You are on page 1of 28

AMA Computer learning Center

Antipolo City

EPEKTO NG MGA SOCIAL NETWORKING SITES SA


MGA MAG-AARAL NA ICT
NG ACLC Antipolo

Isang
Di- gwadradong Tesis
na iniharap sa Kagawaran ng
Kaguruan ng Linangan ng Edukasyon
Ng AMA Computer Learning Center
Antipolo City

Bilang bahagi
ng mga Kinakailangan sa Pagtamo ng
Programang K-12 sa Asignaturang
Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t-
Ibang Teksto Tungo
Sa Pananaliksik

Ipinasa nina :
Jasper John Z. Docto
Juldemar Vasquez Domdom
Ipapasa kay:
Ginoong Rachel Balcoba
PASASALAMAT

Buong pusong pasasalamat ang nais naming ipaabot sa mga sumusunod


na indibidwal dahil sa kanilang pagtulong at kontribusyong ibinibigay nila pati na
rin sa walang sawang pagsuporta upang matagumpay na maisaayos at
maisagawa ang pamanahong papel na ito.

Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay ng determinasyon upang isakatuparan


ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na kanilang ginamit sa kanilang pag-
aaral.
Sa pagdinig ng aming dalangin lalung-lalo na sa sandaling kami ay
pinanghihinaan na ng pag-asang matapos ito ng ayon sa itinakdang panahon.

Sa mga magulang namin, na nagbibigay ng moral at pinansyal na suporta


at nagsilbing inspirasyon.

Sa aming guro na si Ginoong Rachel Balcoba, sa pagbibigay ng mga


ideya at payo sa paggagawa at pagrerebisa ng pag-aaral.

Sa mga estudyante sa kursong ICT sa ACLC Antipolo para sa tapat nilang


pagsasagot ng survey-kwestyoneyr.

Muli nais naming ipahatid ang aming taos pusong pasasalamat sa inyo.

Maraming salamat po.!


TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I:
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
a. Panimula
b. Layunin ng Pag-aaral
c. Kahalagahan ng Pag-aaral
d. Saklaw at Delimitasyon
e. Depinisyon ng mga Katawagan

Kabanata II:
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
a. Mga Kaugnay ng Literatura
b. Mga Kaugnay na Pag-aaral

Kabanata III:
Metodolohiya
a. Uri ng Pananaliksik
b. Mga Kalahok
c. Instrumentong Pampananaliksik
d. Lunan ng Pag-aaral

Kabanta IV: Paglalahat at Interpretasyon ng mga Datos

Kabanata V:
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
a. Natuklasan
b. Kongklusyon
c. Rekomendasyon

Listahan ng mga Sanggunian


KABANATA I
ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO

Panimula

Maraming mga bagong teknolohiya ang naimbento at nagbago sa pamumuhay ng mga

tao. Isa na dito ang Internet, at sa pagdaan ng panahon, nauso ang mga social networking sites.

Ang pangunahing mithiin ng mga websayt na ito ay ang pakikipaghalubilo sa iyong mga

kapamilya at kaibigan pati na rin sa ibang mga tao, nasa malapit man sila o malayo. Masasabing

ang mga social networking sites ang pinakadinarayo ng mga kabataan sa Internet dahil sa

maraming salik na nakakapag-udyok sa mga ito. Dumarami ang mga kabataang sumasali sa

mga social networking sites kung saan ang Facebook.com, Twitter.com, at Tumblr.com and

pinaka-popular.

Hindi na lamang ang pakikipaghalubilo o pakikipagkaibigan ang nagagawa sa mga

websayt na ito, malaki na rin ang naging tulong nito sa pag-aaral ng mga estudyante. Dito

nagpapalitan ng mga mensahe na may kinalaman sa pag-aaral ang mga estudyante. Nagiging

daan ito para makahabol sa mga aralin ang mga mag-aaral. Nakakakuha din sila ng mga bagong

impormasyon dito na nakakatulong sa kanilang pag-aaral.

