You are on page 1of 23

KABANATA 1

Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral

Panimula

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na

kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya

sa isang virtuwal na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng

mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na

pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman

na binuo ng gumagamit. Ang Social Media ay ginagamit sa iba’t ibang organisasyon

katulad ng gobyerno, negosyo, politika, siyensiya atbp. Ginagamit din ang Social Media

sa iba’t ibang pang-indibidwal na gawain katulad ng paghahanap ng balita, sariling

presentasyon at iba pa.

Social Media rin ang naging dahilan kung bakit mas napapadali ng mga tao ang

kanilang mga Gawain sa pang araw-araw lalong-lalo na sa mga mag-aaral. Ayon sa datos,

Facebook ang mas sikat na Social Media ngayon, sumunod ang Youtube, Instagram, at We

Chat at umaabot ito sa 2 bilyong tao sa ngayon, ang mga aktibong bansa pagdating sa

Social Media ay UAE o United Arab Emirates, Taiwan, South Korea, Singapore, Hong

Kong at iba pa.

Sa panahon ngayon madaming mga kabataan ang nawiwili sa Social Media dahil

dito ay nagagawa nila ang kanilang kagustuhan at mas napapadali nila ang kanilang mga

gawain.

1
Ayon kay Espina at Borja(1996). Ang komunikasyon ay isang makabuluhang

kaangkapan upang maangkin ng bawat nilikha ang kanyang kakayahang maipaliwanag

nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito umusbong ang relasyon ng mga

tao sa isang lipunan. Marami ang nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari ngunit sila

ay nagiging bulag pagdating sa epekto nito.

Marami sa mga mananaliksik ang gumagamit ng Social Media, ang epekto at

kagamitan nito ang naging dahilan sa pagkakaisa ng bawat miyembro ng pananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin

Marami ang gumagamit ng aplikasyon na kaugnay sa Social Media. Bawat

kabataan ay nakatutok kasama na ang mga may edad ngunit di- naiintindihan ang tamang

gamit ng nasabing paksa, nais ng pananaliksik na malaman ang epekto ng Social Media sa

mga mag-aaral ng Senior High School ng Our Lady of Fatima University ng Lungsod ng

Quezon. Ang ilan pang suliranin na nakikita ng mga mananaliksik ay ang sumusunod:

1. Ano ang mga suliranin na makakaapekto sa paggamit ng social media ayon sa

demograpikong propayl ng mga respondente;

1.1 Kasarian

1.2 Taon at Strand

1.3 Estado sa buhay

1.4 Eskwelahan

1.5 Tahanan

2
2. Anu-ano ang masama at mabuting epekto ng paggamit ng Social Media sa mga mag-

aaral ng Senior Highschool?

3. Anu-ano ang mga rason kung bakit gumagamit ng Social Media ang mag-aaral ng Senior

High School?

4. Paano ito nakatutulong sa larangan ng edukasyon?

5. Anu-ano ang alternatibong gawain upang maiwasan ang pagkababad sa Social Media?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral ay malaman ang epekto ng Social Media

para sa mga mag-aaral ng Senior High School ng Our Lady of Fatima University, Lungsod

ng Quezon. Ang ilan pang layunin ng pananaliksik ay ang sumusunod:

1. Makita ang suliranin na nakakaapekto sa paggamit ng Social Media.

2. Makuha ang masama at mabuting epekto ng Social Media mga mag-aaral.

3. Maipabatid sa mga respondente at mga mananaliksik kung bakit gumagamit ng Social

Media.

4. Malaman ang benepisyo nito sa larangang edukasyon.

5. Magkaroon ng ideya upang mabawasan ang pagkababad sa Social Media.

Kahalagahan ng Pag-Aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral gamit ang aplikasyon. Ang pagpasok ng Social

Media sa ating henerasyon ay nagdulot ng mabilisang pakikipag-ugnayan ng bawat

3
mamamayan sa buong mundo. "Sa mga mga-aaral" Maraming nagsasabi na masama ang

naidudulot ng internet o social media lalo na sa mga estudyanteng katulad ko.

