang

uri ng serbisyong higit sa ibang SN sayt. Dahil nga naturingan itong isang SN,

hinahayaan nito ang gumagamit na makipagpalitan ng media sa iba’t-ibang kasama

niya sa kanyang network. Maaari silang magpalitan ng impormasyon o

makipagtalakayan tungkol sa mga bagay na nagbibigay interes sa kanila.

Pinahihintulutan din ng Multiply na ayusin ng gumagamit ang kanyang sariling websayt

upang mas maenganyo ang mga tumitingin dito. paggawa ng isang account, na ang ibig

sabihin ayon sa online na diksyunaryo ng Merriam-Webster ay lipunan ng mga pormal

na usaping kalakaran para sa isang serbisyo, simulang bisitahin ang

http://www.friendster.com at hanapin doon ang hyperlink na Sign Up at ito’y pindutin.

Katulad ng sa e-mail, pupunan mo ang isang aplikasyon upang makagawa ng iyong

sariling account, na ang ibig sabihin ay isang lipunan ng mga detalye na magbibigay

paraan upang magamit ng isang tao ang isang serbisyo. Pagkatapos mapunan ang
12

aplikasyon ay buksan ang account. Maraming mga katangian ang Friendster na

nagpapaiba dito sa ibang mga programang pangsocial networking. Ito ay nagtataglay

ng pakikibahagi sa isang komunidad ng mga tao. Pwede kang mag-upload ng mga

litrato ng iyong sarili upang maibahagi ito sa iba, magbigay ng komento o testimonial sa

ibang tao at pati na rin ang pagbibigay ng mga pribadong mensahe sa iyong mga

kaibigan.

Kabanata III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo na ginamit sa pananaliksik,

mga respondate sa gagawing pananaliksik at paraan ng pagkalap ng datos at

istadistikong pamamaraan.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong paraan ng pananaliksik. ito

ay pamamaraan na kung saan ang pananaliksik ay naglalayong magtala, maglarawan,

magbigaykahulugan, magsuri at maghambing upang mas madaling maunawaan ng

mambabasa ang mga datos ng pag-aaral.

Respondante ng Pag-aaral
13

Ang respondente ng pananaliksik ay ang mag-aaral ng Senior High School

particular na ang mga mag-aaral na nasa General Acdemic Strand.

Paraan ng Pagkalap ng Datos

Upang maging mas mabisa ang ginawang pananaliksik ay minabuti ng mga

mananaliksik na gumawa ng tala-tanungan na kinapapalooban ng sampung tanong na

may kaugnayan sa sa gamit, sa mabuti at sa maaring masamang dulot ng social media

sa mag-aaral.

Istadistikong Pamamaraan

Para sa mas malinaw na interpretasyon ng mga datos na galling sa tala-

tanungan, ang mga mananaliksik ay gumamit ng istadistikong pamamaraan:

Σ𝐹𝑊 𝑓1+𝑓2+𝑓3
WM= =
𝑁 𝑁

Kung saan;

WM = Weighted mean

∑ = Summation symbol

F = Frequency ng lahat ng opsyon

W = Assigned weight

N = Kabuuang bilang ng mga respondante


14

Ang sumusunod na iskala ay ginamit para sa computed weighted mean;

/WEIGHT SCALE/RANGE DESKRIPSYON

4 3.3-4 Hindi Kailanman

3 2.6-3.2 May Pagaalinlangan

2 1.76-2.5 Hindi Sang-ayon

1 1.00-1.75 Sang-ayon

Kabanata IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito ipapahayag ang naging resulta ng mga datos na galling sa
tala-tanungan.

Ang sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng Weighted mean


Mga Pahayag Weighted Interpretasyon

Mean

1. Lumalawak ang aking kakayahan sa komunikasyon 1.11 Sang-ayon


sapamamagitan ng Social Media.
2. Nawawalan ako ng focus sa aking pag-aaral dahil sa 1.78 HIndi Sang-
paggamit ng Social Media.
ayon

3. Nagagamit ko ang social media sa pakikipag-ugnayan sa 1.13 Sang-ayon


aking mga guro at kamag-aral hnggil sa mga proyekto sa
paaralan.
15

4. Isang bahagdan (100%) ng impormasyon sa social media 1.65 Sang-ayon


ay magagamit ko sa aking pag-aaral
5. Mas inuuna ko ang pagbisita sa mga social media kaysa sa 2.06 May
paggawa ng mga takdang aralin at gawaing bahay
Pagaalinlangan

6. Mas mahabang oras ang iginugugol ko sa paggamit ng 2.16 May


social media sites kaysa sa pag-aaral
Pagaalinlangan

7. Mas mahabang oras ang iginugugol ko sa pag-aaral 1.50 Sang-ayon


kaysa sa paggamit ng social media
8. Nawawalan ako ng gana sa pag-aaral ng lesson dahil sa 1.81 HIndi Sang-
mga social media sites.
ayon

9. Mas napapabilis ang paggawa n proyektong 1.21 Sang-ayon


pampaaralan gamit ang social media.
10. Sa pamamagitan ng social media, nakakakopya ako ng 1.35 Sang-ayon
materyal na ipinapagawang proyekto sa paaralan

Sa unang pahayag, lumalabas na 1.11 o sang-ayon ang mga respondente na

lumalawak ang kanilang kakayanan pang komunikasyon sa pamamagitan ng paggamit

ng Social Media.

Sa ikalawang pahayag,lumalabas na 1.78 o hindi sang-ayon ang mga

respondente na nawawalan sila ng focus sa pag-aaral dahil sa paggamit ng Social

Media.

