You are on page 1of 31

KABANATA I

MGA SULIRANIN AT SANLIGAN

Mga Epekto ng Social Media sa Pag-aaral ng mga Estudyante sa Kolehiyo


ng Misamis University

Panimula

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag

nito sa ating pamumuhay sa pang – araw – araw. Hindi maipagkakaila na ang mga Social Networking

Sites ay isa sa maging produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang komunikasyon. Ayon kay

Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng

bawat nilika ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito

kusang umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan.

Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at nagsisilbing libangan ng

karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto

nito sa ating pag – aaral at pati na rin sa pag – uugali.

Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo, marami ang nagbabago. Kabilang

na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga bagay ng produkto ng makabagong

teknolohiya, mga kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa

kapwa. Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga estudyante sa ngayon ang

pumuntang computer shop para buksan ang kanilang account, malaro ng online games, kaysa sa

pagbisita ng silid – aklatan at igugol ang bakanteng - oras para mabasa ng mga aklat at mag – aral.
Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa

oras ng talakayan ay hawak – hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita ng kanilang account sa

iba’t ibang sites. Ang iba naman, dahil sa mga impormasyong kanilang masasagap mula sa binibisitang

sites, alam na nila ang tinuturo kaya at hindi makuha – kuha ang atensyon ng mga estudyante.

Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na

ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng

social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng kanilang pag – iisip sa

larangan ng kanilang pag – aaral. Nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang negatibong

epekto ng Social Media sa mga estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang asal

at disiplina sa sarili.

Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay nararapat na

gawing kawili – wili ang mga gawaing pang – akademiko, magkaroon ng kakaibang istratehiya sa

pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o interes sa kanilang mga

estudyante para mas mahikayat silang makinig at makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang ibayong

patnubay at gabay ng mga guro. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang Social Networking

Sites dahil sa walang sapat silang kaalaman hinggil sa tamang paggamit nito.

Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang pangturo sa hinaharap, layunin ng pag – aaral na

itong kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng dulot ng Social Media sa

mga estudyante. Ito ay para maging gabay at daan kung paano maiwasan at masolusyunan ang sobrang

pagkahumaling ng mga estudyante dito.


Saligan ng Pag-aaral

Napili ang paksa ng pananaliksik na ito dahil may kaugnay ito sa larangang
kinabibilangan ng mga mananaliksik. Ang social media ay isang uri ng pakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Nagagawa nitong maiugnay ang mga tao mula sa
malalayong lugar. Sa kasalukuyang panahon, ang paksang tungkol sa social media ay
mahalaga sa paghatid ng impormasyon, sa mga taong nahuhumaling sa pagtangkilik partikular
na sa mga estudyante. Sapagkat, sa pamamagitan ng napakaraming sites na umuusbong,
napakarami ring impormasyon at kaalaman ang kanilang natutuklasan sa simpleng pagbisita
nila sa sites na ito.
Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga estudyante sa ngayon
tungkol sa social media na karaniwang popular sa lipunan. Bukod pa dito, layunin rin nito na
ipabatid sa mga estudyante ang mga epekto ng social media, positibo man o negatibo, lalong-
lalo na sa kanilang pag-aaral. Higit sa lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na mabigyang
solusyon ang mga mambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga estudyante sa
social media.
Balangkas Teoretical

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga epekto ng Social Media sa mga


individwal, masama man o mabuti na inirepresenta ng mga respondente, kaugnay rin
dito ang pagtitimbang ng mga epekto sa mga mag-aaral sa hanay ng Kolehiyo ng
Misamis University, Oroquieta City sa paraan ng deskriptib survey na kanilang
sinagutan upang makakalap ng mga kinakailangang impormasyon.

Social Media

Mga Estudyante sa Kolehiyo ng Misamis University

Epekto

Masamang Epekto
Mabuting Epekto
Balangkas Konseptuwal

Gamit ang Random na pamamaraan ng paghanap ng respondent, ang piling bilang ng


mga mag-aaral sa koleheyo ay ginawang sample sa pagkuha ng datos ukol sa epekto ng mga
social media sa kanila. Ito ay iloloob sa input. Ang proseso naman ay ang pagpapasagot ng
mga talatanungan sa mag-aaral at pagsuri nito sa paraang tabular, porsyento, at descriptive.
Ang awtput ay ang magiging basehan ng mga magulang at guro ng mga mag-aaral upang mas
maging responsabli sila sa paggamit ng mga social media.
Paglalahad ng suliranin
Kahalagahan ng Pag – aaral

Malaki ang epekto ng Social Media sa mga estudyante ngayon. Maaaring mabuti o
masama ang dulot nito depende sa taong gumagamit. Ang pag – aaral na ito ay inaasahang
maging kapaki – pakinabang sa mga sumusunod:
Sa mga Mag – aaral. Sa pamamagitan ng pag – aaral na ito, magsisilbing patnubay at
makatutulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang kanilang
pananaw tungkol sa Social Media. Makatutulong din ito upang maimulat ang isipan ng mga
estudyante sa tamang paggamit ng social media bilang instrumento sa pagpapaunlad ng
kanilang sarili.