Sabi ng iilan, internet ang dahilan kung bakit hindi tayo nakakapag-aral ng maayos,

nagiging sagabal ang internet ngunit hindi nila pinagtutuonan ng pansin ang mga

magagandang dulot nito sa mga mag-aaral. Hindi nila alam na nakatutulong ang internet o

social media sa madaming paraan. Halimbawa, mayroon kang hindi naintindihan sa itinuro

sa inyo ng inyong guro magagamit ang internet upang hanapin ang itinuro. Dahil sa

teknolohiya ang mga impormasyon ay madali ng makapasok sa internet. Maraming

napakaloob sa social media tulad ng facebookay isang libreng website na nagbibigay daan

gumagamit nito kumonekta sa ibang mga users. Facebook ay maaaring maging isang

mahusay na paraan upang manatiling konektado sa iyong mga kaibigan at pamilya o iba

pang kamag anak nasa iba’t ibang estado o ibang bansa. Ito ay mahalaga upang tiyakin na

mayroon kang malakas na mga opsiyon sa pagkapribado sa iyong pahina ng facebook.

Marami pang iba hindi lang facebook, tulad ng twitter, instagram, at iba pang social media

na kinagigiliwan ng mga tao. "Sa mga Guro" Ang social media ay talagang nakakatulong

sa ating mga guro sapagkat dito na nakalahad ang lahat ng maaaring impormasyon na

pwede nating alamin. Halimbawa, sa paggawa ng marka ng mga bata ay maaaring mapadali

sa tulong ng social media. social media ay ang term na ginagamit para sa mga website at

aplikasyon na nagbibigay daan sa mga tao tulad ng mga guro upang ibahagi ang kanilang

mga balita at mga imahe kumonekta sa ibang mga mag-aaral o guro. Ito ay isang mahusay

naparaan upang manatiling

4
nakikipag ugnay sa mga kakilalang guro o mga kaibigan sa network sa mga tagapag

empleyado at upang malaman ang tungkol sa kung ano ang nagyayari sa inyong paaralan.

Sa loob at labas ng silid aralan ay maaring makipag ugnayan ang mga guro sa mga mag

aaral para sa pakikipagtalastasan.“Sa mga Magulang" Paano makakatulong ang social

media sa mga magulang? Makakatulong ito sa madaliang paghanap sa mga kamag anak,

kakilala at iba pa. Kung may hinahanap ang iyong magulang na kamag anak ay pwedeng

gumamit ng social media .Social Media ay isa sa gawa ng teknolohiya kung saan

makakapag usap, makakapag paskil, at makakapag padala ng mensahe sa mahal natin sa

buhay lalo na kung itoý nasa ibang bansa. Sa trabaho maari kayong gumamit ng “group

chat” para kung may ipapatawag na maagarang pagpupulong ay madaling makakalap ang

impomasyon tulong ng social media.

5
Paradigma

Sa pananaliksik na ito, ipinapakita sa figura 1. Ang kadahilanan ng pagkakaroon

ng magkaibang pananaw tungkol sa epekto ng Social Media sa mga Senior High School

Students ng Our Lady of Fatima University, Lungsod ng Quezon City.

PROSESO AWTPUT
INPUT

-Suliranin na
nakakaapekto sa
paggamit ng social
media. -Paggamit ng internet.

-Masama at -Pagpunta sa mga


mabuting epekto ng silid aklatan.
Nais ng mga
social media.
-Maghanda ng mga mananaliksik na
-Rason kung bakit katanungan. magkaroon ng matibay
gumagamit ng social na basehan para
-Magsagawa ng malaman ang epekto ng
media.
interbyu. social media sa mga
-Ang benepisyo nito senior highschool
-Pagsasagawa ng
sa mga mag-aaral sa student kasama na rin
surbey.
kanilang edukasyon. ang pagbigay ng
-Makiugnay sa ibang impormasyon para sa
-Ang mga gawain
mga mananaliksik. mga susunod na
upang maiwasan ang
mananaliksik.
pagkababad sa
social media.

Figura 1:Paradigma ng Pag-aaral

6
Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tatalakay sa pagtangkilik sa social media ng mga mag-aaral

ng Senior High School. Masasaklaw din sa pag-aaral na ito ang mga naging batayan,

reaksiyon, opinyon, at kasagutan na nakalap ng mga mananaliksik sa pananaliksik tungkol

sa pagtangkilik sa social media ng mga Senior High School Students ng Our Lady Of

Fatima University, Lungsod ng Quezon City sa taong 2019-2020. Ang Social Media ay

naging isa na sa parte ng pang araw-araw na pamumuhay ,kahit saan mang lugar ay may

social media. Sa panahon ngayon, marami ang gumagamit ng social media kaya’t hindi na

rin lingid sa kaalaman ng tao kung bakit ito tinatangkilik ng nakararami.