Sa ikatlong pahayag,lumalabas na 1.13o sang-ayon ang mga respondente na

nagagamit nila ang Social Media upang makipagugnayan sa kanilang mga guro at

kamag-aral hinggil sa mga proyektong kinakailangan sa paaralan.


16

Sa ika-apat na pahayag,lumalabas na 1.65 o sang-ayon ang mga respondent na

isang daang bahagdan (100%) ng mga impormasyon saSocial Media ay magagamit

nila sa pag-aaral.

Sa ikalimang pahayag,lumalabas na 2.06 o hindi sang-ayon ang mga

respondente na mas inuuna nila ang pagbisita sa mga Social Media kaysa sa paggawa

ng takdang aralin at gawaing bahay.

Sa ika-anim na pahayag,lumalabas na 2.16 o hindi sang-ayon ang mga

respondente na nagsasabing mas mahaba ang oras na kanilang ginugugol sa

paggamitng Social Media kaysa sa pag-aaral.

Sa ikapitong pahayag,lumalabas na 1.50 osang-ayon ang mga respondente na

nagsasabing mas mahaba ang oras na ginugugol nila sa pag-aaral kaysa sa paggamit

ng Social Media.

Sa ikawalong pahayag,lumalabas na 1.81 o hindi sang-ayon ang mga

respondente ang nagsasabing nawawalan na sila ng gana sa pag-aaral ng mga lessons

dahil sa paggamit ng Social Media.

Sa ikasiyam na pahayag,lumalabas na 1.21 o sang-ayon ang mga respondente

ang nagsasabing mas napapabilis ang paggawa nila ng proyektong pampaaraaln gamit

ng Social Media.

Sa ikasampung pahayag,lumalabas na 1.35 o sang-ayon ang mga respondente

ang nagsasabing sa pamamagitan Social Media, nakakakopya sila ng mga materyal na

ipinagawang proyekto sa paaralan.


17

Sa kabuuan, lumalabas sa pag-aaral na may magandang epekto ang paggamit

ng Social Media sa pag-aaral. Dahil dito, mas nabibigyan nila ng pansin ang kanilang

pag-aaral kaysa sa paggamit ng Social Media sa walang kapakinabangang bagay.

KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Lagom
Ang social media ay isa sa mga produkto ng makabagong panahon. Ito ay

maaring magagamit upang mapadali ang komunikasyon lalo na sa mga kabataan,

ngunit sa paglawig ng panahon tila nag-iba na ang perspektibo ng mga kabataan sa

kahalagahan at gamit ng teknolohiya. Ang social media ay may magandang epekto sa

mga kabataan, ngunit sa kabila nito ay hindi maiiwasan ang mga masasamang epekto

nito. Kaya naman kinakailangan na gamitin ito ng may sapat na kaalaman at nang may

disiplina.

Konklusyon

Sa pananaliksik na ito napatunayan na isa ang social media sa mga bumubuo sa

pang araw-araw na pamumuhay ng mga kabataan. Natuklasan sa pananaliksik na ito


18

na kinakailangan na limitahan ang social media sapagkat maari itong magdulot ng

kapahamakan sa buhay nga kabataan at nang lahat ng gumagamit nito. Dagdag pa rito,

hindi nila isinasaisip na kinakailanga nila ng disiplina lalo na sa paglalagay ng mga

impormasyon o datos sapagkat walang kasiguraduhan na ligtas ang lahat ng mga ito sa

social media.

Rekomendasyon

Mula sa nabuong konklusyon, ang sumusunod na rekomendasyon ay

ipinapaabot sa mga sumusunod

1. Sa mga mananaliksik sa hinaharap upang mas lalong pag-ibayuhin

ang kanilang sinasaliksik at upang makapag-bigay ng mas malalim na

impormasyon ukol sa paksang sinasaliksik.

2. Sa mga magulang na kinakailangang gumabay sa mga kabataan at

ipaalam sa kanila ang maaring maging dulot ng labis na paggamit ng

social medias sites.


19

BIBLIOGRAPIYA

Basilio, M.& Bernacer, M. (2007). Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa mga Mag-aaral ng


Ikaanim na Baitang ng Paaralang Central ng Ibalon, mula sa
http://jkabanata1.blogspot.com/2015/03/kabanata-i-introduksyon.html

Erni, C. Epekto ng Social Media sa Kabataan Kabanata I, mula sa


https://www.academia.edu/8670842/Epekto_ng_Social_Networking_Sites_sa_Kabataan_Ka
banata_I_

Ogatia, I, et al. (2009). Epekto ng pagsali sa mga Social Networking Websites sa mga piling! st
Year Students mula sa Kolehiyo ng Komersyo sa Unibersidad ng Santo Tomas, mula
sahttp://ivaughnnn.blogspot.com/

Vergara. N. (2014). epekto ng social networking sa mga estuyante, mula sa


https://prezi.com/luoxrb_ymcur/kabanata-ii/

Versoza, I et al. (2008). Isang Pag-aaral tungkol sa Epekto ng Social Media bilang Public
Property sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas sa piling Kolehiyo at Hayskul,
mula sa http://www.lulu.com/shop/jonas-ian-versoza-and-jose-paulo-luigi-banzon-and-james-
bayot-and-renz-irvin-de-chavez/isang-pagaaral-tungkol-sa-epekto-ng-social-networking-
bilang-public-property-sa-mga-mag-aaral-ng-pamantasan-ng-santo-tomas-sa-mga-piling-
kolehiyo-at-hayskul/paperback/product-2533728.html
20

You might also like