Sa mga Guro. Upang bigyang – ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na
kadalasang pinagtutuunang – pansin ng mga estudyante sa ngayon. Sa pamamagitan ng mga
ideyang napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga maging mungkahing paraan at solusyon
para malimitahan ng mga estudyante ang kanilang lubos na pagkahumaling sa Social Media.

Tagapangasiwa ng Paaralan. Ang resulta o ang kinalabasan ng pag – aaral na ito ay


makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, mga gawain at iba pang mga
hakbang para makatulong sa mga mag – aaral na mapaunlad ang kanilang persepsyon o
pananaw tungkol sa dito.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang aming pananaliksik ay magsisilbing gabay


upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag – aaral ay may mapagkukunan sila
ng mga kaugnay ng literatura at karagdagang kaalaman.

Sa mga kasalukuyang kumukuha ng kursong BSBA at BSAT. Bilang mga guro sa


hinaharap, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing mapagkukunan ng mga ideya at mga
posibleng sitwasyong kanilang kalalagakan sa hinaharap. Sa ganoong paraan
makapaghahanda sila upang gawin ang kanilang pagtuturo na mas epektibo.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag – aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga masama at mabuting epekto

ng social media sa mga estudyante sa Kolehiyo ng Misamis University taon 2016-2017.

Nalimitahan ang pag – aaral na ito sa mga estudyante sa Kolehiyo ng Misamis

University. Hinahangad din ng pag – aaral na ito na suriin ang mga pananaw at persepsyon ng
mga guro sa epektong dulot ng social media sa mga estudyante. Sa huli, bibigyan ng mga

mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang maiwasan ang sobrang pagkahumaling sa

social media ng mga estudyante.

Kahulugan ng mga Katawagan

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa,

minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa

kung paano ginamit ang bawat isa sa pamahanong – papel na ito:


Ang Social Media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi

mo siya nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga taong

nasa malayong lugar.

Ang Social Networking Sites ay modernong paraan ngayon ng

pakikipagkaibigan ng iba’t ibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tech,mas

madali, at higit sa lahat, mas mabilis. Ito ang tulay sa atin para makamusta ang mga

taong malalayo sa atin, magkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan.

Ang Facebook isang makabagong ideyang na nag – aalok sa ating

pagkakataong makipag – ugnayan sa isang malawak na sansinukob na tao, mga taong

marahil ay bago para sa atin.

Ang Instagram Isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw – araw ay

parami ng parami ang mg active users. Isa rin itong tulay sa modernong

pakikipagkaibigan. Dito, makikita ang kinahiligan o interes sa mga larawang pinopost.

Ang Wattpad ay tinaguriang “the best place to discover and share

stories”. Mahalaga sa larangan ng panitikan sapagkat ito ay isa sa mga aktibong paraan

ng pagpapalaganap ng mga kwentong maaaring magasaya, magbigay ng lakas,

magsilbing inspirasyon, magpalungkot at syempre magpakilig lalong – lalo na sa mga

kabataan. Isa rin itong malaking komunidad kung saan maraming pwedeng malaman o

madiskubre.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

KAUGNAY NA LITERATURA
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa ibat-ibang pagaaral at
literatura na nalalapit sa kasalukuyang pag-aaral. Ang
kabanatang ito rin ay naglalaman ng konsaptual at ng theoretical
framework ng pananaliksik.

1.Kaugnay na babasahin

Sa psychosocial stages of life ni Erikson, Ang isang taong


magreretiro na ay nararapat na may masabing siya ay may
nagawa para sa ikabubuti ng buhay ng iba. Ang katangiang
personal na ito ay bunga ng pakikipagkapwa niya na malalaman
niya lamang kapag naabot na niya ang maturity. Isa ring
paniniwala na ang pag-uugali ng isang taong naaapektohan ay
nakalaagak sa teoryang attribution. Ang attribution ay tumutukoy
sa mga kadahilanan ng pag uugali ng isang indibidwal.Ayon kay
Heider, tayo ay makakakuha ng mabuting pakikipagkapwa kapag
tiniyak natin ang bawat kilos at salitang bibitawan natin. Kung
nakakaapekto ang panlabas na daigdig sa ating pakikipagkapwa
mas nararapat na pagtuunan natin ng pansin an gating
intrapersonal na kakayanan. Gardnes theory of multiple
intelligence upang maayos nating maipahayag ang ating saloobin.
Sa kaugaliang Pilipino ang mga Pilipino ay tinitingala sa kanilang
kakayanan sa pakikipagkapwa. Ang salitang “kapwa” ay
nagbibigay sa kanila ng mapagkukunan ng kaalaman at
kasayahang pansarili. Ito ay mapapatunayan sa pakikisama,
pakikipagbayanihan at ang minsan pang pagtatago ng kaisipan
na hindi maganda o paglilihim upang hindi makasakit sa
damdamin ng iba. Sa komunikasyon, paano tayo nakikilala ng
ibang tao? Ito ay sa pamamagitan ng komunikasyon. Ang
komunikasyon ay proseso na kung saan ang isang tao o grupo ay
naglalahad ng mensahe sa isang receiver na nagiinterpreta at
nagaayos ng datus upang makalahad ng fidbak. Ang pagbabalik
ng fidbak ay inilalahad lamang kung hindi maayos ang paghahatid
ng mensahe ng receiver . Sa madaling salita, tayo ay
makakakuha ng maraming kakilala kung makakakuha ng
maraming kakilala kung tama ang paglalahad natin ng mensahe.
Ayon kay Crow at Croco ang mga kabataan ay may mga
katangian kaiba sa iba. Ngunit kung meron man silang
pagkakapareha, ito ay ang pagnanais na matanggap ng iba sa
pakikipag kaibigan. Ninanais nyang maging ganap na malaya,
maging aprobado man o hindi ng kanyang guro o magulang ang
ugaling ipinapakita nya.Ginagaya nila ang mga makabagong
pananalita. Ginagaya nila ang mga nakikita nilang ginamit ng mga
personalidad sa television o ng media na lubos na nakakaapekto
sa kanilang o pakikisalamuha sa iba at pati na rin sa kanilang
saloobin ukol sa pagaaral. Ang ibang kabataan ay pumupunta sa
pangkat-pangkat ng kaibigan dahil nais nilang matanggap ngunit
ang iba naman ay tila yaong mapag-isa na mas nangangailangn
ng attensyon lalo na sa pagkatutu. Dahil ditto ang guro ay
nararapat na may kakayahang matulungan ang ganitong
individwal upang mapagisa ang pakikipagkapwa at pagaaral
tungo sa mas mabuting pagkatutu sa paaralan.
2. Mga kaugnay ng Pag-aaral sa pakikipagkapwa