Ang Social Media ay maaring magamit sa iba’t ibang aspeto ngunit hindi lahat ng

gumagamit ng social media ay ginagamit sa tamang paraan. Ang tamang gamit ng Social

Media ay hindi na susunod ng wasto.

Depinisyon o kahulugan ng mga Terminong ginamit

Internet – Isang global na compter network na kung saan ay nagbibigay ng mga

impormasyon at iba’t ibang serbisyon.

Website – Isang pahina nakakonekta sa internet na naglalaman ng mga

impormasyon na datos.

Nodes – Isang device na kung saan ay may malaking network, katulad ng PC,

selpon, printer at iba pa.

7
Surbey – Isang hakbang ng pananaliksik na ginagamit upang kumaha ng datos

galling sa grupo ng mga respondent. Upang kumuha ng mga mahahalagang

impormasyon at mga malinaw na kasagutan.

Gadgets – Isang electronic device na nagbibigay ng mga impormasyon kung ano

ang iyong hinihiling na makuha at aliw sa gumgamit.

Respondente – Isang taong nagbibigay ng pahayag ukol sa isang taong naghahanap

ng kasaguyan gamit ang questioner o habang nagsusurbey.

Virtuwal – Nangyayari sa totoong buhay (katotohanan)

Paskil – Isang poster na maaring idikit kung saan.

Balita – Isang impormasyon na nakukuha mula sa telebisyon, radio atbp.

Youtube – Isang aplikasyon na may nilalaman na videos.

Instagram – Isang aplikasyon na maaring nilalaman ng isang impormasyon ng tao.

We Chat – Isang aplikasyon kung saan ang hindi magkakilala ay nag uusap.

Cyber crime – Isang krimen na ginagamitan ng teknolohiya.

Tier – Antas ng straktura simula umpisa hanggang naka angat na (level 0 to 30)

Hierarchy – pagkakasunod-sunod ng ranggo sa isang lugar.

Tangkilik – Isang pamamaraan ng pagtulong sa tao.

Saklaw – Isang pamaraan ng pag sukat.

KABANATA II

Kaugnayan na Literatura at Pag-aaral

Dayuhan na Literatura

8
Ayon sa Wikipedia, ang social media ay isang strakturang sosyal na gawa sa mga

nodes o sa mas madaling sabi ay mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema

tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig at sekswal na relasyon.

Hindi natin maipagkakaila na patuloy na lumalawak ang mundo ng Social Media, lahat

tayo ay kailangan ito hindi lamang bilang pakikipagkapwa kundi pati narin sa ating pag

aaral. Sa katunayan, patuloy ang pagdami ng mga estudyanteng mayroong akawnt sa mga

Social Media Sites.

Dayuhang Literatura(2)

Ayon kay Marshall McLuhan (2015), “The new electronic independence re-creates

the world in the image of global.” ang pakikipag-usap at libreng pagbabahagi ng mga

saloobin sa mga tao ay pinigilan ng mahabang distansya, nasyonalidad at relihiyon. Ngunit

ngayon, kahit ang mga hadlang na ito ay hindi mapipigilan ang daloy ng impormasyon at

kaalaman. Ang bagong mundo ng Social Media ay nagbibigay-daan sa libreng pagbabahagi

ng mga saloobin. Ang mga online social media ay nilikha ng mga website tulad ng

Facebook, na lumitaw bilang isang higante sa mundong panlipunan.

Dayuhang Literatura(3)

Ang isang kilalang psychologist ng Amerikano na si Abraham Maslow, na ang

pangangailangang panlipunan ng mga tao ang pangatlong pinakamahalagang

kinakailangan pagkatapos ng ating pisikal at kaligtasan na pangangailangan - ang

pangatlong tier sa kanyang hierarchy ng mga pangangailangan. Kahit na ang ating

pagpapahalaga sa sarili ay darating pagkatapos ng social dependence na ito. Ito ang

pangunahing dahilan ng bilyun-bilyong tao ang gumagamit ng Social Media upang

9
manatiling konektado, makipagkaibigan at masiyahan ang kanilang mga pangangailangan

sa lipunan.