Pero, hindi lahat ng nagiging epekto nito ay positibo. Minsan, nagiging sagabal ito sa pag-

aaral at nagiging sanhi ng pagbaba ng grado ng mga estudyante. Nahuhumaling ang ilan sa

paglalaro ng mga games at ang iba naman ay napupuyat sa websayt na ito na nagiging sanhi ng

pagliban at pagkahuli nila sa klase.


Ang Social Networking Sites ay bunga ng karunungan na kaloob

ng Panginoon na nararapat na gamitin sa mabuti at maayos na

pamamaraan.

Layunin ng Pag-aaral

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang epekto sa pag-aaral ng

pagsali sa mga social networking sites ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Misamis.

Tiyak na layunin ng pananaliksik na ito ang ang mga sumusunod:

1. Matukoy ang mga social networking sites na ginagamit ng mga mag-aaral.


2. Anu-ano ang mga mabuti at masamang epekto ng isang Social Networking Site?
3. Anu- ano ang mabubuting naidudulot ng paggamit ng Social Networking Sites sa

mga studyante sa ACLC Antipolo?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa Mga Mag-aaral

Matutulungan ang mga mag-aaral na malaman o maintindihan kung ano ang epekto

ng social networking sites sa kanilang pag-aaral. At dahil sa kaalamang ito, matututunan

nilang palawakin ang paggamit nito o maglagay ng limitasyon sapaggamit.

Sa Mga Magulang

Makatutulong din ang pag-aaral na ito sa mga magulang upang magabayan nilang

mabuti ang kanilang mga anak sa wastong paggamit ng social networking sites.
Sa Mga Guro

Magiging daan ito upang maging kawili-wili at mas epektibo ang pagtuturo ngmga

guro sa mga kanilang mag-aaral.

Haka ng Pag-aaral

Isa sa layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang “Epekto ng Social Networking Sites sa

mga Magaaral na ICT ng ACLC Antipolo”. Kung kayat nabuo ang haka na Mayroong

Positibo at Negatibong Epekto ng paggamit ng Social Networking Sites sa mga Mag-aaral ng

ICT ng ACLC Antipolo.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang aming pananaliksik ay tungkol lamang sa maaaring maging epekto ng mga iba’t-

ibang Social Networking site sa mga piling mag-aaral na ICT sa AMA Computer Learning

Center Antipolo City. Bilang karagdagan, ang buong pag-aaral ay nakatuon lamang sa mga

Social Networking site. Ang saklaw ng aming pag-aaral ay 20 bahagdan ng mga mag-aaral

na nasa unang taon ng mga ICT na studyante. Limitado lamang ito sa aming paaralan at ang

mga nasabingmag-aaral lamang ang masasaklaw nito.

Balangkas na Pang- teoretikal

A. Maikling Kasaysayan ng Social Networking


Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay maaaring maging

basehan para sa interaksyong sosyal nacomputer-mediated. Ito ay bunga ng The

Network Nation ni S. Roxanne Hiltz at Murray Turoff na nagdulot ng pagsulong ng

kagamitan ng kompyuter sa pakikihalubilo. Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang social

networking noong 1995 sa pagtayo ng isang social network o SN na nagngangalang

Classmates.com, isang websayt kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng

kanilang mga lumang kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili ang

komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang media release ngOregon State

University(2007), si Randy Conrads ang gumawa ng websayt na ito. Sakaragdagan, sinabi

ng Classmates.com na ng kumpanyang ito ay pinagkikita muli angmga residente ng Estados

Unidos at Canada na siyang naging kamag-aral o kasama nila noong sila’y nag-aaral,

nagtratrabaho o maging ang mga kasama nila sa militar.Noong taong 1995, nagkaroon ng

mahigit kumulang sa 40 milyong tao ang kasali sa SN na ito.