Ayon sa tesis na ginawa ni Suarz Asper tungkol sa Social


Media, sinabi niya na lubos na nakakaapekto sa ating
pakikipagkapwa ang mga social networking sites dahil ito ay
nagbukas ng makabagong paraan sa pakikipagkomunikasyon.
Ayon sa pananaliksik niya, lubos na nakatulong ang mga
networking sites upang pagbuklurin ang iba’t-ibang klaseng tao
na may iba’t –ibang pananaw dahil sa: una, ginawang posible nito
ang pakikipag-usap nito sa iba sa tamang oras gaano man ito
kalayo. Pangalawa, ito ay nagbukas ng pagkakataong makonekta
ang isang tao sa libo-libong tao sa buong mundo na gumagamit
din nito na nagging mabuting daan upang makipagpalitan ng
interaksyong sosyal ang isang lahi sa ibang lahi. Pangatlo, ito ay
nagbukas ng pagkakataong maihayag ng isang tao ang kanyang
sarili ng may kalayaan sa pamamagitan ng pagshare, paglike at
pagcomment sa mga litratong nakalagayo inilagay dito. Sa
pakikipagkapwa ayon sa artikulong “Human Relation” lahat ng tao
at ang buhay nila ay magkakaugnay. Tayo ay naaapektuhan ng
iba at natural na naaapektuhan din natin ang iba. “No Man Is an
Island” ika nga. Ang hangarin natin sa buhay ay maging masaya.
Pinaniniwalaan na tayo ay magiging masaya lamang kung tayo ay
marunong makisama sa iba. Ang pakikipagkapwa ay nagbibigay
kahulugan sa ating buhay. Bagamat dedepende ito sa ating mga
natutunan at kaisipan. Ang pamumuhay ng may kahulugan ay
ang pagkakaroon ng kakayahang maipahayag na may mabuting
naidulot ang iba sayo at ikaw naman sa iba.

3. SA PAG-AARAL

Ayon kay Wasta Fari (2010), ang facebook ay isa sa pinaka


sikat na Website dahil sa patuloy na gumagamit nito. Hindi
matatawaran ang kabutihang naidudulot nito upang pagbukludin
ang ibat ibang uri ng indibidwal, kasama sa ibat-ibang
nakakaengganyong abilidad na maaring gawin ditto ayang
katotohanang maari kang gumawa ng isang birtwal na pagkatao
upang makakilala ng bagong mga kaibigan. subalit kung
pagbabasehan ang katotohanan na ang isang tao ay maaaring
gumawa ng pekeng account upang manira ng ibang tao, ito ay
lubhang nakakapagkuha ng atensyon ng lahat para sa seguridad.
Sa mga inobserbahang estudyante , nalaman ni Fari na ang mga
mag-aaral na lubus na nahuhumaling sa facebook ay nawawalan
ng ganang gumawa ng takdang aralin dahil sa malaking oras na
nagugugol nila sa pag fefacebook. Ayon pa sa kanya ang oras na
ginagamit ng mag-aaral sa facebook ay sapat na upang maubus
ang dapat nang nakalaan sa mga extra-curricular na aktibidad sa
paaralan. Gayon pa man ang perspectiv ng paglalahad ng mga
epektong ito ay upang maging responsible ang isang mag-aaral
sa tamang paggamit ng kanyang oras sa pakikipagkaibigan ,
paglahok sa mga extra-curricular activities , pagfefacebook at
paggawa ng takdang aralin.