Dayuhang Literatura(4)

Ayon kay Willian at Sawyer (2011) ang Social Media ay may iba’t ibang kakayahan

o abilidad. Ibinanggit nila ang thought-casting ay isang feature ng Social Networking Site

sa twitter. Kilala din ito sa tawag na microblogging. Ito ay pagpapadala ng mga maikling

mensahe kadalasan ay mas mababapa sa 140 na karakters.Ang maikling mensahe ay

napapadala gamit ang selpon o kompyuter patungo sa ibang selpon rin ng mga gumagamit.

Lokal na Literatura

Natuklasan ni Labucay (2011) , mula sa walot-put siyam na porsyento ng

gumagamit ng internet sa pilipinas, ang social networking ang pangunahing dahilan kung

bakit ang mga tao ay nagiging onlayn. Ang apat na-put apat na porsyento nito ay ginugugol

sa pagbabahagi ng mga larawan , bidyu , at iba pang malikhaing Gawain. At ang apat na

pung porsyento lamang ang inuubos sa ,mga balitang onlayn at napapanahong pangyayari.

Lokal na Literatura(2)

Ayon kay ARWINE AGBANNAOAG (2017) Ang social media ay isa sa mga

pinaka epektibong paraan ng komunikasyon sa panahong ito. Maaari mong matugunan ang

ilang problema ukol sa pagtuklas sa lokasyon ng isang taong nais mong magkaroon ng

komunikasyon muli,gaya ng isang dating kakilala ng matagal mo ng di nakakabalitaan.

May pagkakataon din na sa simpleng paglalayk at pag-bahagi gayundin sa pagkomento ay

may mga taong sumisikat o nakikilala. Ngunit dahil dito ay marami rin ang mga nasisisra

10
ang pangalan at pagkatao gawa ng mga walang magawang mabuti na di iniisip kung

makakasakit sila ng damdamin ng iba. Ilan laman ito sa mga masama at mabuting dulot ng

social media sa tao.At ang ilan sa mabuting dulot nito ay nakakatulong sa aming mga mag-

aaral para sa karadagang kaaalaman sa aming pag-aaral.Sa iba naman ay nagkakaroon ng

pagkalulong sa Apagalalaro ng ilan sa mga kompyuter games, aplikasyon sa

kompyuter,mga bastos na links at websites sa social media. Dapat ay balanse lamang ang

pagtangkilik at paggamit ng social media.

Lokal na Literatura(3)

Ayon naman sa minungkahe ni JOHN PAOLO AREVALO(2017) , Social Media

ay isa sa gawa ng teknolohiya kung san makakapag usap makakapag post tayo o

makapagpadala ng ng mensahe sa mahal sa buhay lalo na itoy nasa ibang bansa, ngunit

may magandang dulot at hindi magandang dulot ang paggamit ng internet sa atin unahin

natin ang masamang dulot nito bilang isang binata’t-dalaga, una bakit nakakadulot ng

masama ang Social Media? Ang social media ay mas napapadalas ang krimen tulad ng

cyber crime at ang bago ngayon ayon sa Edge Philippines ay ang cyber bullying na kung

san minsan ikinadudulot ng suicide o madalas ay maagang pagkamatay ng kabataan. Itoy

walang pinipili mapa lalaki man o babae ang nakakaranas ng ganitong problema sa ating

lipunan, at kung may masamang epekto mayronding dulot ito naman ang magandang

idudulot ng Social Media. Nakakapag komunikasyon tayo tayo sa ating mga mahal sa

buhay lalo na’t wala sa ating bansa.At nakakatulong sa atin ang Social Media bilang

kabataan ay ang paggamit ng Google kung saan mas napapadali ang ating mga gawain lalo

na sa mga takdang aralin, proyekto at dahil sa social media maari na din tayo makapag

benta ng mga gamit ng online via Facebook at lalo sa Olx, Shoopee at Lazada kung san

11
pwede tayong bumili ng produkto maari din tayong mag buy and sell at makakatawag din

tayo ng taxi gamit ang Social Media. Tandaan di lahat ng nasa internet ay tama, ang

pagpasok ng maling impormasyon sa internet o sa social media ay ilalabas din sayo ng

mali.