Ayon sa mga pag-aaral, ang networking websites ay isang daan tungo sama buti at

maayos na pamumuno ng isang organisasyon at gayun din sa negosyo. Hindi lamang ito

pangsosyal na pakikipaghalubilo gamit ang internet kundi isang magandang paraan din ng

maayos na pakikipag-transaksyon sa iba’t ibang sangay ng kalakal o negosyo. Itong

networking sites din ay ginagamit sa iba’t ibang lugar sa mundo kaya di malayong mangyari

na magkaroon ng iba’t ibang kasunduan sa mga bansang nagkakaroon ng transaksyon

gamit ito.

Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbong ng teknolohiya, hindi

na mapipigilan ang pagdami ng mga taong nagiging kasapi ng mganetworking website.

Gayun din ang hindi pag-alam ng kung anong masamangmaidudulot nito sa mga gumagamit
depende sa site na sinalihan.Masasabi na isang magandang daan ito para makausap ang

mga malalayongkamag-anak at kaibigan nang wala masyadong nagagastos at sa

mabilis natransaksyon, ngunit pagdating ng mga epekto nito sa isang estudyante,

magbabago ang daloy ng pakikisama nila. Ang networking websites ding ito ay nagbibigay

samga estudyante ng mga akala o masasabi nating sa pamamagitan ng networking websites

na ito ay nagkakaroon sila ng malalayong relasyon o long distance relationship. Hindi ito

maiiwasan ngayong marami ng magandang naidudulot ang teknolohiya sa buhay ng bawat

tao.

Ayon kay Young (1996), ang dependent ay gumugugol ng 39 oras sa Internet para

sa sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo. Samantala, ang independent naman ay

kumokonsumo ng 5 oras para sa netsurfing o e-mail lamang. Kadalasan ay ang mga

malungkot, binubukod, o walang kakahayan sa larangang sosyal ang apektado nga diksyong

ito. Marahil ito ang nagbibigay ng kung anong wala sila sa totoong buhay.

Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), sa isang longitudinal napag-

aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng Internet ay may kinalaman sa pagtaas

ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.Isang sarbey ang

ginawa ni Keith J. Anderson, Ph.D. sa 13,000 mag-aaral sa kolehiyo sa walong akademikong

institusyon. Ito ay tungkol sa paggamit ng Internet upang makilala kung paano nito

naaapektuhan ang pakikihalubilo at ang akademikong pamumuhay. Lumabas na ang tipikal

na gumagamit ng

Internet ay kumokonsumo ng 100 minuto bawat araw at ang maliit na grupong ito ang

nagsasabing ang

Internet ay humahadlang sa ilang aspeto ng kanilang buhay.


Ayon sa artikulo ni David Holmes sa librong Virtual Politics: Identity and Community in

Cyberspace (1997), sinasabi na may malaking kahalagahan ang mga kapalit o katumbas ng

paglalabas ng ating kakilanlan sa mga teknolohiya. Ang mga uring teknolohiyang ito ay

nagbibigay ng malaking posibilidad na hindi tayo mawawala (Holmes, 1997).

Sa karagdagan, sinasabi na lubos nating kinokonsumo ang ating oras makabalik sa

ating pinagmulan at hinahanap kung gaano natin kilala angating sarili. Dahil dito, nawawalan

tayo ng kontrol sa pisikal, mental, at emosyunal namundo. Ito ay nababago sa paggamit ng

mga kagamitang komunikasyon.

Balangkas Pangkaispan

Isinasaad sa balangkas ng pag-aaral na ito ay base sa “Coombs Systems Approach”

na kung saan ay naglalagak ng proseso at bunga, ito ang naghahayag ng lagom ng pag-

aaral.

Sa Lagak ay makikita ang profayl ng mga tagatugon/respondent batay sa Kasarian,

Edad, Baitang at Pangkat, Track at Strand. Kasama ang talatanungang tseklist sa Epekto ng

paggamit ng SOCIAL NETWORKING SITES SA MGA MAG-AARAL NA ICT NG ACLC

ANTIPOLO. Nakasaad din ang positibo at negatibong epekto nito.