4. THEORETICAL FRAMEWORK

Ang pag-aaral na ito ay nakabase sa mga teorya nina;


Bandura(Social Learning Theory), Carl Roger (Theory of
interpersonal relations) at ni R. Steinberg (Triarchich) Theory.
BANDURA (SOCIAL LEARNING THEORY) Ang teoryang
nagsabi na ang isang tao ay natututo sa iba saa pamamagitan ng
obserbasyon, paggagaya,(imitation) at pagmomodelo (modeling)
ay ang Social Learning Theory ni Badura. Ang isang tao ay
natututo sa pag obserba sa ginagawa ng iba. Ipinapaliwanag ng
teoryang ito ang pag-uugali ng isang tao sa pamamagitan ng
walang-hanggang pakikipag inter-ak sa iba. Sa pamamagitan ng
pakikipagpalitan ng kaalaman, nagkakaroon ng malaking
impluwensya ang kapaligiran o ang mga taong nakapaligid sa
isang indibidwal as kanyang pag-uugali ng isa’t-isa. Ang
Reciprocal determinalism o palitan (bigay-kuha) ng impormasyon
ay isang salik sa nakakaapekto sa kaalaman/ pakikipagkapwa ng
isang indibidwal sa kapaligirang kanyang ginagalawan.
5. CARL ROGER (THEORY OF INTERPERSONAL RELATIONS)

Ang CONGRUENCE ay terminong ginagamit upang


maaayos na maipakita ang pagkakapantay-pantay ng karanasan,
kamalayan at pakikipagtalastasan ng isang indibidwal. Ang
karanasan ng isang tao ay naipapakita sa proseso ng kanyang
pag-iisip at pakikipagtalastasan. Lahat tayo ay nangangailangang
maging kapantay ng pag-iisip ng iba upang lubusan nating
maunawaan ang kanilang kalagayan.10 Habang lumalaki ang
antas n gating karanasan at kamalayan, lumalaki rin an gating
kakayanang makipagkapwa at makipagtalastasan. Ang reciprocal
communication o pakikipagtalastasang pantay sa paglalahad at
pagtanggap ng mga impormasyon ay nagdudulat ng iteraktibong
pakikipagkomunikasyon na nagigigbunga ng mas malawak na
pagkakaintindi. Sa gayon, ang persepsyon ng receiver ng
komunikasyon ay mahalaga sa interpersonal na relasyon. Ang
give and take na pamamaraan ng komunikasyon ay lubos na
mahalaga sa pakikipagkapwa. R. STEILBERG (TRIARCHICH
THEORY) Ayon sa triarchich theory ni Steinberg, ang kaalaman
ay nababatay sa kung paano aayon ang isang indibidwal sa
pagbabago ng kapaligiran sa kanyang buong buhay. Ang
paggalaw ng utak ay ibinase niya sa tatlong components.Ang una
ay ang metacomponents na kung saan an gating utak ay
nagpoproseso sa paglutas sa suliranin at paggawa ng
mahahalagang desisyon. Ang pangalawa ay ang performance
components na kung saan ang proseso ng utak ay gumagalaw sa
ating memorya. Ang paggawa ay nababatay sa kung ano ang dati
nating alam at pag-uugnay nito paggamit nito sa isang bagong
Gawain. Ang pangatlo ay ang knowledge-acquistion components
na kung saan ang utak ay pumipili sa mga bagong kaalamang
ating nakukuha. Kung alin ang tama at mahalaga o alin ang mali
o hindi gaanong mahalaga. Kasabay ng tatlong ito ay ang
kakayahang makaadap ng isang indibidwal sakanyang mundong
ginagalawan (adaptation)upang siya ay makaadjusto makasabay
sa mga pagbabagong ito.

Disenyo at Method

Sa kabanatang ito, maipapakita ang proseso ng pananaliksik at kung ano ang ginamit na
pamamaraan ng mga mananaliksik upang malutas ang suliranin. Ang mga mananaliksik ay gumagamit
ng tabyular, grapikal at diskriptiv na pamamaraan.Sa mga pamamaraang ito, ang mga nakolektang datos
at impormasyon ang masusing inanalisa ginamitan ng mabuting interpretasyon, pagsususri, konklusyon
at rekomendasyon.

Kabanata III

Pamamaraan ng Pananaliksik

RESPONDENT SA PAG-AARAL

Ang mga respondante sa ginawang pananaliksik ay binubuo ng apatnaput apat na estudyante. Sila
ay mga piling mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon na mayroong account sa iba’t-ibang social networking
sites. PAGHAHANDA NG TALATANUNGAN Ang talatanungang inaprobahan ng guro ng mga mananaliksik
na nakalakip sa konseptong papel ng pananaliksik ay siyang ding ginamit na talatanungang pinasagutan
sa mga respondent. Ito ay magsisilbing pamamaraan upang makalap ang mga datos na kinakailangan
upang masagutan ang mga suliranin na inihayag. Narito ang kopya ng talatanungan:

REPUBLIKA NG PILIPINAS KOLEHIYO NG MISAMIS UNIVERSITY, OROQUIETA CITY


Mga minamahal na kamag-aral; Kami, sina Enerio l. Ronquillo, Ivie Marie Torrifiel, Ranilyn A.
Pusod, Rellan Operario at Kevin Lagudas ay nagsasagawa ng isang pananaliksik upang malaman ang
epekto ng social media sa pag-aaral ng mga estudyante ng Kolehiyo ng Edukasyon. Dahil dito, nais
naming hingin ang tulong ninyo para sagutan ang talatanungang ito upang makumpleto ang mga datos
na kailangan sa pananaliksik na ito. Maraming salamat po!