Lokal na Literatura(4)

Win gachalia (2017), Kapag Social Media na ang pinag-uusapan, napakalawak na

usapin ang sakop nito kung saan magkaugnay at kabilang ang lahat, lalo na ang kabataan.

Dahil dito, pinabilis na ng internet ang lahat ng ating mga pangangailangan tulad ng

pag-hatid ng balita, mensahe at impormasyon nang mabilis at nasa oras.Mating sa mga

estudyante, ginagamit nila ang modernong teknolohiya sa kanilang mga assignment,

research, bokabularyong hindi pa-milyar, koordinasyon sa mga kaklase para sa kanilang

class group project, pakikipag-usap sa mga magulang na nasa malayong lugar, lalo na sa

mga OFW at marami pang iba. Napakapalad ng kabataan ngayon dahil sa isang click lang

ay puno na ng kaalaman ang naghihintay sa kanila tulad ng mga babala, announcement,

tips sa pag-aaral, paghahanap ng trabaho, fashion, art at marami pang ibang

nakapagpapagaan o nakatutulong sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Ngunit, tulad ng

ating kasabihan, anumang sobra ay masama. Sa panahon ngayon, nawawala ang pokus o

balanse ng mga mag-aaral kung hawak na nila ang kanilang mga gadget. May mga

pagkakataon na napababayaan na ang kanilang pag-aaral dahil sa labis na paglalaan ng oras

sa social media. Nakalilimutan o kinakapos sa oras sa pag-gawa ng kanilang assignment o

ng gawain sa bahay, hindi nakapagre-review para sa pagsu-sulit, wala nang paghanda para

sa mga school project at hindi na nakasasali sa iba’t ibang organisasyon o club. Nawawala

na rin ang kanilang konsen-tras-yon sa loob ng klase habang nagtuturo ang kanilang guro.

12
Kadalasan ay absent o tulog na sila sa klase dahil sa pagpupuyat sa harapan ng computer

o cellphone.Wala na sa tamang oras ang pagkain at kawalan ng gana na malaking epekto

sa kanilang kalusugan.

Dayuhan na pag-aaral

Ayon sa cnn news Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-

ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng

impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay

itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng

ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at

pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit. Bukod dito, ang Social Media ay

may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay

maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng

gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa

komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.

Dayuhang Pag-aaral(2)

Ayon naman sa tesis ni Gina Mowafy na nakatira sa America taong 2018 sa

pangunahing tagapag-gabay na nagngangalang Dr.Gihan Osman. Nakalagay sa nasabing

tesis na ang Social Media ay ginagamit upang paiksiin, maraming mga pag-aaral ang

nagmumungkahi na ang Social Media ay kadalasang ginagamit upang makihalubilo -

upang kumonekta sa mga lumang kaibigan at maghanap ng mga bagong relasyon. Ang

mga gawaing pang-akademiko ay bumubuo ng mas maliit na oras ng mga mag-aaral sa

13
Social Media (hal., Michikyan et al., 2015; Raacke & Bonds-Raacke, 2008).

Gayunpaman, ipinapahiwatig ng iba pang mga pag-aaral na malaki ang ginugol ng mga

mag-aaral sa oras na gumagamit ng Social Media para sa mga layuning pang-akademiko

(hal., Camilia et al., 2013).

Dayuhang Pag-aaral(3)

Ayon kay Charles Angel(2014),ang pagkahilig sa Social Media ay tumatagal

mula sa kanilang oras ng pag-aaral na may negatibong mga epekto sa kanilang pang-

akademikong pagganap, at walang mga pangkat na epekto na nabanggit na panlipunan,

walang kinalaman ang media sa kanilang pagganap sa akademya at kailangan alam nila

kung paano makontrol ang kanilang oras. Ang talakayan at ipinapakita ng mga resulta na

ang ugnayan sa pagitan ng paggamit ng social media at pang-akademikong pagganap ay

nakasalalay sa paggamit ng mga mag-aaral ng Social Media. Ipinapaliwanag nito ang

negatibong ugnayan sa pagitan ng akademikong GPA(General Point Average) ng mga

mag-aaral at ang oras na ginugol nila sa panlipunang media, na maaaring matugunan sa

pamamagitan ng pagtaas ng kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa panlipunang epekto

