You are on page 1of 6

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN

Panimula

Ang edukasyon ay ang sinasabing kayamanan na hindi makukuha ng kahit sinuman. Isa ito sa

pinakamahalagang sandata upang makamit ang matagumpay na hinaharap. Ito ang huhubog sa isipan at

damdamin ng isang tao. Sinasaklaw ng edukasyon ang estado ng pag-aaral ng mga mag-aaral at kalidad

ng pagtuturo ng mga guro. Ito rin ang tumutulong sa isang bansa upang maging maunlad at progresibo.

Ang pagkakaroon ng matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan

patungo sa pagkakaroon ng masaganang ekonomiya. Sa kabila ng mga ito, maraming suliraning

panlipunan ang ikinakaharap ng ating bansa at isa na rito ang edukasyon. Sa kasalukuyang panahon,

dumarami ang mga kabataan na nagkakaroon ng mababang marka, bumabagsak at hindi makapagtapos ng

pag-aaral sa ‘di matukoy na dahilan. Dahil dumarami ang mga bagay na makakaimpluwensiya sa isang

kabataan, ang pag-aaral na ito ang tutukoy sa mga nakakaapektong salik. Nais nitong mabigyang

kaalaman ang mga mag-aaral sa mga salik na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral at magbigay ng mga

posibleng paraan upang ito ay masolusyunan. Inaasahan ng mga mananaliksik na matuklasan kung ang

mababang marka ay nakakaapekto sa kinabukasan ng isang mag-aaral. Makakatulong din ito upang

bigyang linaw at tugon ang mga katanungan tungkol sa paksang ito. Ang layunin ng sa mga mananaliksik

ay upang matukoy ang limang pangunahing salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante nan a

nagdudulot ng mababang marka. Pangalawa, upang mabigyang solusyon ang mga suliranin at matulungan

ang mga mag-aaral. Pangatlo, upang malaman ang kahalagahan na pag-aaral ng suliraning ito sa

kasalukuyang panahon.

1
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tumalakay sa mga salik na nakakaapekto sa mababang marka sa

pangunahing asignatura ng mga mag-aaral ng Centro Escolar Integrated School-Makati (CEIS-Makati).

Sa kabuuan, ito ay nagnanais na masagot ng mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga salik ang nakakaapekto sa mababang marka sa pangunahing asignatura

ng mga piling mag-aaral ng baitang 11-STEM sa CEIS-Makati?

2. Nakakaapekto ba ang pagkakaroon ng mababang marka sa kinabukasan ng isang mag-

aaral?

3. Paano matutulungan ang mga mag-aaral na nagkaroon ng mababang marka?

4. Bakit kailangan pag-aralan ang isyu na ito sa kasalukuyang panahon?

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Ang suliranin ng pananaliksik na aming ginawa ay may layuning bigyan ng kaalaman ang mga mag aaral

tungkol sa mga sularinin ng isang estudyante sa kanilang pag aaral. Nakasaad sa loob ng pananaliksik ang

mga kaalaman tungkol sa mababang marka na suliranin ng estudyante sa eskwela.

Ang mga Impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong nakalap sa internet at mga

panayam sa estudyanteng nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Masasabi na ang pinaka suliranin na

nararanasan ng mga mag aaral ay ang pagiging tamad, pagkawalang gana o pansin sa pag aaral o ang

sobrang pag gamit ng internet.

Edukasyon ang pianaka mahalagang bagay para sa mga kabataan at isang tao dahil ditto nakasalalay ang

aknilang kinabukasan. Ngunit bakit mayroong estudyante na nakakaranas ng mababang marka? Halos

lahat ng kabataan ay tamad na kaya isa ito sa mga hadlang upang ibagsak o maaring magkaroon ng

mababang marka.. isa rin na tinuturong dahil ang hindi pagseseryoso ng bata sap ag aaral isa na ditto ang

computer games at walang interes. Ayon sa mga mag aaral math daw ang pinaka mahirap na subject sa

2
buong highschool. Maraming ibat ibang suliranin ang kinakaharap ng mga estudaynte bilang estudaynte

hindi natin ito maiiwasan lalo na sa panahon ngayon. Mayron din tayong ibat ibang suliranin na

kinakaharap tungkol dito. Ang unang suliranin na mahirap iwasan ang katamran dahil ditto nag sisimula

ang mga iba pang suliranin na nakakaapekto sa mababang marka ng mag aaral.