Sa Proseso ay naglalaman ng paghahanap ng mga taga-tugon / respondente. Pagkalap ng

impormasyon at material na gagamitin. Pagpapasagot at talatanungan tseklis sa mga

tagatugon ng pag-aaral , Pagsasama-sama ng mga tala ng nakuhang sagot sa sarbey ,at

ebalwasyon at analisis ng mga datos.


Sa Bunga ay makikitang natukoy ang EPEKTO NG SOCIAL NETWORKING SITES SA

MGA MAG-AARAL NA ICT SA ACLC ANTIPOLO.

Ang Pidbak naman ay naghahatid ng kinalabasan ng pag-aaral.

Profayl ng mga Paghahanap ng mga


Tagatugon: tagatugon/respondent
e
A. Kasarian
Pagkalap ng
B. Edad Impormasyon at
material na gagamitin
C. Baitang at
Pangkat

D. Track at Strand Pagpapasagot ng


talatanungan tseklist
LAGAK
Talatanungang PROSESO
sa mga tagatugon ng BUNGA
Epekto ng Social
Tseklist sa
pag-aaral Networking Sites sa
Epekto ng Social
mga Mag-aaral na
Networking Sites
sa mga Mag- ICT ng ACLC
aaral na ICT ng Pinagsama-sama ng Antipolo
ACLC Antipolo mga tala ng nakuhang
sagot sa serbey

Ebalwasyon, analisis,
Positibong Epekto at Pagsasa-ayos ng
Negatibong Epekto mga Datos
PIDBAK

Pigura 1

Konseptong Modelo na Nagpapakita ng Lagak,Proseso at Bunga ng


Pananaliksik sa EPEKTO NG SOCIAL NETWORKING SITES SA MGA MAG-
AARAL NA ICT SA ACLC ANTIPOLO.

Depinisyon ng mga Katawagan

Facebook. isang Social Networking Site kung saan nakakatutulong paramagkaroon ng

komunikasyon sa mga taong nais mong kausap na nasa malayo. Isarin itong aplikasyon na
naglalaman ng mga laro at impormasyon tungkol sa iyongmga kakilala. At maaari kang

makagawa ng sariling profile. Itinatag ito noongPebrero 2004 ng Facebook INC.

Social Networking Sites. Ito ay isang sosyal na instruktura na binuo ng isang organisayon,

upang ang isang indibidwal ay matulungan sa iba’t-ibang paraan tulad ng

pagkokomunikasyon sa mga kaibigan at kamag-anak na nasa ibang lugar paglilibang at

pagpapalitan ng mga mensahe.

Tumblr. Ayon kay Jonathan Jarc (www.trendingeducation.com ,2011), ang tumblr ay

isang “microblogging platform”na pinapahintulutan ang mga gumagamit namag pahayag ng

kanilang teksto, imahe, bidyo, link, kasabihan at mga audio sa kanilan “tumblelog”, na isang

short-form blog.

Twitter. Ayon sawww.tweeternet.com, ang Twitter ay isang social networking at

microblogging service site na pinapayagan kang sagutin ang tanong ng “Ano ang iyong

ginagawa?´ gamit lamang ang maiikling mensahe na 140 karakter ang haba, o “tweets” sa

iyong mga kaibigan.

Internet. Ay isang sistema na pangdaigdigang kung saan ito ay tumutulong sa milyong-

milyon tao para makakonekta sa isang web sayt. Tumutulong ito sa mga tao na

nangangailangan ng impormasyon parasa kanilang mga takdang aralin,proyekto at iba pang

mga gawain na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral at trabaho. Ginagamit din ito upang

makausap natin ang mga taong malayo sa piling natin.


KABANATA II
Metodolohiya ng Balangkas

Uri ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalahad kung paano nakalap ang mga

impormasyon tungkol sa pag-aaral. Ang mananaliksik ay gumamit ng isang


“descriptive research m e t h o d ” . K u n g s a a n i t o a y n a g l a l a m a n

n g m g a n a r a r a p a t n a impormasyong kailangan sa pag-aaral.