ng pagkagumon sa media. Bukod dito, ang mga resulta ng kasalukuyang pag-aaral ay

nagpapakita na ang karamihan sa mga kalahok ay gumagamit ng Social Media, para sa

mga hangarin na may kaugnayan sa akademya bilang isang kahulugan ng komunikasyon,

ginagamit nila ito na kumonekta sa kanilang mga kasamahan upang talakayin ang

kaugnay na nilalaman ng kanilang edukasyon. Ang mga institusyong may mataas na

edukasyon, sa Egypt ay maaaring magamit ang katotohanang ito sa paglikha ng isang

semi- pormal na network ng Social Media na susubaybayan ng mga katulong ng guro

upang mas mahusay na tulungan ang mga mag-aaral at masiguro ang kredensyal ng

14
ipinagpapalit na impormasyon sa pagitan ng mga mag-aaral. Gayundin, maaaring

isaalang-alang ng guro ang paggamit sa pakikipag-ugnay sa Social Media, at mag-isip ng

mga paraan upang malikhaing makisalamuha ang mga mag-aaral ng nilalaman ng klase.

Kamalayan sa Social Media para sa ang mga mag-aaral ay kinakailangan upang

matugunan ang isyu sa pagkagumon sa Social Media. Mga makabuluhang pagkakaiba-

iba sa pag-uugali ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang pangunahing akademiko at iba't

ibang katayuan sa akademiko. Sila ay gumagamit ng Social Media na maaaring

mangailangan ng karagdagang pagsisiyasat. Gayundin, ang paggamit ng Social Media

bilang isang plataporma ng komunikasyon sa pagtalakay ng mga kaugnay na kurso, ang

nilalaman ay nahuhulog sa pag-unlad ng mga pamayanan ng mga nag-aaral na tila mataas

na demand, ang lugar na ito ay maaaring mangailangan ng karagdagang pagsisiyasat.

Lokal na pag-aaral

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na

kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya

sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng

mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na

pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman

na binuo ng gumagamit. Image result for help social media Wala na yatang kabataan

ngayon ang walang account sa mga nabangit na websites, o di kaya ay pamilyar dito. Ganap

na sikatang mga nabangit na websites, ngunit ano nga ba ang epekto ng social networking

sites sa paguugali natin? Partikular sa mga kabataan ngayon? Isa sa mabutingepekto ng

15
mga nabangit na websites ay ang easy access o madaling paraan upangmakapaglaganap o

makapag bahagi ng impormasyon. O mga balita na interesadoang lahat na malaman,

kagaya ng suspensyon ng klase, mga balita tungkol sagobyerno o mga artikulo o babasahin

na marami tayong matututunan. Sa kabilang dako naman ay mas lalong nagiging bukas

ang isipan ng mga kabataan sa pakikipagkapwa o pakikipag kaibigan. Minsan kahit hindi

nila personal na kilala ay kanilan ina-add bilang kaibigan o idinadagdag sa mga taong

maaring makita anglaman ng kanilang propayl. Kaya lang nga minsan madalas na

nagkakapikunan ang mga kabataan sa mga post na hindi nila gusto. Madalas itong

humahantong sa batuhan ng mga mararahas at hindi kanais nais na salita. Minsan naman

ay nagiging masyadong mapanghusga ang mga kabataan ngayon marahil na din sa mga

nakikita nila sa social networking sites na kalayaan sa pagpapahayag kahit nakakasakit na

tayo.

Lokal na Pag-aaral(2)

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Ashley Melinis(2007), ang pagbabasa sa

elektronikong babasahin atnakadudulot sa magaaral ng motibasyon sa pagiging mahusay

namambabasa. Mas nagkakaroon ng motibasyon sapagbabasa ang mgamag-aaral dahil sa

binibigay ng elektronikong babasahin naanimation,sound,music, at narration. Gaganahan

ang isangmambabasa dahil sa dulot ng makabagong teknolohiya.-Ayon sa pag-aaral nina

basilyo at bemacer (2017) ang guroay may malaking papel na ginagampanan sa paghubog

ng kagandahangasal ng mga estudyante subalit sa pamamagitan ng social media

naprodukto ng makabagong teknolohiya. Kay gulo ng takbo ngkanilang pag iisip sa

larangan ng kanilang pag-aaral nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang

16
negatibongepekto ng social media sa mga estudyante at tila ba unti-untinang na nahihigitan

ang kagandahang asal at disiplina sa sarili.