Lubos na sumasainyo,

Enerio l. Ronquillo

Ivie Marie Toriefel

Ranilyn A. Pusod

Rellan Operario

Kevin Lagudas

Mga Mananaliksik

PANGALAN:_____________________________ TAON/KURSO/SEKSYON:____________

Panuto: Bilugan lamang ang letra ng iyong kasagutan.Maaring pumili ng isa o higit pa sa mga nakalagay
na opsyon.

1. Ano ang SOCIAL MEDIA na kinabibilangan mo?


A. Facebook B. Linkedin C. Twitter D. Yahoo E. Instagram
2. Ano sa tingin mo ang naging epekto nito sa iyong pakikipagkapwa?
A. Marami akong nakikilala. B. Nakakakuha ako ng mga bagong kaibigan. C. Naihahayag ko ng
malaya ang aking mga saloobin. D. Pagsisinungaling sa tunay na katauhan. E. Napagkukunan
ng hindi kaaya-ayang mga saloobin.
3. Ano sa tingin mo ang mga nagiging epekto nito sa iyong pag-aaral?
A. Nagkakaroon ng medaling komunikasyon sa kapwa kamag-aral. B. Napagkukunan ng
mahahalagang impormasyon. C. Nakakatulong upang mapadali ang palitan ng mg
adokumento (e-mails) D. Natatanggal ang pokus sa pagrerevyu. E. Nagiging daan sa
pangongopya ng impormasyon.
VALIDESYON NG TALATANUNGAN

Gamit ang kopya ng talatanungan at ayon din sa pag-sang ayon ng guro ng mga mananaliksik sa
Fil.2 na si Bb. Zichara Y. Jumawan, ipinamahagi sa apatnaput apat na piling mag-aaral ng Kolehiyo ng
Edukasyon. Ito ay pinasasagutan sa bawat isa at inorganisa ang mga porsyento ng nakalap na datos
gamit ang tabyular na pagpapahayag pakatapos ng deskriptib at masusing pagsasalin at pag-aanalisa sa
mga impormasyong nakalagay dito.

ISTATISTIKONG GINAMIT

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng tabyular na porsyento at deskriptib na pamamaraan upang


maipaliwanag ang mga nalikom na datos base sa kasagutan ng mga respondent sa pinasasagutang
talatanungan.

PORMULANG GINAMIT:

P=n/N x 100 Kung saan: P= porsyento n = sagot N= Respondente

KABANATA IV

PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG DATOS


Ang kabanatang ito ay magpapakita ng kasagutan sa mga suliranin ng
pananaliksik, kasama dito ang pag-aanalisa at interpretasyon ng mga datos na
nakalap. Ang mga datos ay iprinisinta sa tabyular, grapikal at tekstwal na
pamamaraan. PORMULANG GINAMIT SA PAGPOPORSYENTO P=n/N x 100
Kung saan: P= porsyento n = sagot N= Respondent.

MGA SOCIAL MEDIA NA KINABIBILANGAN NG MGA MAG-AARAL PANGALAN


NG SOCIAL MEDIA BILANG NG RESPONDENT NA GUMAGAMIT BAHAGDAN
Facebook 44 100 Linked in 0 0 Twitter 8 18 Yahoo 37 84 Instagram 1 2 GRAP 1.A
Base sa talahanayan, makikita ang bilang ng mga respondent na gumagamit ng
iba’t –ibang networking sites . Patok sa kanila ang Facebook na nakakuha ng 44 na
bilang o isang daang (100%) bahagdan ng respondent ay hindi nalalayo sa 24 na
bilang o walumpo’t apat (84%) bahagdan ng yahoo. Ito ay sinundan ng twitter na
may walong (8) bilang o labing walong (18%) bahagdan, na sinundan naman ng
instagram na may 1 bilang o dalawang-pong (20%) bahagdan. Samantalang hindi
naman popular sa mga respondent ang Linked in na walang nakuha ni anumang
puntos.

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA

MGA OPSYON:

MABUTING EPEKTO

Marami akong nakikilala Nakakuha ng bagong kaibigan Naihahayag ng


malaya ng saloobin

MASAMANG EPEKTO

Pagsisinungaling sa katauhan Napagkukunan ng hindi kanya-kanyang mga


saloobin Talahanayan 2. Opsyon Bilang ng Respondent na pumili Bahagdan A 37
84 B 32 73 C 15 34 D 1 2 E 5 11 GRAP 2.A Sa resulta ng talatanungan na
nainterpreta sa talahanayan 2 at sa Grap 2.A na makikita na ang opsyon A, B, C na
nabibilang sa mga mabuting epekto ng social media. Ang mga opsyong ito ang
nakakuha ng mataas na bilang ng respans ng mga respondent. Ang opsyon A ay
nakakuha ng 37 bilang o walumpu’t apat (84%) bahagdan, ang opsyon B naman ay
nakakuha ng 32 bilang o pitumpu’t tatlong (73%) bahagdan samantalang ang
opsyon C ay umabot sa 15 bilang o tatlumpu’t apat (34%) na bahagdan. Ayon pa rin
sa talahanayan 2 at sa Grap 2.A, makikita na mababa ang masamang epekto ng
mga social media ng mga mag-aaral. Ang opsyon D ay nakakuha lamang ng 1
bilang o dalawang (2%) bahagdan at ang opsyon E naman ay nakakuha ng 5 bilang
o labing-isang bahagdan (11%).