Mga Kalahok

Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga respondenteng napili nila ay

may malaking kauganayan sa kanilang pag-aaral. Pinili nila ang kursong BSBA dahil alam ng

mga mananaliksik na madalas itong nasa harap ng kompyuter, hindi lamang para mga-aaral

kundi pati narin mag-libang at malaman kung ang mga ito ba ay apektado sa lumalalang

bilang na gumamit ng mga Social Networking Site.

Alam ng mga mananaliksik na ang kanilang mga respondente ay may malaking

maitutulong sa ginawa nilang pag-aaral upang malaman ang mabuti at masamang epekto ng

Social Networking Site. Ang naturang pagsagot ng mga respondenteng ito sa mga

katanungan ng mga mananaliksik ibabase ang resulta ng isinagawang pag-aaral.

Instrumentong Pampananaliksik

Ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang

instrumento sa pangangalap ng mga datos upang malaman ang damdamin ng

mga kalahok sa Epekto ng Paggamit ng Social Networking Sites sa Pag-aaral ng mga mag-

aaral sa mga piling estudyante sa kursong Business Administration sa Unibersidad ng

Misamis.

Lunan sa Pag-aaral
Inilarawan ng pananaliksik na ito ang mabuti o masamang Epekto ng Paggamit ng

Social Networking Sites sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng kursong ICT sa

ACLC Antipolo sa taong 2020-2021.

KABANATA III
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang mga datos
na nailahad. Sa pag-aaral at ang mga katulong sa paggawa ng pag-aanalisa ng
mananaliksik.

A. Maikling Kasaysayan ng Social Networking

Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay

maaaring maging basehan para sa interaksyong sosyal na ng pagsulong ng

kagamitan ng kompyuter sa pakikihalubilo. Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula

ang pagtayo ng isang websayt kung saan ang mga miyembro nito ay

makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase maging sa komunikasyon sa

pagitan nila. Ayon sa isang University (2007), si Randy Conrads ang gumawa ng

websayt na ito. Sa karagdagan, sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang

ito ay pinagkikita muli ang mga residente ng Estados Unidos at Canada na

siyang naging kamag-aral o kasama nila noong sila’y nagaaral, nagtratrabaho o

maging ang mga kasama nila sa militar. Noong taong 1995, nagkaroon ng

mahigit kumulang sa 40 milyong tao ang kasali sa SN na ito. Ayon kina Boyd at

Nicole, ang pag-unlad ng SN ay nagsimula sa websayt na SixDegrees.com. Sa

websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na makagawa ng

kaibigan. Nakatulong ang SixDegrees sa mga tao para makonekta at makapg

padala ng mga mensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa

SixDegrees, hindi nila masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong

ito kaya hindi rin ito nagtagal. Pagkatapos naman ng Classmates.com, maraming

sumunod na SN tulad ng SixDegrees.com noong 1997, LiveJournal.com noong

1999, Friendster.com noong 2002, Multiply.com at MySpace.com sa taong 2003

at ang Facebook.com naman noong 2004.


B.Ano ang Social Networking?

Ang social networking ay isang istrakturang sosyal nag a w a s a m g a

Nodes o s a m a s m a d a l i n g s a l i t a , m g a indibidwal na konektado

ng isa o maraming tema tuladng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig,

at sexualna relasyon.