Lokal na Pag-aaral(3)

Ayon sa pag-aaral ni young(2000) ang dependente ay gumugugol ng tatlumput-

siyam na oras sa internet para sa sosyal na pakikipagusap at pakikihalubilo. Samantala,ang

independente naman ay kumokonsumo ng limang oras para sa netsurfing o email

lamang.Kadalasan ay ang mga malungkot, binubukod, o walang kakahayan sa larangang

sosyal ang apektado ng adiksyong ito. Marahil ito ang nagbibigay ng kung anong wala sila

sa totoong buhay. Sa mg anasabi ni Young, makikita pa rin na mas mahina itong adiksyon

kung ikukumpara sa mga lasenggo o durugista.

Lokal na Pag-aaral(4)

Ayon sa pag aaral ni Health Spokesman Dr.EricTayag(2006),ang Social Media ang

isa sa mga dahilan kung bakit madaling matukso ang mga kabataan ngayon. Paliwanag ni

Tayag,madaling maimpluwensyahan ang mga kabataan lalo na kung nagkukulang sa

paggabay ang mga magulang,simbahan at kanilang paaralan. Dahil dito, sinabi ni Tayag

na tinututukan ng Department of Health(DOH) ang pakikipag ugnayan sa Department of

Education (DEpEd) para sa inpormasyong dissemination para maiiwas sa pagkakaroon ng

HIV ang mga kabataan sa pamamagitan ng sex education.

Lokal na Pag-aaral(5)

Ayon sa pag aaral nina Kraut at kanyang mga kasamahan(2005) sa isang

longitudinal na pag aaral na sa pitumpu’t-tatlong pamilya, nalaman nila na ang paggamit

17
ng internet ay may kinalaman sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga

kaibigan at pamilya. Sintesis: Ang pag-aaral na nabanggit ay kaugnay din ng

pangkasalukuyang mga mananaliksik dahil sa kasalukuyang pag-aaral ay nakatuon sa

paggamit ng “ Social Media ” upang malaman ang kasanayan ng mga mag-aaral at kung

paano ito nakaka-apekto sa kanilang pag-aaral.Ang pangkasalukuyang pag-aaral ay

mayroon kaibahan sa mga nasabing pag-aaral sapagkat ang pag-aaral na ito ay nakatuon

lamang sa gamit ng “ Social Media” upang malaman ang kasanayan sa mga mag-aaral at

kung paano nakaka-apekto sa kanilang pag-aaral.

KABANATA III

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodoohiyang ginamit para sa pag-aaral,

Inilalahad nito ang disenyo ng pag-aaral, lokal na pananaliksik, taktika sa pagkuha ng

datos, hakbang sa paglikom ng datos, instrumentayon at istatistikong ulat.

18
Disenyo ng Pananaliksik

Gumamit ng paraang palarawan o deskriptibong pamamaraan ang pananaliksik na

ito upang makuha ang tama at ang mga nararapat na datos. Ito ang angkop na disenyo sa

pag-aaral sapagkat ang layunin ng mga mananaliksik ay malaman ang mga epekto ng

paggamit ng Social Media ng mga mag-aaral ng Senior High School. Maisasagawa naming

ang pagkuha ng datos sa dalawang tiyak na paraan. Una ay pakikipagpanayam at

pangalawa ay ang paggawa ng surbey o talatanungan na ibibigay sa mga respondente ng

pananaliksik. Sa paraang ito madaling maiuugnay ang kanilang mga kasagutan kung saan

makukuha ang sapat na impormasyon na hinahanap ng mananaliksik.

Lokal na pananaliksik

Ang saklaw ng pag-aaral ay binubuo ng dalawampung estudyante ng Senior High

School na sa kasalukuyang nag-aaral sa Our Lady of Fatima University, Lungsod ng

Quezon. Makamit ng mga mananaliksik ang tinitiyak sa suliran dahil sa magandang pagpili

ng mga kalahok sa pananaliksik.

Taktika ng Pagkuha ng Datos

Ang mananaliksik ay gumamit ng surbey at interbyu sa pangangalap ng mga

respondente na ang mga kalahok ay pinili base sa natatanging grupo na kanilang

kinabibilangan.