EPEKTO NG SOCIAL SOCIAL MEDIA SA PAG-AARAL

MGA OPSYON

MABUTING EPEKTO

Pagkakaroon ng madaling komunikasyon sa kapwa mag-aaral Napagkukunan ng


mahahalagang impormasyon Napapadali ang palitan ng dokumento (e-mails)
MASAMANG EPEKTO

Natatanggal ang pokus sa pagrerevyu Nagiging daan sa pangongopya ng


impormasyon Talahanayan 3 OPSYON (MGA EPEKTO) BILANG NG
RESPONDENT NA PUMILI BAHAGDAN A 37 84 B 34 77 C 34 77 D 7 16 E 13 26
GRAP 3.A Ayon sa resultang naihayag sa talahanayan 3 at grap 3A, makikita na
mabuting epektong mga social media sa pag-aaral at pakikipagkapwa ng mga
estudyante. Ang opsyon A ay nakakuha ng 37 na bilang o 84% na bahgdan, ang
opsyon B y nakakuha ng 34 bilang o pitumpu’t pitong (77%) bahagdan at gsyundin
ang osyonC na nakakuha ng 34 bilang o 77% bahagdan na respans.Ang opsyon B
at c ay may pantay na bilang at bahagdan n respans mula sa mga respondent.
Mababa naman ang Masamang epekto ng mga social media sa pag-aaral at
pakikipagkapwa ng mga respondent na estudyante .ayon sa datos na nakalagay sa
talahanayan 2 at grap 2. A, makikita na ang opsyon D ay nakakuha ng 7 bilang o
16% na bahagdan lamang at ang opsyon E naman ay mababa rin na nakakuha ng
13 bilang o 26% dalawampu’t anim na bahagdan ng respans.

KABANATA V

LAGOM NG MGA NATUKLASAN KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito makikita ang pagbubuod na mula sa mga napatunayan ng pag-


aaral. Kabilang din dito ang mga lagom na mula sa layunin at resulta ng pag-aaral
na isang basehan ng konklusyon at rekomendasyon ng mga mananaliksik ukol sa
suliranin. BUOD Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa mg epekto ng Social
Networking sites sa mga pakikipagkapwa at pag-aaral ng mga estudyante sa
kolehiyo. Ang respondent ng pag-aaral ay ang mga piling estudyante ng Kolehiyo ng
Edukasyon sa Partido State University Main Campus, San Juan Bautista St. Goa,
Camarines Sur. Ito ay isinagawa mula Enero hanggang Marso ng ikalawang
semester ng akademikong taon 2012-2013. Ang mga datos na nakuha gamit ang
talatanungang ginawa ng mga mananaliksik. Gumamit ng pagpoporsyento o
pagbabahagdan na paraan ng istatistiko ang mga mananaliksik upang maanalisa
ang mga datos. Ang mga sumusunod na katanungan ay nasagutan; Suliranin 1.
Anu-ano ang mga Social Networking Sites ang patok sa mga mag-aaral? Facebook
Linked in Twitter Yahoo Instagram LAGOM: Karamihan sa mga mag-aaral ay ang
may account sa Facebook at yahoo. KONKLUSYON: Karaniwan nang may account
sa Facebook at Yahoo ang mag-aaral ng Partido State University dahil sa mga
features nito gaya ng e-mail at file uploading. Ito rin ang ginagamit na midyum ng
ibang guro sa pagpapasa ng proyekto at sa kanilang mga estudyante.
REKOMENDASYON: Maaari din gayahin ng ibang guro ang ganitong uri ng
pagpapasa ng proyekto o takdang aralin dahil maaaring makatipid sap ape ang mga
mag-aaral at sa gastos na gugugulin sa pagpaprint ng kanilang nagawang mga
awtput. Suliranin 2. Ano ang epekto ng mga social networking sites sa
pakikipagkapwa ng mga mag-aaral? Maraming nakikilala Nakakakuha ng bagong
kaibigan Naihahayag ng malaya ang saloobin Pagsisinungaling sa tunay na
katauhan Napagkukunan ng di kaaya-ayang saloobin LAGOM: Dahil sa
pagkakaroon ng account sa mga networking sites, ang mga mag-aaral ay
madaming nakikilala, nakukuhang bagong kaibigan at naihahayag ng malaya ang
kanilang saloobin. KONKLUSYON: Positibo ang epekto sa pakikipagkapwa ng mga
mag-aaral ang pagkakaroon ng account sa iba’t-ibang social networking sites.
REKOMENDASYON: Ang Unibersidad ay maaaring magbukas ng sarili nitong Page
sa Facebook o sa Yahoo na kung saan maaari makapag-post ang mga mag-aaral
ng kanilang saloobin ukol sa ika-uunlad pa nito. Ang inter-aktibong proseso ng
pagpaplitan ng mga kuro-kuro sa site na ito ay maaari ding maging daan sa
pagkakaisa ng pananaw ng mga mag-aaral at makilala rin nila ang iba pang
estudyante ng unibersidad na mahirap magawa sa personal na paraan sa dami ng
bilang ng mga mag-aaral. Suliranin 3 Ano ang epekto ng mg Social networking site
sa pag-aaral ng mga estudyante? Pagkakaroon ng madaling komunikasyon sa
kapwa mag-aaral. Napagkukunan ng mahalagang impormasyon. Napapadali ang
palitan ng mga dokumento (e-mails) Natatanggal ang pokus sa pagrerevyu.
Nagiging daan sa pangongopya ng impormasyon. LAGOM: Nakakatulong ang mga
social networking sites sa pa g-aaral n mga estudyante; dahil ito ay nagpapadali n
komunikasyon sa kapwa mag-aaral, napagkukunan ito n mahahalagang
impormasyon at napapadali ang pagpasa ng mga dokumento. KONKLUSYON:
Dahil sa pagkakaroon nag pagkakataong makausap ang iba pang kamag-aralukol
sa mga gawain gaya ng proyekto o takdang-aralin kahit malayo sa ist-isa, ang
tsansa ng pag brebrainstorm ng mge ediya ay malaki. Nakakatulong ang ganitong
uri ng pakikpag-usap upang makabuo ng mas kapaki-pakinabang ng ideya ang mga
mag-aaral upang mapabuti pa o mas mapadali ang kanilang mga gawain.
REKOMENDASYON: Mas magiging magandang mapagkunan ng impormasyon ang
laybrari kong may mga kompyuter ito na nakakonekta sa internet na maaaring
gamitin ng mga mag-aaral. Kailangang din pagtuunan ng pansin ng paaralan ang
asignaturang may kinalaman sa kompyuter at komunikasyon kagaya ng ITC
(Information on Communicatin for Technology) upang mammulat ang mga mag-
aaral sa mga kabutihang dulot ng teknolohiya sa pagpapadali ng Gawain at upang
makasabay rin ang mga estudyante sa mabilisang pagbabago ng daigdig. Ito ay
ralisasyon ng misyon ng Unibersidad na gumagawa ng ng mga kompetitib at world
class na uri ng gradweyt na may alam sa makabagong teknolohiya