C.Mga Mabuti at Masamang Epekto ng Social Networking Sites

Ayon sa mga pag-aaral, ang networking websites ay isang daan tungo

sa mabuti at maayos na pamumuno ng isang organisasyon at gayun din sa

negosyo. Hindi lamang ito pangsosyal na pakikipaghalubilo gamit ang internet

kundi isang magandang paraan din ng maayos na pakikipag-transaksyon sa iba’t

ibang sangay ng kalakal o negosyo. Itong networking sites din ay ginagamit sa

iba’t ibang lugar sa mundo kaya di malayong mangyari na magkaroon ng iba’t

ibang kasunduan sa mga bansang nagkakaroon ng transaksyon gamit ito. Mula

sa pag-aaral noong 2007, maganda ang naidulot ng networking websites sa mga

bansang umaangat pagdating sa larangan ng negosyo. At sa pag-aaral ding ito,

na may resulta sa loob ng tatlumpung araw, makikita na higit sa sampung

porsyento ang naidagdag sa pagsulong na pakikipagnegosyo.

Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbong ng teknolohiya,

hindi na mapipigilan ang pagdami ng mga taong nagiging kasapi ng mga networking

website. Gayun din ang hindi pag-alam ng kung anong masamang maidudulot nito sa

mga gumagamit depende sa site na sinalihan.


Masasabi na isang magandang daan ito para makausap ang mga

malalayong kamag-anak at kaibigan nang wala masyadong nagagastos at sa

mabilis na transaksyon, ngunit pagdating ng mga epekto nito sa isang

estudyante, magbabago ang daloy ng pakikisama nila. Ang networking websites

ding ito ay nagbibigay sa mga estudyante ng mga akala o masasabi nating sa

pamamagitan ng networking websites na ito ay nagkakaroon sila ng malalayong

relasyon o long distance relationship. Hindi ito maiiwasan ngayong marami ng

magandang naidudulot ang teknolohiya sa buhay ng bawat tao.

Isa sa masamang epekto ng social networking sites ay nakagagawa ito ng

isa pang katauhan at maling tala ng isang tao sa isa. Nakatala din sa pag-aaral

na ang mga taong walang masyadong social life ay dinaraan ang pananahimik

sa networking. Dahil nga sa nasabi natin na isa itong daan sa komunikasyon sa

mga taong malalayo sa’yo, kilala mo man o hindi. Mahirap ding makahanap ng

privacy dito lalo na sa ibang website na nakikita ang bawat update mo.

(Halimbawa: facebook) Dapat gabayan ng magulang ang kanilang mga anak sa

pagsasali sa iba’t-ibang networking sites ngayon at dapat alamin nila kung ano

ang mga bagay-bagay na pumapalibot sa kanilang mga anak.

KABANATA IV
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Mga Natuklasan
Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng mga tao

partikular ang mga estudyante tungkol sa social

networking .Marami ang naidudulot na maganda ang mga social networking sites

na ito para sa pakikipaghalubilo sa mundong virtual. Bagama’t alam ng mga kabataan

ngayon ang maaring maidulot sa kanila ng pakikipaghalubilo sa iba’t ibang

uri ng tao, ipinagpapatuloy parin nila ang pagiging aktibo sa mga social

networking sites na i t o sa kadahilanang nakikita nila at

n a i p a p a k i t a n i l a a n g kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga

ito. Itinuturing ng mga kabataan ngayon ang social networking bilang isang

“social trend” na humahatak sa bawat estudyante na

gumawa ng k a n i - kanilang sariling account. Marami ring masamang

naidudulot ang pagkakaroon ng account sa mga social networking sites

sapagkat n a w a w a l a ang seguridad ng mga estudyante

a t m a a r i s i l a n g masangkot o mabiktima sa mga di kanais-nais na

tao na mayroonding account sa social networking sites. Sa lahat ng mga

nasabi,m a y r o o n ngang maganda at masamang epekto ang

p a g k a k a r o o n n g accounts sa mga social networking sites ngunit sa mga nakalap

naimpormasyon, mas nakikita ng mga estudyante ang mabuting epekto nito sa

kanila at sa kanilang mga kaibigan, kapamilya at iba pa.