Hakbang sa Pagkuha ng Datos

19
Magbibigay ng iba’t ibang katanungan ang mananaliksik ukol sa epekto ng Social

Media. Bawat respondente ay malayang ipahayag ang kanilang saloobin tungkol sa Social

Media. Matapos makuha ang kanya-kanyang sagot, ito ay susuriin at pag-aaralan upang

maihambing ang bawat magkakatulad na kasagutan. Gagawa ng isang grap o bar na

magpapakita ng mga datos na nakuha sa mga respondente, makukuha na ang gustong

malaman na impormasyon ng mga mananaliksik. Pagkakuha ng mga impormasyon, ito ay

aayusin sa isang papel na naipaliwanag ang datos sa madaling paraan upang maintindihan

ng mga respondente at susunod na mga mananaliksik.

Instrumento ng Pananaliksik

Kwestyuner:

Ito ay tinatawag ring talatanungan na kung saan ang mananaliksik ay gagawa ng

mga tanong ukol sa paksa na kanilang ginagamit. Nilalagyan ito ng espasyo para makasulat

ng sagot ang mga respondent. Halimbawa na rito ang isang surbey kung saan mabilis na

masasagutan ang mga talatanungan. Ito ay mabisa sa pagkuha ng nararapat na datos.

Madami ang oras ng pagpipilian para sa mga respondente.

Interbyu:

Ito ay ang proseso ng pagkuha ng impormasyon sa isang tao o respondente ng

populasyon sa pamamagitan ng harapang pagtatanong. Makikita ang kanilang reaksyon at

bawat galaw dahil sa pag-iisip. Lalong-lalo na mabilisan ang pagkalap ng impormasyon sa

napiling paksa. Makapagbibigay din ang mga respondent ng kanilang kaalaman at

karanasan ukol sa tanong.

20
Grap:

Ang grap ay ang paglalarawan ng mga nakalap na datos mula sa mga respondente.

Gamit ang grap mas nagiging madali para sa mga mananaliksik at mga tao ang

interpretahin ang iba't ibang datos na naglalaman ng mga importanteng impormasyon. Sa

pamamagitan ng grap, mabilis maunawaan ang impormasyon na nakasaad dito.

Obserbasyon:

Ang obserbasyon ay ang paggamit ng mga pangunahing pandama upang malaman

ang mga nangyayari sa paligid. Sa pamamagitan nito hindi kailangan ng siyentipikong

ebidensya kung hindi ay ang mismong karanasan na mapagmamalas. Kabilang na sa

kalamangan ng obserbasyon dahil dito ang mga mananaliksik ang makakikita sa isang

pangyayari.

Silid Aklatan:

Isang uri ng posibilidad na nagsisilbing-imbakan ng mga impormasyon na

maaaring gamitin ng mga mananaliksik kung saan makakahanap ng maraming

magkakatulad na paksa. Mabisa magamit ang silid aklatan dahil maraming libro na

maaaring kaugnay sa isang paksa. Mayroong tauhan na maaaring mapagtanungan ng nais

na malaman. At ibang mag-aaral na may kaugnay proyekto na pwedeng makatulong sa

mag-aaral.

Internet:

21
Napakamabisang pamamaraan upang makahanap ng impormasyon. Ito ay isang

Sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o

grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t ibang klase ng telekomunikasyon.

Ginagamit ito upang mabilis na makapaghanap ng sagot ang mga mag-aaral ukol sa

kanilang paksa. Marami ang impormasyon na nakapaloob at nakahanay ng maayos kaya

madali ang paghahanap. Halos lahat ng gusto ng mga mag-aaral malaman ay nakapaloob

rito.

Istatistikong Pamamaraan:

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng istatistikong pamamaraan sa pagsusukat ng

mga datos na Likert Scale sa pananaliksik na ito. Ginagamit ang Likert Scale upang Makita

ang kinalabasan ng gagawing pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondent. Ginagamit

din ito upang makuha ang pangkalahatang bilang ng mga magkakaparehong sagot sa isang

particular na tanong. Ang ginagamit na pagtatakda ng tugon ay 5,4,3,2,1 na:

5-Lubos na Sumasang-ayon

4-Sumasang-ayon

3-Neutral

2-Di- Sumasang-ayon

1-Di- Lubos na Sumasang-ayon

22
23

You might also like