BIBLOGRAFI Abelos, Alex V., et. Al. “Compairing Expe riences & Reducing
Uncertainty”, General Psychology. 1st Edition ; Baguio City, Philippines Valencia
Education Supply 2005, 350-351

Ibid Dixon, Priscila: Rex Book Store 2003, 252 Abelos, Alex V. et. al. “choosing
friends” General Psychology 1st Edition ; Baguio City, Philippines; Valencia
Educational Supply 2005, 350

Ibid Mckenzie, Michael D. et. al. “Social Development” The new Book of
Knowledge: Grolier Incorporated,

LISA: 1985, 230 Weiner Rebecca, “Globalization” The new book of knowledge:
scholastic Library Publishing Inc. Connecticut 2006, 238
http://www.bicolshop.com/villa-pena-resort-goa/vicinity_map_450.jpg Croucher,
Shiela L. Globalization and Belonging: The Politics of Identity and Changing World.
Rowman and Littlefield (2004). pg.10

http://tl.m.wikipedia.org/wiki/internet

http://www.webespedia.com/TERMS/SOCIAL-NETWORKING-SITE.html

Dizon, Priscila B. General Psychology . Rex Books Store (2005) p.367 Castillo,
Roberto. Human Relations, Manila Taft Avenue September-october,1996 Philippine
Journal of Child-youth Development, Vol. 1, No. 1 January-June 1967(NCCSDFCY),
Quezon City http://www.infed.org/thinkers/gardner.html
http://tl.m.wikipedia.org/wiki/komunikasyon Crow, L. & A. Crow, Adolescent
Development And Adjustment, New York: McGraw-Hill Book co., 1958
http://www.studymode.com/essay/social networking-499239.html
http://www.studymode.com/essay/social networking-497420.html
http://www.learning-theories.com/social-learning-theory-BANDURA.html Dizon,
Priscila B. General Psychology . Rex Books Store (2005) p.367 APENDIKS
TALATANUNGANG GINAMIT: REPUBLIKA NG PILIPINAS KOLEHIYO NG
MISAMIS UNIVERSITY, OROQUIETA CITY Mga minamahal na kamag-aral; Kami,
sina Enerio l. Ronquillo, Ivie Marie Torriefiel, Ranilyn A. Pusod, Rellan Operario at
Kevin Lagudas ay nagsasagawa ng isang pananaliksik upang malaman ang epekto
ng social media sa pag-aaral ng mga estudyante ng Kolehiyo ng Edukasyon. Dahil
dito, nais naming hingin ang tulong ninyo para sagutan ang talatanungang ito upang
makumpleto ang mga datos na kailangan sa pananaliksik na ito. Maraming salamat
po! Lubos na sumasainyo, Enerio l. Ronquillo, Ivie Marie Torriefiel, Ranilyn A.
Pusod, Rellan Operario at Kevin Lagudas , MGA MANANALIKSIK
PANGALAN:_____________________________
TAON/KURSO/SEKSYON:____________ Panuto: Bilugan lamang ang letra ng
iyong kasagutan.Maaring pumili ng isa o higit pa sa mga nakalagay na opsyon. Ano
ang social media na kinabibilangan mo? A. Facebook B. Linkedin C. Twitter D.
Yahoo E. Instagram Ano sa tingin mo ang naging epekto nito sa iyong
pakikipagkapwa? A. Marami akong nakikilala. B. Nakakakuha ako ng mga bagong
kaibigan. C. Naihahayag ko ng malaya ang aking mga saloobin. D. Pagsisinungaling
sa tunay na katauhan. E. Napagkukunan ng hindi kaaya-ayang mga saloobin. Ano
sa tingin mo ang mga nagiging epekto nito sa iyong pag-aaral? A. Nagkakaroon ng
medaling komunikasyon sa kapwa kamag-aral. B. Napagkukunan ng mahahalagang
impormasyon. C. Nakakatulong upang mapadali ang palitan ng mg adokumento (e-
mails) D. Natatanggal ang pokus sa pagrerevyu. E. Nagiging daan sa pangongopya
ng impormasyon. KORIKULUM VITAE: ENERIO L. RONQUILLO BSBA-FM-1