Kongklusyon

Base sa isinagawang pag-aaral at sa mga nakalap na impormasyonay napag-

alaman ang mga sumusunod:


1. A n g S o c i a l N e t w o r k i n g S i t e a y n a k a k a t u l o n g d i l a n g

sa pakikipaghalubilo pati narin sa pag-aaral ng mga

mag-aaral at sa mga taong negosyante.

2. A n g S o c i a l N e t w o r k i n g S i t e a y n a n a t i l i n g m a b u t i

pa rin a n g epekto sa iba sa kadahilanang pagkakaroon ng

komunikasyon sa mga kamag-anak sa ibang bansa, pagpapatibay ng

relasyon s a m g a k a i b i g a n a t s a m g a t a o n g p u m a p a l i b o t s a

kanila.

Rekomendasyon

Iminumungkahi ng mga mananaliksik na paghusayin at palawakin pa ang mga

pag-aaral sa larangan ng Social Networking. Ito ay sa kadahilanang dapat na higit na

maunawaan ng mga tao ang mga mabubuting implikasyon ng Social Networking, at

upang matuto ang mga tao sa tunay na kahalagahan nito at magayak silang sumali na

rin dito.Ito ay dapat gamitin sa wastong pamamaraan. Naniniwala ang mga mananaliksik

na malaki ang maitutulong ng mga SN sa buhay ng tao, lalo na sa henerasyon ngayon

na napakabilis magpalit ng oras. Sa kabila nito, inirerekomenda rin ng mga mananaliksik sa

mga sumasali at mga nagbabalak na sumali sa mga SN site na dapat ay may pag-iingat sa mga

impormasyon na nilalathala sa iyong network. Mahalaga pa rin na maging protektado ang tunay

na katauhan ng sinumang nais na sumali sa mga SN site. Ito ay bilang pag-iingat sa mga

manloloko na lumaganap na sa mga SN site at sa mga nagnanakaw ng katauhan.


Sanggunian

 http://ivaughnn.blogspot.com/2009/02/thesis-filipino.html
 http://www.slideshare.net/faberNovel/social-network-websites-best-practices-
from-leading-services
 http://www.corban.edu/studentlife/hilltop/4-7-08/socialnetworking.html
 About Classmates Online, Inc., Classmates.com, Nakuha noongFebruary 12, 2008
from
http://www.classmates.com/cmo/about/;jsessionid=RIVWXDQ2MEVJ4CQKWZ
SSVRQKBK1GMIV3?s=74606&_requestid=171457,
http://en.wikipedia.org/wiki/Classmates.com

 Anderson, K. Internet use among college students: An


exploratorystudy[ Paggamit ng internet sa mga mag-aaral sa kolehiyo:
Isangeksploratoring pag-aaral]. Nakuha noong February 12, 2008
fromhttp://www.rpi.edu/anderk4/research.html

 Boyd, D. M. at Ellison, N. B. (2007). Social network sites: Definition,history, and


scholarship[Mga social networking sayt:Depinisyon,kasaysayan at kaalaman] .
JournalofComputer-MediatedCommunication,13(1),article
11.http://jcmc.indiana.edu/vol13/issue1/boyd.ellison.html

 Berkowitz, Stephen D. 1982.An Introduction to StructuralAnalysis: The Network Approach to


Social Research.Toronto:Butterworth.
S: I saw her. Is that khryss?
J: yeah. Ur ryt JM
S: Go with her,
( milakaw)
J: Hey
K: may I know u?
J: ahm I just meet you and this is crazy ahm can I get your number?
K: sure
(typing)
K: here it is! Thank u.
J: OH! Other network? Tsk.
K: text me?
J: maybe?
K: call me?
J: maybe?:(
S: oh jef don’t wori about dat. Just used SMART JUMP IN sim, just lod 15 pesos and u
can register to 2 days unli with all networks and 10 minutes free call.
J: really?
S: yeah. Here it is I will give it to you.
J: oh JM thank you very much
K: okey jef. Just txt me or call me ha?
J: sure
S: problem with other network? USED JUMP IN SIM for 20 pesos ONLY, SEE YAH

You might also like