Edukasyon

Ang pinaka kailangan ng kabataan. bakit ilan sa mga estudyante ay hindi napagtutuunan ng pansin

ang pag-aaral? Walang taong walang alam, subalit mayroong taong tamad. Ito ay isa sa mga kadahilanan

kung bakit makakakuha ng mababang marka ang isang estudyante. Katamaran ay isa lamang hadlang

upang ibagsak ang estudyante sa kanyang asignatura. Ayon sa pag aaral nakukuha raw ang talino ng tao

depende sa kung paano niya ito ginagamit. Isa rin itinuturong dahilan ng pagkakuha ng mababang marka

ng isang estudyante ay ang hindi pagseseryoso sa kanilang pag-aaral, ang kanilang dahilan ay maraming

humahadlang sa kanila tulad ng computer games, at hindi pagbibigay ng atensiyong sa pag-aaral.

Karamihan na nga sa mga estudyante ang tamad at isa sa kanilang dahilan ay ang mahirap na subject.

Maraming iba’t ibang suliranin

ang ating kinakaharap lalo na ang mga estudyante ngayon at bilang mga estudyante ito’y hindi maiwasan

at ang mga ito ay mayroong iba’t ibang rason.

BALANGKAS TEORITIKAL

Ang pag-aaral ang pinakamahirap na yugto ng ating buhay, maraming mag-aaral ang namomroblema

sa kanilang mababang marka. Ang marka ang pinakabasikong batayan ng perfomans ng isang estudyante

sa klase.

3
Ayon kay Ranges (2011) kabilang sa mga salik kung bakit nakakakuha ng mababang marka ang mga

estudyante, katamaran, di pagseseryoso sa pag-aaral, at pagkahumaling sa makabagong teknolohiya.

Ayon kay Dr. Bernadette Arcena, nawawala ang quality time ng isang bata dahil lumalawak ang kanyang

kaalaman pagdating sa social media na kung saan nagiging sanhi ito upang mawala sa pokus ang bata

para mag aral. Alam naman nating may magandang dulot pa rin ang ang social media sa ating buhay

ngunit kailangan nating liimitahan ang ating pagkahumaling sa social media. Ayon kay Khon (1999) ang

mababang marka ay maaring makabawas sa interes ng mga magaaral sa pagkaturo gayundin sa

kagustuhan nila sa mga bagay na humahamon sa kanilang mental na kapasidad.

BALANGKAS KONSEPTWAL

Binibigyang halaga ng mananaliksik ang batayang konseptwal na bilang gabay sa isinasagawang

pananaliksik. Makikita sa unang kahon ang mga salik na maaring makaapekto sa pangunahing marka ng

mag-aaral sa centro escolar integrated school. Sa pangalawang kahon ang gagamiting solusyon upang

makuha ang mga salik na maaring makaapekto sa marka ng mga magaaral.sa huling kahon ang maaring

kalabasan ng nasabing pag aaral at pag eeksamin sa mga salik na maairng makaapekto sa marka ng mag

aaral.

Suliranin solusyon kinalabasan

 Mga salik na  Pagkalap ng


nakakaapekto sa impormasyon sa  Mababang marka sa
mababang marka ng mga pamamagitan ng pangunahing asignatura
mag-aaral. pagbibigay ng sagutang ng mga mag-aaral ng
 Mababang marka sa papel at sarbey. Centro Escolar Integrated
pangunahing asignatura  Pagkuha ng limang School-Makati AY 2019-
ng mga mag-aaral ng pinakamatas na salik 2020
Centro Escolar Integrated mula sa resulta ng sarbey
School- Makati A.Y na isinagawa.
2019-2020.

4
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

HAYPOTESIS

Hi: Nakaka-apekto ang mga salik na ito sa mga magaaral sa CEIS Makati

Ho: Walang epekto ang mga salik na ito sa mga magaaral sa CEIS Makati.

SAKLAW AT LIMITASYON

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga susunod:

Bansa.

Pambansang Polisiya.

Nangingibabaw na Katotohanan.

5
Rehiyunal.

Komunindad.

Pamantasan.

KATUTURAN NG MGA SALITA

LIMANG SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA MABABANG MARKA

SA PANGUNAHING ASIGNATURA NG MAG-AARAL

NG CEIS- MAKATI A.Y 2019-2020

You might also like