PERSONAL NA DATOS: EDAD: 25 KAPANGANAKAN: 12 / 13 / 1991 TIRAHAN:
P4 LOWER LAMAC OROQUIETA CITY EDUKASYON: KOLEHIYO: MISAMIS
UNIVERSITY 2016-2017 SEKUNDARYA: ANDRESS BERSALES SR. NATIONAL
HIGHSCHOOL 2009-2010 ELEMENTARYA: PANDANAN ELEMENTARY SCHOOL
2005-2006 KORIKULUM VITAE: IVIE MARIE TORRIEFIEL BSBA-FM-1
PERSONAL NA DATOS: EDAD: 20 KAPANGANAKAN: 03 / 07 / 1993 TIRAHAN:
Zone 2, Agpo, Lagonoy, Camarines Sur EDUKASYON: KOLEHIYO: PARTIDO
STATE UNIVERSITY 2012-2013 SEKUNDARYA: Lagonoy High School 2006-2010
ELEMENTARYA: Lagonoy Cantral School 2000-2006

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG – AARAL NG MGA ESTUDYANTE NG ESEP


NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG STO. DOMINGO
Isang Pamanahong – Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino,
Kolehiyo ng Arte at Letra, Pamantasan ng Bikol

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng


Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik

nina

Jemima F. Bas

Geraldine A. Balana

Cherry B. Baloloy

Marso, 2015

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad ng isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong – papel na ito na

pinamagatang Epekto ng Social Media sa Pag – aaral ng mga Estudyante ng ESEP


ng Mataas na Paaralang Pambansang Sto. Domingo ay inihanda at iniharap ng

pangkat ng mga mananaliksik mula sa BSED I – T na binubuo nina:

Geraldine A. Balana Cherry B. Baloloy

Jemima F. Bas

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Arte at Letra,

Pamantasan ng Bikol bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

DAISY B. BORNILLA, Ph.D.

Part Timer, Departamento ng Filipino

PASASALAMAT

Taus – pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa mga sumusunod na

indibidwal at tanggapan dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at/o suporta tungo

sa matagumpay na reyalisasyon ng pamanahong – papel na ito:


Kay Dr. Daisy B. Bornilla, ang aming butihing guro sa Filipino at tagapayo, sa

kanyang matalinong paggabay, pamumuna, pagpapaalala, pagganyak, pagbibigay ng

ekspertong payo at pagiging maaasahang katuwang ng mga mananaliksik.

Kay Gng. Elena B. Tasic, punongguro ng Mataas na Paaralang Pambansa ng

Sto. Domingo, sa pagpapahintulot sa aming magsagawa ng pangangalap ng datos sa

mga mag – aaral ng nasabing paaralan.

Sa aming mga respondent, sa paglalaan ng panahon upang matapat na

masagutan ang aming inihandang talatanungan at tseklist.

Sa aming pamilya, sa walang humpay na suportang moral at maging pinansyal,

lalong lalo na sa pagpapahintulot sa amin na gamitin ang mga araw na walang pasok

sa paggawa na aming pamanahong-papel.

Sa aming mga kaibigan, sa pagbabahagi ng kani-kanilang ideya, opinyon at mga

nalalaman tungkol sa paksa ng aming pananaliksik. Maging sa kanilang walang sawang

pagsuporta at pagbibigay ng lakas ng loob na mapagtagumpayan ang gawaing ito.

Higit sa lahat, sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga panalangin at

pagkaloob ng aming mga pangangailan, partikular na sa patuloy Niyang pagbibigay ng

lakas ng isipan at kalooban para harapin ang mga hamon sa buhay.

Muli, maraming, maraming salamat!

- Mga Mananaliksik

You might also like